Galit na galit na pumasok ng office niya si Jaxon Scott. Madaling-araw na at siya lang ang tao roon. Halos lahat ng gamit na nadaraanan niya ay ibinabalibag niya.
"That Avery Heimsworth..." bulong niya sa hangin. There was a sense of anger in his voice. "How dare she to humiliate me?!"
Napapikit si Jax at umupo sa swivel chair niya.
"If she's that good, why is she a nobody now, huh?"
Hinampas niya nang malakas ang table niya at huminga nang malalim, pilit na pinakakalma ang sarili.
Alam ni Jax na may mali sa kaso ni Braelyn. He knew Hale was part of the crime. Nakita niya ang kotse nito sa 'di kalayuan nang hinuli nila si Lyle.
It was also off for him that Hale told him to go to the school that night. A moment later, someone notified the police about the incident. May nakakita raw sa dalawang tao na nag-aaway sa itaas ng building. The police station was just around the corner.
When Jax arrived, Lyle was caught on the scene. At iyon nga ang plano ng kapatid niyang si Hale. Hale wanted Lyle to be out of the picture.
"Alam niyang ako ang pumatay kay Serene," sabi ni Hale sa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya ilang minuto bago ang interrogation sa witness na si Everleigh Miller. "Dati, iniisip ko na hindi ko kailangang ma-bother kay Lyle, na hindi ako mastre-stress sa kaniya, but I was wrong. Sa sobrang bait ko sa kaniya... nagiging kumportable na siya na i-disrespect ako. Ako, ipapakulong niya? Gago ba siya?"
Nilamukos ni Jax ang sariling mukha. He knew that Hale did kill Braelyn, at hindi niya na dapat iyon itanong.
Gaya ng ilan pang krimen na ginawa ng kapatid, kailangan niyang pagtakpan iyon. Iyon na lang ang kaya niyang gawin para makabawi sa pagkukulang niya rito bilang kuya.
Iyon na lang ang paraan para mabayaran niya ang kasalanan niya rito noong iniwan niya ito sa ampunan at sumama sa mayamang pamilya.
Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay si Hale ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
"Nasaan ka?" Tanong ni Jax. "Hindi ka pa ba uuwi?"
"Kumakain ako ngayon ng Ramen," sagot ni Hale. "Masiyado akong na-stress ngayong gabi, kailangan ko ng pahinga. Deserve kong kumain nang marami."
"Stressed?" Jax asked. There was bitterness in his voice. "What did you do to feel stressed?"
"'Wag mo nang alamin. Ang mahalaga, nabawasan na ang problema ko. Trabahuhin mo na lang ang kaso ni Lyle. Make sure that shit will be traumatized. Gusto kong makitang problemado siya, pangit at mukhang kawawa. Okay ba, kuya?"
Napalunok si Jax. Hindi siya makasagot.
"We both know na may chance na makalaya si Lyle dahil sa koneksiyon niya, 'di ba?" tanong ni Jax.
"I know. Hindi ko naman balak na ikulong siya. Gusto ko lang matakot siya sa 'kin. Na kaya kong sirain ang buhay niya. Now, look. May record na siya, cina-cancel sa twitter at bino-boycott. Wala nang fans si tanga, laos na ang career. Deserve n'ya 'yan, feeling main character kasi si gago."
Humalakhak si Hale, kinukutya si Lyle.
Noong una ay hindi siya sanay sa ganitong asta ni Hale. Na matapos nitong manakit ng tao o gumawa ng krimen, ay parang wala lang dito kalaunan ang ginawa nito. Pero dahil sa pera nito at kapangyarihan ng pamilya, never itong nagbayad sa kahit na ano pang kasalanan nito.
Lalong-lalo na rin at pinoprotektahan niya ito. Jax felt sick at first, until he was left with no choice and became part of the problem too. He even wanted to resign, pero sa tuwing gagawin niya, kinokonsensiya siya nito.
"Sige, iwan mo 'yang trabaho mo. Hayaan mong makulong ang bunsong kapatid mo na iniwan mo noon sa ampunan para sumama sa mayamang pamilya," sabi ni Hale sa kaniya. "Sa tagal ng panahon na nagpakasaya ka sa yaman at ako naman ay naghihirap, kulang pa lahat ng ginagawa mo ngayon. Magpaka kuya ka naman sakin!"
He can't resist his brother. One day, Jax just woke up tired of his life. Napagdesisyunan na lang niya na igugugol na lang niya ang buong buhay niya para protektahan ang kapatid—bagay na ipinangako niya noon sa mga magulang nila.
"Hale..." Simula ni Jax. Tiningnan niya ang mga papel sa table niya at may pinulot na isa. May litrato roon kuha ang isang magarang kotse. "Sino ang kasama mong gumawa nun kay Braelyn?"
"What do you mean gumawa? Anong ginawa?" tanong pabalik ni Hale.
"'Wag ka nang magsinungaling, paano kita maproprotektahan kung pati ako niloloko mo?"
Hale sighed. Matagal itong tumahimik bago ulit itong nagsalita.
"'Wag mo na siyang isipin, safe siya. Kakampi ko siya at tutulungan niya ako sa lahat ng gusto ko..."
Bakas sa boses ni Hale na natutuwa pa ito.
"Just worry about saving me. 'Yon na lang ang ambag mo bilang kapatid."
"Sabihan mo ang kakampi mo na mag-ingat," sabi ni Jax at kinuha ang lighter niya at sinunog ang ebidensiya na makakapagturo kay Hale at sa kakampi nito. Pinanood niyang maging abo ang mga ito. "Otherwise... mahuhuli kayo."
'Yon na lang ang huling usapan nila bago siya patayan ni Hale ng telepono. Akmang tatayo na siya sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Howell. Base sa hitsura nito, galit na galit ito.
"Jax," bungad nito at huminto mismo sa harap niya. "Wala ka na ba talagang gagawing tama sa buhay mo?"
Ibinato nito kay Jax ang isang folder. Bumagsak ang mga iyon sa lupa.
"I told you I was still investigating!" galit na sigaw nito. "Bakit pinakawalan mo si Lyle agad?!"
If Jax was still his past self, he will look at Howell in the eyes and make him tremble in fear. Pero lately, he was out of himself. Sa sobrang pagkawala niya sa sarili, Howell took the opportunity to treat him badly. Sinisigaw-sigawan na siya nito, por que malakas ang kapit nito sa kapatid niya. Isang sumbong lang nito ay nabibilog na ang utak ni Hale.
"There's nothing to investigate, Howell," sabi ni Jax. "Alam natin pareho na inosente si Lyle, you're just wasting your time. Kaya lang natin siya ikinulong dahil gusto ni Hale. Para matakot siya kay Hale. So please—"
"Wasting my time?" Howell scoffed. "Imagine the publicity, Jax! The fame I will be more getting if we pursued the case a bit more. JUST A BIT MORE!"
"Fame? Publicity?" gustong masuka ni Jax. "You are all after that?"
"Oh come on, stop deluding yourself. Iyon din naman ang dahilan kung bakit mo kinuha ang murder case ni Miss Jess noon 'di ba? So what makes my case different? I need the publicity, Jaxon. Hindi mapapakain ng prinsipyo ang pamilya ko. That shit won't pay my bills."
"If we prolong the case, makikialam si Avery Heimsworth," Jax said. "Avery alone is scary in court. What more 'pag tinulungan siya ni Tyler? Ng mga kaibigan niyang sila Judge Neska Harriett, Former Judge Cliford Andrius Blake, Prosecutor Aubrielle Baxter at Public Defender Casper Harrington? Not to mention Doctor Traise Stevens and Attorney Courtney Spencer? Didn't you see that Avery already gave me a warning? We're done, Howell. Mas lalong magiging kawawa ang pamilya mo 'pag nakulong ka."
Natahimik si Howell at maya-maya ay napangisi.
"Ako? Makukulong?" Umiling ito. "Kapag nahuli ako, Jax, idadawit kita. Kapag nasira ang buhay ko, dapat sira rin ang iyo. Damay-damay tayo rito."
Nag-igting ang panga ni Jax at mabilis na hinawakan si Howell sa kuwelyo nito at bahagya itong itinaas.
"Ano, galit ka?" sabi ni Howell at hindi man lang nagpatinag. "Magaling akong gumawa ng kuwento, kayang-kaya kitang idawit. Kaya dapat hindi lang si Hale ang pinoprotektahan mo—dapat ako rin. Kasi 'pag ako nakulong... isasama kita, Jaxon. Sabay tayong magdurusa."
They exchanged a fiery eye contact for a few seconds. Hanggang sa tinanggal ni Howell ang pagkakahawak ni Jax sa kuwelyo niya at inunat ang ulo.
"Ah, tanga kasi..." Bulong nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Jax was left there. Muli siyang napaupo sa swivel chair at naisandal ang ulo roon. He sighed hardly. Anger was filling him in.
———
At long last, Lyle was freed.
It was eight in the morning when Detective Howell went to his cell along with police officers.
"Laya ka na Heimsworth," mapangkutyang sabi ni Howell. Minamaliit siya nito. "Pasalamat ka sa koneksiyon ng ate mo. Kung ako lang, hahayaan kitang mabulok rito."
Binuksan nito ang pinto pero nanatiling nakaupo lang sa gilid si Lyle, tinitingnan lang ang lalaki.
"Ano, narinig mo ba 'ko? Laya ka na, 'wag ka nang magpaawa pa riyan," dagdag ni Howell. "Marami pa akong gagawin, inaaksaya mo oras ko."
Ilang sandali pa ay tumayo na si Lyle. Habang naglalakad sa pasilyo ay sari-sari ang pumapasok sa isip niya.
Braelyn was gone at sinisisi ni Lyle ang sarili niya. Siguro, kung hindi niya kinulit si Braelyn noon tungkol sa ebidensiya ay buhay pa ito. Sinisisi ni Lyle ang sarili.
Nadawit na rin ang ate niya. Alam ni Lyle na may sarili itong problema na kinahaharap ngayon, pero nagawa pa niyang dagdagan.
He can't imagine how worried his mom was. Kung may mangyayaring masama sa mommy niya, Lyle wouldn't forgive himself.
Wala na rin siyang career dahil sa nangyari. Mahirap mag-damage control sa sitwasyong iyon. Everything has been damaged and destroyed. Walang-wala na siyang babalikan pa.
"Swerte n'yo talagang mayayaman, ano?" biglang sabi ni Howell habang naglalakad sila. "Kahit na anong krimen ang gawin ninyo, nakakalusot kayo. Gaya mo."
Tiningnan siya ni Lyle nang masama.
"O, galit ka? Totoo naman. Ang dami kong ebidensiya laban sa 'yo. Buwisit kasi 'yang ate mo, papansin."
Hindi na lang iyon pinansin ni Lyle. Narating nila ang dulo ng pasilyo at naroroon si Avery at Tyler.
Biglang napahawak sa bibig niya si Howell, takot na baka narinig ni Avery ang sinabi niya.
"Leave him here," ma-awtoridad na utos ni Avery. "Ako na ang bahala."
Nagtinginan ang mga pulis kay Howell.
"At bakit?" Tanong ni Howell. "Ihahatid namin siya hanggang labas."
"Maraming tao sa labas," sagot ni Tyler. "Mas media, may fans din ni Lyle. Masiyadong magulo, magkakagulo lang. Better to leave him here, kami na ang bahala kay Lyle."
"Kami ang maghahatid sa labas," mariin na sabi ni Howell, hindi nagpapatinag. "Trabaho namin 'to."
"Trabaho mo?" Tanong ni Tyler at ngumisi. "Ano ka, body guard?"
Biglang napangiti si Avery. Nagtawanan din ang ibang pulis. Howell felt insulted.
"Kung gusto mong magpapansin sa labas, magpa interview ka but don't use my brother for clout," Avery said. "Imagine standing next to Lyle live on TV? Sa pangit mong 'yan?"
Si Tyler naman ang biglang napangiti.
"Please leave Lyle here," utos ni Tyler. "Wala pa kaming tulog, Avery can roast you all day, hindi ka mananalo."
Masamang tiningnan sila ni Howell. Maya-maya lang ay umalis na ito at pabalang na isinara ang pinto.
Nang maiwan sila Lyle, Avery at Tyler ay katahimikan ang bumalot sa kanila.
"I guess... I'll leave you guys here," sabi ni Tyler. "You need to talk."
Tinapik niya ang balikat ni Avery at bahagyang nginitian si Lyle. Akmang aalis na si Tyler nang tawagin siya ni Lyle.
"Tyler Scott..."
Lumingon si Tyler at tiningnan si Lyle. Sa totoo lang ay ilang pa rin ang dalawa sa isa't isa. Mas nahihirapan pa si Tyler na ligawan si Lyle kaysa kay Avery mismo.
"Salamat, kuya..."
That caught Tyler off guard. Lagi siyang tinatawag lang ni Lyle na 'Tyler Scott' 'Tyler' or 'Mr. Scott.'
Never siyang tinrato nito na kapamilya. Lyle has always drawn a line between them. Kaya nang marinig niyang tawagin siya nitong 'Kuya' sa unang pagkakataon, he felt so good.
"You're always welcome, Lyle..." Tyler said. He threw Lyle and Avery a final glance and he walked away.
Nang buksan ni Tyler ang pinto ay nagtinginan ang mga taong kanina pa naghihintay sa labas.
Lyle saw Grey, Reese and Missi. Beside them was Reign. Reign raised her hand, saying 'Hi' with a smile out of relief. Nagkatitigan sila nang ilang segundo bago muling sumara ang pinto.
"How's the experience?" tanong ni Avery sa kapatid. "Did someone bother you inside your cell?"
Umiling si Lyle. "I'm good. Hindi na ba talaga naisalba si Braelyn, ate?"
Nawala ang ngiti sa labi ni Avery. Malungkot siyang umiling. "She's gone."
Lyle expected that, but he was hoping that she could still be saved. His heart sank. He could feel like he was about to cry.
"Lyle, who did it?" tanong ni Avery. "Kilala mo ang gumawa, 'di ba?"
Tiningnan ni Lyle ang kapatid. Tears were already building up in his eyes.
"Lyle..." nilapitan siya ni Avery at hinawakan ang magkabilang balikat. "You need to tell me what you know. Tutulungan kita—tutulungan ko kayo."
Lyle looked down and tears fell from his eyes. "Lahat ng tumutulong sa 'kin, napapahamak..."
Umiling si Avery. "Kapatid kita. Kahit na anong mangyari, tutulungan kita. Kaya kailangan mong sabihin sa 'kin kung ano ang nalalaman mo, Lyle. Sabay nating lulutasin ang kaso na 'to at—"
"Ate..." Tiningnan ni Lyle si Avery sa mga mata. "Let me solve this case."
Hindi nagsalita si Avery. Hinahayaan niyang magsalita ang kapatid.
"Problema ko ito, kakayanin kong lutasin ito. Ako ang tatapos sa problema ko at hindi ko hahayaan na matalo ulit ako," Lyle assured her sister.
"Are you sure?" Avery asked.
Lyle nodded. "I know you and the rest of the Death Chasers have your own problems to face. Ayaw ko nang makidagdag pa. I can face and win my own battle, I promise you. I am a Heimsworth and we never lose."
Avery smiled, and Lyle did too. She caressed her brother's hair.
"Okay, I trust you and I believe in you," she said. "Make sure you win."
Sa pagkakataong iyon ay muling bumukas ang pinto at may isang lalaking pumasok. Pareho iyong tiningnan ni Avery at Lyle.
It was Hale Parker.
"Wow, laya ka na nga," sabi ni Hale at ngiting-ngiti. "Congrats, my friend. How would you like to celebrate?"
Nag-igting ang panga ni Lyle at galit na nakatingin kay Hale.
Hinarap ni Avery si Hale. Tiningnan niya si Lyle at muling tiningnan si Hale.
"Siya ba 'yon, Lyle?" tanong ni Avery habang tinitingnang mabuti ang mukha ni Hale.
Hindi kumibo si Lyle. Nagkuyom lang siya ng kamao.
"Ang alin?" Tanong pabalik ni Hale. Maya-maya ay ngumisi ito. "Jusko naman, Lyle Heimsworth. Nagsumbong ka agad sa ate mo? Ang weak mo naman."
Napailing si Avery. "So ikaw nga?"
"Ako ang alin?" Tanong ni Hale, nang-aasar.
"Ang pumatay kay Braelyn?" dagdag ni Avery.
Bahagyang nagulat si Hale. Avery said that so loud.
"Innocent until proven guilty, Ms. Heimsworth," sagot ni Hale sa paratang. "'Wag basta-bastang magbintang. Kaya ka nalaos e."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Avery. Walang takot ang batang ito.
"I came here to negotiate," Hale said.
"So you're admitting your crime now, huh?" Avery asked back.
"Let's say I'm doing you a favor," Hale added. "'Wag ka nang makialam, hayaan mong kami-kami ang magharap. Go the fuck away and mind your own problem."
"And what do I get in return?"
"No further charges will be charged against Lyle. Magiging malinis ang record niya. Magsisimula kami ng bagong laban."
"And what made you think na sasang-ayon ako?"
"Kasi wala kang choice," Hale said and smirked. "Mahirap akong kalaban."
May inilabas si Hale na papel at iniabot iyon kay Avery. Nang tingnan ni Avery ang papel ay mabilis siyang nanghina.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Hale. Halos pagpawisan siya nang malamig.
"One blow, sira ang career mo, ni Tyler, ni Traise, Courtney, Andrius at Casper. Isang galaw ko lang, kawawa sila Neska, Aubrielle... lalong-lalo na ang first love ni lover boy."
Tiningnan ni Hale si Lyle at ngumisi.
"Si Reign Harriett. Kapag inilabas ko 'yan, back to zero ang buhay ninyong lahat. So tell me, do you still have the guts to say no to me?"
Mabilis na nilukot ni Avery ang papel at nilapitan si Hale.
"What do you want?"
Lyle felt worried. It was the first time that he saw her sister so terrified and mad at the same time.
"Sinabi ko na. Ayaw kong nakikialam ka o kung sino man sa inyo. Sa oras na makialam pa kayo sa laban na 'to, I will make everyone of you feel sorry. Ilalabas ko ito at lahat ng buhay ng mga kaibigan mo masisira."
"You son of a bitch..." galit na sambit ni Avery.
"Yes I am," Hale answered confidently. "Kung si Jax takot sa 'yo, puwes ako hindi. Isa ka lang namang laos na prosecutor na feeling relevant pa rin pero ang totoo ay mannerless na feeling bad bitch."
Hale smirked.
"Remember this face, Avery..."
He then turned deadly serious.
"Before Avery Heimsworth, there was Hale Parker. You will never be on my level, you trash..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro