Chapter 22: INTRODUCTION
Chapter 22: Introduction
~VICTORIA~
Natapos ko na ang pang-umagang rounds ko upang suriin ang kabuoan ng library. Maaga pa lamang at wala pang estudyante sa loob. Bumalik ako sa pwesto ko at umupo sa high chair na nasa dulong bahagi ng library kung nasaan ang counter na pwesto ko. Sa entrada ng library nakapwesto ang librarian samantalang nasa dulo naman ako. Inilabas ko ang librong kinuha ko sa shelf kanina upang basahin. Tungkol sa public speaking ang libro at hindi ko alam kung bakit iyon ang napili ko.
Maya maya lamang ay may mga estudyante nang pumasok sa loob ng library. Nakasubsob sila sa kani-kanilang mga pinag-aaralan kung kaya't manaka-naka lamang ang pagsulyap ko sa mga naroon at itinuon na lamang muli sa aklat ang atensyon.
Bigla na lamang akong nakarinig ng pamilyar na boses na naging sanhi kung bakit napababa ako mula sa kinauupuan ko at nagtago sa ilalim ng counter. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na't narinig ko ang paghila ng upuan mula sa 'di-kalayuan ng pwesto ko.
"Mababaliw na ako sa Trigo, Maya," narinig kong himutok ni Calvin. Mahina lamang ang boses niya ngunit dahil nasa kalapit na mesa lang sila ay dinig na dinig ko sila.
"Ano ka ba, Jeremy? Pansit lang kaya ang Trigo," sagot ng kasama niyang si Math. Aba? Bakit tunog nagmamayabang siya sa pandinig ko?
"Pansit nga pero mala-alambre sa tigas! Ayoko na! Titigil na ako sa pag-aaral, mag-aasawa na lang ako— oops! Wala nga pala akong girlfriend! Hahahahaha!" Eh? May nakakatawa ba kung wala kang girlfriend? Buti nga na wala siyang girlfriend!
"Why did you take Chemical Engineering then? Sana ay mechanical na lang din para magka-block tayo," wika ni Math. Hindi ko alam bakit hindi ko mapigilang ipaikot ang eyeballs ko dahil sa sinabi niya. Nahahawa na yata ako sa madalas na gawin ni Amber.
"Ayaw ko. Nakakasawa ang pagmumukha mo."
Bigla na lamang akong nakarinig ng tunog ng paghampas. "Ang sama ng ugali mo," wika ni Math.
"Ang sama ng mukha mo!"
"Che!"
"Che ka rin!"
"Saba!" wika ni Math na ikinakunot ng noo ko. Ano raw?
"Saba ka rin!" sagot ni Calvin. "Teka, ano ang saba?"
"Ibig sabihin no’n mabait ka," natatawang wika ni Math. Malaki ang hinala ko na hindi iyon ang ibig sabihin ng salitang sinabi niya.
"Ah, saba nga ako," sabi ni Calvin. "Teka, pinagloloko mo yata ako, Maya, eh! Alam ko kung ano ‘yang saba!"
"Ano?"
"Island yan! Dating pinag-agaw— Aray!" Isa na namang tunog ng paghampas ang narinig ko. Teka, binubugbog ba niya si Calvin? Aba, hindi ko nga siya halos pinapadapuan ng lamok, tapos parang lamok lang siya kung hampasin ni Math?!
"Tumahimik ka na lang, Jeremy, okay?"
"Pero seryoso, Maya, turuan mo akong mag-Bisaya," malambing na wika ni Calvin. Iyon ang tono niya kapag tinuturuan niya ako dati, bakit ginagamit niya iyon ngayon kay Math? Dati ko nang naririnig na ginagamit niya ang tonong iyon kay Amber pero bakit pati kay Math?! Pinigilan ko na lamang ang sarili kong tumayo mula sa pinagkukublihan ko at batuhin sila ng sapatos.
"Sige! Ok-ok, ibig sabihin no’n ay gwapong lalaki," panimula ni Math.
"Ok-ok. Gwapo. Ok-ok, gwapo."
"Right. Sabihin mo, ok-ok ako," wika ni Math.
"Ok-ok ka," wika ni Calvin.
"Hindi ako! Ikaw! Lalaki nga, ‘di ba? Gwapong lalaki? Kaya sabihin mong ikaw. Isa kang ok-ok," paliwanag ni Math.
"Okay. Isa kang ok-ok."
"Hindi sabi ako! Ikaw!" halos pagmamaktol na wika ni Math.
"Oo nga! Ikaw nga!"
"Hindi! Argh! ‘Wag na nga lang!"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Calvin. "Hindi mo ako maloloko, Maya! Alam kong ipis ang ibig sabihin ng ok-ok!"
Ah, ipis pala ang ok-ok! Ok-ok si Math! Ok-ok si Math! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok! Ok-ok!!!
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Math.
"Hello? Nakalimutan mo na ba ang nangyari noong pinagpasyahan mong formally na buksan ang paper factory mo?"
"Ano?" tanong ni Math. Ha? So ganoon kayaman sina Math? Ah! Wala akong pake!
"Dati ka nang mapapel pero hindi ko naman ini-expect na umabot sa sukdulan kung kaya't nag-volunteer ka na lilinisin mo ang stock room ng publication office! And hey, you even dragged me! At nang makakita ka ng ipis ay tumalon ka at yumakap sa akin sabay sigaw ng ‘hoy giatay, pisti daghay ok-ok!’ I don't even know what that means," paliwanag ni Calvin. Hindi tumatak sa isipan ko ang sinabi niya maliban na lamang sa parte na yumakap sa kanya si Math!
"Forget about it!" wika ni Math. "Wala ka bang pasok?"
"Mamaya pang 9."
"Bakit hindi pa dumarating ang library personnel? Doesn't she know about being on-time? Kay bago-bago pa pero bad record na agad," sabi ni Math. Ako ba ang ibig niyang sabihin? Excuse me, kanina pa ako rito! Mukhang balak ko ngang unahan ang guard sa pagbukas ng Bridle eh!
Nang bigla na lamang may lumapit sa counter at sumampa roon. Halos mapugto ang hininga ko ngunit nang makitang hindi iyon si Math o si Calvin ay napabuga ako ng hangin.
"Eh? Anong ginagawa n’yo r’yan, Miss V?" tanong ng lalaki. Namataan ko siya kanina na madalas tumingin sa akin bago pa man dumating sina Calvin.
"May n-nahulog ako," sinadya kong ibahin at hinaan ang boses. "May kailangan ka ba?"
Itinaas niya ang hawak na libro at ngumiti ng matamis. "Hihiramin ko 'to."
Nasa ilalim pa rin ako ng counter nang inabot ko ang libro. Doon ako nag-stamp at nagsulat sa record. Matapos ang lahat ng kailangang gawin ay iniabot ko sa kanya ang libro. Nakasampa pa rin siya sa counter. Kasabay ng pagtanggap niya sa libro ay ang pagdampi ng palad niya sa kamay ko. Itinaas ko ang tingin sa kanya at malawak ang ngiting iginagawad niya sa akin.
Umayos siya ng upo mula sa pagkakasampa at iniabot ang kamay sa akin. "Ako nga pala si Blue."
Blue? Bakit ang nakita ko na record sa computer system ay Buenaventuro Dablo IV? Napakunot pala ang noo ko nang hindi ko napapansin.
"My friends call me Dablo so that's where I got that nickname," wika niya at bahagyang kumindat. Nanlaki ang mga mata ko at ikinumpas ang kamay na tila ba sinasabing umalis na siya. Ngunit matigas yata ang ulo nito. "What are you doing here by the way?"
Huminga ako nang malalim upang kontrolin ang inis ko. Paano na lamang kung magtaka sina Calvin at Math kapag nakita 'tong si Buenaventuro? Lagot ako kapag nagkataon!
"Hoy Blue, anong ginagawa mo riyan?” boses iyon ni Calvin! Ito na! Ito na ang kinatatakutan ko! Hindi ako kinakabahan sa mga proyekto namin ngunit ngayon ay halos manginig ang kalamnan ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ako nerbyosa pero ngayon ay iyon yata ang nangyayari sa akin.
Napakagat ako sa mga daliri ko at hinintay na dumungaw ang mukha ni Calvin. Nanginginig ang mga kamay ko at napapikit ako dahil sa sobrang kaba. Narinig ko ang tunog ng tila pagsampa sa counter ngunit bago pa man tuluyang mapugto ang hininga ko dahil sa sobrang kaba, isang malakas na tunog ang pumainlang sa loob ng library.
Ba-ba-ba-ba-ba-nana
Ba-ba-ba-ba-ba-nana
Banana-ah-ah
Potato-na-ah-ah
Ba-ba-ba-ba-ba-nana
"Jeremy! Nakalimutan mo na bang dapat naka-silent ang phone kapag nasa library tayo?" narinig kong wika ni Math.
"Hala! Oo nga pala," sagot ni Calvin. Ang boses niya ay nagmumula lamang sa ibabaw ng pinagkukublihan ko. "Buti hindi ko na-silent ang phone ko!" Narinig ko ang tunog ng pagbaba niya. "May lakad pa pala ako, bye Maya!" Papalayo ang boses nito kaya sa tingin ko ay nagmamadaling umalis na ito.
Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at inayos ang buhok ko. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Math sa akin at kay Buenaventuro.
"You're here all along?" tanong niya. Gusto ko sanang taasan siya ng kilay at sabihing kanina pa ako rito at narinig ko pa ang lahat ng sinabi niya.
"Oo."
"Oh..." Napakunot ang noo niya at tinuro ang counter. "But what are you doing under the counter?"
"May nahulog ako," sagot ko sa kanya at napatingin ako kay Buenaventuro nang tumikhim siya.
"Nangangawit na ang kamay ko, Miss V. Hindi mo pa tinatanggap mula kanina," wika niya. Nagbaba naman ako ng tingin sa kamay niya. Mukhang okay naman siya, sa katunayan ay may hitsura nga ito. Maputi ito at halatang mayaman. Sigurado akong malambot ang kamay nito.
"Hey Blue, you like her?" sabat ni Math sa usapan namin. Hindi pa pala ito umaalis at ngayon ay nakatunghay pa sa amin.
Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Buenaventuro. "Who wouldn't like her? She's pretty and fine. A girl in every manner with finesse—"
"Urrrrrrkkkkh!" Sininghot ko ang hangin na nasa ilong ko. May sipon ako kaya hindi magandang pakinggan iyon. Inulit ko pa iyon ng ilang beses at napansin kong tila nandidiring napatingin sa akin si Buenaventuro. Ilang beses siyang napalunok at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Math.
"Uh, sorry. May sipon kasi ako, mga tatlong linggo na, pati ubo. Sabi nung doktor kapag tumagal pa raw ito, kailangan kong magpa-checkup ulit kasi baka raw mauwi sa TB," nakangiting wika ko.
Ngumiti si Buenaventuro sa akin at bumaling kay Math. "So, I was saying..."
Agad kong sinulyapan ang mga kuko ko. "Eh? Bakit andumi ng kuko ko?" Kinagat ko ang mga kuko sa daliri ko at mas lalong nanlaki ang mga mata ni Buenaventuro.
Napasulyap siya sa kanyang relo. "Oh, may klase pa pala ako! So paano? Mauna na ako sa iyo, Miss V? Math?" Hindi na niya hinintay ang sagot namin dahil agad siyang lumayo. Tinanaw ko ang papalayong pigura niya at nagulat na lamang ako nang bigla na lamang hinila ni Math ang kamay kong kagat-kagat ko pa.
Ineksamin niya ang mga kuko ko at nakakunot ang kanyang noo. "Your nails are contrary to what you said. Hindi naman madumi, ah? And basing on your voice, I don't think you have colds."
Binawi ko ang mga kamay ko ngunit muli niyang hinila iyon at sinuri nang mabuti. "Your fingers and body figure is very familiar but your face doesn't ring a bell. Tell me, have we met before?"
Gusto kong sabihin na 'oo' pero pinili kong umiling. Nagkita at nagkausap kami dati— sa ospital nang ninakaw ko ang relo sa isang pasyente. Ako ang may-ari ng relong iyon at kumbaga ay binawi ko lamang. Pasyente si Math noong panahong iyon at may tama sa binti niya dahil ayon sa narinig ko nang araw na iyon, naging hostage sila ni Amber sa mula sa hostage taking na nangyari sa isang convenience store.
Wow. Hindi ko alam kung paloko lang ba ang sinasabi niyang pamilyar ang katawan at mga daliri ko. Paano naman niya naaalala ang lahat ng detalye na tungkol sa akin? Matagal-tagal na rin iyon at isa pa, sa dami ng nakikita niyang tao, malabong maalala pa niya ang bawat detalye at parte ng katawan ko.
"Malay ko, hindi naman lahat ng nakakasalubong ko ay natatandaan ko. Pero nung nag-apply ako rito, ikaw ang nagturo sa amin sa daan patungo rito sa library."
"I'm not talking about that one. Before that, do you think we met?" Seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Alam kong detective rin siya at may matalas na memorya.
Binawi ko ang kamay kong hawak niya. "Sorry, wala talaga akong maalala," sinabayan ko iyon ng malawak na ngiti at kapagkuwa'y umupo sa pwesto ko at nagkunwaring abala.
Hindi na niya ako ginulo pa ngunit sa huling pagkakataon ay hinagod niya ako ng tingin bago umalis ng library.
***
~RYU~
Naiinis na ibinato ko ang wireless keyboard sa sahig. My mind's a mess right now. Nakabinbin ang gawain ko na may kinalaman sa mafia at dumagdag pa ang balita tungkol sa Lupin III.
Now I regretted being a big talk fucking asshole in front of my teammate. Didn't I present a solution? Hell, it wasn't a solution! In fact, it's an additional problem and burden. If we introduce ourselves as LUPIN, complications might arise that will surely affect the mafia.
Kapag nagpakilala kami, mas tutugisin kami ng mga pulis. Kahit na hindi naman ang literal na pagpapakilala ang ibig kong sabihin, it can still arise complications.
Balak kong ipakilala ang Lupin and inform the public that Lupin III is the impostor. We will still remain the faceless four-man group but what the hell am I thinking? How can we pull this through?
Ano kaya ang masasabi ng nakatataas tungkol dito? Now that I think of it, na-excite ako sa isiping magpapakilala na ito. We exchange e-mails whenever we have a project but until now I have no idea about his or her identity.
He used an anonymous server— and a very popular one who, only rich people can afford. These anonymous servers protect their client's privacy. The companies forward the e-mails of their clients. And the anonymous server that he used is the best one that no hacker— either black or white— was able to breach.
Iwinaksi ko iyon sa isipan at muling inalala ang proyekto. If we will succeed on this, magpapakilala na ang nakakataas, and that would be better. I have to think of a way to introduce ourselves. Pinikit ko ang mga mata ko. I rested my chin on my hands and calm my mind.
I have to think of a way to introduce ourselves, the real Lupin. But how?
How do I want to do it? I evaluated myself. I always want attention. I want the spotlight. And— I immediately open my eyes. I think I already know how!
A smirk lingered on the side of my lips before I reach for another wireless keyboard other than the one that I threw.
Yup, later tonight, the spotlight will be on us. Us. The real Lupin.
***
~SA-EL~
Itinapon ko ang sarili ko sa kama. I felt tired today even though I just did a little work. Hindi pa rin mawala sa isipan ko si Victoria aka Margaret Hakonsson the fake. I sighed few times as I recall the hot moments we had in my car.
She's a performer alright. Nothing beats a person who do best in her performance. But... but I can't believe I f*cked a notorious thief-slash-murderer! Muli akong napabuntong-hininga at sinipat ang suot kong relo. Pasado alas syete na ng gabi.
I reached for the remote control on my bedside at binuksan ang TV. It's an evening news. Ililipat ko na sana ang channel nang bigla na lamang lumabo ang signal at nagkaroon ng guhit-guhit na akala ko ay dahil sira ang cable connection. Ilang sandali lang ay isang video clip ang lumabas.
Nagsimula iyon sa countdown.
5
4
3
2
1
Pumailanglang ang isang thrilling na tugtog at nag-flash sa TV screen ang ilang magagandang paintings, antique objects at iba pa. Oh, I guess those items are treasures.
Teka, bakit mukhang pamilyar ang mga iyon? My question was being answered by the clip itself.
Those items were the ones that we have stolen for a year of operation. As I watched the clip, my forehead creased. And then it dawned me. It was a faceless introduction about us, the real Lupin. Sinabi rin ng video clip na impostor ang unang nagpakilala na Lupin III. The video clip states our objective and the composition of the group without giving the hint of our names and gender.
Did the hacker hack the TV stations or what? For a moment I want to hate him for acting without informing us! Hindi man lamang niya kami in-inform! But in some way, I liked it.
So this hacker likes the spotlight, huh? I guess we're on the same boat. His idea is just perfect.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro