Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16: HOW TO GET AWAY WITH MURDER

Chapter 16: How to Get Away With Murder

~SA-EL~

Few days ago...

PAULIT-ULIT NA bumabalik sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mommy. Galing ako sa mansyon ng mga Verona at pinagsisisihan ko kung bakit umuwi pa ako roon.

"Israel, kailan ka ba magtitino? Are you contented with the life that you have? Patambay-tambay? Walang trabaho? Why don't you use your degree and help your dad?!"

Ibinaba ko ang hawak kong kopita na naglalaman ng mamahaling wine. No matter how I tried to forget what she said, it keeps on ringing at the back of my head. My mom always despise me and I don't know why. She always wants me to be the "perfect" son which I cannot be.

She told me to grow and be a Verona dahil naiinis siya sa mga feedback ng mga kaibigan niya. They call me the black sheep of the Verona Family. My elder brother Zachariah grew up following every order they gave him. Yes, he's successful now yet unhappy. Ang bunso naman namin ay si Ezekiel, nasa elementary pa lamang siya but he is a living robot. I am the middle child and when they told me to take up Business Management, I did but I was unhappy, too. Nevertheless, I pursue it. When Mom told me to pursue law, I tried ngunit pagod na akong mamuhay na dinidiktahan.

Why I hate it that much because the reason why Mom is so pressured to make us into something better is for people to see. Nagpapaapekto kasi si Mommy sa sinasabi ng mga tao. I don't hate her though.

I hate the people who've got something to say in everything we do, either good or bad. Some people tend to find flaws and faults in you. No matter what you do, hahanap sila ng butas and make nasty comments about you. Buti sana kung lahat ganoon ngunit hindi eh. Others would disguise it in a way they so-called constructive when in fact it's not. Sometimes people only wanted to show off to make other people see that they are better than you or just to humiliate you.

Mom's friends always comment: Sayang naman si Israel mo. Dapat ganito siya. Dapat ganyan. Ganyan mo ba pinalaki ang anak mo?

I hate all of it. What's worse is that they don't talk about it with Mom in private. Madalas na pinag-uusapan nila iyon sa mga pagtitipon, that's why Mom feels like I am only tarnishing the good name of Veronas. How I wish Mom would separate herself from toxic people like them!

Muli akong nagsalin ng inumin sa baso ko nang tumunog ang cellphone ko. The caller ID says that it's Josh, my drinking buddy. Walang pag-aalinlangan ko namang sinagot iyon.

"Josh."

"How about making the night a day, bro?" he said at naririnig ko sa background ang malakas na musika na marahil ay nagmumula sa lugar kung nasaan siya. And his offer is just in the perfect time. Maybe I will enjoy a little company.

"The chics are here," pang-e-engganyo pa niya.

"Oo na! I'm on my way," wika ko at inilapag ang cellphone matapos pindutin ang loudspeaker button upang magsuot ng pants.

"And bro..."

"Oh?"

"The boys brought something wonderful."

Napahinto ako sa pagsusuot ng pants ko at naupo sa kama upang abutin ang cellphone. "Josh, alam mong hindi ako gumagamit."

"This one's nice, bro-"

"I think I'll stay here tonight," wika ko sa kanya at akmang ibababa ang tawag ngunit pinigilan niya ako.

"Fine dude, kung ayaw mo talaga. Just be here. I prepare something good for you. Alam kong ito ang hilig mo." Sinabayan pa niya iyon ng pilyong tawa.

Matapos magpaalam sa kanya ay agad kong pinatay ang tawag at nagbihis. Bago lumabas ay sinulyapan ko pa ang malaking digital clock na nasa dingding. It says that it's 9:45 PM of Tuesday. I put my wallet and phone in my pocket and immediately walk outside the door.

~VICTORIA~

Bahagya akong natulala habang nakatingin sa katawang bumulagta sa sahig matapos itong hilahin ni Detective Sean. Pareho kami ng naging reaksyon matapos makita ang sariwang dugo na umaagos mula sa isang maliit na butas sa noo nito.

Base sa umaagos na dugo ay masasabing bago pa lamang ang tama ng baril. Agad akong lumingon sa bintana at nakumpirma ang hinala ko. May bumaril sa kanya mula sa labas at malamang ay gumamit ito ng silencer at isa itong bihasang sniper. Bumaril ito sa tamang asinta kahit pa may nakatabing na manipis na kurtina sa bintana.

"What did you do?!" sigaw ni Detective Sean at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin. "Akala ko ba magnanakaw ka lang, now you've crossed the bridge!"

Bigla na lamang siyang bumunot ng baril at itinuon iyon sa akin. Naging mabilis naman ako upang takbuhin ang hagdan at tumalon. Nagpalambitin ako sa pasamano upang maging mabilis ang pagbaba ko ngunit naging mabilis din ang pagsunod ng detective sa akin. Tumakbo ako sa pinto nang marinig ko ang isang putok ng baril.

"Tumigil ka!" sigaw nito at sa ikalawang pagkakataon ay nagpaputok ito ng baril ngunit naging dahilan lamang iyon upang mas mapabilis pa ang pagtakbo ko. Kahit madilim sa labas ay patuloy lamang ako sa pagtakbo palayo sa kanya ngunit sumusunod pa rin ito.

Umabot ako sa likurang bahagi kung saan naroon ang mataas na pader. Wala akong ibang maaaring daanan paalis doon kaya't hindi na ako nagdalawang isip na akyatin ang mataas na pader. Isa pang putok ng baril ang narinig ko ngunit sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang balang dumaplis sa katawan ko.

"A-aaaghhh!" Napahawak ako sa nasugatang bahagi upang subukan na patigilin ang pagdugo niyon. Kumalat ang dugo sa kamay ko na ipinanghawak at ilang beses akong napamura sa isipan ko.

Mula sa kadiliman ay naaninag ko si Detective Sean na tumatakbo at may dalang flashlight. Nang tumapat sa akin ang dala niyang flashlight ay agad kong hinawakan ang balikat ko gamit ang kamay kong may dugo na ipinanghawak ko sa daplis ng bala na natamo ko.

"Victoria!!! Tumigil kaaaa!"

Nasilaw ako sa ilaw na dulot ng dala niyang flashlight ngunit hindi ko binitawan ang balikat ko. Bago ito tuluyang lumapit ay tumalon ako mula sa mataas na bakod at ininda ang sakit na dulot ng pagtalon at ng sugat.

Tumakbo ako patungo sa kinaparadahn ko ng motorsiklo at agad na pinaharurot iyon palayo.

~SA-EL~

Paulit-ulit kong sinapak ang sarili ko. How could I put my team in such dilemma? Kasalanan ko nga ba talaga kung bakit nangyayari ito? Did I spill the beans when I was drunk that's why someone assumed our identity? Ah! Bakit napakatanga ko?!

Kailangan kong parusahan ang sarili ko. I must deprive myself with the things I want. Kailangan kong i-ground ang sarili ko. No nightlife. No drinks. No girls. For a month- ah no. Just 2 weeks. Or no drinks for a month and no girls for 3 days.

Hindi ko pa rin lubusang maisip kung paano nangyari ang lahat in a span of a night. I was drunk that night and then the next morning there's this breaking news about us.

Tumayo ako sa kama at nagbihis. I heard from Mimo that the hacker asked V to find out who was behind this. Ang kapal ng mukha ng hacker na iyon para utusan si V! We're together for almost a year ngunit hindi namin magawang utus-utosan ito samantalang siya?! How dare him. He's bossy and I guess he sees all of us as his subordinates. Damn him!

Pagkatapos makapagbihis ay agad akong nagtungo sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si V. I was heading towards the parking area when a police car stopped. Lumabas mula sa kotse si Detective Sean kasama ang isa pang pulis. What are they doing here? Surely, hindi kape ang ipinunta nila rito dahil pagbaba niya ay may hawak siyang styro cup ng isang sikat na coffee shop. He drunk the last contents and threw it on the nearby garbage bin. Pagkatapos ay sumenyas siya sa kasama at pumasok sa loob ng coffee shop.

I know he doesn't like V. Daig pa niya ang babae kung magtapon ng mga salita para kay V and he's also suspicious about her. Nagmamadaling ipinarada ko ang kotse at pumasok sa loob. When I reached inside, he was already talking to her.

"Victoria Vera, hinuhuli ka namin sa salang robbery at murder," pahayag niya na ikinagulat ng kasamahan ni V at ng ilang customer na naroon.

"R-robbery at m-murder? Sigurado ka ba, Detective?" tanong ng isang barista. They all looked surprise but V maintained her usual blank expression.

"Let's not make a scene here. Mabuti pa at sumama ka na lamang sa amin ng maayos," sagot niya.

I saw V removed her apron at lumabas ng counter. She walked towards the detective at nang dumating siya sa harap nito ay saka siya nagsalita.

"May ebidensya ka ba, Detective?" tanong niya at doon na ako sumingit.

"She's right, Detective! Murder and robbery are grave accusations," wika ko. Hinila ko papalapit sa akin si V at dumako ang tingin ng detective sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"No concrete evidence for now but I know eventually all the evidences will come out."

"I don't know what's with you. Dati robbery lang ang inaakusa mo kay V and now there's murder?"

"I know you are aware about the news of Lupin III. It's a bait and as expected kinagat niya iyon. Ngunit hindi ko inaasahang darating siya sa puntong papatayin niya ang kasamahan kong pulis," sagot ng detective. Inilabas niya ang posas at itinaas iyon. "Uulitin ko, let's not make a scene here."

Nagsimula nang magbulungan ang mga customer na naroon.

"Ikaw ang lumilikha ng eksena, Detective. If you have no evidences, how did you acquire a warrant? O baka naman wala ka ring warrant of arrest?"

The detective's jaw dropped ngunit agad din naman siyang nakabawi. "I told you that she took the bait. And guess what? Binaril niya ang kasamahan ko!"

"Did you see her face? Paano ka nakakasiguradong si V nga iyon?"

Base sa ekspresyon ng mukha niya ay masasabing naiinis na siya. "Kahit na nagbalat-kayo siya, I can prove that we encountered last night."

Sa gulat naming lahat ay bigla na lamang niyang hinila sa braso si V. He grabbed her hard and lift the sleeve of her shirt ngunit bigla na lamang siyang napatda.

"What the..." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya bago niya hinablot niya ang kabilang braso ni V ngunit ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nasaan ang sugat mo? Sigurado akong natamaan ka! I saw you held your bleeding arm! May mg bakas pa nga ng dugo-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at hinila papalayo sa kaniya si V.

"Siguro mas mabuting umalis na kayo bago ko pa i-report ang panggugulo niyo!"

"Ngunit-"

"Mas mabuti ngang umalis na tayo, Detective," wika ng kasama niyang pulis.

"Pero-"

"Detective, baka gusto mong i-report ko kayo? You barge here trying to arrest someone without a warrant. First is the grave accusation and now this? You're acting beyond your power. Isa pa ay nakakaistorbo ka sa establisyementong ito," I said in a firm voice. His angry gaze lingered on V for a while bago siya umalis doon. Sinadya pa niyang banggain si V sa balikat at padabog na isinara ang pinto.

"V, okay ka lang?" tanong ng isang barista sa kanya. She only nodded her head at muling humakbang papunta sa counter ngunit pinigilan ko siya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Can we talk?"

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Pwede bang mamaya na lamang? May trabaho pa ako."

Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya napabitaw ako. Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa kanyang trabaho. Wala naman akong nagawa kundi umalis na lamang doon.

***

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng apartment. We received a project tonight at himalang nandito na naman ang hacker. I'm not used of seeing him hanging around. Kung dati ay nagtataka ako kung ano ang hitsura niya, ngayon ay naiinis naman ako. I wish he would be back to hiding himself behind his keyboard. Mas sanay akong kaming tatlo lamang ni Mimo at ni V ang naroon at tanging ang laptop kung saan siya nakikipag-usap sa amin ang naroon.

But again, I am more concerned with V now. Hindi pa kami nagkakausap mula kaninang umaga nang pinuntahan siya ni Detective Sean sa pinagtatrabahuan niya. Nang huminto ang isang taxi sa harap at lumabas si V ay agad akong lumapit sa kanya. I pulled her inside the apartment at kinaladkad siya papasok. Fuck, I don't even know why I was acting this way.

"Aray! Ano ba Sa-el!?"

Hindi ko siya pinakinggan hanggang sa tumama ang paa niya sa isang flowerpot na naroon. I was dragging her hard kaya nang mabundol ang paa niya sa paso ay nabasag iyon. She groaned in pain at saka lamang ako napahinto. When I look at her foot, bigla na lamang may bakas ng dugo doon.

"I-I'm sorry..." Napayuko ako upang tingnan ang paa niya but when I lift her jeans, there was a bandaged wound there at iyon ang dumudugo. Nagtatakang napatingin ako sa kanya at inilayo niya ang paa niya sa akin. "Ano'ng nangyari?"

"Natamaan ng baril."

"What?!"

"Ito ang nais ipakita sa 'yo ni Detective Sean," walang emosyong wika niya.

"So he really caught you," I said in a low voice like I was talking to myself. "I thought it's the arm."

"Yan ang gusto kong isipin niya," V said. "Nang natamaan ako ay hinahabol niya ako. Piniga ko ang sugat ko nang maraming dugo ang pumunta sa kamay ko. Ipinahid ko iyon sa braso ko at nag-iwan ng ilang bakas ng duguang kamay sa pader. Sa paraang ganoon ay iisipin niyang sa braso ako tinamaan."

"But your fingerprints..."

"May suot akong gwantes."

I sighed in relief. Victoria is really smart. She knows how to get herself out of trouble. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Despite all her strong points and strategies, she will always be a damsel in distress for me.

"Totoo ba ang inaakusa ni Detective Sean sa iyo? Did you kill the police officer?"

Kumunot ang noo niya. "Hinding-hindi ko iyan magagawa. Nang makarating ako ay nagulat din ako nang makitang may dugo roon. Nang tingnan ko ang paligid, may butas ang kurtina na dulot ng bala."

I lowered my voice. "What?! Someone shoot from the outside? Sino naman-"

"Hoy! Ano'ng binubulong-bulong ninyong dalawa riyan?"

I almost jumped in surprise when I heard Mimo's voice. Tiningnan ko siya nang masama at padabog na pumasok sa loob ng apartment at sumunod naman si V. Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang medicine kit. When I went back to the living room, they were all gathered in front of the screen where our next project was shown.

"Anong gagawin mo riyan?" Old Mimo asked but I ignored him and went to V. She was sitting next to the hacker... No. The hacker was sitting on the sofa across where V sat ngunit bakit nandito siya ngayon?! At maliit lamang ang espasyong nasa pagitan nila!

Umupo ako sa pagitan nilang dalawa and I ignore the glare and smirk that the hacker is throwing me. Sa katunayan ay halos nakakandong na ako sa hacker dahil maliit lamang ang espasyo sa gitna. He didn't dare to move at nagsukatan kami ng tingin.

"Wala ka bang balak na umusod? O baka naman gusto mong kumandong ako sa 'yo? Sorry dude, I'm straight," sarkastikong wika ko sa kanya.

He smirked at me and that was very annoying. Bigla na lamang siyang tumayo nang padabog which almost caused me to fall from my seat. "You're not my type either and I'm 100% straight too. My bitches are a lot better than you. You're not even close."

Sasagot pa sana ako ngunit tumikhim si Mimo at humagikhik which was very annoying, too. I glared at him bago inabot kay V ang medicine kit upang gamutin niya ang kanyang sarili.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro