CHAPTER 8
CHAPTER 8
Jacey's POV
Yes! Uwian na! Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling pumunta sa school ni Leigh. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya naasar. Ang cute niya kasi kapag naiinis.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong niya nang makita ako.
"Gusto ko makita si Dianne, bakit ba?" sagot ko.
"Oo nga pala. Liligawan mo siya. Sige, una na ako," paalam niya bigla sabay alis. Sinundan ko siya ng tingin. Himala? Hindi niya ako sinapak. Hindi rin siya nakipagtalo.
"Liligawan mo ko?" tanong ni Dianne.
"Huh? Ah! Oo," tugon ko pero mukhang hindi siya naniniwala. Sinamaan niya kasi ako ng tingin.
"Mukha mo. Hindi naman ako yung gusto mo," aniya sabay irap sa akin. Sungit talaga.
"Alam mo pala eh. Bakit nagtanong ka pa? May hihilingin sana ako sayo," lakas loob na sabi ko.
"Ayoko. Bahala ka diyan. Wag mo ko idamay sa kalokohan mo," aniya sabay alis.
"Wala pa nga ako sinasabi," sunod ko sa kanya.
"Alam ko na sasabihin."
"Hindi ka naman manghuhula, paano mo nalaman?"
"Pinagseselos mo si Leigh," aniya na ikinatahimik ko. Mind reader ba siya? Paano niya nalaman yun?
"Hindi ah," tanggi ko.
"Sinungaling."
Tumawid na siya at ako naiwan nakatayo.
"Kapag tinulungan mo ko, tutulungan din kita kapag kailangan mo," sigaw ko. Alam ko naman na alam niya requests ko.
"Para kang tanga, sino kausap mo?" sabi sa akin ni Blue. Hindi ko man lang namalayan na katabi ko na siya.
"Si Dianne. Ano ginagaw mo dito?" tanong ko.
"Susunduin ko kapatid ko," aniya sabay tawid. Siguro yung bunso nila yung susunduin niya. Grade 1 pa lang kasi yun kaya kailangan hatid sundo.
Pumunta na lang ako sa bahay ni Leigh para kulitin siya. Hindi ko kasi siya nakulit kaya ngayon na lang. Pagkarating ko doon, bumungad agad sa akin ang nakasimangot niyang mukha.
"Nandito ka nanaman?" tanong niya sa akin pero ningitian ko lang siya.
"May itatanong ako sayo," tugon ko pero iniwan lang niya ako sa may pintuan. Pumasok na lang ako.
"Good Evening Tita!" bati ko sa mama niya. Sinarado ko ang pinto saka sumunod kay Leigh.
"Nakausap ko na si Dianne," pagkukwento ko sa kanya pero hindi ako pinansin. Busy siyang magkipagchat sa facebook. Himala nga, nakikipagchat siya. Kapag ako kasi hindi pinapansin.
"Manghuhula pala yun. Ano nga pala paborito niyang bulalak?" pangungulit ko.
"Ewan. Bakit hindi siya tanungin mo?" inis na sabi niya.
"Gusto ko siya i-surprise," nakangiting sabi ko. Nakakatuwa kasi reaction niya parang nagseselos lang. Ayaw pa kasing umamin eh.
"Edi i-surprise mo."
"Ano na lang paborito niyang kulay?"
"Hindi ko alam."
"Puro ka na lang walang alam. Wala kang kwentang kaibigan," sambit ko. Tumigil siya sa ginagawa niya at sa wakas humarap na siya sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa pangbubugbog niya.
"Ako? Walang kwenta? Gusto mo mamatay? Maghahanap ako ng gunman para ipapatay ka. Sabihin mo lang."
Pinigilan ko matawa dahil pulang-pula na siya dahil sa inis. Cute niya talaga.
"Wag naman! Sayang kagwapuhan ko."
"Ewan ko sayo. Wag mo nga ako kinukulit. Kung manliligaw ka kay Dianne, wag mo ko idamay. Magpatulong ka kila Kei."
"Eh! Ano ba alam nila Kei doon? Hindi naman nila kilala si Dianne."
"Dianne nanaman. Puro ka Dianne. Lumayas ka nga sa harapan ko."
"Okay," sagot ko. Pumunta ako sa likod niya. Sinusubukan niya nga humarap sa akin pero umiikot lang ako.
"Ano ginagawa mo?" tanong niya habang paikot-ikot kami. Sinusubukan niya kasi tumingin sa akin.
"Sabi mo umalis ako sa harapan mo. Kaya dito na lang ako sa likod mo," pilosopong sagot ko. Tumigil siya bigla. Alam kong galit na siya kaya bago pa niya ako masaktan, tumakbo na ako.
"Jacey! Bumalik ka dito!" sigaw niya. Kita ko siya humabol palabas. Tawang-tawa ako sa itsura niya. Sarap niya talaga inisin. Huminto ako sa pagtakbo dahil malayo maman ako.
"Hindi pa nga ako nakakalayo, pinapabalik mo na ako. Miss mo ko agad," sigaw ko pabalik.
"Kapal mo. Kahit isang buwan ka pa hindi magpakita, hindi kita mamimiss. Kung pwede nga lang wag ka na magpakita!" sigaw niya.
"Mag-aral muna kayo bago magligawan! Sigawan kayo ng sigawan. Mga kabataan nga naman," sigaw ng kabit-bahay nila Leigh. Naingayan yata sa amin.
"Hindi po kami nagliligawan!" sigaw pabalik ni Leigh. Loko talaga itong babaeng ito. Sagutin daw ba. Umalis na lang ako para hindi na kami mapagalitan. Alam ko naman papasok na din sa bahay nila si Leigh kapag wala na ako.
*****
Leigh's POV
Abnormal talaga yung lalaking yun. Pumunta lang dito para mangulit tungkol sa kaibigan ko. Ako na nga itong umiiwas siya naman itong lapit ng lapit. Iniwanan ko na nga sila kanila tapos pumunta pa talaga dito sa bahay. Sarap niya talaga ipapatay. Gigil niya ako.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga. Sumakit talaga ulo ko kay Jacey. Bakit ba kasi ako nakagusto sa kanya? Wala naman siyang ibang alam kundi mang-asar. Ang manhid pa. Alam na ngang may gusto ako sa kanya, ganun pa siya sa akin.
"Leigh, bili ka nga ng mantika. Naubusan tayo," utos sa akin ni Mama. Tumayo na ako at kinuha ko yung pambili.
Habang naglalakad ako may naramdaman akong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao. Imagination ko lang siguro.
"Pabili pong mantika!" sigaw ko sa harap ng tindahan. Wala kasing tao kaya sigaw ang ginawa ko. Ewan ko na lang kung hindi ako marinig.
"Ilan?" sigaw sa akin pabalik habang palabas ng bahay nila.
"Isang bote po," sagot ko. Pumasok yung tindera sa tindahan saka kumuha ng isang boteng mantika at inabot sa akin. Sakto naman yung binigay ni Mama na pera kaya wala na akong sukling hihintayin.
Pagkatalikod ko doon sa tindahan bumungad sa akin ang isang lalaki.
"Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Kei.
"Nakita ko kanina si Jacey papunta dito kaya sinundan ko," pagkukwento niya. Naalala ko bigla yung sigawan ni Jacey kanina.
"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.
"Oo. Grabe kayo magsigawan ni Jacey," natatawang sabi niya. Ako naman nahiya dahil sa pinagkakagawa namin. Kasalanan ito ni Jacey.
"Bakit hindi ka pa umuwi? Umalis na si Jacey."
"Wala lang. Gusto kitang makausap kaso nahihiya ako," aniya sabay kamot sa ulo. Siya siguro yung naramdaman kong nakatingin sa akin kanina.
"Tara sa bahay."
"Ayos lang ba?"
"Oo."
Sumunod siya sa akin. Binigay ko muna kay Mama yung bote ng mantika at pinakilala na din si Kei.
"Si Kei nga po pala. Kaibigan ko."
"Magandang gabi po," bati ni Kei.
"Magandang gabi. Napapadalas yata ang pagdalaw ng mga kaibigan mong lalaki? Dati si Jacey lang pumupunta dito. Nanliligaw ba sila sayo?"
"Hindi po Ma. Kaibigan ko lang sila. Doon lang po kami sa sala," tugon ko. Ang daldal talaga ni Mama.
"May iba pang nakapunta dito, bukod sa amin ni Jacey?" tanong ni Kei.
"Oo. Si Alas. Dinadalaw niya dito si Lei- I mean yung kuting niya. Lei din kasi yung pangalan."
"Ahh! Ito ba?" turo niya kay Lei. Natutulog ito sa upuan.
"Oo," tugon ko.
"Ang cute. Parang ikaw," aniya habang nakangiti. Lagi na lang nila ako pinakukumpara sa pusa.
"Hindi ako pusa."
"Pusa lang ba pwedeng maging cute?"
"Hindi naman. Pero lagi niyo kasi ako pinagkukumpara sa pusa."
"Hahaha. Ang cute mo kasi," tawa niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Kung si Jacey lang siya, baka kanina ko pa nasapak.
"Sige. Tawa lang," inis na sabi ko.
"Cute ka naman talaga eh. Kung hindi ka lang talaga ano, liligawan kita."
Kikiligin na sana ako sa sinabi niya. Kaso hindi ko maintindihan yung ano. Ano ba yung ano?
"Kung hindi lang ako ano?" tanong ko.
"Secret," nakangiting sagot niya. Iba pakiramdam ko sa ngiti niya.
"Pwede ka ba bukas ng hapon?" tanong niya.
"Pwede naman pero 5 pa uwi ko," sagot ko.
"Ayos lang yun. Pwede mo ba ako samahan sa bahay ng pinsan ko?" tanong niya.
"Bakit?"
"Ano kasi basta! Malalaman mo bukas. Kapag sumama ka, ililibre kita ng kahit anong gusto mong pagkain."
"Sige. Basta ililibre mo ko ha?" sagot ko. Basta pagkain hindi ako tatanggi. Papalibre ako sa kanya ng isaw. Matagal na ako hindi nakakakain nun.
"Oo. Susunduin kita sa school niyo. Wag mo nga pala sasabihin kay Jacey yung tungkol dito. Alis na ako. Salamat," aniya saka tumayo.
"Dito ka na kumain."
"Hindi na. Salamat na lang."
"Sige."
Hinatid ko na siya sa may gate.
"Bye! Pakisabi na lang sa mama na umalis na ako. Nakalimutan ko magpaalam," aniya sabay kamot sa ulo.
"Sige. Ingat ka!" paalam ko. Sinarado ko na yung gate at pumasok.
"Umalis na kaibigan mo?" tanong ni Mama.
"Opo. Nakalimutan daw niya magsabi sa inyo. Nagmamadali yata."
Napansin ko ang kakaibang tingin ni Mama.
"Kaibigan mo lang ba talaga sila? Wala bang naliligaw kahit isa man lang sa kanila?" tanong niya.
"Wala po. Kaibigan ko lang sa sila," sagot ko pero parang ayaw maniwala ni Mama.
"Sayang naman. Ang gagwapo pa naman. Para ka kasing tomboy kaya walang nakakagusto sayo. Tapos si Jacey, lagi mong inaaway. Ewan ko ba sayong bata ka. Kanino ka ba nagmana? Hindi naman ako ganyan," litanya ni Mama bago bumalik sa kusina. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Kapag ba nagbago ako, magugustuhan ako ni Jacey? Haaay. Ano ba itong iniisip ko? Baka asarin lang niya ako lalo. Masasayang lang effort ko kung sakali. Bahala na siya sa buhay niya. Tutal si Dianne naman gusto niya.
Itutuloy...
Author's note: At dahil natuwa ako sa comment niyo. Nag-UD ako ulit. Thank you readers. ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro