Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11: POSSIBLE OR PROBABLE

Chapter 11: Possible or Probable

~VICTORIA~

NAKAKABINGI ANG katahimikan sa pamamahay ko. Sanay ako sa ganito ngunit kakaiba ang katahimikang ito ngayon. Mula kasi nang dumating si Amber ay naging maingay ang bahay ko ngunit ang presensya niya ngayon ay siyang dahilan ng nakakabinging katahimikang bumabalot dito. Nakaupo lamang siya at nakatingin sa kawalan. Mugto ang mga mata nito na tila ba galing siya sa matinding pag-iyak.

Kinuha ko ang isang golf club sa tabi at dahan-dahang kinalabit siya gamit iyon. Ginamit ko ang bagay na ito dahil parang natatakot akong lumapit sa kanya. "Uy, napano ka?"

Puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Iniisip kong nais niyang maiyak kaya lamang ay ubos na ang luhang nakaimbak sa mga mata niya.

Ilang araw lamang ang lumipas mula nang tinulungan ko sila. Nagpakilala ako bilang Atty. Natalie Enriquez at sa tulong na rin ni Mimo ay nagtagumpay silang buksan ang safe deposit box ng isang taong namayapa na. Malaki ang pasasalamat nila sa akin ngunit lingid sa kaalaman nila, si Mimo ang may malaking naitulong sa kanila. Ang mga kinakailangang papel ay wala talaga at hindi ko dala-dala ngunit sa tulong ng kakayahan ni Mimo ay inakala ng manager na ang mga ipinakita namin ay siya talagang mga papeles sa ari-arian ni Emerald Deltran. Ngunit laking gulat na lamang nila nang malaman na Bibliya pala ang laman ng box na iyon dahil iba marahil ang inaasahan nila.

"Uy," pagkuha ko ulit sa atensyon nito.

"S-si Je," sagot ni Amber. Nakakatakot ang boses niya. Tila walang buhay at napakalamig. "They took him."

"Sinong sila?"

"Evils."

"Anong gusto mo, krus o holy water?" biro ko upang kahit pa paano ay maibsan ang takot ko sa pagiging tila walang emosyon niya.

"They took him and they will surely kill him." Isang luha ang kumawala mula sa kanyang mata. Samantalang halos mawalan naman ako ng salita.

"P-papatayin nila si Calvin?"

When she slowly nodded her head ay naramdaman ko ang unti-unting pagkuyom ng kamao ko. Kaibigan ko si Calvin at kung sakali mang hindi na kaibigan ang tingin niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya.

"Sabihin mo sa akin kung saan nila dinala si-"

"This is my fight, thief," sagot niya na ikinangiwi ko. Sa ngayon ay galit ako sa mga dumukot kay Calvin kaya wala akong panahon na makipagtalo sa kanya sa pagtawag sa akin ng magnanakaw.

"Huwag mong isipin na wala man lamang akong gagawin upang iligtas siya!" sigaw ko na ikinagulat ni Amber. Bahagya siyang nagulat sa pagsigaw ko ngunit hindi siya nagsalita. "Gagawa ako ng paraan."

"I only have three days..."

Bahagya akong tumango at walang sabi-sabi na muling lumabas ng pinto. Muli akong nagtungo sa apartment. Habang lulan ng taxi ay tinawagan ko si Sa-el. Alam kong hindi bahagi ng proyekto namin ang hihilingin ko sa kanila ngunit desperada na akong iligtas si Calvin sa anumang paraan.

"Hello?"

"Nasaan ka?"

"Nasa apartment ako. Naglalaro kami ng chess ni Mimo at-" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin.

"Hintayin niyo ako riyan," wika ko at agad na pinutol ang tawag. Nang marating ko ang apartment ay nagmamadaling pumasok ako at naabutan silang tila nag-aalala.

"May problema ba?" tanong ni Sa-el pagpasok ko pa lamang. Hindi ko alam kung masyado ba akong halata o magaling lamang silang manghula na may problema ang isang tao.

"Kailangan ko ng mga pampasabog-"

"Whoah!" gulat na bulalas ni Sa-el. "You came here to ask for explosives? What happened, V?"

"Kaibigan," mahinang bulong ni Mimo ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

"K-kailangan ko ng tulong niyo!" Sinikap kong huwag mabasag ang boses ko. Kanina ko pa gustong maiyak ngunit hindi ko iyon gagawin sa harap nila.

"For what?"

"Alam kong hindi ito proyekto at wala kayong obligasyon na tulungan ako-"

"Just spill it, V. Of course we will help you, we're a team," wika ni Mimo. Malamang ay nababasa na niya ang iniisip ko. Kahit na ilang beses ko na siyang pinagsabihan na huwag basahin ang iniisip namin ay ginagawa pa rin niya.

"Kailangan ko ng pampasabog. Kailangan ko rin ng tulong niyo upang i-set up ang mga pampasabog. At ang hacker... Kailangan ko ng tulong niya upang makuha ang blueprint ng-"

"Alam mong hindi natin mako-contact ang hacker para sa mga personal nating problema," paalala ni Sa-el. Hindi ko mapigilang mapaupo at panghinaan ng loob. Hindi nga namin mahagilap ang hacker para sa mga personal requests namin dahil nagpaparamdam lamang siya kapag may proyekto kami.

Nakangiting iwinagayway ni Mimo ang kamay niya sa harap ko. "Ngunit narito naman ako."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"You still have me. Makakatulong ako sa pagkuha ng blueprint-only that not as fast and flawless as the hacker works."

"Kailangan ko iyon sa madaling panahon. May tatlong araw lamang-" bigla na lamang pinutol ni Sa-el ang sasabihin ko.

"Tatlong araw? Three days from now?" tanong niya na ikinatango ko. "But that's our schedule for the project!"

"Alam ko! Pero kailangan kong iligtas ang kaibigan ko! Gagawin ko pa rin ang parte ko... ngunit sa ngayon ay kailangan ko ang tulong ninyo," wika ko. Kulang na lamang ay magmakaawa ako sa harapan nila ngunit hindi ko na kailangang gawin iyon.

"Fine. I'll prepare C4 for you and I'll help you set it up," laglag ang balikat na wika ni Sa-el. Tiningnan niya si Mimo na tila ba tahimik na sinasabing magsalita ito.

"Me, too," wika ni Mimo. "Basta ba magagawa pa rin natin ang ating proyekto. You know that shroud is worth a lot. So, kailan tayo kikilos?"

***

"WHOAH!" bulalas ni Mimo nang makarating kami sa harap ng isang napakalaking bahay. "Sa tingin ko ay mas nanaisin kong nakawan ang bahay na ito kaysa sa pasabugin."

Iyon ang sinasabi ni Amber na lugar kung saan nanatili ang mga may hawak kay Calvin. Wala siyang ideya kung ano ang tunay kong balak dahil sigurado akong tututol siya. Siya ang taong panig pa rin sa kabutihan kahit ano man ang mangyari.

"Alright," wika niya. "We'll do some roving around the area. Basta ba huwag mong kakalimutan ang proyekto natin. I never thought you intended to do this now."

"Alam mo na konti lamang ang panahong meron ako," paalala ko sa kanya.

"Oo na, oo na. You go that way at dito naman ako."

Tumango ako bago tuluyang inakyat ang mataas na bakod samantalang naghanap naman ng sariling daan si Mimo sa kanang bahagi.

NAKATINGIN AKO sa mga nakasabit na larawan ngunit ang isip ko ay nasa ibang bagay. Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang maaaring mangyari ngayon at natatakot ako para sa kaligtasan ni Calvin.

Sa nagdaang dalawang araw ay naging abala ako, hindi lamang para sa proyektong ito kundi pati na rin sa suliraning kinakaharap ni Amber. Nang gabing iyon ay tuluyan naming napasok ang malaking bahay at nakita ko rin kung ano ang kalagayan ni Calvin. Nakakaawa siyang tingnan habang nakatali sa isang upuan at nakaipit sa braso niya ang isang makapal na aklat. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanya kaya hindi ko matiyak kung ano ang aklat na iyon. Makapal iyon na tila ba Bibliya. Nagdadalawang isip akong iligtas siya nang gabing iyon ngunit ang prinsipyo namin ay kailangang maging handa. Hindi ako handa nang gabing iyon at kapag tinangka kong iligtas si Calvin ay maaaring masira ko ang inihanda kong plano.

Maayos din ang ginawa namin ni Sa-el na pagtatanim ng mga inihanda niyang pampasabog. Ayon sa mga nalaman ko ay hindi mabubuting tao ang may hawak kay Calvin at nararapat lamang silang parusahan. Kung mas pinanaig ko ang galit ko, malamang ay wala ng pag-asang mabuhay ang mga taong iyon. Ngunit hindi. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mga pangaral ni Amber tungkol sa kabutihan kaya ang ginawa namin ay itinanim namin ni Sa-el ang mga pampasabog sa lugar na kung saan wala masyadong pinsala.

At ang araw na ito ay ang araw na babawiin ni Amber si Calvin. Sinabi ko sa kanya ang planong binuo ko. Pattern iyon ng plano namin sa tuwing may proyekto kami at sana ay maging matagumpay ito. Ang araw na ito rin ay ang araw ng aming proyekto.

Sa katunayan ay nagawa ko na ang dapat kong gawin at dapat ay umalis na ako sa museum na ito. Ngunit nanatili pa rin ako rito. Marami ang bumabagabag sa isipan ko ngunit hindi ko pa rin maiwasang tingnan ang bawat isang tao na nandirito. Ang mga negosyante at pulitikong ito... Maaaring narito ngayon ang mga magulang ko. Ayon sa mga kwento, kaya hindi na nagparamdan ang Black Diamond ay dahil nagbagong buhay na sila. Ginamit nila ang perang nakuha upang magtayo ng negosyo at mamuhay ng normal. Malaki ang posibilidad na hindi iyon totoo ngunit may posibilidad din na tama ang kwentong iyon.

Nakuha ko na ang kailangan ko rito. Matapos magkunwaring staff ng museum, inihanda ko ang counterfeit na telang inihanda ni Mimo. Sa unang tingin ay aakalain mong iyon nga ang tela ngunit kapag sinuri iyon nang maayos ay malalaman din na peke iyon. Nang mag-break ang lahat ng empleyado ay pinalitan ko ang telang nasa loob ng frame at may sariling glass display. May nakasabit din na burglar alarm doon na agad na tutunog kapag may magtangkang magbukas.

Ngunit lingid sa kaalaman ng may-ari ng museum ay napasok ng hacker ang site nila. Nalaman nito ang manufacturer ng security system at agad na nalaman ang feature ng burglar alarm. Gamit ang signal jammer na ginawa ni Sa-el na base sa feature ng burglar alarm, hindi iyon tumunog nang binuksan ko at pinalitan ng pekeng tela.

Ipinasya kong lisanin ang museum upang makibalita sa kaligtasan ni Calvin mula kay Amber ngunit isang pamilyar na pigura ang nakita kong nakatayo sa harap ng frame kung nasaan ang pekeng shroud. Nakatingala siya at tila ba nalilibang at nabibighani sa ganda nito.

"Peke ang telang iyan," wika ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Siya si Gray at gaya ni Amber, kaklase at kaibigan siya ni Calvin. Kanina ay kampante akong hindi niya ako makikilala sa pagbabalat-kayo ko ngunit nang tiningnan niya ako ay nagdalawang isip na ako. Mula sa naririnig ko sa ilang pagkakataong palihim na dinadalaw ko si Calvin sa paaralan niya ay nakita ko na ang kakayahan ng lalaking ito. Magaling siya sa pag-oobserba at kaya niyang makagawa ng mga konklusyon mula lamang sa kanyang pagmamasid.

"Paano mo naman nasabi? Are you an expert?" tanong niya at pasimpleng sinuri ang ayos ko.

Kahit kinakabahan ay pinilit kong maging natural ang ngiti ko. "Sa tingin ko lang."

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na dinagdagan pa ang sinabi ko at pasimpleng humakbang palayo sa kanya. Ramdam ko ang tingin niyang tumutusok sa likuran ko at nang masigurado kong hindi na niya ako makikita ay ilang beses kong tinapik ang dibdib ko upang kalmahin ang sarili ko. Hihintayin ko na lamang na makaalis siya bago ako umalis dito.

Teka, ano ba ang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay nag-iisip din siya ng paraan kung paano matutulungan si Calvin?

Ilang minuto rin ang hinintay ko bago ako umalis sa museum. Hindi ako dumaan sa pinto, sa halip ay dumaan ako sa elevator na para sa mga items ng museum. Maliit lamang ang elevator na iyon dahil laan lamang iyon para sa mga bagay ngunit pinilit kong magkasya roon. Nang tuluyan akong makarating sa exit na inihanda ni Sa-el ay nakita ko si Mimo na nakabantay sa likurang bahagi ng museum. Nakasuot siya ng damit na gaya ng suot ng mga guard na nasa harapan.

"Wow, act as flawless as you," komento ni Mimo habang pinapanuod akong inaayos ang nakuha kong shroud at inipit iyon sa braso ko.

"Nasaan ang guard?" tanong ko sa kanya.

"He's taking a nap," sagot niya sabay ngiti. "Go ahead with that thing. Nakahanda na ang getaway car, salamat sa mayamang si Israel." May inihagis siyang maliit na bagay at mabuti na lamang ay nasalo ko. Susi iyon ng kotse.

"Susi iyan ng kotse ni Sa-el. Wala siya rito upang ipag-drive ka. He said he has some important matter. That guy's acting like our hacker lately. Malaki ang ambag sa planning at preparation ngunit wala sa aktwal na," wika niya at napailing. "Sige na, mauna ka na."

Ngumiti ako kay Mimo at bahagyang yumuko at nagpaalam. May distansya rin ang kinaparahan ng sasakyan mula sa museum. Isa iyon sa estratehiya upang hindi maging kahinahinala. Nang marating ko ang kotse ay agad kong binuksan ang pinto at inihagis sa loob ang bag ko kasama ang ninakaw kong shroud ngunit bago pa ako makapasok sa loob ng kotse ay isang kamay ang humawak sa braso ko.

"You're not getting away," wika ng boses na humawak sa akin.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro