
SEASON 2 PART 1
A/N: After 4 months of waiting, SEASON 2 is finally here! Join us on Twitter by using our tagline, "CATCH ME ATTORNEY S2'. Nagbabasa po ako ng tweets. Happy reading!
The pre-order for KMA (Law Series #3) ends on April 18th. Save your copies, unveilers!
---
REIGN.
"Miss Harriett, come in."
My lips formed a shy and nervous smile. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko ito o hindi. My brain wanted to pursue whatever it was but my heart wanted to run away.
For one last time, I heaved a sigh. Kung ano man ang maririnig ko at kung ano man ang gagawin ko matapos malaman kung bakit ako ipinatatawag ngayon, bahala na.
Pumasok ako sa loob ng office ng home room teacher ko. Saktong pagsara ko ng pinto ay ngumiti siya sa akin at pinaupo ako sa harapan niya. Umupo naman ako at nagpasalamat.
"So, Ms... Harriett... give me a minute, i-open ko lang ang file ha," sabi niya at itinaas ang bilog at makapal niyang salamin habang nakatingin sa Computer niya.
Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Hindi ako mapalagay at halata iyon sa akin. Nanginginig pa nga ang tuhod ko at nagpapawis ang palad.
Napatingin ako sa salamin sa likod ng teacher ko at kitang-kita ko ang reflection ko-ibang-iba sa mukha ko noon. Noong mga panahong nasa Maynila pa ako.
Ang dati kong straight na buhok ay kumukulot na. Dati may bangs ako, pero ngayon wala na rin. Nakasuot ako ng puting uniporme at navy blue na skirt. Ibang-iba sa maroon na uniporme noon ng school na pinapasukan ko. Ibang-iba sa West Carson-
"Ayon, nakita ko rin," sabi ng adviser ko at bahagya siyang natawa. Bata-bata pa ito pero masiyado nang malabo ang mata. "Kumusta ka, Reign? Kumusta ang klase?"
"Okay lang po," sagot ko. "Kinakaya pa naman araw-araw. Minsan, mahirap ang klase pero walang hindi kakayanin."
Lumawak ang ngiti nito sa akin. "Tiningnan ko ang records mo at base roon, nag-stay ka sa isang private school ng isang term. Hindi lang basta-basta private school, kung hindi top pick pa talaga at elites lang ang nakakapasok."
I felt uneasy. Iyong ala-ala ng school na iyon ang gusto ko nang ibaon sa limot. Iyong mga tao na nakilala ko noon at ang mga pangyayari na nasaksihan ko ang mga bagay na ayaw ko nang balikan.
Pero sa buong isang taon na umalis ako ng school na 'yon at pumunta sa malayong probinsiya, para bang naging multo ang mga karanasan na 'yon na lagi akong dinadalaw. People will always ask me how was the experience. They thought that being surrounded by money was great but in reality, it was disgusting.
Lalo na kapag naaalala ko ang mga sikreto na hanggang ngayon ay walang ibang nakakaalam. Kapag nakikita ko sa balita na hanggang ngayon ay nag-p-protesta ang pamilya ni Miss Jess para sa katarungan niya. Kapag nakikita ko rin si Detective Howell at Prosecutor Jax sa TV, at nababalita ang pagiging isa sa largest company sa bansa ng Parker Holdings, naiiyak pa rin ako sa galit.
"Paano mo mai-co-compare ang West Carson High sa State University na mayroon tayo rito sa probinsiya?" Patuloy ng teacher ko. "Was it great?"
I wanted to say it was awful, sickening and wicked but my lips wouldn't allow me to.
"Fantastic," sagot ko na lang at tipid na ngumiti. "Siguro po lamang lang sa technology pero sa quality of teaching, same lang. Better pa nga tayo minsan."
Natawa ang teacher ko at ngumiti lang ako nang tipid. Totoo iyon. Sa West Carson High, kahit saan may aircon. Sa amin dito, electric fan lang ang mga nasa rooms tapos minsan, sira pa. Sira rin ang flush ng mga toilet sa CR at kadalasan, walang tubig. Pero ang quality ng pagtuturo? Hindi mo maikukumpara.
Nakakalungkot lang isipin na maraming estudyante ang nagtitiis sa hirap para lang sa edukasyon. If only we have a better government who could do not just the bare minimum, our potential could be our biggest asset.
"Totoo 'yan. Laki rin ako sa hirap at noong nagturo lang ako sa private schools nakaranas ng high tech na mga bagay. Hindi nga ako marunong mag-print noon," sabi ng teacher ko. "Anyway, Ms. Harriett, the reason why I called you here has something to do with your college education."
"What about it po?" taka kong tanong.
"Alam namin ang hirap ng pag-aaral sa lugar natin. Araw-araw kailangan ng mga estudyante gumising ng alas cuatro ng umaga para mag-prepare para sa eskwela dahil umaalis ang unang bus ng alas singko. Kapag uuwi, kailangan nang maglakad dahil walang bus halos pabalik, lalo na sa inyo na mga taga looban. Mahina rin ang internet at kakaunti ang mga resources para sa pag-aaral-ang iba, kapos pa."
Napatingin ako sa ibaba. Totoong-totoo iyon. Ayon na ayon ang nararanasan ko-namin ng mga kaklase ko-araw-araw.
"Monthly, nag-e-evaluate kami ng mga estudyante. Lalo na iyong mga top performer talaga. Gustuhin man namin silang hasain pero alam naming hindi namin kaya. Kulang na kulang kami sa resources kaya ang ginagawa ng school, ine-endorse namin ang magagaling na estudyante sa mga bigating eskwelahan para doon na mag-aral. At ikaw, Ms. Harriett, ang napili ngayong taon."
Mabilis akong napatingin sa teacher ko. Kung sa gulat ba o takot, hindi ko mawari.
"Ako po?" tanong ko at nanlaki ang mga mata. "Bakit po ako?"
May inilahad itong papel sa harapan ko at tiningnan ko iyon. Ranking iyon ng mga estudyante sa buong school namin at ako ang number one.
My lips parted. Finally, nagbunga ang paghihirap ko!
"Seryoso ito, ma'am?" tanong ko at ngumiti na nang malapad. Hindi ko na 'yon mapigilan. "Ako po ang number one?"
"Yes, ikaw," sabi nito at ngiting-ngiti rin.
Halos maluha ako sa sobrang saya. Hirap na hirap ako simula nang iwanan ko ang West Carson High at pumunta sa malayong probinsiya at tumira sa mga kamag-anak ng mama ko kasama ang mga kapatid ko. Hindi ko alam kung paano paiikutin ang pera para hindi na kami magutom ulit.
Kaya gamit ang pera na kinita ko bilang undercover, nagtayo ako ng water refilling station sa barangay namin. Noong una ay puro ako lugi pero awa ng Diyos, kahit papaano ay kumikita pa rin.
Pinagsasabay ko ang pag-aaral at pag-t-trabaho at sa sobrang hirap ng buhay, minsan nakakapagod na. Ang sabi ng marami, tumigil na lang ako sa pag-aaral at asikasuhin ang mga kapatid ko at ang business na itinayo ko pero dahil may pangarap ako, hindi ako tumigil.
That's why seeing myself as the number one paid all the tears, sweat and blood that I invested.
"Congrats, hija," sabi sa akin ng adviser namin. "Kaya dahil diyan, ikaw ang ni-recommend namin at in-endorse sa isang full scholarship program. Sagot ng school ang lahat. Lahat ng fees, accommodation, uniform, books, allowance-name it. Ang gusto lang nila ay after mo mag-aral, sa company ka nila magta-trabaho for at least three years. Ano sa tingin mo?"
Bigla akong natahimik. Nawala lahat ng excitement na nararamdaman ko kanina. The last time I received an offer as good as this, kinailangan kong lunukin ang prinsipyo ko at isugal ang buhay ko.
"That's... too good to be true po," sagot ko at halata sa boses ang bahagyang pagkadismaya. "Saan at anong school po 'yon?"
"Sa Manila, 'nak," ngiting-ngiting sabi ng adviser ko. "Sa West Carson University."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Manila. West Carson.
Iyon ang mga salitang matagal ko nang kinalimutan pero heto sila't ayaw akong pakawalan.
After my talk with my adviser, hindi ako mapakali sa buong araw. Kahit sa lessons ay natatameme ako at wala sa sarili.
Sabi ng adviser ko, I only have few days to take the opportunity or leave it, otherwise sa ibang estudyante iyon mapupunta.
I badly wanted to take it. I needed an opportunity that would be the catalyst of change of my life. Ayaw ko nang magutom ako at ang mga kapatid ko. Ayaw ko nang pagdaan pa namin ulit ang mga pinagdaanan namin noon.
Pero kaya ko bang bumalik muli sa Maynila? Kaya ko bang bumalik sa lugar na trauma lang ang naging dulot sa 'kin?
Kaya ko rin bang tumagal sa West Carson University? Paano kung nandoon din ang 12-A? After ghosting them, anong mukhang maihaharap ko? Even to Lyle whom I promised to spend my Summer with.
Lalo na't baka sinabi na sa kanila ni Everleigh na isa akong undercover at lahat sila ay parte lang ng mission ko.
Paano kung maging impyerno ulit ang buhay ko?
Buong klase, iyon at iyon ang inaalala ko. Hanggang mag-lunch break ay wala ako sa mood.
"Reign."
Mabilis akong napalingon. Lumabas ako ng school para kumain sa carinderia sa malapit. Ngayon pabalik na ako sa room para sa last class.
Isang lalaki ang lumapit sa akin. My katangkaran ito at makapal ang kilay. Moreno ang kulay ng balat nito, dahil na rin siguro laking bukid at parating tumutulong sa mga magulang na kapwa magsasaka.
Ngumiti ito sa akin na para bang nahihiya. Doon lumabas ang puti nitong mga ngipin na isa sa mga assets nito.
"Bakit, Maki?" tanong ko. "May problema ba?"
"Wala naman," sagot niya agad. "Sabi lang sa akin ni Gleny na wala ka raw sa mood sa klase simula nang ipatawag ka ng adviser n'yo. May problema ba? Tama ba 'yong hula natin?"
Kumunot ang ilong ko at tumango. "Oo, e. Ako nga ang napili para roon sa scholarship."
Matagal na kasi niyang kutob iyon.
"Congrats!" excited niyang sabi at malapad ang ngiti. "E bakit ganiyan ang mukha mo? Dapat nga, e, masaya ka. Sabi ko naman sa 'yo, ikaw mapipili, e. Ang galing mo sa lahat ng bagay."
"Ang sabi ng tutor ko?" sarcastic kong sabi at pareho kaming natawa.
Kapit-bahay ko si Maki at madali kaming naging close kasi parati kaming sabay na naghihintay ng masasakyang Bus papunta sa School kada umaga. Irregular student siya dahil pahintu-hinto sa pag-aaral, gawa ng minsan kinakapos sa pantustos.
Sa totoo lang, kung makakapag-focus siya sa pag-aaral without his economic status as the hindrance, mas mag-e-excel pa siya kaysa sa 'kin. Siya pa nga ang nagtuturo sa akin ng ibang lesson.
"Kahit naman hindi kita turuan, magaling ka pa rin," sabi niya sa 'kin. "Ikaw pa ba? Si Reign ka."
Ngumiti ako. "I am Reign..."
"... and you will Reign," dugtong niya.
Muli kaming nangiti sa isa't isa.
"Saan ka pala pupunta? Ba't lumabas ka ng school?" tanong ko. "Bibili ka?"
Umiling siya. "Ikaw ang pinunta ko."
My lips parted.
"Baka 'ka ko, mag-isa kang kumakain," nahihiya itong ngumiti. "Gusto sana kita samahan, kaso tapos na pala."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o gagawain. It just felt good that someone got your back regardless of how traumatic your past was.
"Thank you," sagot ko at tiningnan siya sa mga mata. "Lakad na tayo?"
Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papasok ng school.
Madalas kaming makantiyawan ng mga kaklase namin maging ng mga kapit-bahay. Kapag nga wala ang mga pinsan ko sa Water Refilling Station ko para mag-deliver ng tubig, siya ang nag-d-deliver. Ayaw niya tumanggap ng bayad. Kaya kapag nag-r-review kami, sagot ko na ang merienda.
Kada hapon, sa kubo nila sa palayan kami tumatambay kasama ang aso nila na si Ryx. Kaya kahit ang pamilya niya, binibiro na kami.
Hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya sa 'kin o kung may nararamdaman din ba ako sa kaniya. Ang alam ko lang, special sa akin si Maki. Hindi ko lang alam kung romantically ba o as a friend pa rin.
Ni-hindi ko nga alam kung handa na ba akong makipagrelasyon ulit. Pakiramdam ko, hindi pa totally'ng tapos ang sa amin ni Grey at may something pang hindi nalilinaw sa pagitan namin ni Lyle.
A part of me knows na closure na 'yong wala kaming closure. Pero mayroong mga pagkakataon na iniisip ko, if he still wants me, maybe we can try again.
But... sinong 'he' iyon? Ewan ko na.
"Tatanggapin mo?" biglang tanong sa akin ni Maki. Bahagyang nagkikiskisan ang mga braso namin sa paglalakad at hinayaan ko lang 'yon.
"Ang alin?" tanong ko pabalik.
"'Yong offer sa 'yo," sabi niya. "Sinabi mo na ba sa tita mo?"
Ang titang tinutukoy niya ay ang kapatid ng mama ko na kumukupkop sa akin at sa mga kapatid ko ngayon.
Tumango ako. "Tanggapin ko raw. Sayang ang opportunity."
"Pero gusto mo ba?" tanong niya pabalik. "Kapag tinanggap mo, mapapalayo ka sa mga kapatid mo."
"Ano sa tingin mo?" tanong ko. "Tanggapin ko ba?"
"Nasa sa 'yo 'yan," sagot niya sa akin. "Kung saan ka sasaya at kung saan tingin mo giginhawa ang buhay mo at ng mga kapatid mo, gawin mo. Hindi importante ang opinyon ng ibang tao. Hindi naman sila ang magbabayad ng bills mo, e."
Parehas kaming natawa.
"Pero malayo ang Maynila," sabi ko at mapait na ngumiti. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin doon. Baka nga baguhin pa ako ng lugar na 'yon as someone na never kong ginusto. Nakakatakot."
"That's the challenge," sabi niya at mariin ang Ingles. "Hahayaan mo bang baguhin ka ng mundo o ikaw ang babago sa sistema ng mundo?"
"Tss," sabi ko at tiningnan siya. "Ang deep mo, ha. Wala akong time for existential crisis, kalma tayo."
Lumapad ang ngiti niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakapasok na kami ng school. Tahimik lang naming binabaybay ang hagdan hanggang marating namin ang ikatlong palapag. Sa third floor ang klase ko habang ang sa kaniya nama'y sa fourth floor.
"Reign."
Sabay kaming huminto. Tiningnan ko ang mukha niya. "Hmm?"
I saw him gulped. "Kung... kung ano man ang magiging desisyon mo, alam mo namang suportado kita, 'di ba?"
Ngumiti ako at tumango. "Alam ko. Pero okay lang ba sa 'yo? Na... na mapalayo ako?"
His eyes widened. It caught him off guard. Kahit ako, nagulat kung bakit ko naitanong 'yon.
"Bakit...bakit mo naitanong?" he asked me with eyes as sincere at it had always been. "Kung... kung ayaw ko ba... kung ayaw kong mapalayo ka... "
Huminto siya at para bang iniisip kung dapat ba niyang sabihin ang gusto niyang sabihin.
Maki slightly shook his head. He looked down and smiled at himself.
"Sorry," he followed. "Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Sorry, Reign. P-Pasok na siguro ako sa klase."
"Sure," sagot ko at bumibigat na ang pakiramdam. Sobrang awkward.
"Sige, Reign," Maki said and looked back at me, trying to shrug off the awkwardness. "Akyat na ako."
Tumango lamang ako.
The moment he took the stairs, I started walking towards the classroom.
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko. Gusto ko ba si Maki o ganito lang ang nararamdaman ko kasi siya parati ang kasama ko? Lonely lang ba ako? 'Yong regrets ko ba noon sa past relationship ko ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Na kapag may taong nandiyaan para sa akin, there's a tendency for me to fall in love?
Kulang ba ako sa kalinga?
I sighed. Nakakahilang hakbang pa lang ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Reign!"
Lumingon ako agad at si Maki ang nakita ko.
"G-Gusto ko sanang... makipagkita sa 'yo sa university ground after class."
I didn't answer. Kitang-kita ko ang hiya sa mukha niya. Maging ang mga daliri niya ay hindi mapakali.
"Kung okay lang sa 'yo," he followed and met my eyes sincerely.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sari-sari. Magulo. Isang paraan lang ang naiisip ko para makumpirma ang lahat. Kailangan ko siyang makausap tungkol doon at ngayon ang tamang panahon.
"Sure," I said. "Okay lang sa akin."
A lips planted on Maki's lips. "Salamat."
I just smiled back and nodded.
"Sige na, Reign, balik ka na sa klase n'yo. Baka ma-late ka na."
"Ikaw? Hindi ka pa ba babalik sa inyo?" tanong ko.
Umiling siya. "Panoorin kita habang naglalakad ka papalayo, tapos tiyaka ako babalik ng room."
Mabilis na bumuka ang bibig ko. Maraming ala-ala ang biglang bumalik sa isipan ko.
"Gaya ng dati. I'll watch you walk away."
I can still remember someone saying that to me before. That one night in amusement park. Since then, hindi na ako nagpakita sa kaniya. Noong nasa bus na ako pabalik ng probinsiya kasama ang mga kapatid ko, siya ang huling tumatawag sa cellphone ko bago ko tinapon ang sim card ko.
Nakikita ko pa rin siya sa TV, sa mga advertisement, sa mga products na siya ang modelo, at sa mga billboard. Looking at him, he seemed fine. I knew he liked me, but I wasn't sure if I were good for him. Ghosting him and leaving all the shits behind wasn't the best option-but the most practical one.
Do I regret it? No. Not at all. Ayaw ko na sila muling makita. Ayaw ko nang balikan kung ano man ang nangyari noon. Galit ako sa kanila pero nilunok ko rin ang prinsipyo ko dahil takot ako. Wala akong ipinagkaiba kaya mas lalong nakakagalit.
"Reign?"
Mabilis akong napatingin kay Maki. Bigla akong nag-zoom out.
"Okay ka lang?"
"Yes, yes, sorry," sabi ko. "Sige, babalik na ako ng room. See you mamaya?"
Tumango siya. "Sige, hihintayin kita, ha."
I gave him one more smile before I finally turned my back and walked away.
Hanggang kailangan ako dapat multuhin ng nakaraan ko? I badly wanted to erase what happened before in my life. West Carson High, 12-A, Prosecutor Jax-lahat-lahat.
Kada may nangyayaring maganda sa akin, naiisip ko ang pagiging bulag ko sa katotohanan. Na isa ako sa dahilan kung bakit hindi nakuha ni Miss Jess ang hustisya. May alam ako pero pinili kong manahimik dahil sa takot. Maging ang perang ginamit ko sa pagsisimula ng buhay ko at ng mga kapatid ko, galing sa pagiging undercover ko-galing sa panliinlang ng kapwa.
Gusto ko nang kalimutan ang lahat. Gusto kong sumaya nang hindi iniisip kung derserve ko ba talaga.
Huminto ako nang marating ko ang pinto ng room namin. Muli akong lumingon at nakita ko si Maki na naroroon pa rin kung saan ko siya iniwan at pinanonood ako.
Maybe this time, deserve ko na ang sumaya.
Ngumiti sa akin si Maki at kumaway.
Maybe, just maybe, this time, it's with him...
---
THIRD PERSON POV.
WEST CARSON UNIVERSITY.
"GREY!"
Mabilis na napalingon ang isang lalaki. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Sa katunayan, bakat na bakat sa puting Polo T-Shirt nito ang pagiging matipuno niya na bunga ng kasipagan niyang mag-gym lately.
Nakasuot din ito ng isang itim na salamin. Ang dating mahabang buhok ay naka-clean cut na rin. Suot-suot niya ang student council ID lace niya na kung saan siya ang school president.
A smile planted on his lips when he finally realized who was calling him. Nasa student garden siya ng university at kahit nagkalat ang mga estudyante dahil break time ng karamihan, tanaw niya ang mga kaibigan.
Isang babae na kulot ang buhok ang naroroon. May kulay ang buhok nitong chestnut brown at mukhang artista kung titingnan. Maganda rin ang suot nitong damit-designer clothes. Kitang-kita ang karangyaan dito. She's Mississippi Smith. Missi for short.
Sa tabi nito ay naroroon naman ang isang babaeng hanggang balikat ang buhok. Kung dati'y tipo nito na parating may kulay ang laylayan ng buhok, ngayo'y itim na itim na iyon at shiny pa. Suot nito ang paborito nitong choker at isang makapal na salamin. She's Reese.
Lumapit si Grey sa kanila at nakipag-high five sa kaniya ang dalawa.
"Kumusta ang University President na fresh pa rin kahit sobrang daming tasks?" Tanong ni Missi. "Hindi ka pa ba nangangasim, Grey?"
Tumawa nang malakas si Reese at ganoon din si Missi. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga estudyante.
"Sweet kasi ako, ba't ako mangangasim?" biro ni Grey pabalik. Sa katunayan, sa kanila lang siya ganito.
"Sweet and Sour 'yarn?" pakikisali ni Reese.
Bahagyang natawa si Grey. It felt good to see them after a very exhausting day.
"Kumusta kayo?" Tanong niya. "Ang dalang na nating magkita."
"True," sabi ni Missi. "Lahat busy at lahat iba-ibang course ang kinuha. We wanted to make a reunion naman 'di ba pero they didn't want to attend. Bahala sila. That's their life naman."
'Very Missi...' Grey thought.
"Tapos si Levi and Nash?" sabi ni Reese. "Pinaka-busy. Palibhasa sumikat lalo 'yong group ni Nash. Halos once na nga lang pumasok 'yon monthly, 'di ba?"
Tumango si Grey.
"I heard nominated nanaman sila sa Rookie of the year. Kapag napanalo pa nila 'yong award next month, Rookie Glandsam na," kuwento ni Reese.
Ang tinutukoy nito ay ang mga music awardings sa bansa na ginagawa yearly. Halos lahat ng awardings na idinaos ay ang group nila Nash ang nanalo. Isa na lang ang idaraos next month at kapag iyon ay naipanalo nila, Rookie Grandslam na ang tawag. It means, they bagged all the Rookie Major Awards.
"Si Levi busy din. Palibhasa nag-bloom internationally ang career niya as an actor. His followers have already reached millions sa IG, dati lang nagmamakaawa pa 'yon na i-followback ako," sabi ni Missi. "I heard 'yong last na Film niya, nasa Top 10 ng highest grossing film, e."
"Yieeee, first love ni Levi," pang-aasar ni Reese sa kaniya.
"EW!" sigaw ni Missi. "Kadiri ha! We're just friends!"
"Naku, friend ka rin naman ni Grey pero ba't 'di ka niya first love?" ganti ni Reese.
"'Di ka sure," Grey answered.
Maang na napatingin si Missi at Reese sa kaniya.
"Joke lang," sabi ni Grey at tumawa nang ninenerbiyos. Nakatingin pa rin sa kaniya ang dalawa at hindi maipinta ang mukha. "Hoy... joke nga lang... hehe..."
"Ang sablay mo talaga mag-joke, Pres. Kaya ka tinatarget ni Everleigh e, pangit mo ka-bonding," sabi ni Reese.
Grey didn't know what to feel exactly. He hasn't heard Everleigh's name for a long time. After ma-reveal ang sikreto nito noon, na-disqualify ito sa leadership award at hindi natanggap sa gusto nitong university. At the end, no one got the award.
Kaya heto silang lahat-sa West Carson University napunta. Ito ang pangalawang popular na university sa bansa.
"Oo nga, speaking of Everleigh, hindi ko na siya nakikita sa Campus. Pati si Braelyn," dagdag ni Missi. "I mean, I feel bad but... dazurv!"
"Legit pala 'no? Marinig mo lang pangalan ng mga tao, ramdam mo na agad 'yong galit. Ang love language ko talaga ay magalit," sabi ni Reese at humigop sa milk tea nito.
Napangiti si Grey. "After what Everleigh and Brae did? I don't think na kakausapin pa nila tayo. Perhaps... they are ashamed."
"I wish they are," Missi followed. "Kung may kunsensiya pa sila. Imagine, ni-reveal ako as Ellie?!"
Natawa si Reese at Grey. Ganoon nga ang nangyari. Parating pumapasok si Braelyn at Everleigh pero madalang mo silang makita sa campus. Sa classroom naman ay sobrang outcast ng dalawa.
If there's something good about what happened to them before, it was the fact that they were able to embrace their insecurities and dirtiest secrets.
Were they really able to embrace it or as a defense mechanism, they had no choice but to make fun of it so that the truth won't sting that much?
"Ikaw, Reese?" Grey asked. "Kailan ka mag-e-enroll?"
Bahagyang natahimik si Reese. After Senior High School, hindi na ito nag-enroll. Hindi nga rin ito sigurado kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay. Pumupunta na lang ito sa University para bisitahin sila. Patago pa nga dahil baka mahuli pa ito ng guard.
"Mag-aaral pa pala?" tanong ni Reese. "Tama na. Sumuko na tayong lahat!"
Missi and Grey laughed.
Nawala ang ngiti sa labi ni Reese nang may makita. Nagbaba ito ng sumbrero at tiningnan sila.
"Bye na muna, guys," sabi nito at hinagkan si Missi sa pisngi.
Isinukbit nito ang bag nito sa balikat at kinuha ang milk tea niya sa lamesa.
"Why?" Tanong ni Missi. "May lakad ka?"
"Wala," sabi ni Reese at ngumisi. "Nandiyaan na kasi si Super Mario."
Doon naman pumito ang isang malusog na guard at may bigote. May sumbrero rin ito at kamukha nga ni Super Mario.
"Ba't nandito ka nanaman!" galit na sigaw nito kay Reese. "Bawal nga outsider!"
"Bye, luv," sabi ni Reese at mabilis na hinagkan si Missi sa pisngi.
"Bye, pogi," sabi ni Reese kay Grey at maya-maya'y hinagkat din ito sa pisngi.
"See you tomorrow 'pag hindi ako nahuli ni Super Mario! Bye!" Reese said.
Mabilis itong tumakbo at tinangkang habulin ng guard. Lumilingon pa ito na parang wala lang at kumakaway pa sa kanila.
Missi was laughing while taking a video of Reese while Grey was left there, dumbstruck. He didn't know what to feel. Her ex-girlfriend, Reign Harriett, was the last woman who kissed him aside from his mom.
Now Reese kissing him on his cheek was something that he couldn't absorb. Hindi talaga siya sanay.
It wasn't uncomfortable, but he was rather not prepared for it.
"Gulat ka, 'no?" tanong ni Missi nang matapos videohan si Reese. "Ganoon lang talaga 'yon 'pag comfortable siya. It means, Reese doesn't see you as a man who could be a predator-but a sibling, perhaps, whom she could trust."
It made sense. Knowing Reese's personality, it made sense.
"Or sibling nga ba o more than that?" dugtong ni Missi.
Kunot ang noong tiningnan ni Grey si Missi. "Seriously?!"
"Joke lang," Missi said and grinned. "Malay mo, Pres, crush ka pala ni Reese. We will never know."
"Ang issue mo," sagot ni Grey.
Bahagya silang natawa.
"How's Lyle?" Missi asked. "I haven't seen him for a while."
After what happened a year ago, bumalik ang closeness nila ni Lyle. It was just a shame that they had to go through hell just to be close again.
"I know may photoshoot siya somewhere. He didn't say where. You know him. If he doesn't want to share what's up with him, he won't."
"A typical Lyle," sabi ni Missi. "Kaya pala ganoon ang IG Post ng management niya. Parang nasa Province sila or what. Ay, oo nga pala. Aalis ka rin mamaya, 'diba? Pupunta ka rin sa Province? I forgot the name."
"Yes," sagot ni Grey. "May scholarship program partnership 'yong isang university at si papa. I had to go there with him."
"Good. At least, okay na rin kayo ng Daddy mo."
Pareho silang napangiti. Kilalang-kilala talaga nila ang isa't isa. A deafening silence swallowed the both of him until Missi broke the ice.
"Y'all's still looking for her?"
Grey gulped. It was, perhaps, the topic that he wasn't prepared to talk about.
"Her?" Pagpapatay-malisya niya.
"Yes. Her," sagot ni Missi. "Reign Harriett."
Grey didn't know what to feel. He knew to himself that he had already moved on. But hearing her name again, it brought a different sensation in him. It was like hearing that certain song again that used to be your most favorite song before. Nostalgic but painful.
"Have you moved on, Grey?" Missi asked sincerely.
Tiningnan niya si Missi. "Well, I had to."
"Pero kung sakaling magkita kayo ulit at puwede na, would you like to try it again?"
"Hmmm, too hard to say," Grey reasoned out. "Pero focus muna ako sa sarili ko ngayon."
"If she comes back and you and Lyle still want her, then what?" Missi asked curiously.
"But is she coming back?" Grey snapped.
Natahimik si Missi.
"Trauma lang ang ibinigay natin sa kaniya. Kaya kung ginusto niyang hindi tayo makita... I understand," Grey reasoned out.
Sumimangot si Missi. "I miss her sometimes."
Pareho silang natahimik. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Missi nang malalim. Akala niya'y tungkol pa rin kay Reign iyon pero nang makita niya kung kanino ito nakatingin, naintindihan na niya kung bakit.
"The weirdo is here," sabi ni Missi. "Bye na nga muna, ayaw ko makausap 'yan. He creeps me out!"
Dali-daling umalis si Missi. Grey looked again at the guy Missi was referring to.
Isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan kasama ang mga kaibigan nito. Malalakas ang tawa nila at akala mo siga sa daan.
The guy was petite and all. Itim ang buhok nito at mukhang japanese kung titingnan. Hindi gaya noon na mag-isa ito at outcasted, ngayo'y sisiga-siga na ito sa school.
Nagtama ang paningin nila. The guy smiled and waved at him.
He's Hale Parker.
"Hi, Pres!" sigaw nito sa kaniya habang kumakaway.
Grey knew that there was something off with Hale when he was freed from the jail, but he couldn't figure it out. Noong na-reveal na nag-suicide si Miss Jess at napagbintangan lang si Hale na pumatay rito, the whole country's sympathy was with Hale.
Pero nang bumalik sa eskwela, hindi niya inaasahang matutuwa pa ito sa atensiyong natatanggap nito. He would always use that victim card to get the sympathy of the people around him.
Something was really off and he can't tell which.
Kumaway na lang din siya at ngumiti out of courtesy.
"Hi," tipid na bati ni Grey.
---
REIGN.
Ito na. Itong-ito na talaga.
"Miss Harriett, pag-isipan mo ang tungkol sa scholarship, ha. Kailangan ko ang sagot mo as soon as possible," paalala sa akin ng adviser namin bago ako tuluyang lumabas ng pinto.
"Opo," sabi ko. "Pag-iisipan ko po."
Lumabas ako ng classroom na hindi malaman ang mararamdaman. Bakit ba parati na lang akong ganito? Siguro, kailangan kong kausapin din ang mga kapatid ko. Kailangan ko silang makita para makapag-decide ako nang maayos.
Lumabas ako ng classroom at halos mabangga ako ng mga nagtatakbuhang mga estudyante. Madaling-madali ang mga ito at mga nagtitilian pa. Sumilip ako sa bintana sa corridor at maraming estudyante ang nasa school ground. Bigla kong naalala na Battle of the Bands pala ngayong araw.
Rinig ang mga tilian ng mga estudyante. Ganoon din ang mga banda na tumutugtog. Bumaba na ako sa hagdan at gumilid dahil muntik nanaman akong matulak ng mga estudyante.
"Dali! May artista raw!" tili ng isa na may dala pang pinagtagpi-tagping bond paper at marker.
Napangiti ako. May inimbita palang artista para sa Battle of the Bands? Ganoon na pala talaga ako ka-aloof sa school. Wala na akong alam sa mga nangyayari.
Lumawak ang ngiti ko nang may mga estudyante pa ulit na nagmamadaling bumaba.
"Dali, baka 'di natin maabutan!" sabi pa ng isa.
It's funny to think na dati, kaklase ko noon ay mga artista pa talaga.
Tuluyan na akong lumabas mula sa school building. Saktong paglabas ko ay napahinto ako.
Maki was there. He was waiting for me patiently.
Nakatalikod ito at nakasukbit ang mga kamay sa loob ng bulsa. Nakatingala ito at pinagmamasdan ang langit na orange-ish na ang kulay.
Napangiti ako. Wala itong pakialam sa ingay ng mga estudyante at musika mula sa banda na tumutugtog. Umihip ang malamig na hangin at nayakap ko ang sarili ko.
Doon na lumingon si Maki. Nang magtama ang paningin namin ay lumawak ang ngiti nito. Lumapit siya sa akin at hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata ko.
"Nariyan ka na pala, bakit hindi ka nagsabi?" he asked. "Kanina ka pa?"
Umiling ako. "Ngayon lang. Ikaw ba, kanina pa?"
Tumango siya. "Maagang na-dismiss, e."
"How long?" I asked. "How long have you been waiting for me?"
"Hmmm, isang oras?" sagot niya.
"Isang oras?!" tanong ko pabalik. Tumili ang mga estudyante at nagpalakpakan dahil tapos nang tumugtog ang banda at may kakantahin pa muling isa.
Nang matigil ang ingay ay nagsalita akong muli.
"Isang oras ka nang naghihintay sa 'kin?"
Tumango siya. "Okay lang. Basta ikaw, kaya kong maghintay kahit gaano katagal."
My lips parted. I didn't know what to say.
We were just looking at each other's eyes for a minute until Maki finally broke the silence.
"Kaya gusto kitang makita ngayon kasi... kasi may gusto sana akong sabihin," he said and gulped. His eyes were shy yet alluring.
"Tungkol saan?" kinakabahan kong tanong.
"'Pag napapangiti ka ng isang tao nang walang dahilan, ano bang ibig sabihin n'on?" he asked. "Kapag nasa biyahe ka o may ginagawa, tapos maalala mo lang siya, tapos nangingiti ka na bigla... ano bang meaning n'on?"
"Maki..." I utterred.
"Tapos gusto mo siya parating nakikita o nakakasama. Lahat ng kantang pinakikinggan mo, siya 'yong naaalala mo. Gusto mo siyang alagaan parati, ganoon. What do you think, Reign? Ano... ano para sa 'yo 'yon?"
I opened my mouth but nothing came out. I felt good but I kinda felt scared at the same time. Alam na alam ko na kung ano ang ipinahihiwatig niya, pero mas lamang ang takot ko ngayon. Takot na baka sa huli, trauma lang muli ang makuha ko.
"Ganoon ka sa 'kin, Reign," Maki said in a shy yet proudest way possible. "Parati kitang gustong makita. Masayang-masaya ako kapag nakikita ka. Gusto ko ring alagaan ang mga kapatid mo para sa 'yo. Ewan ko... pinapasaya mo ako parati. Kaya kahit minsan, alam ko naman talaga ang lesson, nagtatanga-tangahan ako para maturuan mo."
Namula na si Maki sa hiya.
"Hindi ako natutulog kapag hindi pa nagsasara 'yong water refilling station n'yo. Gusto ko parating safe ka at... at masaya."
I smiled at him. I felt his sincerity.
"Wala akong yaman na maipagmamalaki sa 'yo. Mahirap lang kami at pag-a-araro lang ang hanap-buhay. Kaya natatakot akong baka hindi mo ako matipuhan. Pero ngayon... bahala na. Gusto kong maging matapang para sa 'yo. Gusto kong... maging matapang para sa nararamdaman ko sa 'yo."
He looked down and smiled shyly at himself. Lumakas ang hiyawan ng mga estudyante dahil nagsimula na ang bagong tugtugin.
"Reign... gusto ko sanang... gusto ko sanang sabihan sa 'yo na..."
Handa na ba talaga akong marinig 'yon?
Handa na ba talaga akong magmahal ulit?
Maki met my eyes. "Reign Harriet. Mahal kit-"
"Reign?"
It felt like my world stopped when I heard someone called my name.
That voice...
Mabilis akong napatingin sa lalaking nasa likuran ni Maki.
Matangkad ito at maputi ang balat. Ang dati nitong bagsak na itim na buhok ay nakahawi ngayon. Nakasuot ito ng puting polo at bukas ang tatlong butones niyon. Naka tuck-in iyon sa itim nitong pantalon. Nakasuot din ito ng puting rubber shoes. Ang mga mata nito'y gulat na nakatingin sa akin. Doon na tumugtog muli ang banda.
Bawat Daan ni Ebe Dancel ang kinanta nila.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makilala ko siya. Pinalilibutan siya ng mga estudyante na nagpapa-picture sa kaniya.
Ang mga mata nito'y gulat pa rin na nakatingin.
That eyes.
That hair.
His usual stare.
Every memory that we shared flashed back on my mind.
His expressionless face never changed at all. Kung mayroon mang nagbago, mas nagmukha lang siyang mature at mas lalong gumwapo.
He looked at Maki, then back at me. His eyes were inquiring, seeking, alluring.
When I finally went back to my senses, I finally realized that I wasn't dreaming and it was really him who's in front of me. With my heart racing inside me as if it wanted to escape and protect itself, I finally utterred the guy's name.
"Lyle..."
And before he could even speak back, a woman's hands wrapped around his arm.
"Let's go, Lyle?" the beautiful lady asked.
My lips parted.
He has a girlfriend.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro