Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18: QUE (Part 1)

Chapter 18: QUE (Part 1)


~SA-EL~

 
NANDITO NA naman kami sa apartment. The only difference is that it's not the one on the top who called for this meeting—it’s the hacker. At ang nakakainis pa ay natagpuan ko ang sarili ko na papunta rito kahit labag sa kalooban ko. Fine! Let's just say that it is because it’s for the team and not for him.

"Sa tingin ko ay hindi siya pupunta," basag ni Mimo sa katahimikan. Nasa sala kaming tatlo at hinihintay si V ngunit halos dalawang oras na ang lumipas ay wala pa rin ito.

Tumayo ako at humarap sa hacker. "Sabihin mo na lamang ang nais mong mangyari, Hacker. Ako na ang magsasabi kay—"

"Stop calling me hacker."

"Why would I?" panghahamon ko sa kanya. He had that murderous look in his eyes when I talk back pero wala akong pakialam.

"I don't like it when someone calls me hacker," he replied and smirked.

"Hacker. Hacker. Hacker. Hacker."

Bigla na lamang niyang ibinagsak ang hawak na laptop sa mesa. It made a loud sound and Mimo just whistled.

"Say it again," wika nito. His voice screams danger but I am not afraid of him. Tsk! Pare-parehas lang naman kami kaya bakit matatakot ako sa kanya?

"Hacker. Hacker. Hacker. Hacker. Hacker," pagpapatuloy ko.

"You don't know when to stop!" Tumayo siya mula sa kinauupuan at inabot ang kwelyo damit ko. Hindi ako nagpatinag at nang hinila niya ang kwelyo ko ay napakuyom ang kamao ko. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto at pumasok si V.

Napakunot ang noo niya nang makita ang ayos namin kaya agad akong binitawan ng hacker. I fixed my clothes and looked at her.

"Anong problema niyong dalawa?" she asked as she entered the door. Nagkatinginan kami ng hacker at sabay ring nag-iwas ng tingin. I guess the two of us will never get along. Never.

"They've gotten close," tukso ni Mimo at tinapik ang espasyo sa tabi niya. "Halika V, kanina ka pa namin hinihintay. May sasabihin daw ang hacker."

Gaya ko ay nakatanggap din si Mimo ng masamang tingin mula sa hacker but he just shrug it off. Umupo si V sa tabi niya at hinintay na magsalita ang hacker.

"It's about our project." Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan niya. "I know that you're all aware of my family's business. Alam kong nang makilala niyo ako ay inalam niyo ang mga bagay na tungkol sa akin so you are aware that I am from Vander Mafia."

"Wow! Vander Mafia!" Old Mimo exclaimed like he was so excited about it. Geez, nice acting old man. I know that he knew about it.

Binigyan ko siya ng tingin na tila hindi interesado. "I thought it's about the project? Why does it sounds to me that you're bragging about your mafia?"

He looked at me with burning eyes bago nagpatuloy. "I am ordered to represent my family in the poker game which is our next project."

Natahimik kaming lahat. Ang proyekto namin ay ang pagsali sa isang poker game kasama si Fabio Dorco, a known poker player. Napakayaman nito at kung pumusta ay napakalaki. May umiikot na kwento na nandadaya si Fabio kaya palagi itong nananalo. He has everything and he is willing to give up that everything kapag natalo siya.

Kilala rin siyang loan shark. Kapag hindi nakakabayad ng utang ay naniningil siya sa ibang paraan. Ayon sa impormasyong pinadala ng nasa taas, Fabio Dorco has these 3 things and without those, he will never be Fabio Dorco.

First is his dog. I thought it was a dog that suits his personally, savage and rouge ngunit ang pisikal na anyo pala ng aso ang pagkakatulad nila. He have a pug with a very wrinkly face. Kahit saan siya magpunta ay dala-dala niya ang aso niyang iyon.

Second is his collection of sunglasses. Kilala siyang mahilig sa sunglasses and everywhere he goes, he always had his sunglasses with him. Siya ang taong may obsession sa sunglasses. Kahit madilim pa ay nais niyang magsuot ng ganun. Others thought that it's because of his one eye. Ayon sa mga sabi-sabi, he lost his eye when he was just a simple gambler.

Pangatlo ay ang pera. It's the center of his life now. Money is his everything. His life is run by money and possibly could be ruin by it, too. Kaya iyon ang naging proyekto namin. Take every single money and property from him.

"Ibig sabihin?" tanong ni Mimo.

"Which means that I am on the same table playing cards but not as part of the team kundi bahagi ng Vander Mafia," nakayukong sagot ng hacker. "There would be conflict of interest. Iba ang pakay ko roon bilang bahagi ng mafia."

"At ano naman iyon?"

"I cannot give details about it."

I saw V looked away and stared at random things. Kapag ganoon ang reaksyon niya, ang ibig sabihin ay nag-iisip siya.

"Kami ni Sa-el ang papasok doon," bigla niyang sagot na ikinagulat naming lahat. Our original plan is to send the hacker dahil sa impluwensya ng pamilya nito kaya hindi ito mapaghihinalaan.

"Ano?!" bulalas ko. Okay, the only surprising part was when she said "KAMI". Sa simula pa lang ay alam kong ako ang contingency plan. Next to the hacker, my family is influential, too.

"Baguhin natin ang orihinal na plano. Hindi tayo basta-basta makakapaasok sa casino ni Fabio. Matibay ang seguridad nila kaya hindi natin iyon basta-basta mapapasok. Magpapanggap kami ni Sa-el bilang nga ordinaryong tao na lulong sa sugal, iyon ang mga taong nais ni Dorco. Kapag nandoon na tayo, tatalunin natin siya sa mga unang laro hanggang sa hamunin natin siyang ipusta lahat ng meron siya," pagpapaliwanag ni V.

"Tatalunin? Kilala niyo ba talaga kung sino si Fabio Dorco? He knows 101 ways of cheating kaya malabo ang sinasabi niyong tatalunin siya," apela ng hacker.

                                                                                            

"Gagawin natin ang ginagawa niya. Pandaraya," sagot ni V. "Mimo, kailangan mong mag-apply bilang tagapag-alaga ng kanyang aso sa gabing iyon."

"Tagapag-alaga? What?"

V pointed at the information on the screen. "Kahit nasaan siya ay kasama niya ang aso niya at ang tagapag-alaga nito."

"Tama si V," pagsang-ayon ko. "That way we can infiltrate the casino. Ano naman ang naisip mong paraan upang manalo, V?"

She pointed at the picture of a sunglass that was shown in the laptop. "Sa paraang alam niya."

***

Ipinarada ko ang kotse ko sa harap ng hotel. I fixed my clothes and checked myself on the side mirror. Iba ang ayos ng buhok ko at ba rin ang istilo ng pananamit ko. I am not Israel Verona tonight. Ngayong gabi ay ako si Robert Xavier, a gambler.

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa bumaba si V. Nakalugay ang maayos na kulot niyang buhok. Her big dangling earrings matched her red fitted dress na hindi man lamang umabot sa kalahati ng kanyang hita. It was so short that whoever mother would see her daughter wearing it would freak out! And right now, I felt like I'm her mother!

She topped her dress with a black coat so I didn't have a chance to peek on her slender shoulders. Her face was covered with makeup which truly match her but her red luscious lips were frowning.

She searched for my car at nang makita ako ay mabigat ang hakbang na lumapit siya sa sasakyan ko.

"Hey," bati ko sa kanya at pinagbukas siya ng pinto. Tango lamang ang isinagot niya bago pumasok sa sasakyan at umupo roon. She looked straight to the front, still frowning.

I leaned on the car's window at hinarap siya. "Kinakabahan ka?"

She shook her head and sighed. "Hindi."

"What's wrong?"

Mula sa pagkakatingin sa harap ay nalipat ang tingin niya sa akin. "Ikaw ba ang pumili sa susuotin ko?"

Umiling ako. "Hindi. It's the hack—oh shit." What a perverted bastard! Siya ang pumili ng damit na susuotin ni V because he volunteered. He said that he knew someone who has a good fashion sense! And yeah, it was really good but holy cow! Does he knows that it was too revealing?!

Mahinang sinuntok ni V ang dashboard ng sasakyan dahil sa inis. I knew her well enough. She doesn't like sexy clothes. High heels are a big no. Flirty dress and skimpy shorts? Hell no.

"Halika na nga!" she said and reached for the gum in my car. Kumuha siya ng tatlong piraso at isinalampak iyon sa kanyang bibig. Agad naman akong sumunod at pinaandar ang sasakyan patungo sa QUE. It was a bar with an underground gambling. Nang makarating kami sa parking lot ay nakatayo sa isang tabi ng isang mamahaling sasakyan ang hacker. I hate to say this but such car was so expensive that it will really affect my personal savings if I purchase that model.

Lumabas si V ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakakuyom ang kanyang kamao nang bahagya siyang lumapit sa hacker, but she still maintained a distance between them upang hindi sila maging kahina-hinala. Kasama ng hacker ang isang babaeng maganda. She was frail looking in her white complexion and slender body. Her face was angelic and she looks like a girl who needs a guy to protect her.

"Bakit ito ang pinili mong damit?" V asked without hesitation.

"What?!" I heard the pretty girl cursed beneath her breath nang mapatingin siya sa kabuoan ni V. "I thought that dress is for Amber!"

Hindi sinagot ng hacker ang babae. "Technically speaking, yeah but it's really a no. See you around."

Hindi man lamang nito pinansin ang presensya ko. He walked away and the girl walked with him, pilit na inaabot ang braso niya ngunit inilalayo naman iyon ng hacker. Damn him. Why is he so cruel to such pretty girl?

Dumaan kami sa harap ng Que kung nasaan ang mga taong nagkakasiyahan sa pag-iinuman sa ilalim ng malamlam na ilaw at maingay na musika. Pumwesto kami sa mesa na malapit sa pinto at doon nagmasid ng halos kalahating oras. I held V's arm and led her towards a table where a man with a bulky body stands. We went straight to the door with the bag of money ngunit hinarang ako ng bouncer.

"Gusto kong sumali sa laro nila," deklara ko.

"Hindi maaari. Pribado ang larong mangyayari sa loob."

"Sabihin mo kay Fabio Dorco na ako si Robert Xavier. Kilala niya ang pinsan kong si Mauricio Xavier," pamimilit ko. Si Mauricio Xavier ay isang napakayamang tao na nalulong sa pagsusugal. He got broke and wasn't able to pay Fabio kaya siningil siya nito sa ibang paraan.

"Pasensya na po talaga—" Hindi natapos ng bouncer ang kanyang sasabihin dahil biglang bumitaw sa pagkakahawak sa akin si V at pinasok ang pinto.

"Ito pala ang laman ng pintong ito," she said in a loud voice kaya napatingin sa pinto ang lahat ng naroon. On the round table was Fabio, Orlando, the hacker and another guy with a big scar on his face.

"Ma'am hindi po—"

"Sino kayo?" tanong ni Fabio na napatayo sa kanyang pwesto. I took that opportunity to push away the bouncer and entered the room.

"Fabio," bati ko sa kanya. "Fabio Dorco. Ako si Robert Xavier."

"Xavier?"

"I believe you're acquainted with my late cousin," wika ko sa kanya.

"Xavier? Ah, Mauricio. Ang baliw na iyon," he said with a laugh. "Ikinalulungkot ko nga pala ang sinapit niya."

"It's the past. Iba ang ipinunta namin dito," wika ko sa kanya. Fabio looked at V kaya lumapit ako at hinawakan si V sa braso. "This is my partner Alexa."

Tiningnan niya si V mula ulo hanggang paa na tila ba asong nakatingin sa isang malinamnam na buto. I prevented the urge to pull V closer to me and punch him.

"Partner? Not a wife?"

"Partner... for now. We're planning to get married soon," sagot ko sa kanya. "I want to join your game."

Isang malakas na tawa ang isinagot ni Fabio. He looked at the guys at his back at nakitawa na rin ang mga nasa likod maliban sa hacker. Nakakainis pakinggan ang kanyang pagtawa at anumang oras ay nais kong sapakin siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang oras upang umakto na wala sa plano.

"How high are the stakes?" he asked. Binuksan ko ang bag at inilapag iyon sa harapan niya. Tinanggal niya ang suot na sunglasses at tiningnan ang pera.

"That's more or less five million just for tonight. I can raise the stakes if I want to," wika ko. muli niyang sinuot ang kanyang sunglasses at handa na sanang tanggihan ang inaaalok ko ngunit nagsalita ang hacker.

"We are busy people, Fabio."

Yumuko sa kanya si Fabio at agad na humingi ng paumanhin. "I know that. Kailangan na nating maisara ang deal sa lalong madaling panahon. "Parker! Palabasin—" he was immediately cut-off by the hacker.

"Let them."

"Ano?!" gulat na tanong ni Fabio.

"Akala ko ba ay isa itong pribadong laro para sa pagsasara ng deal," sabat ng lalaking may malaking peklat sa kanyang mukha. He looked at me and V scornfully. Hindi ko na lamang siya pinansin at muling hinarap si Fabio.

"Tama sila Vander!" dagdag ni Orlando. "Bakit mo hahayaang may estranghero na sumali sa larong ito?"

The hacker stood up at lumapit kay Orlando. "I've been wondering why I always lost simula nang pumasok tayo sa silid na ito." Nang tuluyan siyang makalapit kay Orlando ay isang listening device ang tinanggal nito mula sa tenga nito. Maliit lamang iyon at mukhang hikaw ngunit hindi maipinta ang mukha ni Orlando nang inihagis iyon ng hacker sa ibabaw ng mesa kung saan nagkalat ang mga baraha at chips. Sunod niyang nilapitan ay ang lalaking may malaking peklat sa mukha. He removed the sunglasses that he wore at inihagis iyon sa mesa. Laking gulat ko nang bigla na lamang hinugot ng kasama niyang babae ang itim na bagay sa kanyang binti at pinaputok iyon sa paligid. There were a total of six gunshots at nang tingnan ko ang mga bagay na pinaputukan niya sa paligid ay napaamang ako. Spy cameras.

"You three are cheating on me. Paano kayo pagkakatiwalaan ng mafia kung sa isang simpleng laro ay hindi na kayo mapagkakatiwalaan?" tanong ng hacker sa kanila. It may seem impossible but the pretty girl who was beside the hacker was now standing behind Orlando and the scarred guy. May hawak na rin siyang dalawang baril na parehong nakatutok sa ulo ng dalawang lalaki. I swear I didn't notice her moved. Ito na siguro ang panahon upang huwag akong maniwala sa lahat ng nakikita ko. Just few minutes ago, I see the girl as pretty and weak like the one who needs a guy to protect her but now it was different. Isa siyang babaeng dapat katakutan dahil mapanganib siya. She was Death hidden in a small and sexy body.

"Sa tingin ko ay isa itong hindi pagkakaintindihan!"

Nang tumayo ang hacker upang lisanin ang lugar na iyon ay humarang sa daraanan niya si Fabio.

"Hindi ko sila kasamahan! Hindi ko alam ang mga ginagawa nila!"

All this time V and Mimo were silent. Sa katunayan ay maingat na nagmamasid sila sa paligid upang maisakatuparan ang plano.

"I'm sorry but I think kailangan naming pag-isipan ulit ang—"

"Take them outside!" sigaw ni Fabio at agad namang kinuha ng mga bodyguard sina Orlando at ang lalaking may peklat sa mukha. At first, they resisted and begged Fabio for a chance ngunit hindi sila pinagbigyan. Nang tuluyan ng makalabas ang dalawa ay muli niyang pinilit ang hacker.

"Hindi ito kailangan pang pag-isipan ulit, Apollo," wika niya at tiningnan kami. "Why don't we start playing with these two now?"

"Sa tingin ko ay wala na akong ganang maglaro pagkatapos ng nangyari," sagot ni V. She tried to pull me away but it was a part of her strategy.

"How about raising the stakes? Maniwala kayo sa akin, hindi ko sila kasabwat! Vander, hindi mo na ito kailangang pag-isipan pa." Halos pagmamakaawa na niya.

Lumapit ako sa poker table at sinuri ang mga barahang nandoon. "How about changing these cards for a clean start?"

Pumayag naman sila at agad na nagpakuha si Fabio ng bagong baraha. I played with them while V sat on my side. Gaya ng plano ay pinatalo ko ang lahat ng meron ako. The hacker does no good in poker o baka naman sadyang nagpapatalo rin siya.

"That's all I have tonight," wika ko nang matalo ang huling salapi na meron ako.

Isang nakakainis na ngisi ulit ang pinakawalan ni Fabio. "Kung ganoon ay makakaalis ka na."

"How about giving me Que and all your other bars if I won?"

Sumuspende sa hangin ang kamay niyang akmang kukuha sana ng baraha. His silly grin slowly vanished at tiningnan ako. "Baliw ka."

"Try me."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa hacker. "Makakaalis ka na Xavier dahil may importanteng pag-uusapan pa kami ng bisita ko," wika niya na ang tinutukoy ay ang hacker.

"Why don't you play with him? I need some time to think about the deal," sagot ng hacker.

Naging madilim ang reaksyon ng kasama niya. She moved closer to him and spoke in a low voice.

"Apollo, alam mong ayaw ni Cronus ng delay sa mga—" napatigil siya ng itinaas ng hacker ang kanyang kamay.

"I'm raising my bet, too. Play with him and if you win, the deal is on."

Naging maliwanag ang mukha ni Fabio. "Mapanghahawakan ko ba ang sinasabi mong iyan?"

"I swear on the name of the mafia," mayabang nitong sagot at tumayo. He sat on the couch near Mimo and the pug. "Nice dog."

The dog clenched its teeth and howled at the hacker. Yeah, the dog also has this hate at first sight to him.

Alam kong sinasadya ito ng hacker upang maging madali ang plano namin gayon na rin ang kanyang tungkulin bilang bahagi ng mafia. Earlier today, he sent us a file exposing how Fabio Dorco cheats at poker. The first level of his cheating was just exposed— through the help of his cronies. Hindi lihim sa mga naging kalaro ni Fabio na kasamahan niya sina Orlando at ang lalaking may peklat sa mukha. Once they're exposed, ipagkakaila niya ang dalawa ayon sa kanilang plano.

"Let's play. Kung gusto mo ang lahat ng bar ko, ano naman ang makukuha ko sa iyo?" nakangising tanong ni Fabio.

"Everything I have and even my life," matatag kong wika. Isa iyong malaking sugal. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon. We are dealing with a professional cheater while I am an amateur. The only card I have against him is that I have a little knowledge of how he cheats.

"Everything? Ibig sabihin ay kasali ang iyong—" sinadya niyang bitinin ang sasabihin at tiningnan si V. He wet his lower lip with his tongue. "Partner." He emphasized the word partner. And V's face whitened with surprise.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro