Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14: LUPIN III

Chapter 14: Lupin III

~SA-EL~

Isang malakas na pagtunog ng cellphone ang nagpagising sa akin. I tried to cover my ears with a pillow but still the phone's ringtone is boring through the soft pillow. Whoever is calling me must be determined enough to wake me up at this hour. And it's still fucking 8 A. M. of Saturday morning! It's too early to get up lalo na at puyat ako kagabi! I hang out with some friends and I had so much to drink to the point na hindi ko na naalala ang mga nangyari. Padabog na napabangon ako at tiningnan ang nakahubad kong katawan sa ilalim ng kumot. Ah! Why can't I remember anything last night?

"Good morning, dude," I greeted to my friend who's the one who always provide me pleasure. I didn't expect it to respond so I covered my body again with the blanket and reached for my phone at sinagot iyon. "Yes?"

"Why do you still sound sleepy?" tanong niya but his voice is a little serious than usual.

"That's because I'm still sleeping, dummy!"

"So you're sleep talking now?"

"Yeah, and I'm gonna sleepwalk toward wherever you are to kill you. Tumawag ka lang ba upang magbiro?"

"Have you seen the latest news?" tanong niya. It was a simple question ngunit hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Napabalikwas ako ng bangon upang abutin ang remote at binuksan ang TV.

"Isang grupo ng magnanakaw ang nagpadala ng online manifesto sa pulisya. Inanunsyo nila sa kanilang manifesto na mag-iisang taon na sila sa larangan ng pagnanakaw at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapakilala. Upang pormal na hamunin ang pulisya, sila na ang nagpakilala sa pangalang Lupin III isang grupo ng mataas na uri ng mga magnanakaw. Ang Lupin III ay binubuo ng apat na miyembro-"

I almost rolled my eyes at naalalang kausap ko pa rin si Mimo sa telepono. "Lupin III, my foot! First of all Lupin lang ang pangalan natin at walang the third!" I mumbled at muling ibinalik sa screen ang paningin kung saan nagsasalita ang newscaster.

"Ang Lupin III ang responsable sa pagnanakaw sa mga mamahaling bato gaya na lamang ng Lily of the West-"

"Lupin III? Since when did we expose ourselves and who thought of that name? Bakit nilagyan ng III?" wika ko kay Mimo habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa screen kung saan inisa-isa ng newscaster ang mga ninakaw namin.

"Wake up, Israel Verona. That isn't us," wika ni Mimo.

"A-anong..."

"Ipinahayag ng Lupin III na nanakawin nila sa eksaktong alas dyes ng Linggo ng gabi ang mga gintong nahukay na pinaghihinalaang bahagi ng Yamashita Treasure-"

"What the- Ibig mong sabihin ay may nagpapanggap na tayo?!"

"Congratulations! Now you're awake!" sarkastikong wika ni Mimo.

"Why the hell are they getting credits for what we have stolen?!" bulalas ko. My eyes were still fixed in front of the screen where the newscaster was giving the details of the items and jewels that this so-called Lupin III stolen which were supposedly stolen by us. Minasahe ko ang aking noo at napapikit sa inis. "Alam na ba 'to ni V?"

"Oo. Siya ang unang nagsabi sa akin tungkol dito. And man, these fake people knows details of our operations. Saan ka galing kagabi?" tanong ni Mimo.

"What? Ano naman ang kinalaman niyon?" I asked but I tried to recall at the back of my mind. Party. Drinks. Drinks. Drinks. Girls. Ah! This is frustrating. Wala akong maalala sa nangyari matapos ang inuman. The last thing I remember is that I am stripping while a chic lay on my bed.

"Wala ka bang ginawa kagabi? Do you remember anything you did last night?"

"What-" Shit. Am I really that drunk to the point that I disclose classified information to others? Iyon kaya ang rason kung bakit may nagpapakilalang Lupin III ngayon? "I'll just get dressed at pupunta agad ako riyan sa apartment."

Nang ibinaba ko ang cellphone ko ay muli akong napamasahe sa sintido ko. If this is really my fault, I don't know if I can forgive myself.

~VICTORIA~

Inihagis ko ang remote sa sofa. Maaga akong nagising ngayong araw kaya ipinasya kong manood ng pang-umagang balita ngunit nagulat na lamang ako nang lumabas ang isang news flash na tungkol sa grupo ng magnanakaw na inilathala ang pagkakakilanlan at adhikain sa internet. Kasabay ng pagpapakilala nila ay ang pag-anunsyo nila ng nalalapit na pagnanakaw nila sa mga gintong piraso na tinuturing na national treasure. Nakatakdang nanakawin ang mga ginto, limang araw mula ngayon.

Sigurado akong hindi kami iyon. Kung sino man ang mga nagpakilalang Lupin III, marami silang alam tungkol sa amin. Alam nila ang mga ninakaw namin. Alam nilang apat kaming miyembro. Hindi ko mapigilang mapakamot sa ulo ko. Inabot ko ang cellphone at tinawagan si Mimo.

"V," wika niya mula sa kabilang linya. "I was just about to call you. Let's all meet."

"Sige. Papunta na ako."

"V."

"Hmm?"

"Sa tingin mo kapag inimbita ko ang hacker, pupunta ba siya?" tanong ni Mimo. Sa likod ng isip ko ay wala akong maisip na sagot. Hindi ko siya kilala at base sa unang impresyon ko sa kanya, hindi maganda ang ugali niya. Sa tingin ko ay hindi kami magkakasundo.

"Ewan. Hindi ko alam."

"Susubukan kong i-contact siya," sagot ni Mimo.

"Baka nakakalimutan mong hindi natin 'yan magagawa. Siya ang unang-" hindi pinatapos ni Mimo ang sasabihin ko.

"Ah-Ah-Ah! You forgot that I got his phone from the day he come to us. Pinadalhan ko ng mensahe ang sarili ko kaya mayroon akong number niya," sagot nito. Nakikita ko sa isipan ko ang nakangiting mukha nito kapag may ginagawa itong nakakatulong sa mga panahong katulad nito.

Nagpaalam na ako kay Mimo at agad na naghanda. Nang matapos ako ay lumabas ako at nag-abang ng sasakyan ngunit isang police car ang huminto sa harapan ko at iniluwa doon ang isang pulis na kinaiinisan namin.

"Magandang araw sa iyo, Binibining Victoria," magiliw na bati ni Detective Sean. Isa siyang pulis na nakatalaga sa robbery unit.

Pinili kong manahimik at huwag siyang pansinin ngunit muli siyang nagsalita. "Wow. Talagang hinahamon niyo na kami. Lupin III huh? Tss!"

Tiningnan ko siya nang masama at muling nagpigil. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang pinagdududahan niya ako. Nasa kalagitnaan kami ng aming proyekto nang bigla na lamang siyang dumating at nahuli ako. Napansin niya ang isang hibla ng buhok ko mula sa ilalim ng suot kong wig kaya hinablot niya ako upang tanggalin ang pagbabalatkayo. Akala ko noon ay mabubulok na ako sa kulungan ngunit bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw at itinakas ako nina Sa-el. Mula nang araw na iyon ay naging mainit na ang dugo niya sa akin at madalas na dinadalaw ako sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop upang masiguradong hindi ako gagawa ng kahit na ano at para na rin magkaroon siya ng sapat na basehan upang tuluyan akong hulihin.

"Ano po ang kailangan nila?" magalang na wika ko sa kanya. Kahit na hindi kagandahan ang ugali ko ay marunong pa rin naman akong rumespeto sa mga nakakatanda sa akin.

"You don't need to pretend that you are a saint, Victoria," wika niya. "I know what you do and one day, I will put you behind the bars. Tandaan mo 'yan."

"Hihintayin ko po ang araw na iyon," wika ko at bahagyang yumuko sa kanya. "Ngunit pwede ba yun? Huhulihin niyo ang taong wala namang ginagawang masama."

Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan niya. "Hindi mo ako maloloko, Victoria Vera. Pareho nating alam na minsan na tayong nagkaharap sa presinto habang nakaposas ang mga kamay mo. Only that you used a different face. Too bad, your curly hair betrayed you."

Napahawak ako sa aking buhok. "Ah, hindi lang ako ang may kulot na buhok."

"I know but some facts won't lie. I will tell you once again, Victoria Vera, I will surely catch you," wika niya at nakipagsukatan ng tingin sa akin.

"Go catch her if you can."

Sabay kaming napalingon ni Detective Sean sa bagong dating. Nakangisi lamang si Sa-el habang nakasandal sa kanyang kotse. Hindi ko man lamang napansin na naroon pala siya. Nakapamulsang lumapit siya sa amin at tumayo sa tabi ko. Tinanggal niya ang suot na shades at hinarap si Detective Sean.

"Is this part of police works now? Harassing people?" Hinila ako ni Sa-el papalapit sa kanya at sinalubong niya ang mga mapanuring tingin ni Detective Sean.

"Kinakausap ko lamang siya, Verona," sagot niya at bumaba ang tingin sa kamay ni Sa-el na nakahawak sa braso ko. "So you prefer a thief slash coffee shop crew than my sister? Is she the reason why you dump my sister?"

Napakunot ang noo ko at nagtatakang napatingin kay Sa-el. Wala akong masyadong alam sa buhay pag-ibig niya. Ang alam ko lamang ay marami siyang babae. Hindi ko rin alam na naging kasintahan niya pala ang kapatid ni Detective Sean.

"There's no dumping because Suzy and I were never together," sagot niya at naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak niya sa braso ko. "Mauna na kami, Detective."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at hinila ako papunta sa kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay sa kabila at pinaandar ang kotse. Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa labas nang magsalita si Sa-el.

"You're welcome."

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Malawak ang ngiti niya ngunit nasa daan pa rin ang paningin niya.

"Ha?"

"Tinuruan ako ni Mimo kung paano ang mind reading. Alam kong iniisip mo kung paano magpapasalamat," sabi niya.

"Hindi ko yan iniisip."

"Ahhh!" Natampal niya ang kanyang noo. "Could you pretend that you're thankful?"

"May malaki tayong problema ngayon, Sa-el. Sa ngayon ay hindi ang pulis na iyon ang iniisip ko."

"I mean me. You should be thanking-" Napatigil siya at isinara ang kanyang bibig nang sinamaan ko siya ng tingin. "Tama ka. Mas malaki nga ang problemang iyon."

"Sa tingin mo ba ay alam ito ng sino mang nasa likod natin?" tanong ko sa kanya. Sa halos mag-iisang taon naming pagsasama sa mga proyekto ay wala pa rin kaming ideya kung sino ang nasa likod namin na siyang nagfi-finance at kung minsan ay nagbibigay ng espesyal na proyekto.

"I don't know. I wish we could do something about this," wika niya. Hindi na ako nagkomento pa hanggang sa dumating kami sa apartment. Nauna akong pumasok at sumunod naman sa akin si Sa-el.

Nagulat kami nang pagdating namin doon ay nakaupo ang hacker sa harap ni Mimo at umiinom ng kape.

"Wow," sambit ni Sa-el. "Hindi ko inaasahan 'to."

Isang blangkong tingin lamang ang isinagot ng hacker sa kanya. Inabot niya ang kanyang laptop at iniharap iyon sa amin matapos kulikotin. "I received this early in the morning."

Lumapit kami sa upuan at binasa ang ipinakita niya sa amin. Galing iyon sa "Taas", ang tawag namin sa taong nasa likod namin. Simple lamang ang mensaheng iyon.

"'Fix it'? Yan lang ang masasabi ng nakatataas sa atin? Wow, they're so concern," sarkastikong wika ni Sa-el. Dumiretso siya sa coffeemaker at kumuha ng dalawang tasa.

"Mas mabuti na rin iyan kaysa wala," komento ni Mimo. "Kailangan nating gumawa ng paraan upang malaman kung sino 'tong mga impostor. Bakit nila 'to ginagawa at ano ang nais nila. From what I understood, they're trying to reveal us and tarnish our name even though we haven't reveal our name to the public!"

Tama siya. Halos isang taon na ang lumipas ngunit hindi pa namin pinakilala ang team namin bilang LUPIN ngunit ngayon ay may mga impostor na nagsasabing sila ay kami at LUPIN III ang pangalan.

"Sinubukan kong i-track ang IP address ng nag-publish online ng manifesto but no avail," wika ng hacker.

"Wow, you're acting like a real member now," sabi ni Sa-el at inilapag sa harapan ko ang isang tasa ng kape.

"Nagtataka ako kung paano sila nagkaroon ng mga impormasyon tungkol sa atin. Kahit ang mga maliliit na detalye ay alam nila. Kahit ang pang-apat na miyembro ay alam din nila," wika ko sa kanila.

"The best thing to do for now is to find out what you did these past days," wika ng hacker. "Tell me what you did or is there anything significant that happ-"

"Pinaghihinalaan mo ba kami? Sa tingin mo ay kami ang dahilan kung bakit may mga impostor ngayon?" mataas ang boses na wika ni Sa-el.

"I'm just asking."

Bigla na lamang nagtaas ng kamay si Mimo at napayuko. "Ako. Nalasing ako noong kahapon at wala akong maalala. Whenever I'm drunk, I still have some memories but yesterday..." Isang malaking buntong hininga ang ipinalabas niya. "I can't remember anything."

Nagulat ako sa pag-amin ni Mimo ngunit mas ikinagulat ko ang reaksyon ni Sa-el at ng hacker. Akala ko ay magagalit sila at sisisihin siya ngunit napayuko ang dalawa at napailing.

Si Sa-el ang unang nag-angat ng tingin sa kanilang dalawa. "The same goes for me. Maaga akong nalasing kagabi at wala akong maalala."

"Ako rin," pag-amin ng hacker. "I got drunk but as far as I can remember, I only took one shot."

Napatingin silang tatlo sa akin at hinintay ang pag-amin ko ngunit tinaasan ko lamang sila ng kilay. Hindi ako lumabas kagabi o kahit noong mga nakaraang araw. Nanatili lamang ako sa bahay.

"Hindi ako nalasing."

"What? Argh! What have we done?" tanong ni Mimo sa mahinang boses. "Kailangan nating malaman kung ano ang nangyari nang araw na malasing tayo, who knows we carelessly gave information of what we do."

Napayuko silang tatlo at minamasahe ang kani-kanilang mga ulo. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko.

"Isipin niyo na lamang kung ano ang nangyari, kailangan ko pang pumunta sa trabaho ko," wika ko at agad na tinungo ang pinto.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro