I BETRAYED LYLE.
I betrayed someone who would give the world to me.
He was hurt. He was in pain. I could see it all over his face. It was visible in his eyes.
Bumuka ang bibig niya nang bahagya pero nanatili na iyong ganoon. He didn't say even a single word.
Lahat ay nagbubulungan pa rin. Ang mga teachers ay hindi malaman ang gagawin sa nakitang answer key sa bag ni Lyle na itinuro ko. They were mad, yes, but they were a bit hesitant. Heimsworth si Lyle.
Ngising-ngisi si Hale habang pinanonood ang nangyayari. Kagat-kagat na nga niya sng ibabang labi niya at nagpipigil ng tawa.
"Oh, this is fun..." Bulong niya.
Nanlulumo ako sa ginawa ko.
"Mr. Heimsworth..." Sabi ng Dean. She finally composed herself but it was still visible that she was mad. "Did you really take this?"
Hindi siya tinitingnan ni Lyle. Sa akin lang ito nakatingin.
"Lyle doesn't need that," sani ng Teacher naming hindi makapaniwala sa nangyayari. "H-He's smart enough—"
"Pero nakita ito sa bag niya," putol ng isang teacher.
Lalong lumakas ang bulungan nang makitang maging ang nga teacher ay nagtatalo na.
Naputol ang usapan nang biglang magsalita si Lyle.
"Yes," putol niya sa lahat at muling tumingin sa akin. "I did it..."
Natahimik ang lahat. Pulang-pula sa galit ang mga guro. Ako naman ay nilalamon na ng guilt habang si Hale na nasa gilid ko ay tuwang-tuwa.
They took Lyle with him. Habang niyayakag siya palabas ay muli niya akong nilingon. It was, as if, he was asking me for help.
"Don't come," bulong bigla ni Hale. "Hayaan mo siya."
I bit my lower lip. Nang mapansin ni Lyle na hindi ako susunod sa kaniya ay hinayaan na niyang dalhin siya palabas ng mga guro.
"Very good," Hale then said at biglang tinapik ang kamay ko na nasa arm rest ko. "You've proven your loyalty to me. Halfway bayad ka na sa utang na loob mo."
Mabilis kong kinuha ang kamay ko at tiningnan siya nang masama. "Masaya ka na?"
Tumango si Hale at bahayang natawa. "Siyempre. Did you see his face? Masiyado nang mayabang si Hale, kinailangan ko lang ilagay sa lugar ang hangin niya. Masiyado na niya akong binabastos. He deserves that."
I scoffed out of disbelief. "Hanggang kailan mo akong gagawing laruan, Hale? Hanggang kailan 'to matatapos?"
"'Wag kang atat, Reign," sabi ni Hale at ngumisi. "We will get there. I spent a million and utilized my connections to get you out of prison, kulang pa 'yang ginawa mo to pay me back."
Napapikit na lang ako sa sobrang galit at guilt. Gusto kong sundan si Lyle. I felt so fucked up.
Natigil lang ang lahat nang bigla kaming lapitan nila Missi at Reese. Mukhang galit ang dalawa.
"Totoo ba 'yon, Reign?" Bungad ni Missi. "Nakita mo talaga si Lyle na kumuha ng gamit na 'yon?"
Hindi ako kumikibo. Hindi ko na kayang magsinungaling.
"See, hindi siya makasagot," sabi ni Missi at tiningnan si Hale. "Ano nanaman kayang kagaguhan ang ginawa ng pangit na kutong lupa na 'to?"
"Watch your language, Missi," banta ni Hale.
"Bakit, offended ka sa pangit na kutong lupa?" Sabi ni Missi at biglang natawa. "Sa true lang. Pangit mo na nga, pangit pa ng ugali mo. Why favorite mo always ang terno?"
Nakuyom ni Hale ang kamao niya.
"Anyway, hindi namin alam kung anong pangbla-blackmail ang ginawa sa 'yo ni Hale, but you're no different from him," sabi ni Reese sa akin. "If he's the problem, you're part of the problem now, Reign—whether you have a choice or not. Nagpagamit ka."
Hindi ako makatingin sa mga mata ni Reese. Totoo ang mga sinabi niya and I can feel the guilt. Lyle was always there for me, but I reciprocated his good deeds with betrayal.
"Life is short, Reese," Hale said and smirked. "Don't spend it nonsensically —putting your nose in someone else's business. Ba't 'di mo na lang problemahin ang tatay mong nakakulong?"
"Omg?" Reaksyon ni Missi. "That's a foul!"
Sobrang offensive naman talaga niyon. Akmang lalapitan ni Missi si Hale nang bigla siyang pigilan ni Reese. Instead, si Reese ang lumapit kay Hale.
Isinandal ni Reese ang palad niya sa arm rest ng upuan ni Hale at tinitigan ito sa mga mata. Hale didn't dodge the intense eye contact.
"You're right," umpisa ni Reese. "Life is short, so why not make yours shorter?"
Nabigla ang lahat ng nakikinig. That was strong.
"'Wag mo akong minamaliit, Hale. Hindi man kasing lakas ng connection mo ang connections ko, mas malakas naman ang kamao ko kaysa kamao mo. Anong magagawa ng pera mo 'pag sinapak kita ngayon?"
Nagtawanan ang karamihan. Namula sa inis si Hale. He tried to open his mouth but he couldn't find the right words to counter Reese.
Tiningnan naman ako ni Reese.
"Disappointed kami sa ginawa mo. Kung ganito ang nararamdaman namin, what more si Lyle?" she asked.
Inirapan ako ni Missi at niyakag niya si Reese paalis. Lumabas ang dalawa. Maya-maya ay sumunod na si Grey sa kanila. Good thing he didn't look at me. Lubog na lubog na ako.
Malakas na sinipa ni Hale ang upuan sa harap niya at nagbagsakan sa sahig ang gamit ng babaeng nakaupo roon.
"What the hell!" sigaw ng babae. "Anong ginawa mo?"
"MANAHIMIK KA!" galit na sigaw dito ni Hale at galit na lumabas ng kuwarto.
The girl was left there, traumatized.
Nang ako na lang ang maiwan ay tumayo na rin ako. Akmang lalabas ako ng kuwarto nang bigla akong harangin ni Everleigh.
"Yes?" Tanong ko sa kaniya.
Tiningnan niya ang paligid at nang walang ibang nakatingin sa amin ay may inilagay siya sa bulsa ng coat ko.
Mabilis ko iyong kinapa. Nang mapagtanto ko ay isa iyong flashdrive.
"Lyle didn't do that, I know," she said. "Matalino si Lyle, sobrang threatened ako sa kakayahan niya dati. I know whis capabilities—that's why he would never steal the answer key for the exams."
Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"I know why you did that too," she added. "I learned from dad that Hale helped you para makalaya. Utang na loob, a puppet for quite some time, I just know. I understand your situation, but we both know that it ain't right, is it?"
Tiningnan niya ang flashdrive na nasa bulsa ng coat ko.
"Narinig ko kayong nag-uusap sa comfort room ni Hale. The moment I realized it was the two of you, my instinct told me to record it..."
She then looked at me.
"Nandiyan lahat ng sinabi niya. The moment he blackmailed you and all, it was there. It's up to you kung paano, saan o kailan mo 'yan gagamitin."
"Everleigh..." I started, touched yet curious. "Thank you..."
Hindi malaman ni Everleigh kung ano ang magiging reaksyon niya. We started not-so-good and seeing her helping me out this time, I just can't imagine it.
"I'm just... tired of Hale's bullshit. Make sure to use them wisely, Reign. I'm counting on you."
Makalipas ang ilang oras ay nasa labas lang ako ng guidance's office. Nasa loob si Lyle at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas kahit ilang oras na ang nakararaan. Kumalat na sa buong school ang nangyari.
May mga dumadaan na estudyante at pinagtitinginan ako. Bukod sa galit nila sa akin dahil ako pa rin ang suspect nila sa pagkamatay ni Serene, galit din sila because they thought I framed Lyle up.
Sari-sari na ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko nang pumasok sa loob at aminin ang lahat, pero alam kong walang magandang maidudulot iyon. Lyle will understand.
Sa isang iglap ay bumukas na ang pinto at lumabas na ang mga guro. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid. Lumitaw si Lyle isang segundo lamang kasama ang mommy niya.
The moment our eyes met, I felt the guilt. He looked so down and sad. Hindi na 'yon nagawa pang itago ng usual blank face niya.
But then, despite all the chaos and the sudden betrayal, Lyle stood there and his lips blossomed a smile for me—as if he was telling me that everything will be okay.
I smiled weakly at him, too. Niyakag na siya ng mama niya paalis at pinanood ko silang mawala sa paningin ko.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko na-realize na hindi ko kayang maghintay ng tamang panahon para sabihin kay Lyle ang totoong nangyari.
Alam kong may idea na siya, but he deserved the truth. Mabilis akong tumakbo papuntang parking lot kung nasaan sila ng mommy niya. Naabutan ko naman sila roon.
"Mom, give me a minute or two," sabi ni Lyle sa mommy niya.
"Make it quick," tipid na sabi nito. I knew, she was mad at me.
"Salamat po," sabi ko pero hindi ako pinansin nito. Madali itong pumasok sa loob ng kotse at hindi man lang ako tiningnan.
Naiintindihan ko ang mommy ni Lyle. I knew I deserved all of these.
Nang pumasok na ang mommy ni Lyle ay tiningnan na niya akong muli.
"Lyle, look, I'm... I'm sorry..." Sabi ko at napalunok. "I know I sound and look stupid, but... I had no choice..."
Hindi siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin at pinakikinggan ako.
"Wala na ring oras para masabi ko sa 'yo bago iyon mangyari. Wala rin akong maisip na way para baliktarin ang sitwasyon. Hawak n'ya ako sa leeg nang mga panahong iyon, Lyle... that's why... that's why I'm sorry..."
"You had no choice but to throw me under the bus..." he finally said. "There was no other option, but to betray me?"
I nodded, tears in my eyes. "Sorry..."
"Naiintindihan ko, Reign," Lyle said and forced a smile at me. "Hawak ka niya. May utang na loob ka at kaya niyang baliktarin ang lahat 'pag hindi ka sumunod. Either he will harm you and put you back in jail ot he will harm your siblings. You hadn't have the luxury of time to strategize it, that's why you had no choice. I understand it well..."
Lyle took an inch closer to me. He wiped the tears coming out from my eyes.
"Ako ang nagdala sa 'yo rito. Responsibilidad kita, Reign. Ako ang mananagot sa lahat ng masamang mangyayari sa 'yo. I always have your back, even at times like this."
"Pero ikaw?" Sabi ko. "At times like this, sinong mananagot sa 'yo? I can't even do anything to help you at all..."
Lyle smiled painfully. He realized it too. "It's okay. Malakas ako, Reign. I can withstand everything."
"I'm sorry," sabi ko at kinuha ang kamay ni Lyle at may inilagay na isang flashdrive. "Ito lang ang kaya kong gawin to help you."
Tiningnan iyon ni Lyle.
"Dalawang file mayroon ang flashdrive. Ang isa ay ang pag-uusap namin ni Hale. Everleigh recorded it. She approached me and told me that she was able to record the time when Hale was blackmailing me."
"Everleigh?" Tanong ni Lyle. He was a bit shocked.
Tumango ako. "Yes. Si Everleigh."
"And the second file?" Tanong ni Lyle.
"Na-videohan ko si Hale na kumukuha ng answer key..."
Lyle's eyes widened. "Really?"
Tumango ako. "Hindi ako papayag na ako lang ang babagsak. Nagpapa api ako para sa dulo siya ang babagsak."
Doon ngumisi si Lyle. "Dapat lang. Grabeng kahihiyan ang inabot ko ngayong araw. If it wasn't for my mom, I'd been suspended by now."
Tiningnan ni Lyle ang flash drive at inilagay sa coat niya.
"Don't worry, I'll use them well," Lyle said. His smile was different this time. It was, as if, he knew now how to bring Hale in his demise.
"Gawin mo lang ang lahat ng sinasabi ni Hale, but don't forget to provide evidence and notify me. Ako na ang bahala sa lahat, Reign."
"I'm giving all the evidence to you, because I've finally realized something," I added. "You are the only one who can bring Hale down. Kaya sa 'yo lang siya threatened ngayon."
"I know," Lyle smiled confidently. "I will destroy him for you. I'll do everything for you."
———
Nang umalis si Reign sa parking lot ay nagpaiwan si Lyle sa mommy niya. May sarili siyang plano nang gabing iyon.
Pumunta siya sa likod ng school building at nakita niya nga ang hinahanap niya roon.
Naroroon si Hale kasama ang dalawa nitong kaibigan at pare-parehong naninigarilyo—kahit na ipinagbabawal iyon ng school.
Dali-dali niya itong nilapitan. Nakita si Lyle ng isang kaibigan ni Hale, kaya kinalabit nito si Hale at itinuro si Lyle.
But the moment Hale looked back, Lyle was slready there. Mabilis na bumagsak si Hale sa lupa nang bigla siyang suntukin ni Lyle.
Pati ang dalawa nitong kasama ay nagulat. Akmang lalapit ang dalawa kay Lyle nang pigilan sila ni Hale. Pinaalis niya ang mga ito.
Tumayo si Hale at hinawakan ang sariling labi. Pumutok iyon at dumudugo.
"Wow, Heimsworth," sabi ni Hale at bahagyang tumawa. "Ang lakas mo naman palang sumuntok. Ba't mo pinipigil 'yan?"
Dumura ito ng dugo at in-exercise ang bunganga. "Magnanakaw ng answer key at nananakit pa. Parang gusto mo na ata talagang ma-kick out, huh?"
"Ibang klase," sabi ni Lyle. "Gusto mo pang masapak?"
"What's with you, Lyle? Stooping down to violence?" Pang-aasar ni Hale. "Ain't fun."
"How does it feel?" Lyle asked. "Starting from now, I will stoop down to your level. Take that as a warning, Hale. Galawin mo pa si Reign—o kahit na sinong malapit sa akin—and I won't hesitate to shut the hell out of you down."
Hale smirked, thrilled. "Should I feel threatened? Wala kang panghahawakan sa akin, ako, marami. It's the other way around. Kayo ang dapat matakot sa akin, hindi ako. Ako ang may hawak sa inyo ss leeg. Ako ang dapat ninyong sundin!"
"Sigurado ka?" Lyle asked back, smirking.
"What do you mean?" Hale asked.
"That night, when Serene was killed... there was a witness..."
Nanlaki ang mga mata ni Hale sa gulat. Bigla itong natakot.
"You're lying..." Sabi ni Hale. "'W-Wag kang magsinungaling!"
"Dalawa kayong pumatay kay Serene, hindi ba?" Lyle fought back. He wasn't holding back anymore. Lyle was fiercer than he has ever been.
Biglang nanghina si Hale. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang sasabihin.
"S-Sinasabi mo lang 'yan para takutin ako," Hale said. "W-Wala kang alam!"
"Really?" Lyle said and smirked as he took a step closer to Hale. "Just wait and see. Ako mismo ang kakausap sa nag-iisang witness ng krimen na ginawa mo at sa dulo... pababagsakin kita."
Lumawak ang ngisi ni Lyle. Maya-maya ay sumeryoso ito at nagsinulang mag-igting ang panga.
"Kaya tigilan mo na si Reign. Hindi siya ang katapat mo ngayon, Hale—kundi ako. Feel threatened as you should be. I will do everything to make your life as miserable as possible. Pababagsakin kita..."
Hale gulped. He was mad, for sure, but a part of him felt scared. Never pa niyang nakitang ganito kagalit si Lyle.
He knew to himself that it was the start.
Sa kabilang banda ay makikita ang nag-iisang witness ng krimen. Nasa loob ito ng kuwarto at hindi na lumalabas. Tulala ito sa bintana.
Natigil lamang ito nang makita ang sariling repleksyon sa bintana.
Hindi niya makilala ang sarili.
It was Braelyn...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro