Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1: THE BRICOLEUR

Chapter 1: The Bricoleur

March 2016

~SA-EL~


Tahimik na pinanuod ko ang mga kaklase kong nasa harapan at kinakausap ang aming propesor sa Persons and Family Relations. Kasama niya ang tatlo sa kanyang mga kaibigan na kaklase rin namin. They were trying to complain about our last meeting's quiz at tila pini-pressure nila ang aming propesor at kung anu-ano ang mga references at articles na sinasabi nila upang magpaliwanag.

Mula sa agaw-pansin nitong pagsasalita ay naging mabilis ang mata kong mapansin ang dahan-dahan at maingat na paghigit nito sa isang piraso ng papel na nakaipit sa libro ng propesor. His stealth movement was not seen by our professor, who was focusing on the book that my other classmate was showing him. Nakita ko ang pagkuha nito sa cellphone mula sa bulsa at kinunan ng litrato ang papel. Then he slowly slid it back to the professor's book and he kept the phone inside his pocket.

I let out a lopsided smile. It's pathetic to think that these people wanted to be lawyers- yet this act is something that future servants of the law should not do. Cheating.

Law students pa nga lamang kami ay nagagawa na nila ang simpleng paglabag sa batas gaya ngayon, how much more if they will really become lawyers?

Hindi ko pa man nakikita ay alam kong guide questions and certain topic iyon para sa oral namin sa susunod na linggo. Persons and Family Relations book is thick and we have to read it all for a single question na hindi namin alam kung ano. So they decided to cheat by knowing the possible topics.

Mission accomplished na kung kaya't umalis na sila sa harap at umaktong tila naintindihan nila ang ipinaliwanag ng propesor tungkol sa claim nila. Isa-isa silang bumalik sa kanya-kanyang pwesto at nang umalis na rin sa harap si Joseph, ang kumuha ng litrato, ay tumayo ako at sinalubong siya.

Sinadya kong mahinang banggain siya at isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. I gave him an apologetic smile at tumalikod na upang lumapit sa propesor samantalang nagtungo naman siya sa kanyang upuan.

Bago pa man siya maupo ay kinapa niya ang kanyang bulsa at bigla na lamang nanlaki ang kanyang mga mata.

"What the-" he continued searching his pockets at unti-unting nataranta.

I raised my hand, holding a silver iPhone which was his. I did some manipulations at ilang sandali lang ay nawala na roon ang larawang kinuha niya kani-kanina lang. "Are you looking for this?"

Napadako ang tingin ni Joseph sa akin samantalang napayuko naman ang kasama niya kanina na sina Niko at Phil. Nababahalang napalapit siya sa akin at hinablot ang cellphone mula sa akin.

"Akin na 'yan!"

Hinayaan kong mabawi niya ang cellphone. Got no problem dahil nabura ko na ang nais kong burahin doon.

"Nakita ko lang dito sa sahig mula rito sa kinatatayuan mo kanina," wika ko at ngumisi. "You're welcome." Puno ng sarkasmo ang boses ko. Ngumiti ako sa propesor at muling bumalik sa pwesto ko kanina at napansin ko ang bahagyang pagkabigla ni Joseph habang tinitingnan ang cellphone. He throw me a glare after he figured out what have I done on his phone.

Isinawalang bahala ko na lamang iyon at hinarap ang propesor na nagbigay ng upcoming schedules.

Nang matapos ang klase ay agad akong lumabas ng hall ngunit nag-aabang pala roon sina Joseph at ang dalawa niyang kasamahan.

"Verona!"

Nag-echo sa sulok ng hall ang boses niya at humakbang palapit sa akin. Nakalabas na ang propesor namin at ngayon ay iilan na lamang kami roon while the others continue to exit from inside the discussion hall. Tumigil ako at tiningnan sila.

"Alam namin ang ginawa mo! 'Wag mo kaming susubukan!"

I maintained my calm demeanor. "Ano ang ginawa ko?"

Tinulak ako ni Joseph nang mahina sa balikat. "Alam naming ikaw ang nagbura ng litrato sa cellphone ko!"

"Litrato? Anong litrato?" My act is something that Oscar's or Grammy's should recognize.

"Huwag kang magmaang-maangan! Alam kong alam mo na kinunan ko ng litrato ang possible questions and topics sa Persons and Family Relations para sa oral exam natin! Bakit mo pinakialaman ang cellphone ko?!" Joseph said. His eyes was burning with anger.

Muli akong napangisi at itinaas ang kamay kong hawak ang cellphone ko kung saan naka-play ang record.

Huwag kang magmaang-maangan! Alam kong alam mo na kinunan ko ng litrato ang possible questions and topics sa Persons and Family Relations para sa oral exam natin! Bakit mo pinakialaman ang cellphone ko?!

"Really? You did that? How about I will give this record to the dean-"

"P*tang ina mo, Verona!" He cut me off with his fist ngunit bago pa man dumapo sa mukha ko ang kamao niya ay itinaas ko ang hintuturo ko.

"Oh-ooh!" I smiled at him at tinuro ang CCTV camera na nasa itaas namin at nakatutok sa amin. Trouble involving disciplinary acts is the least thing that law students of Carson Law School wants. Hinawakan ko ang pulsuhan niya at ibinaba ang kanyang nakakuyom na kamao.

"Joseph, halika na," wika ni Phil sa kanya at hinila siya. He was still shaking in anger when he took few steps away at tinuro ako.

"May araw ka rin sa akin, Israel Verona!" Nanggagalaiti pa rin siya nang tumalikod siya at nakailang hakbang pa lamang siya nang tinawag ko ang pangalan niya.

"Arevalo!"

He stopped and looked back at nagulat siya nang inihagis ko sa kanya ang isang bagay. Kung nahuli siya sa paggalaw ay malamang tumama na iyon sa mukha niya. It was his wristwatch that was on his wrist few seconds ago.

Napaawang ang bibig niya at nagtatakang tiningnan ko. I can also see amusement and annoyance in his face.

"I don't know that you wear fake watches," wika ko sa kanya. His face ashen and I turned to my back at tinahak ang daan na salungat sa tinatahak nila.

Agad kong minasahe ang sintido ko nang makarating ako sa loob ng kotse ko. My head aches and it's because of our class. Masakit ang ulo ko dahil sa pagbabasa ng kung anu-anong topic ng civil law.

I guess law is not my thing. Kahit wala akong failing grade mula pa noong unang taon ng pag-aaral ko, masasabi ko pa ring hindi para sa akin ang abogasya. I only enrolled in this course because this is what my family wants.

Kung ako ang papipiliin ay malamang nag Chemical Engineering na ako o kaya ay BS Physics o 'di kaya ay Chemistry. It's something that really interest me- kaysa sa law which I find so boring. Sa katunayan ay hindi nga bagay sa akin ang pagiging abogado. I am a lawbreaker. I have so many tricks and techniques that could be used for doing something illegal.

Tinigil ko ang pagmamasahe sa ulo ko at inabot ang susi ng kotse. Napatigil ako nang makita ang isang brown envelope na nasa dashboard ng kotse ko. I don't remember something like this before I left my car. Agad ko iyong kinuha at binuksan nang makita ang pangalan ko doon.

Bago ko iyon buksan ay natigilan ako. Sigurado akong naka-lock ang kotse ko kanina. How did this envelope end up inside my car?

Bumaba ako ng kotse at sinuring maigi ang pinto. At one glance, there was no sign of manipulation on the car's lock. At second look, still no sign. But on the third and when you look closely, sigurado akong may trick na ginamit ang kung sino mang pumasok sa kotse ko.

There's a little dent na hindi halos makita unless you know every little details of your car. Whoever the perpetrator, maayos ang ginamit nitong trick upang mabuksan ang kotse ko.

Muli akong bumalik sa loob ng kotse. I got the envelope and examined it closely. My name was printed and glued on the envelope. Agad ko iyong binuksan at tiningnan ang loob.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon. It was a picture of the compilation of Albert Einstein's demonstration of time dilation as a real physical phenomenon! May mga larawan din ng mga original na data at observations! For someone whose passion is something like this, this thing is hard to ignore! Lalo na't maaari iyong mapasaakin ayon sa note na kasama ng mga larawan.

The note says:

This is the original copy of the data. If you want to obtain this, come at Higher Museum tomorrow, 12 AM sharp.

This note could be a trap but an original copy is also an original copy! ORIGINAL!

If this is really a trap, well I'm the smart mouse lurking around the trap and enjoying the cheese without getting caught in that trap. Given my hidden survival skills, I can get hold of this thing!

Isang ngiti ang pinakawalan ko bago tuluyang binuhay ang makina ng kotse at pinaandar iyon.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro