
Season 2 Part 19
"Love Me, Attorney..."
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig kong iyon. It felt good that I have someone like Lyle, but I pitied him somehow.
I looked down and sighed.
"Lyle..." panimula ko. "I know, desperate na ako pero hindi ako ganoon kasama para gumamit ng ibang tao."
"You won't use me on your will. I volunteer, Reign," sabi sa akin ni Lyle. "You can use me whenever you want to. Kung sa tuwing maaalala mo si Grey or something reminds you of him, call me. Kung sa tuwing nami-miss mo ang yakap niya, I would give you a hug. If you wanna feel him, I would kiss you delightly. Reign, desperado na rin ako. I wanna be loved. I wanna feel your love... even of his behalf."
Lalong bumibikat ang dibdib ko.
"Reign, listen to me..." he said. "You may think that it's not me, that I have changed. Na masiyado ko nang ibinababa ang sarili ko. People may say that I am pitiful, na kawawang-kawawa ako. But Reign, I have been numb for so long. I haven't loved anyone else this much. I have never felt attracted to anyone else. When you came, you changed me for good. You made feel the emotions that were strangers to me before. Sa 'yo ko lang naramdaman ang saya, ngiti... ang kilig."
The snobbish Lyle that I once knew smiled at me genuinely.
"I love you, Harriett..." Lyle confessed, his voice was more like a whisper. "Even if you won't be mine..."
Kinabukasan ay tuliro pa rin ako sa nangyayari. Kinakabahan ako sa mararamdaman ko kung sakaling makita ko si Grey.
A part of me says na dapat ko siyang makita para kung maramdaman ko mang muli ang naramdaman ko kagabi, for sure, mahal ko pa nga talaga siya.
"Reign! Reign!"
Natigil ako sa hallway nang makita ko si Maki. Kumunot ang noo ko dahil pormadong-pormado ito.
"Nag-shopping ka?"
Tumango siya. "Na-receive ko na ang allowance ko, e. Bumili ako ng damit kahapon, nagpagupit at nagpa-facial na rin."
"Wow!" Sabi ko at bahagyang natawa. "Facial talaga?"
"Oo," sabi niya at bahagyang sumimangot. "'Yon kasi gusto niya, e. 'Yong well-groomed."
"Sinong siya?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata. "May nililigawan ka?!"
"Sssh!" Sabi ni Maki at tiningnan ang paligid. "'Wag kang maingay!"
"So totoo nga?!" Sabi ko. "Maki, binata ka na!"
"Sssh nga, hindi pa naman kami. Nagkikita pa lang kami, ganoon. Basta, hirap i-explain. Maarte kasi siya."
Napangiti ako. Maki really looked happy. No wonder kung bakit siya blooming.
"Akala ko tatanda ka nang matanda, e," sabi ko. "Sa wakas, magagamit na ang putotoy."
Natawa si Maki sa biro kong iyon.
"Sayang naman ang pagtuli sa akin noong baby pa lang ako kung hindi ko naman magagamit. Ready na si putotoy."
Nagkatawanan kami nang malakas. Natigil ang tawa ko nang makita ko si Hale sa bandang dulo ng hallway. Kumaway ito sa akin at sumesenyas na sumunod daw ako sa kaniya.
"Maki..." sabi ko. "May naiwan pala ako sa locker ko. Babalikan ko lang."
"Okay, okay. Kita na lang tayo sa class ha."
Hindi na ako kumibo at tumalikod na lang. Tinalikuran ko rin ang direksiyon ni Hale. Marami na akong problema, wala na akong balak na dagdagan pa.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko ay chat iyon sa akin ni Hale. Hindi ko na sana bubuksan pero nang makita kong voice message iyon ay inatake ako ng curiousity. I opened his message and listened to the voice message.
"Oh, God..." A voice uttered. "I'm still in love with her..."
My eyes widened. Kilala ko ang boses niyon. Boses iyon ni Grey.
Lumingon ako at nakita kong muli si Hale sa dulo ng hallway, ikinakaway ang cellphone niya.
Ngumisi siya nang makitang nahuli niya ang curiosity ko.
Hale has it again.
———
Reese and Missi
"Girl, anong ginagawa mo?" tanong ni Reese kay Missi.
Nasa loob sila ng supermarket ngayon at namimili ng mga groceries bago pumasok sa school. Papasok na dapat siya sa school nang bigla siyang tawagan ni Missi at nagpapasamang mag-grocery.
"Namimili, obvious ba?" Sagot ni Missi sa tanong niya. Kumuha ito ng isang pack ng noodles. "Masarap ba ito or 'yong spicy flavor? Kasi last time na kumain ng spicy noodles ang pinsan ko, namaga ang labi niya at mukha siyang Brats. So... I don't know if worthy ba or what. What do you think?"
"Mas masarap 'yong sea food flavor, but Missi, puwede bang bilisan natin ito? Baka kasi ma-late tayo sa first class, hello?!" Sagot ni Reese.
"Missi, hayaan na natin ang pag-aaral. Ibigay na natin 'yan sa matatalino, 'wag na tayong makigulo. Sila na ang bahala sa talino, tayo na ang bahala sa face value. Ganoon ba, gamitin ang strength ng bawat isa. Division of labor."
Napailing si Reese. "Ba't ba kasi ang dami mong binibili, huh? Para saan ba itong mga 'to?"
"Napanood ko kasi sa balita kagabi, mayroon daw bagyo this weekend, keep safe daw at kailangan nating paghandaan. Kaya ito, maghahanda ako sa bahay. Carbonara, Fried Shanghai at Tacos. Attend ka, ha?"
Gustong sabunutan ni Reese ang sarili dahil sa narinig. "Girl, seryoso ka? Alam kong bobo tayong dalawa, pero ba't sinagad mo naman?!"
"Wow, ako ang bobo?" Sagot ni Missi at hinarap si Reese. "FYI, teh, hindi akoa ng may gusto sa lalaking hindi pa nakakamove on sa ex niya."
Reese's eyes widened. "Bakit kailangang mamersonal?!"
Naikuwento niya kasi ang nangyari kay Missi. Lahat ng nangyayari sa kanila ni Grey, sinasabi niya rito. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng advices.
"Girl, mas bobo ang abangers na walang kasiguraduhan kaysa sa 'kin na naghahanda para sa bagyo 'no. Duh?!"
Galit na galit si Missi. Obvious ang inis niya sa boses niya.
"Sorry na nga," sabi ni Reese. "Sige, ako na ang bobo na nag-aabang sa taong never naman siyang gugustuhin."
"Aba, dapat lang aware ka," ganti ni Missi. "Lagi mong tatandaan na hindi mo 'yan kaya. Dapat sumuko ka na, 'wag ka na magkaroon ng pag-asa."
Inirapan niya si Reese at mabilis ba itinulak ang push cart at iniwan ang kaibigan.
"Missi!" Sigaw ni Reese. "Sorry na!"
Hindi lumilingon si Missi ag patuloy lang sa paglalakad. Saktong pagliko niya ng pasilyo ay may na-receive siyang E-Mail. Hindi na sana papansinin iyon ni Missi, pero napa-second glance siya nang mabasa kung sino ang nag-send sa kaniya niyon.
Nanlamig ang mga kamay niya at nanlaki ang mga mata. Her heart started beating fast.
The E-Mail was from Braelyn Yngrid.
———
Reign.
Kinakabahan at nagagalit. Iyon ang dalawang emosyon na bumabalot sa akin habang sinusundan si Hale. Umakyat ito sa third floor at sinundan ko naman siya. Nang pumasok si Hale sa isang bakanteng classroom ay bigla akong napahinto.
Alam kong may pinaplano si Hale. Nananahimik ito lately dahil may inaasikaso ito, and that's for sure.
Pero dapat ba akong matakot? I am partly scared, I agree, knowing how he and his accomplice disposed Braelyn out of fear of what she knew.
Pero kung habang buhay akong matatakot, hindi ito matitigil. Patuloy lang itong mangyayari. Paano kapag nadawit na ang pamilya ko? Ang mga kapatid ko?
I need to end this. We have to end him.
Pumasok ako sa loob ng classrom. Patay ang ilaw. Binuksan ko iyon at naroroon si Hale sa loob, nakasandal sa teacher's table at nakangisi sa akin.
"Ayaw mo ng light's off? Disappointing."
"Masiyadong mababaw for you to feel disappointed," sagot ko. "At saka, hindi ka pa ba sanay? Everyone is disappointed of how disgusting of a person you are. Iyon dapat ang bini-big deal mo, hindi kung lights on lights off. Priorities, Hale."
Imbis na mainis ay lalong lumawak lamang ang pagkakangisi ni Hale. He looked cunning and confident.
"Mahu-hurt na sana ako, kaso naalala ko ang buhay mo.
Don't judge my life kung patapon din ang iyo."
Ngumisi si Hale at umiling.
"Ewan ko ba sa inyo, ang hilig ninyong magmalinis lahat, pero marurumi rin naman kayo." He added. "Anyway, hindi 'yan ang sadya natin dito."
Doon lalong lumawak ang pagkakangisi niya.
"Bakit ka pumunta rito after hearing the voice message? Nakikala mo ba kung sino ang nagsabi n'on?"
My jaw clenched. "Hale, 'wag mong idamay si Grey sa kung ano mang binabalak mo. Leave him alone!"
Umiling si Hale at lalong natutuwa sa reaksyon ko.
"Hindi ko sinabing si Grey 'yon, how did you know?" Pang-aasar niya sa akin. "Why, when he said 'I love you' sa voice message na 'yon, do you recall him saying those words to you noong kayo pa?"
"I told you not to fuck around," I warned him. "Sa atin ang gulo na 'to, Hale. Sa ating tatlo ni Lyle. Kaya please lang, 'wag mong idamay si Grey. Nananahimik siya at—"
Biglang inilabas ni Hale ang isang recorder at pinlay ang kabuuan ng voice message na sinend niya sa akin.
"Ah, shit. Akala ko okay na ako, akala ko wala na. But that sight... that scene... hindi ko kayang manood. Para akong dinudurog."
My eyes widened. Si Grey nga iyon.
"Ang hirap, 'di ba?" Tanong ni Grey. "We broke up for . When I made up my mind to let her go, prepared na prepared ako sa lahat ng mga magiging consequences niyon. Even if those consequences mean seeing her happy with someone else..."
My lips parted. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at ang sakit-sakit niyon.
"All this time, akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko nang wala na talaga si Reign sa buhay ko. She barely even popped on my mind before. Yes, may mga araw na maaalala ko siya. Pero ingingiti ko na lang, saying to myself that everything happened for a reason, and sometimes, it's for our character development. I thought, she was my character development."
I felt like crying. Ang hirap na marinig na nasasaktan siya. I still care for him and there's also a space in my heart for him. Only for him.
"Noong nakita kong iba na ang hinahalikan at kayakap niya... Reese... I... It felt like I was dying. Sobrang sakit. Nanikip ang dibdib ko, nagselos ako... parang... parang maiiyak ako."
Napapangiti si Hale sa reaksyon ko. Gustong-gusto niyang nasasaktan ako.
"Stop it," sabi ko. "Itigil mo na 'yan—"
Pero ako ang natigil nang muling mag-play ang recorder.
"Oh, God..." Grey uttered. "I'm still in love with her... The way Lyle held her, the way they were sharing that moment... Reese, we did those before. I knew how heavenly her lips feel. That was me before... that could've been me now. God... I am so in love with her, I don't know what to do..."
Para akong nanghina. My knees were about to disown me because of the things that I have heard.
Nakakapanghina. Napakasakit.
"Masakit?" Pang-aasar ni Hale. "What do you think, Reign? Nagsisisi ka bang hinalikan mo si Lyle dahil nasaktan mo si Grey? Or ginawa mo 'yon at ginamit si Lyle para pagselosin si Grey?"
"Shut up..." tugon ko at may galit sa boses.
"Ah sus, kunwari pa. Malandi ka naman, no need to deny."
"Were you there?" Tanong ko. "Paano mo nalaman lahat nang 'yan?"
"Ako pa ba? I've been telling you, may accomplice ako. Kasabwat. Katulong. Partner. Mind you, sa akin kayo naka-focus, e, mas masahol pa sa akin 'yon."
Umiling-iling si Hale.
"Mapatumba n'yo man ako, pwes, siya hindi," ngumisi ito lalo. "Kitang-kita niya kung gaano kayo ka-dramatic lahat kagabi. So, answer my question now. Did you do that para pagselosin si Grey?"
"Wala kang pakialam," sabat ko. "Ayusin mo na lang ang buhay mo, pwede ba?"
"Ayusin ang buhay? Didn't you enroll in West Carson High to work as an undercover to hurt Grey's feelings by making him fall for you? Didn't you befriend Lyle, not because you wanted to but because he's your mission? Didn't you make a huge bucks for unraveling their secrets and breaking Grey's heart?"
"Manahimik ka na," sabat ko. "Aalis na ako—"
"Umamin ka na, tayo-tayo pa ba ang maglolokohan? Ginamit mo si Lyle para makuha si Grey. In the end, you dumped both of them to get money. Hindi ka ba nakokonsensya?"
"Okay," sabi ko. "I was an undercover and they were my mission. I broke Grey's heart for money, masaya ka na?!"
Ngumisi lalo si Hale. "Sobra. E siya kaya, masaya sa narinig niya?"
May itinuro si Hale sa bandang pintuan at nang tingnan ko ay bigla akong nanlambot.
"Grey..."
He was shocked. He heard everything.
Tumingin si Grey kay Hale, at muling bumalik sa akin.
"Reign..." he sounded wrecked. "Y-You used me?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro