CHAPTER 20: ASSISTANT LIBRARIAN
Chapter 20: ASSISTANT LIBRARIAN
~RYU~
MY MIND keep thinking about what happened at Que. That transaction with Fabio is a hoax, as Cooler foreseen. Naalala ko ang sinabi ni Cooler sa akin habang naghahanda ako sa lakad ko.
"Don't close the deal," wika ni Cooler habang nakatayo sa pinto at pinapanood ako habang inaayos ang suot kong necktie.
"Why? Because you don't like Fabio or because of your gut feel?"
"I'll say both."
Napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "What does your gut feel tells you?"
"People like Fabio are cannot be trusted. Sila ang uri ng mga taong aabutan mo ng pagkain ngunit pati kamay mo ay kakagatin. We had enough of those people in the past. Surely you don't want our reapers to dispose people of that kind," paliwanag ni Cooler. Seryosong-seryoso ang mukha nito, his usual expression when it comes to business.
"I am always a believer of your gut feel," I said. "But nevertheless, I have to face those people, whether it's a hoax or not."
"Bring Mnemosyne with you instead of Ares. Maging si Poseidon. Let him watch somewhere."
"Okay, I will."
He nodded his head. "The decision is yours." He turned on his back and left my room immediately.
Until now, Cooler has never been wrong with his intuition. In fact, I take pieces of advice from him than following Cronus' orders. And what happened at Que isn't what as I've expected. Knowing how dirty Fabio plays, I have to make a sacrifice. The project or the mafia. And I chose the mafia over our project. Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ni V.
I was mentally cursing because of what she did. It was something that all made us stop and stare. Her strategy was beyond my expectation and damn her! Up until now, I can clearly see in my mind her slender neck up to her bare shoulders. Her curves were on the right places up to her long slender thighs. Who knew that we'll won? I chose that card game because it's something that isn't popularly played by gamblers, unless you are a true player who relies on playing skills than cheating skills.
We all thought that we lose, and I fucking lose both the mafia and the project. It was a gamble but V was able to pull it through.
"Who are those people?" Tanong ng boses na nagpabalik sa alaala ko. She asked again the same question and snapped her fingers in front of me.
"Acquaintances."
"It seemed liked you plot something with them," she said, turning the car to the left.
"Just to give Fabio a dose of his own medicine," sagot ko. I saw her shrug her shoulders at hindi na lamang nagsalita pa hanggang sa makarating kami ng mansyon.
~VICTORIA~
"ANG MGA libro sa section na 'to ay tungkol sa geography. Dito naman, for history. Kahit na moderno na ang record ng Bridle University, we still maintain the traditional card catalogue to record..."
Paulit-ulit lang ang sinasabi sa akin ng librarian habang iniikot ako sa kabuohan ng bagong library. Sa laki niyon ay para akong nasa museum. Ito na yata ang pinakamalaking library na napasok ko dahil minsan lang naman ako nagagawi sa isang library. Mabuti na lamang at nangangailangan na talaga sila ng assistant at nakatulong din ang pag-endorso ni Mary sa akin sa kanyang tita.
"Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ng librarian. Nakataas ang kilay niya sa buong durasyon na tinuturuan niya ako at ni isang beses ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Hindi ba siya masaya na may assistant na siya? Hindi na siya mahihirapan sa pamamahala sa library lalo na at magsisimula na ang klase bukas.
Bigla akong napatayo nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag. May mga estudyante na roon dahil magsisimula na bukas ang klase. Ang ilan sa kanila ay kahapon pa dumating upang mag-ayos ng mga gamit sa kani-kanilang mga silid sa dorm ng Bridle. Tumayo ako at akmang aalis ngunit napatigil ako sa likuran ng isang malaking shelf nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.
"Medyo malungkot ako. Detective Triumvirate Plus One isn't here anymore. Bakit kasi kailangang sa ibang school pa lumipat si Amber. Si Gray din, sa ibang school na mag-aaral. Pwede namang dito sa Bridle na lang sila mag-college! Maybe they can't bear to live with the painful memories in this school."
"Okay lang 'yan, Math. Kahit ganoon, alam kong naging masaya rin naman sila rito," wika ng isang babae. Nang sumilip ako mula sa shelf na kinatatayuan ko, mahina niyang tinatapik si Math sa balikat.
"I know. Kahit ganoon ay may komunikasyon pa rin naman kami. For now, I have to live a peaceful life here in Bridle with Jeremy."
Si Calvin? Bakit ang tunog ng pagkakasabi niya ay magsasama na sila sa iisang bubong?
Kinurot ng isang babae ang tagiliran ni Math. "Bagay kayo ni Jeremy ha! Ayeeh!"
Ayeeh ka diyan! Pag-umpugin ko kayong dalawa eh.
"Hindi naman!" tanggi ni Math, ngunit iba ang sinasabi ng kanyang ngiti. "Kahit kami na lamang dalawa ang nandito, he will have good memories with me. I can be his Bestie if he wants to."
Asa ka pang babae ka! Si Amber lang ang Bestie ni Calvin. Hindi siya tumatawag sa dalawang tao ng iisang pangalan.
Naalala ko dati, may isang bata rin sa subdivision nila na nagngangalang Victoria. Dahil nagkasundo kami na Victoria ang itatawag niya sa akin sa halip na Tori, gaya ng iba, tinawag niya akong Victoria. Ang isang bata naman na nagngangalang Victoria ang tinatawag niyang Tori kaya minsan ay naguguluhan ang ibang mga kakilala namin.
"Ano ka ba, hindi ka niya tatawaging Bestie, baka Baby!" Sabi ng babae at tumawa pa na tila kinikilig. Baby? Hello? Bakit naman tatawagin ni Calvin na baby si Math eh ang laki-laki na ng babaeng iyan?
"Baby ka diyan!"
"Alam mo Math, feeling ko may gusto sa 'yo si Jeremy eh." Oo, ate. Tama ang feeling mo. Kasi FEELING mo lang iyan!
"Paano mo naman nasabi?"
"Hindi mo ba pansin ang paraan ng pagtitig niya sa 'yo?"
Kumunot ang kilay ni Math at saglit siyang nag-isip. Ganoon din ang ginawa ko. Inalala ko ang panahong nakakatanggap pa ako ng mga tingin ni Calvin. Iyon ay tuwing tinuturuan niya ako. Kapag malaki ang iskor ko ay kakaiba ang tingin ng kanyang mata. Iyon ang tingin na tila ba nagsasabing masaya siya na kasama ako. Isang uri ng tingin na kahit noong mga bata pa kami ay hindi ko nakitang iginawad niya sa iba kundi sa akin lamang.
"Sa tingin ko, ganoon na talaga ang mga mata niya," sagot ni Math. "He got the most soulful eyes that I've ever seen."
"Ayeeeh!" sigaw ng babae. Isang sigaw pa niya ay babatuhin ko na siya ng encyclopedia! Hindi ba niya napansin na nasa library sila? Hindi ako nakapasok sa isang paaralan bilang mag-aaral pero alam kong bawal ang mag-ingay sa library!
Sinubukan kong tumikhim gaya ng ginagawa ng librarian kapag may nag-iingay sa library. Pareho silang natahimik at tinakpan ang kani-kanilang bibig.
"Let's get out of here, Jenny. I'll walk Medicol later," wika ni Math at maarteng tumayo. Agad din naman akong lumabas mula sa pinagkukublihan ko at nag-abang sa gilid. Nang papalapit na sila sa akin ay binangga ko si Math.
"Oops!" sambit niya habang tinutulungan akong pulutin ang mga aklat na nalaglag. "Sorry! Here, let me help you."
"Hindi na, kaya ko-"
"Oh! It's you, V!" masiglang wika niya. "Jenny, siya nga pala yung sinasabi kong bagong hire na assistant librarian dito sa college department, si V."
"Hi V!" bati ng kasamahan niya. "Hindi mo naman sinabi na super ganda pala niya!"
Napansin ko ang pag-ikot ni Math sa kanyang mga mata. "Well she just looks normal for me. Isa pa, beauty isn't about physical looks. It's more on the brain like... Me."
"Ha? Akala ko ang panloob na kagandahan-"
"Well that follows," wika niya at hinila si Jenny palayo. "Halika na nga. See you around, V!"
Nagpeke ako ng ngiti at nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sa cellphone ni Math na kinuha ko kanina nang binangga ko siya. Ayaw ko sanang gawin ito ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Agad kong tinanggal ang SIM card na naroon at binali. Ni-reset ko ang cellphone niya. Mabuti na lamang at wala iyong security lock. Pagkatapos ay inihagis ko iyon nang mahina sa sahig at nagkaroon iyon ng maliit na crack at dent sa gilid ngunit hindi naman apektado ang screen.
Lumabas ako ng library at hinanap si Math. Natagpuan ko siya sa field kasama ang isang malaking aso. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit bigla akong napatigil nang bigla na lamang tumahol ang aso. Tila galit na galit ito at ipinakita ang matutulis na pangil.
"Medicol, no!" Nag-angat ng tingin si Math sa akin mula sa aso. "Oh, V! Ikaw pala."
Itinaas ko ang aking kamay na hawak ang kanyang cellphone. Nagliwanag ang mata nito at agad na lumapit sa akin.
"My phone! Ngayon ko lang napansin na naiwan ko pala sa library."
"Nahulog mo 'yan," pagsisinungaling ko sa kanya at inabot ang cellphone. "Nasira yata pero hindi naman ganoon kalala."
Kinuha niya mula sa aking ang cellphone at sinuri iyon. "W-what happened? Bakit parang na-reset yata? And where's the SIM? My God, there's nothing left here kahit na isang contact man lang or picture."
Bigla na lamang lumungkot ang kanyang mukha at kahit papaano ay nakonsensya ako sa ginawa ko. Paano na lamang kung may mga mahalagang impormasyon at contact numbers pala roon? Hindi ko man lamang iyon inisip bago ko ni-reset ang cellphone.
"Pasensya ka na. Baka may mahalagang bagay roon," nakayukong wika ko sa kanya.
"Well there are, but mostly are pictures with Jeremy! Hindi ko pa naa-upload iyon sa Facebook account ko! Wala akong problema sa contact numbers, I have copy of those but the pics, what should I do now?!"
Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay. Mabuti na lamang at nakayuko ako. Kung kanina ay pinagsisisihan ko ang ginawa ko, ngayon ay iniisip kong sana hindi lang ganoon ang inabot ng cellphone niya. Sana pala ay nilagare ko iyon, pinalakol, pinasok sa blender, pinulbos at tinapon sa hangin.
"And V, you don't have to say sorry for it." Itinaas niya ang kamay na may hawak na cellphone.
"Ha? Hindi ba nagagamit pa 'yan?"
"I will not use it anymore. See? May dent na dito," tinuro niya ang maliit na dent sa gilid. "Bibili na lang ako ng bago. At least I have now a reason to buy the latest model that I am rooting for," mayabang na wika niya. "Gusto mo sa 'yo na lang 'to?"
Pinigilan ko ang sariling taasan ulit siya ng kilay. Pinuwersa ko ang sariling ngumiti sa kanya. Hinigit ko mula sa bulsa ang cellphone. Iyon ang cellphone na huling kinuha ko kay Amber. "Salamat pero may cellphone din ako."
Napansin ko ang panlalaki ng mata niya. Hinila niya ang kamay kong ibabalik na sana ang cellphone sa bulsa ko. "Wait! Bakit pamilyar ang cellphone na ito?"
Nagtagumpay siya sa pagkuha ng cellphone ko. Sinuri niya iyon ng malapitan at tiningnan ako ng masama. "This isn't your phone! Did you steal this?"
"Sa akin yan."
"No!" Bigla na lamang niya akong hinablot sa braso. Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya doon. Maging ang aso ay galit na rin, na tila ba anumang oras ay handa na akong lapain. "This is Amber's! You see this sticker here? Ako ang naglagay niyan dati. And even if you remove this one, walang makakaligtas sa observant na mga mata ko! You didn't even change the wallpaper! Imposible namang may aso ka rin na kamukha ni Filter!"
Hindi ko talaga pinalitan lahat ng iyon. Ang dating cellphone na kinuha ko kay Amber ay may larawan nilang tatlo ni Gray at Calvin at hindi ko rin iyon pinalitan. Nitong huli naman ay larawan ng isang aso.
"Come with me to the police station!" Hinila niya ako ngunit nanatili kong nakatayo roon. Dahil mas matangkad at mas malakas ako sa kanya ay hindi niya ako nahila.
"Kung gusto mo, tawagan mo na lang si Am-"
"Mayaaaaaaaaaa!"
Bigla na lamang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Pamilyar ang boses na iyon. Napakapamilyar. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong sinalakay ng kaba. Marahil ay hindi pa ako handa sa muli naming paghaharap. Tinangka kong humakbang palayo ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Math sa braso ko. Sa kaba ko ay tumalikod na lamang ako upang hindi ako makita ni Calvin.
Tila natutuwa naman ang aso nang makita si Calvin. Nang sinubukan kong humakbang ulit ay muli itong nagalit at naglabas ng pangil. Anong problema ng asong ito sa akin?
"Maya, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."
Nasa likuran ko na ang boses na iyon at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Tahimik na hinihiling ko na sana ay kainin na lamang ako ng lupa o mag-teleport kung saan basta ba makaalis lang ako rito.
"Give me your phone," wika ni Math kay Calvin. "Tatawagan ko si Amber." Nalipat ang tingin niya sa akin. "You'll never get away with this."
Kinuha niya ang cellphone ng nagtatakang si Calvin. Pinindot niya iyon ng ilang beses at inilagay sa tenga. Sandali lamang ang hinintay namin dahil agad na may sumagot sa tawag.
"Amber, by any chance did you lose your phone?" Tumahimik siya saglit at biglang kumunot ang noo. "Really? Someone named V? Oo na, sige. I just called to ask." Pinatay niya ang tawag at tiningnan ako. "That was a misunderstanding. You should have said that she gave it to you."
Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko at nakiramdam sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Binitawan ni Math ang braso ko at si Calvin naman ang hinarap.
"Bakit mo ako hinahanap?"
"V? Sino ba kasi 'yang kasama mo?" tanong ni Calvin at humakbang upang tingnan ako. Naging mabilis naman ang reaksyon kong takpan ang mukha ko gamit ang kamay ko ngunit hindi na pala iyon kailangan dahil pinigilan siya ni Math sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"She's V. Halika na nga!" Hinila siya ni Math palayo sa akin at saka pa lamang naging normal ang paghinga ko. Habang papalayo sila ay naririnig ko pa ang usapan.
"V? V ang pangalan niya?"
"I guess that's her nickname. Her name starts with V. I heard her name from the librarian, nakalimutan ko lang kung ano 'yon," sagot ni Math.
"V... V for Vendetta?"
Pinigilan kong matawa mula sa kinatatayuan ko. Nagbago man ang hitsura niya, hindi pa rin nagbabago ang pagiging kwela niya.
"Hindi! Ano nga ba 'yon? Parang brand yata ng perfume at under—"
"Alam ko na!"
"What?"
"Vulgari!"
"Tanga! B yun, hindi V!"
"Aha! Vior!"
"Tumahimik ka na lang!"
Isang ngiti ang sumilay sa labi ko. Siya pa rin ang Calvin na kilala ko. Huminga ako ng malalim bago humakbang sa kabilang direksyon.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro