Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

CHAPTER 9

Leigh's POV

"Dianne, hindi ako makakasabay sayo ngayon. May pupuntahan pa ako. Alis na ako," paalam ko.

"Sige. Ingat!"

Dumaan ako sa kabilang gate ng school namin. Baka kasi mamaya nandoon namaman si Jacey sa madalas ko daanan.

"Leigh!" tawag sa akin ni Kei habang kumakaway. Nakasandal siya sa kulay asul na sasakyan. Nasa kabilang kalsada siya kaya tumawid ako para mapuntahan siya.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi naman. Sakay ka na," aniya saka ako pinabuksan.

"Sayo ito?"

"Hindi. Hiniram ko lang ito sa pinsan ko."

Sumakay na ako para makaalis na kami. Baka mamaya may makakita pa sa amin na kakilala ko.

"Sa mall muna tayo," sambit niya bago magmaneho.

"Okay. Wag mo kakalimutan yung pangako mo na ililibre mo ko ng kahit anong gusto kong pagkain."

"Ano ba gusto mo kainin?"

"Isaw saka balot."

"Ayun talaga gusto mo?"

"Oo. Bakit?"

"Wala. Akala ko pipiliin mong kumain sa mamahalin na restaurant," nakangiting sabi niya.

"Hindi ako ganun ah. Ayos na ako sa isaw at balot. Ano nga palang gagawin natin dito sa mall?" tanong ko nung hininto na niya yung sasakyan. Malapit lang naman kasi sa school yung mall.

"Bibili tayo ng pamalit mo. Wag ka mag-alala, sagot ko lahat," aniya saka bumama at umikot para pabuksan ako ng pinto.

"Salamat."

"Ako nga dapat magpasalamat. Pumayag ka na sumama sa akin. Tara na."

Pumunta siya sa likod ko saka ako hinawakan sa balikat at tinulak para mag-umpisa na ako maglakad. Ganun lang kami hanggang sa makapasok kami sa elevator, papuntang second floor.

Pagkalabas namin doon, hinila naman niya ako papunta sa isang boutique. Doon tumingin siya ng mga dress, pasulyap-sulyap siya sa akin habang tumitingin. May kinuha siyang dress. Tinapat niya yun sa akin at dahil maliit ko, mahaba masyado sa akin yung dress kaya kumuha siya ulit ng bago. Yung mas maikli sa akin at tinapat ulit sa akin.

Umiling siya at muling binalik yun. Lumipat kami ng  ibang shop. May nakita siyang mannequin na nakadress na gray at may black belt sa nandang bewang.

"Excuse me, miss" tawag niya sa salesday.

"Yes Sir?"

"Pwedeng pakibigyan mo siya ng katulad nito. Yung kasya sa kanya," aniya sabay turo doon sa mannequin.

"Okay sir. Sandali lang po," tinignan ako muna ako ng saleslady mula ulo hanggang paa para siguro sukatan ako.

"Dito ka lang. May kukunin lang ako," paalam ni Kei. Sinundan ko siya ng tingin.

Nagpunta siya bilihan ng mga heels. Tumingin-tingin siya doon hanggang may lumapit na saleslady sa kanya. Nag-usap sila tapos tumingin silang dalawa sa akin. May sinabi yung saleslady bago umalis. Tumango naman si Kei saka binalik yung hawak niyang sapatos.

"Ito na po yung dress," sabi sa ng saleslady sabay abot ng dress sa akin.

"Salamat," sagot ko saka pinuntahan si Kei.

"Nakuha mo na?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Sige. Sukatin mo na lang mamaya."

"Ano hinihintay mo?" tanong ko.

"Sapatos."

Dumating na yung saleslady bitbit ang isang itim na highcut with heel na sapatos.

"Upo ka. Tignan natin kung kasya," utos sa akin ni Kei. Sinunod ko na lang siya. Tatanggalin ko na sana niya sapatos ko pero pinigilan niya ako.

"Ako na," aniya sabay tanggal ng sapatos ko at siya na din nagsuot sa akin ng sapatos na dala ng saleslady. Sumakto naman sa akin yung sapatos.

"Tayo ka," utos niya sa akin ako naman itong sumunod. Medyo tumangkad nga ako dahil sa 3 inches na heels. Pinalakad niya din ako.

"Kukunin ko. Pakibalot na lang," aniya sabay lagay ng black shoes ko doon sa box.  Binigay niya sa saleslady yung box saka dalawang libo.

"Magkano ito?" tanong ko nung makaalis yung saleslady.

"Secret. Kapag sinabi ko sayo baka hindi mo kunin" sagot niya.

"Hindi talaga," sagot sabay upo para tanggalin yung sapatos. Alam kong mahigit isang libo itong sapatos.

"Teka! Sayang binayad ko kung hindi mo kukunin. Isipin mo na lang na advance gift ko yan sayo para sa darating na birthday mo at pamasko ko na din sayo. Tanggapin mo na," pigil niya sa akin.

"Itong damit? Magkano?" tanong ko.

"Hindi ko alam," sagot niya kaya tinignan ko yung price tag. 354 yung dress at 250 naman yung belt. Tinignan ko si Kei pagkakita ko. Bakit ba dito siya bumili? Ang mahal kaya dito sa mall.

"Bibilhin mo din ito?" tanong ko.

"Oo," tugon niya kaya sinipa ko siya sa binti.

"Aww! Bakit ka ba naninipa?" reklamo niya habang hawak-hawak yung sinipa ko. Tumayo ako saka ko nilagay yung kamay ko sa bewang.

"Dapat sinabi mo na lang sa akin na magdala ng pamalit para hindi ka na gumastos. Saka ano ba meron? Bakit kailangan ko pa magpalit? May party ba sa bahay ng pinsan mo?" tanong ko.

"Parang ganun na nga," tugon niya.

"Ano?"

"Ganito kasi yun. Birthday ng pinsan ko ngayon at ang sabi niya irereto niya daw ako sa mga babae niyang kaibigan kapag wala akong dinalang babae mamaya. Please, pumayag  ka na. Ayoko na maranasan yung ginawa niya sa akin last year," paliwanag niya.

"Bakit? Ano ba ginawa niya sayo last year?" tanong ko. Tumingin siya sa paligid saka lumapit sa akin.

"Kinulong niya ako sa isang kwarto kasama yung mga malalanding babae. Kamuntik na ako magahasa dahil doon," bulong niya sabay yakap sa sarili. Pansin ko pa nga na nagsitaasan yung balahibo niya braso.

"Buti hindi ka nagahasa," komento ko.

"Hindi nga pero 1 week naman akong hindi nakapasok dahil sa pilay. Tumalon kasi ako sa bintana para lang makatakas. 2nd floor pa naman yun. Ayokong maulit yun kaya pumayag ka na. Ha?"

"Oo na," sagot ko.

"Yes! Salamat. Hulog ka talaga ng langit," aniya sabay yakap sa akin hindi na ako nakaimik dahil sa gulat.

"Sir, ito na po yung lalagyan niyo," sabi ng saleslady kaya agad na napabitaw si Kei.

"Salamat," tugon niya sabay kuha ng paper bag at sukli niya.

Pagkakuha namin nun sinukat ko na yung dress. Sakto lang naman sa akin yun nga lang fit masyado. Hindi ako sanay na magsuot ng ganun. Katulad sa sapatos yun na din yung sinuot ko at binayaran na lang ni Kei.

"Kei!" sigaw ng isang lalaki.

"Naloko na," bulong ni Kei bago hinarap yung tumawag sa kanya.

"Sino yang chicks na kasama mo? May date ka pala ah. Kaya pala umalis ka agad," sabi nito.

"Mukha ba akong sisiw?" pambabara ko kay Xian sabay harap sa kanya.

"Ikaw pala yan Leigh. Bakit magkasama kayo? Anong meron? Wag niyong sabihin na..."

"Mali yang iniisip mo," sabay na sabi namin ni Kei.

"Pupunta lang kami sa birthday ng pinsan ko," paliwanag ni Kei.

"Ayaw pang umamin. Wag kayo mag-alala, hindi ko kayo isusumbong kay Jacey."

"Bakit naman nasama dito si Jacey?" tanong ko. Bigla tuloy ako napaisip. Sinabi din sa akin ni Kei na wag ko ito sabihin kay Jacey. Ano ba mangyayari kapag nalaman ito ni Jacey? Wala naman yun paki kahit kanino ako sumama.

"Manhid," sambit ni Xian.

"Ako manhid? Paano naman ako naging manhid? Kung may manhid man sa amin dalawa, si Jacey na yun. Wala siyang pakiramdam. Pagkatapos niya ako bastedin, magpapatulong siya sa akin manligaw. At sa kaibigan ko pa. Buti pa kung ibang tao yun. Mas matatanggap ko pa," inis na sabi ko.

"Na-basted ka ni Jacey? Nanligaw ka sa kanya?" gulat na tanong ni Kei. Napatakip ako bigla ng bibig. Bakit ko ba yun sinabi? Ayan tuloy alam na nila na may gusto ako kay Jacey. Nakakahiya. Ang daldal ko kasi.

"Anong oras na ba? Baka late na tayo," pang-iiba ko ng usapan. Napatingin sa orasan si Kei.

"Late na nga tayo. Una na kami Xian," paalam ni Kei sabay akbay sa akin.

"Bye!" paalam ko.

Pagkadating namin sa bahay ng pinsan ni Kei, parang pakiramdam ko hindi ako bagay dito. Halata naman na mayayaman yung nandito dahil sosyalin yung mga bisita ng pinsan niya.

"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay. Siya na ba yung sinasabi mo?" sabi ng isang lalaki kay Kei. Siya na siguro yung pinsan ni Kei.

"Oo. Si Leigh nga pala," tugon ni Kei sabay akbay sa akin.

"Hi! I'm Carl. Gaano na kayo katagal ni Kei?" pakilala ni Carl.

"Magkaibigan lang kami ni Kei," pagtatama ko sa kanya dahil  akala yata niya girlfriend ako ni Kei.

"Kaibigan?" aniya sabay nilingon  niya si Kei.

"What? Sabi mo lang naman magdala ako ng babae," paliwanag ni Kei.

"Babae as in girlfriend," sagot ni Carl.

"Bakit? Girl friend ko naman siya ah."

"Girlfriend na jowa  hindi babaeng kaibigan. Halika nga muna dito saglit. Leigh, hiramin ko muna siya saglit. Kain ka lang diyan. Wag ka mahiya," sabi ni Carl sabay hila kay Kei. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi kasi ako sanay sa ganitong party.

Tumingin ako sa mga nakahandang pagkain. Mukha maman silang masarap pero mas gusto ko kumain ng isaw ngayon. Magtatagal kaya kami dito?

Gigilid na sana ako nang may bumangga sa akin. May naramdaman akong malamig sa ulo ko. Natapunan pa yata ako. Hinawakan ko yung buhok ko na basa at inamoy yung kamay ko. Amoy wine.

"Sorry. Hindi kita napansin," sabi ng isang matangkad na babae. Para siyang model dahil sa ganda niya.

"Ayos lang," sagot ko sabay punas ng panyo sa buhok ko. Buti na lang hindi madami yung natapon.

"Ikaw yung kasama ni Kei kanina diba? Kapatid ka niya?" tanong ng kasama niya.

"Mukha ba kami magkapatid?"

"Hindi kayo magkamukha pero imposible namang girlfriend ka niya. Masyado kang bata para sa kanya."

"Bakit? Ilang taon na ba ako sa tingin mo?"

"14, mukhang nasa elementary ka pa lang,"

Huminga ako ng malalim para pigilan yung sarili ko. Baka makasapak ako ng hindi oras. Bakit ba ang tagal ni Kei? Gusto ko ng umuwi.

"Leigh, sorry natagalan ako. Si Carl kasi ayaw akong tigilan," sabi ni Kei sa akin.

"Hi Kei. Long time no see," malanding sabi nung matangkad na babae.

"Yeah," nakangiting sabi ni Kei.

"Baka gusto mo sumama sa amin ng mga kaibigan ko?" sabi nung isa pang babae sabay dikit kay Kei. Tinignan ako ni Kei para humihingi ng tulong.

"Ehem. Sorry, may pupuntahin pa kami ni Kei. Kailangan na namin umalis," sambit ko.

"Babe, saan naman kayo pupunta? Dito ka na lang. Mas masarap kaming kasama," sabi ng pabebeng babae kay Kei. Lalo pa itong yumakap.

"Pasensya na. May date pa kami ni Leigh," tugon ni Kei sabay alis ng kamay nung babae pero kumakapit pa rin ito. Daig pa niya ang linta  kung makakapit. Nainip na ako sa kakahintay kaya lumapit na ako.

Hinawakan ko ang kamay niya sabay hatak sa kanya ng malakas. Napaupo pa nga siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkahila ko. Nawalan kasi siya ng balanse gawa ng heels niya.

"Diba mo ba narinig? May date pa kami," sabi ko sabay hawak kay Kei para umalis.

"Bitch! Hindi ka pa tinuruan ng nanay mo na gumalang sa nakakatanda?" sigaw niya kaya tumigil ako. Susugurin ko na sana siya pero  pinigilan ako ni Kei.

"Bakit naman kita gagalangin? Hindi ka naman kagalang-galang. Hindi ka ba naturuan ng nanay mo kung paano maging kagalang-galang na babae? Kulang na lang maghubad ka sa harap ni Kei para lang sumama sa sayo. Ayusin mo muna sarili mo kung gusto mong galangin ka," sagot ko sa kanya.

"Anong sabi mo?!" galit na sabi nung babae sabay tayo para sugurin ako pero bago pa niya ako mahawakan pinigilan na siya ni Kei.

"Binabalaan kita Miss. Kung ayaw mo masaktan, wag mo ng ituloy. Wala kang laban kay Leigh," pabala ni Kei. Alam na siguro niya kung ano mangyayari sa babae kapag hindi niya pinigilan.
Binitawan na niya ito at ako naman ang hinila niya.

"Aalis na kayo?" tanong ni Carl na sumunod sa amin.

"Oo," sagot ni Kei habang kinukuha yung gamit ko sa sasakyan. Pagkasara niya sa pinto ng kotse hinagis niya yung susi kay Carl.

"Salamat sa pagpapahiram. Magtataxi na lang kami pauwi," sabi ni Kei.

"Happy Birthday! Pansensya na sa gulo kanina," sambit ko.

"Wag mo na isipin yun. Ang cool mo nga kanina. Sana mas makausap pa kita sa susunod. Ingat ka kay Kei," tugon ni Carl.

Katulad ng sinabi ni Kei, nagtaxi na lang kami. At dahil wala ako sa mood, hindi na kami kumain.

"Dito na lang ako. Wag mo na ako ihatid sa bahay," sabi ko nung nasa kanto na kami. Bumaba na ako bago pa siya umangal.

"Ingat ka. Bukas na lang kita ililibre ng isaw."

"Sige. Ingat ka din," paalam ko. Naglakad na ako pauwi.

Habang palapit ako sa bahay may natanaw akong tao. Madilim sa kinatatayuan niya kaya hindi ko siya makilala. Lumingon siya sa akin at saka ako sinalubong. Nagulat ako nung makita ko si Jacey. Siya pala yun.

"Saan ka ba galing? Bakit ganyan suot mo? Nakipagdate  ka ba?" tanong niya.

"Oo," sagot ko na lang dahil ayokong makipagtalo ngayon.

"Kanino? May boyfriend ka na ba? May nanliligaw ba sayo?"

"Basta. Bukas na lang tayo mag-usap. Pagod ako. Umuwi ka na sa inyo."

Binuksan ko na yung gate. Mabuti na lang hindi siya nangulit ngayon. Alam na siguro niya na wala ako sa mood.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro