
SEASON 2 PART 10
Someone else killed Serene. Hale is innocent.
Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko buong-gabi matapos kaming mag-usap ni Hale. Ni-hindi man lang ako nakatulog sa loob ng kulungan.
Paano kung ganoon nga ang nangyari? Paano kung all this time, inosente si Hale at mali ako ng pinagbibintangan? Tapos ang totoong salarin ay nasa labas lang, kakilala ko, at tuwang-tuwa dahil nakalusot siya sa krimeng ginawa niya at ako ang nadawit?
Knowing Serene, marami na siyang naagrabyadong tao. Marami ang galit sa kaniya at for sure, marami na siyang nagawang hindi maganda. Siguro, hindi na iyon nakapagtimpi at ginawa na ang krimen.
Pero knowing Hale rin, wala siyang hindi kayang gawin. Kaya niyang paikutin ang lahat sa kahit na ano mang istoryang gusto niya.
Pati nga kami napaikot niya noon. Ganoon siya katindi kaya hindi ko rin siya maalis sa suspect list ko.
"Harriett?"
Nasa sulok ako ng selda at nakapatong ang ulo sa tuhod ko.
"Reign Harriett?"
Nang marinig ko ang pangalan ko ay ngtaas ako ng tingin. Ang boses ay nanggagaling sa isang pulis na nagbukas ng pinto.
"Laya ka na," dugtong nito.
Masama ang tingin sa akin ng mga nasa selda. Tumayo ako na hindi man lang nagulat. I expected it. I anticipated it.
Because last night...
I took Hale's bait. I accepted his offer to be his puppet. It was the only way.
Lumabas ako ng selda at ang tumambad sa akin ay si Detective Howell. Ito ang unang beses na nakita ko ulit siya matapos ang panlolokong ginawa niya sa skin noon.
Nakaupo siya sa gilid at nagce-cellphone lang. Naka-de-cuatro pa ito na upo at bored na bored. Mukhang napilitan pa itong sunduin ako.
"May klase si Hale, may appointment si Jax. Kaya ako ang sumundo sa 'yo," sabi nito baho tumayo. Doon lang ako tiningnan. Maging ang mukha nito ay bored na bored.
Inirapan ko ito. Galit na galit talaga ako sa lalaking 'to.
"Kung ayaw mo akong makita, mas lalong ayaw kitang makita," mapanuyang sabi sa 'kin nito. "Pasalamat ka nga't may tumutulong sa 'yo. Kung ako lang, hahayaan kitang mabulok dito. Walang utang na loob."
Umiling ito at ngumisi bago makipagkamay sa pulis. Sabay akong tiningnan ng dalawa, parehong natatawa at halatang kinukutya ako. Hindi na lang ako kumibo.
Paglabas namin ng presinto ay napakaraming reporters. Mabilis nila akong sinalubong at pinaligiran.
"Totoo bang ikaw ang pumatay kay Serene?"
"Maraming tao ang nagsasabing hindi ka inosente. Anong masasabi mo rito?"
"May gusto ka bang sabihin sa mga taong ayaw paniwalaan ang mga ebidensiyang inosente ka?"
Bigla akong nag-panic. Napakaraming tao ang pinaliligiran ako, napakaraming mic ang nakapaligid sa akin. May mga sumisigaw sa likuran at pilit na lumalapit, galit na galit ang mga ito.
Kaliwa't kanan ang nagtatanong. May mga flash galit sa mga camera. May sumisigaw. Nagkakagulo sila.
Bigla akong naluha. Hindi ko malaman ang gagawin. Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Ang ebidensiya na mismo ang bahalang magpaliwanag para sa kaniya," sabat ni Detective Howell. "Sa ngayon, hangga't hindi kayang patunayan na guilty ang kliyente namin, mananatili siyang inosente. Salamat."
Hinawakan na ako ni Detective Howell sa braso at niyakag ako paalis ng lugar na 'yon. Dumiretso kami sa kung saan nakaparada ang kotse niya at dali-daling pumasok sa loob dahil hinahabol pa rin kami ng mga reporters.
Mabilis na pinaandar ni Detective Howell ang kotse niya at nang malampasan na namin ang mga tao ay doon lang siya bumuntong-hininga nang malalim.
"Tingnan mo?" bungad niya. "Sobrang nakaka-stress. Hindi ako bayad sa biglaang pagdepensa na 'yon, maniningil ako ng extra kay Jax mamaya. Kaya ikaw, dapat, i-ayon mo ugali mo. Hindi 'yong ikaw na tinutulungan, ikaw pa ang mataray."
"Ganoon... ba talaga kalala ang lahat?" tanong ko at napalunok.
"Ano bang inaasahan mo, e, artista ang pinatay mo?" Jax asked and scoffed.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya," mariin kong sabi.
"Sige na lang," sabi ni Detective Howell. "Kung saan ka masaya. Pasalamat ka na lang at may Jax at Howell kang backer, kung hindi, mabubulok ka na sa rehas."
Bigla itong natawa.
"Biruin mo 'yon, galit na galit ka sa amin, e, kriminal ka rin pala."
Tumingin na lang ako sa bintana at naikuyom ko ang kamao ko. Gusto kong sumagot pero alam kong wala iyong patutunguhan.
Ang mahalaga ngayon ay nakalabas na ako at wala sa kulungan. Hindi ko kayang lutasin ang krimen na nangyari kung nasa loob ako ng kulungan. Hindi ko mahuhuli ang totoong salarin, at mas lalong hindi ako papayag na ako ang magbabayad sa kasalanang ginawa niya.
Hindi ako maturulungan ni Lyle. Ate Neska tried, I know the Death Chasers did, but they weren't powerful enough to get me out this fast.
Tanging si Hale at Prosecutor Jax lang ang paraan para mabilis akong makalabas. Kaya nilunok ko ang pride ko at pumayag na ako na maging puppet niya. Alam kong hindi ko madaling maloloko si Hale, pero tanging iyon lang ang paraan.
Sa buong biyahe ay hindi na ako kumibo. Ang dami pang sinasabi ni Detective Howell na kung anu-ano pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang marating namin ang tapat ng apartment ko ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko. Akmang lalabas na ako nang biglang magsalita si Detective Howell.
"Puppet ni Hale..."
Bigla akong napalingon sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang galit ko sa kaniya. Masiyado niya akong minamaliit.
"Magpakabait ka, a?" pang-iinis nito. "Hindi sa lahat ng oras may tutulong sa 'yo. Kapag nag-text si Jax sa 'yo, pakisabi totoo ang additional service charge. Pinagtanggol kita kanina, may fee 'yon. Don't worry, hindi 'yon sa 'yo i-cha-charge, okay?"
I gulped. Masamang-masama ang tingin ko rito.
"O, sige, labas na," sabi nito. "At may pupuntahan pa ako. Inuubos mo oras ko, wala ka namang ibinabayad."
I threw him a final furious glance before I went out of his car. Saktong pag-andar niya ay may napansin akong kotse sa gilid ng apartment. Bumisina ito sa akin.
Tiningnan ko ang paligid at ako lang ang tao sa labas. Ako ang binubusinaan nito.
Lumapit ako sa kotse at bumaba ang bintana nito. When I saw who it was, my world stopped.
"Ate Neska..."
"Kumusta, Reign?" bati nito sa akin at ngumiti. "Tara sa loob, may pag-uusapan tayo."
"About saan po?" tanong ko, hindi makapaniwalaang nagkita kami ulit magpansin ngayon.
"Basta, tara muna sa loob."
"Ayaw n'yo pong pumasok muna sa apartment ko para mabigyan ko man lang kayo ng maiinom—"
"Ano 'to, makulit?" biglang sabi ni Ate Neska.
"Po?" Maang kong tanong.
"Wala," sabi niya at bahagyang natawa. "There's no safe place to speak with you than my car. Kaya tara na."
"Sige po," pag-sang-ayon ko at binuksan ang kotse. Pumasok ako sa loob at tumabi kay Ate Neska sa harap. Kaming dalawa lang ang tao.
"I know what happened," she said.
Bigla akong nanlambot. "Ate..."
"At alam ko ring hindi ikaw ang gumawa noon. Alam kong hindi mo kayang gawin 'yon, Reign. Even Aubrielle knew you are innocent. Hindi lang siya sumama ngayon kasi ayaw ka niyang ma-tense dahil dalawa kami, lalo na't medyo takot ka sa kaniya, 'di ba?"
I smiled a bit and nodded.
"We tried to help you, Reign," Neska said. "Naglikom kami ng 1 Million for your bail out, pero wala kaming ganoong kalaking on the spot cash to get you out overnight. Plus, alam din naming wala kaming ebidensiya to prove your innocence. Masiyadong mahirap. We can, yes, but it might take days or weeks. Kaya... Sorry, kung... kung iba pa ang tumulong sa 'yo..."
"It's okay, Ate," sabi ko. "Alam ko namang mahirap talaga ang sitwasyon ko at alam kong may ginagawa kayo para tulungan kayo. Pasensiya na rin kung... hindi ko tinanggap ang pagbisita n'yo sa kulungan. Ayaw ko rin kasing makita ninyo ang kalagayan ko. Ayaw kong maawa kayo sa akin at ma-stress dahil sa kalagayan ko."
"No, not at all," sabi sa akin ni Ate Neska. "Alam naming inosente ka kaya in one way or another, confident kaming mailalabas ka namin. I'm glad tinulungan ka ng pinsan ni Tyler, si Jax. Nakausap namin siya and, Thank God, he was willing to help. Pati 'yong kaibigan mo, si Hale...."
Nawala ang pagkakangiti ko. So pati ang Death Chasers, napaikot na nila. Ayaw ko namang sabihin kay Ate Neska na mali sila ng pagkakakilala sa dalawa. Na ang tulong na ibinigay nila ay may kapalit.
Ayaw kong bigyan pa siya ng problema.
"Ah, opo," sagot ko at ngumiti nang peke. "Buti na nga lang po..."
Ilang minuto kaming natahimik hangga't nagsalita ulit si Ate Neska.
"So anong plano mo?" tanong niya.
"Kagaya lang po ng dati. Mag-aaral," sagot ko.
"Kaya mo ba ang pressure mula sa mga tao sa paligid mo?"
"Kakayanin. Wala namang po akong choice," sabi ko. "Ate Neska, 'wag n'yo na po akobg isipin. Kung kailangan ko ng tulong, lalapit na ako sa inyo. Pero hangga't kaya ko pa, lalaban ako mag-isa. Tutal, laban ko naman po 'to. Alam kong may sarili rin kayong laban ba kinahaharap ngayon at aware ako na hindi iyon madali..."
Ate Neska looked down and sighed.
"Gusto kong i-deny pero alam ko rin sa sarili kong hindi nga madali ang laban namin. Death Chasers are facing something that could cost us our lives. Basta, Reign, if you need any help, nandito kami ni Aubrielle, okay?"
"Opo," tugon ko. "Lalapit po ako."
Tumango si Ate Neska at ngumiti. Nag-usap pa kami at maya-maya lang ay nagpaalam na siya. Pinanood kong mawala ang kotse sa paningin ko bago ako bumuntong-hininga at makaramdam ng bigat sa dibdib.
Tahimik na ang buhay ko sa probinsiya, bakit ba kasi nilagay ko nanaman sa alanganin?
Naglakad na ako at akmang papasok na sa apartment nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.
"REIGN?"
Bigla akong natigil at napalingon. It was Maki. May bitbit itong grocery at mukhang kakauwi pa lang galing school.
"Oh, Maki," sabi ko at pilit na ngumiti. "Hi."
Biglang binitawan ni Maki ang dala niyang grocery at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Sa isang iglap, niyakap niya ako nang mahigpit.
"Maki—"
"Akala ko hindi na kita makikita!" sabi niya.
"Huy?" sabi ko. "Umiiyak ka ba?"
Idiniin niya ang mukha niya sa balikat ko at doon umiyak.
"Hala siya, na-buang ka na?" sabi ko at bahagyang natawa. "Nag-crying boy talaga?"
"Sinong hindi maiiyak sa takot?" sabi niya at umiyak lalo. "Ikaw dahilan kung ba't ako nag-aral dito, tapos bigla ka na lang makukulong? Lakas ng amats mo, a. Kakaibang trip 'yan."
Bigla akong natawa at pati siya'y bahgyang natawa habang umiiyak.
"Malay ko ba kasing mapagbibintangan ako?"
"Ba't ka ba naman kasi naglilibot doon?" sabi niya. "Tinakot mo ako, Reign. Akala ko mawawala ka na. Akala ko hindi ka na makakaalis sa kulungan na 'yon, lalo na't galit na galit ang lahat sa 'yo."
Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at umalis na rin siya mula sa pagkakayakap sa akin. Pulang-pula ang mga mata at itlong nito dahil sa pag-iyak.
"Nagplano na rin sana akong mag-drop out kung sa aking hindi ka na makakalaya. Babalik na lang sana ako kila nanang at tatang sa probinsiya at doon na lang ulit mag-aaral. Tinakot mo ako, Reign..."
"Sorry na," sabi ko at pinunasan ang luha niya. Nagsimula na rin akong maluha dahil takot din akong hindi na makalaya, lalo na't ako na lang ang bumubuhay sa mga kapatid ko. "Natakot din naman ako, ano."
"Simula ngayon, sa akin ka na lang sasama, ha? Para hindi ka na mapapahamak. Sa dami ng pangarap mo, presinto ang nakamit mo. Lugi sa 'yo, e."
Pareho kaming natawa habang naiiyak.
"Ano ba 'yang ipinamili mo?" tanong ko.
"Magluto na lang tayo sa unit mo," sabi niya. "Alam kong gutom ka, Reign. Alam kong hindi ka masiyado nakakakain doon. Tara."
Niyakag ako ni Maki sa building at kahit na sa sandaling panahong iyon, nalimutan ko ang problema ko.
———
THIRD PERSON POV.
May pinanood si Prosecutor Jax sa laptop niya. Kasalukuyan siyang nasa office at patay ang lahat ng ilaw sa kuwarto.
Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto at ang mga ilaw. Pumasok si Hale sa loob at may dala-dalang cake.
Mabilis na tumayo si Jax mula sa pagkakaupo at isinara ang laptop niya. Tiningnan niya ang kapatid.
"Bakit ka nandito?" tanong niya rito.
"Bawal ko ba puntahan ang kuya ko?" tanong ni Hale at napailing. "I'm here to celebrate something with you. Congrats, kuya. Nauto mo ang Death Chasers. Kumusta sa pakiramdam?"
Hindi kumibo si Jax. Alam niyang nang-iinis ito.
"Imagine, lahat sila lumapit sa 'yo para tulungan si Reign, hindi nila alam ako lang ang makakatulong sa babaeng 'yon. Halos nagmamakaawa pa sila sa 'yo," tumawa si Hale nang malakas. "Mukha silang kawawa."
"Inosente si Reign kaya naging madali lang ang lahat," sagot ni Jax. "Sooner or later, makakalabas din siya kahit wala ang tulong ko."
"I don't think so," sagot ni Hale. "May ebidensiya na siya sng pumatay kaya kayang-kaya ko siyang idiin sa kaso kung gugustuhin ko."
"Bakit ba ganiyan ka, Hale?" tanong ni Jax. "Ano bang nagawa sa 'yo ng tao?"
"Impakta kasi 'yong babaeng 'yon. Palamunin ko na nga—ako na nga nagpasok sa kaniya sa scholarship ni lolo—si Lyle pa rin ang kinakampihan niya. Wala siyang utang na loob, buwisit siya."
"Are you jealous?"
"Hell no!" sigaw ni Hale. "Ang akin lang, she's an ungrateful bitch. Buti nga sa kaniya, deserve niya ang ganoong problema."
"Tell me honestly," Jax said. "Ikaw ba ang pumatay kay Serene?"
"No."
"Sigurado ka?" tanong muli ni Jax.
"Pinagbibintangan mo 'ko?" Hale asked back.
"Alam mong kailangan kong malaman ang totoo para maipagtanggol kita kung sakali, Hale," Jax said.
"Hindi nga ako. Ba't ba ako ang sinisisi mo?"
"Hale!" Napasigaw na si Jax. "Ang dami mo nang maling ginawa na patuloy kong pinagtatakpan. Kaya magsabi ka na nang totoo bago pa ako tuluyang mabaliw!"
Hale closed his eyes hardly and sighed. "Okay, sige, kung gusto mo talagang malaman."
Jax gulped. He knew it was him.
"Well, I didn't really kill her. Isa ako, siguro, pero... hindi talaga ako."
"Hale, you're not making any sense—"
"I'm telling you the truth!" Hale said. "I lured her there, yes, we had an argument, we fought, then... she attacked me. I defended myself, bumagsak siya sa sahig at namilipit. Binugbog ko siya, yes, but it didn't kill her at all."
"Are you kidding me?" Jax asked.
"Nagsasabi ako ng totoo," natatawang sabi ni Hale na parang wala lang sa kaniya ang kasamaang ginawa. "Nawalan ng malay si Serene dahil doon pero buhay pa siya. Hindi ko siya pinatay o ano, wala akong plano. The bitch told grandpa something nasty about me so I had to teach her who was a better devil between us. Tapos may ibang pumasok. I thought I was caught! Chineck niya ang pulse ni Serene at nang malaman niyang buhay pa, kinuha niya ang kahoy sa malapit at tinapos niya ang lahat. Thst person killed her, not me!"
Napansin ni Hale ang suspects board na ginawa ni Jax at nilapitan niya ito.
Naroroon ang picture niya at picture nina Reign, Lyle, Grey, Maki, Missi, Reese, Everleigh, Braelyn, Levi at Nash.
"At dahil kuya kita, bibigyan kita ng clue kung sino ang pumatay kay Serene."
Biglang napangiti si Hale at hinawakan ang mga litrato.
"Isa sa kanila ang pumatay..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro