Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: THE HYPNOTIST

Chapter 2: The Hypnotist

March 2016

~MIMO~


Maingay ang musika na nagmumula sa loob ng mga kalapit na department store. Masikip ang daan dahil sa mga taong naglalakad doon. May mga sidewalk vendors din na abala sa pagma-market ng mga produkto nila. Habang panay naman ang sulyap ko sa suot kong relo.

Ayon sa kalkulasyon ko ay may limang minuto na lamang at dadaan na sa makitid na eskinitang ito si Rupert Sy— isang kilalang businessman. Bago iyon ay kinuha ko ang atensyon ng mga taong nasa paligid.

"Magandang araw sa inyong lahat!"

At first, no one paid attention on me despite my loud voice. Inulit ko ang pagbati ko ngunit iilan lamang ang napadako ang tingin sa akin. Iyon lamang ang kailangan ko, iilang atensyon lang. I made a gesture using my hand to make them come to me. Nang makalapit sila ay agad ko silang hinawakan sa may batok at pinayuko na tila ba isang basketball team na nagpa-plano ng strategy. Lima silang lumapit sa akin.

"How about putting on a show?" wika ko sa kanila. Tiningnan ko silang lima sa mata at ilang sandali lang ay alam ko nang magagamit ko sila upang magawa ang nais ko. Binitawan ko sila at tatlong beses na ipinalakpak ang kamay ko. Sa pagkakataong ito ay nakuha ko ang atensyon ng karamihan sa mga naroon.

"Gusto niyo bang manuod ng isang palabas?" nakangiting wika ko sa kanila. Hindi ito ang unang beses na napagawi ako sa eskinang ito. I performed my stage hypnosis here for few times.

Pumalakpak naman ang iba at excited na sumagot ng ‘oo’. People started to gather on the side at lumikha ng isang espayo sa gitna para sa amin. Tinawag ko ang dalawa sa limang lumapit sa akin kanina. Isa iyong babae at lalaki na hindi magkakilala. Nakangiti sila nang lumapit sa akin at ngumiti rin sa mga taong nakapalibot.

Lumapit ako sa lalaki. "Ano ang pangalan mo?"

"Owen," sagot nito.

"May kasama ka ba?"

"Kasama ko ang girlfriend ko! Whoo! Hi, babe!" Kumaway pa ito sa isang babae na nasa harap at nakatingin din sa amin. Excited na excited si Owen na tila nasa TV siya at nakasali sa isang gameshow.

Sunod kong binalingan ng atensyon ang babaeng nasa tabi ko. "And you are?"

"Joy," sagot nito at ngumiti sa aming ‘audience’.

"Joy, kilala mo ba si Owen?"

Umiling si Joy bilang sagot at ang sunod kong hinarap si Owen. "Kilala mo ba si Joy?"

Gaya ng sagot ni Joy ay umiling si Owen. Isang ngiti ang pinakawalan ko. "So hindi kayo magkakilala... hmmm... But... I have a feeling that Owen will kiss Joy."

Nag-ingay ang mga tao at pomrotesta naman ang girlfriend ni Owen na nasa isang tabi. "Sa tingin mo ba ay hahalikan mo si Joy?"

Natawa si Owen at umiling. "Hindi! Mahal na mahal ko ang girlfriend ko! Babe! I love you!"

Umugong naman ang kantyaw mula sa mga tao. "Nah, sa tingin ko talaga ay hahalikan mo si Joy."

"Hindi talaga!" tila determinadong sagot ni Owen ngunit nang lumapit ako sa kanya ay may ibinulong ako.

"You will. Kiss her," I said and snapped my fingers in front of him. He stood straight and then crossed the distance between him and Joy and kissed her on the lips.

Sumigaw ang mga tao sa gulat. Sinulyapan ko naman ang relo ko. Last three minutes before Rupert Sy's car will arrive.

"Oh my God!" bulalas ko upang gayahin ang reaksyon ng mga tao sa paligid. Owen's girlfriend stepped forward and pulled Owen from Joy.

"Anong ginagawa mo?" Naiinis na hinarap niya ang kasintahan at maging ito ay halos hindi makapaniwala sa ginawa.

"Babe, hindi ko sinasadya!" Naguguluhang wika ni Owen. The crowd began cheering like this is some sort of a soap opera with heavy drama.

"Hindi sinasadya?! Hinalikan mo siya at hindi sinasadya? How can you kiss her and—" Hindi natapos ng girlfriend ni Owen ang sasabihin nang muling hinablot ni Owen si Joy at hinalikan. Mas dumagundong pa ang ingay ng mga tao sa paligid samantalang hindi naman makapaniwala ang babae. "Owen!"

"Babe hindi ko talaga sinasadya—"

"Hindi sinasadya? Nababaliw ka na ba Owen? Paanong hindi sinasadya ang paghalik sa kanya? You seem to enjoy the kiss—"

At muli na namang hinalikan ni Owen si Joy. Isang ngisi lamang ang pinakawalan ko. If she keeps on saying the word KISS ay hindi rin titigil si Owen sa paghalik kay Joy. Nang muling hinila ng girlfriend niya si Owen ay bumaling naman ako kay Joy.

"Slap her," bulong ko sa tainga niya. Tila robot na humakbang si Joy at pinakawalan ang isang malutong na sampal sa mukha ng girlfriend ni Owen. Gulat na gulat ang mga nanunood at maging si Joy ay nagulat sa kanyang ginawa.

"My God! Hindi ko—" Nagulat si Joy nang bigla na lamang siyang sinalakay ng babae.

"How could you let my boyfriend kiss you and then slap—"

Nagkagulo sila nang muli ay hinalikan ni Owen si Joy kahit na nakasabunot dito ang kanyang girlfriend samantalang sinampal naman ni Joy ang babae. It's less than a minute before Rupert's car will pull off.

The people around began cheering at lumapit naman ako sa tatlo pang tao na kinausap ko kanina. "Ipaghiwalay ninyo silang tatlo," wika ko sa kanila at agad naman silang sumunod at mas lalo lamang gumulo ang sitwasyon.

Then a black car pulled to stop at isang matabang lalaki na may hawak na attaché case ang bumaba roon. Bahagya siyang napatingin sa gawi kung saan nangyayari ang rumble. He's Rupert Sy.

Mula sa pagkamangha niya dahil sa nangyayari ay sinamantala ko ang opurtunidad na iyon at lumapit sa kanya. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya and then I snapped my fingers. Ilang segundo lamang ay tila nawala na siya sa kanyang sarili.

"Sell your shares for a less consideration," bulong ko sa kanya at tinapik siya sa balikat bago hinayaang lumampas at pumasok sa building na nasa malapit.

Napangiti ako at inayos ang kwelyo ng suot ko. Paalis na ako ngunit nang maalala ko ang nangyayaring rumble ay napahinto ako. Tatlong beses na ipinalakpak ko ang aking mga kamay at napatigil ang rumble. Nagtatakang nagkatinginan silang lahat at napabitaw sa isa't isa.

Nagmamadaling nilisan ko naman ang lugar bago pa man ako maturo ng mga taong nakatingin lamang kanina.

Nakahilata ako sa sofa at nakatunghay sa TV. Hinihintay ko ang balita tungkol sa deal ng Sy Holdings sa MM Corporation. Ginawa ko lamang iyon dahil sa pagmamalupit ng CEO na si Rupert Sy sa kanyang mga empleyado. Basically, I did it for a good purpose. Nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagtitinda nito ng ilang share sa MM Corp ay naisip kong gamitin ang kakayahan ko. With a little manipulation and timing, I was able to make Rupert Sy give up his shares. That way ay hindi na makakaranas ng kalupitan ang mga empleyado niya.

At gaya ng inaasahan ko, iyon nga ang laman ng balita. Rupert is no longer the CEO of Sy Holdings at wala na itong direct interest sa korporasyon. Pinatay ko na lamang ang TV at nag-inat.

Ako si Crisostomo Ravales— o mas kilalang Mimo, 31 na taong gulang. Una akong gumamit ng mentalism noong labing isang taong gulang ako. Isang kilalang hypnotist ang lolo ko at namana ko ang kakayahan niyang iyon. Ipipikit ko na sana ang mga ko nang mamataan ko ang isang brown envelope na nasa mesa. I don't think I placed this thing here. Nagtatakang kinuha ko iyon at binuksan nang makita ang pangalan ko roon.

It was a note which says:

I know what you did there. Excellent mentalism, by the way. I have something which would surely interest you. Meet me tomorrow at Higher Museum, 12 AM.

I tossed the paper but in my mind, I'm considering if I should go or not.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro