Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

CHAPTER 7

Leigh's POV

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko sa dalawa. Tapos na kami magtanghalian pero nandito pa rin sila sa bahay. Balak pa yata maghapunan dito. Tinulugan ko nga sila eh. Akala ko umalis na pero pagkagising ko mukha nila ang bumungad sa akin.

"Dito na muna ako," sagot ni Alas. Tumabi ako sa kanya.

"May naisip ka na bang pangalan niya?" tanong ko saka hinawakan sa ilong si kuting.

"Wala pa. Ano ba maganda?" tanong niya.

"Babae yan diba? Lei na lang tutal magkamukha sila ni Leigh" sagot ni Jacey.

"Hmm. Pwede," nakangiting sagot ni Alas.

"Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?? Ha? Pangalan ko pa talaga?"

"Ayaw mo? Ikaw si Lei 1 at siya naman si Lei 2. Para kayong kambal," pang-aasar ni Jacey kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin siya.

"Aray! Nakakadami ka na," reklamo niya dahil madaming hampas ang ginawa ko. Lumayo siya sa akin para hindi na ako makaulit.

"Kulang pa nga yan."

"Anong kulang? Namumula na nga yung braso ko."

"Nagtext si Sid. May naghahamon daw. Punta daw tayo sa computer shop nila ngayon," singit ni Alas habang nakatingin sa cellphone.

"Sabihin mo papunta na tayo," sagot ni Jacey. Salamat naman. Aalis na sila. Wala ng asungot sa bahay.

"Magbihis ka na. Hintayin ka namin sa labas," utos bigla sa akin ni Jacey.

"Huh? Kasama ako?" gulat na tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? Ikaw boss namin kaya kailangan kasama ka din," tugon niya.

"Oo nga pala. Acting boss niyo ko."

Akala ko pa naman nakakapagsolo na ako. Yun pala kasama din ako. Wala pa naman ako sa mood ngayon makipagsuntukan.

Lumabas na ung dalawa sa kwarto ko kaya nagbihis na ako. Saglit lang naman ako dahil hindi ako tulad ng ibang babae na may kung ano-ano pang nilalagay sa mukha.

Sabay kaming tatlo naglakad dahil malapit lang naman yun sa bahay. Pagdating namin nandoon na lahat.

"Ano nangyari sayo?" pansin agad ni Xian kay Alas. Dami niya kasing bandaid sa mukha saka braso.

Umupo lang si Alas at nanahimik.

"Binugbog ka nanaman ng lolo mo?" hula ni Tyron.

"Yeah," tugon nito. Mukhang hindi yun yung unang beses na nangyari yun dahil may idea na agad sila.

"Sabi ko naman kasi sayo. Lumayas ka na sa inyo. Tutal hindi ka naman nila tinuturing pamilya. Pwede ka dito sa computer shop tumira," sabi ni Sid.

"Kung lalayas ako, paano ako makakapag-aral?" tanong nito.

"Edi magtrabaho ka," sagot ko. Napatingin sila sa akin na akala mo naman may mali akong sinabi.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko.

"Kahit maghanap siya ng trabaho walang tatanggap sa kanya. Kalat sa barangay natin na magnanakaw si Alas," paliwanag ni Kei.

"Sorry. Hindi ko alam."

Napabuntong hininga sila. Lahat sila ang lalim ng iniisip. Makikitang lahat sila pinoproblema yung problema ni Alas.

"Pwede ka naman magtrabaho dito sa computer shop pero hindi sapat yun para makapag-aral ka," sabi ni Sid.

"Wag na ako isipin. Kaya ko pa naman sila tiisin makasama," sambit ni Alas pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mag-aalala. Kahit naman naiinis ako sa kanya nung una, nakakaawa pa rin siya. Kaya lang naman siya nakaganun dahil sa pamilya niya.

"Sasamahan kita maghanap ng trabaho," sabi ko. Bigla siyang tumawa at ayun ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang tumawa.

"Hoy seryoso ako. Wag mo ko tawanan," inis na sabi ko.

"Sorry. Kung makapagsalita ka kasi parang ang tanda mo na," tugon niya.

"Ganyan talaga si Leigh. Mukha lang yan bata pero matanda na kung mag-isip," sabi naman ni Jacey.

"Compliment ba yun o nang-aasar ka lang?" tanong ko kay Jacey.

"Compliment yun," sagot niya pero takot lang yan masapak ko. Bakla kasi.

"5 na. Tara na sa meeting place," sabi ni Tyron. Nagsitayuan sila at ako naman sumunod lang sa kanila. Malay ko ba kung saang meeting place yun.

Napatingin ako kay Kei nang patungan niya ng braso niya yung ulo ko. Nakaakbay siya kay Alas.

"Ano nangyari sa inyong dalawa? Mukhang close na kayo. Sabay pa kayong dumating," tanong niya sa amin.

"Wala. Nag-usap lang kami," sagot ni Alas sabay alis ng kamay ni Kei sa kanya. Nauna na itong maglakad kaya dalawa  na lang kami ni Kei naiwan sa likuran. Ang bibilis kasi nila maglalakad.

"Yun lang?" tanong ni Kei.

"Oo. Bakit?" tugon ko.

"Wala. Mamaya sa likod ka lang namin ha? Hayaan mo na lang kaming makipaglaban."

"Bakit?"

"Baka kasi hindi mo sila kayanin."

Tumigil na yung nasa harapan namin. Ang layo pa nga naming dalawa ni Kei pero tanaw ko na yung nakakalaban namin.

"Sila makakalaban niyo?" tanong ko. Ang lalaki  kasi ng katawan nila. Parang silang wrestler. Kitang-kita yung naglalakihang muscle nila kahit malayo pa kami.

Nung makalapit kami parang lalo ako nanliit kasi ang tangkad din ng iba sa kanila.

"Mga student din ba sila kagaya niyo?" tanong ko.

"No."

"Mas matanda sila sa amin," bulong sa akin ni Xian.

"Kayo ba yung sinasabi nilang grupo na tumalo sa mga hawak naming gang?" tanong ng isa sa kanila. Boses pa lang nakakatakot na.

"Kami nga," sagot ni Sid.

"Mas maganda siguro kung pauwiin niyo muna yung batang kasama niyo."

"Ako ba yung tinatawag mong bata?" inis na tanong ko pero bigla ako hinila ni Jacey at dinala sa likuran.

"Wag mo na patulan. Diyan ka lang," utos niya sa akin.

"Wag niyo na lang siya pansinin. Mag-umpisa na tayo," sabi ni Sid.

Sumenyas yung nagsalita kanina at ayun nagsisuguran na sila. Nga nasa 12 silang lahat kasama yung sumenyas. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood silang makipag-away. Mukhang marunong nga ng wrestling yung kalaban dahil ganun sila kung kumilos. Binuhat nung isa sa kanila si Blue at binalibag  saka dinaganan.

Rinig kong napamura si Blue nang bumagsak siya. Baka nabalian na ng buto yuns Sinipa ni Sid yung umiipit kay Blue kaya napaiwas ito. Tinulungan  naman ni Xian si Blue para makatayo.

"Ayos ka lang pre?" tanong ni Xian.

"Ang sakit ng likod ko," tugon nito.

"Doon ka na muna sa tabi ni Leigh," utos ni Tyron kaya tumayo na si Blue para tumabi sa akin.

"Hindi ka ba nabalian ng buto?" tanong ko.

"Hindi," sagot niya sabay kuha ng sigarilyo pero  bago pa niya masindihan yun, inagaw ko na agad.

"Wag ka manigarilyo sa tabi ko. Ayoko magkasakit dahil sa usok ng sigarilyo," sabi ko sa kanya. Hindi naman siya umangal. Binalik na lang niya lighter niya at kumain ng bubblegum.

"Ano sa tingin mo? Kaya mo ba sila?" tanong niya bigla sa akin.

"Sa liit kong ito? Tingin mo matatalo ko sila?" pabalik na tanong ko.

"Malakas ka naman eh. Kaya mo nga bumuhat ng motor," sabi niya sa akin.

"Kahit na. Kapag naman nahawakan nila ako, talo ako."

"Edi wag ka magpahawak. May naisip ako," nakangiting sabi niya. Mukhang may binabalak siya.

"Ano?" tanong ko. Lumapit siya sa tenga ko.

"Kita mo yung malaking bato na yun?" bulong niya sa akin. Napatingin ako sa bato na nasa gilid malapit sa tabi namin. Mas malaki iyon sa akin tapos medyo pabilog. Napaisip  nga ako kanina kung paano napunta yun dito.

"Oo."

"Kaya mo ba buhatin?"

"Hindi ko alam."

"Try mo. Tapos ihagis mo sa kanila kapag nabuhat mo. Ayun gamitin mong pangharang  para hindi ka nila mahawakan."

"Hindi ba yun pandadaya?" tanong ko.

"Wala naman rules na bawal yun. Saka hindi mo ba pansin yung pandadaya nila?"

Napatingin ako sa naglalaban dahil sa sinabi ni Xian. Doon ko lang napansin na parang may ginagamit sila. May kinuha kasi sa bulsa yung isa sa kanila habang nakayakap kay Kei. Then dinikit niya yun sa tagiliran ni Kei at ayun parang nanginig si Kei then binuhat na siya ng kalaban gamit yung isang kamay habang binubulsa yung ginamit.

"Ano yun?" tanong ko.

"Kita mo na? Ginamit din yun sa akin kanina. Taser tawag doon. Ginagamit yun pangself defense. Kapag ginamit nila yun limang segundo kaming hindi makakagalaw," paliwanag niya.

"WHAT?! ANG DAYA NAMAN NILA!" sigaw ko kaya nakuha ko atensyon ng lahat. Nilakihan ng mata ni Blue. Tinignan ko sila Sid na nakatingin na sa akin. Pati yung kalaban natigilan.

"ANO TINGIN-TINGIN NIYO?" sigaw ko sa kanila kaya ayun  mga nagsibalikan sa pakikipaglaban. Lumapit ako sa bato na tinuro ni Blue. Mas malaki ito sa akin. Sinubukan ko muna ito itulak para matignan kung gaano kabigat. Nung naitulak ko ito napangiti ako. Kaya ko naman pero mahihirapan lang ako kung bubuhatin ko kaya itulak na lang.

Tinignan ko si Blue at tinanguan niya lang ako na parang sinasabi niya na "sige, tuloy mo lang yan." Sinilip ko muna yung naglalaban at mukhang hindi nila ako pansin kaya tinuloy ko na itong itulak. Bahala na kung sino tamaan. Hindi ko pa naman kita yung nasa harapan ko.

*******

Jacey's POV

Habang nakikipagsuntukan ko napansin kong may palapit na malaking bato sa amin. Sinulyapan ko si Blue at tama ang hula ko. Wala na si Leigh sa tabi niya. Siya siguro yung nagpapagulong ng bato. Lumapit sa akin yung kalaban  ko pero iniiwasan ko ito. Ayokong dumikit sa kanya dahil alam ko ang sikreto nila. Habang hinahabol niya ako palapit ako ng palapit sa may bato. Nung nakatapat ko na tumigil ako saglit at yayakapin na sana ako ng kalaban pero yumuko ako at tinisod siya. Nawalan siya ng balanse dahil sa ginawa ko kaya nakipaghalikan siya siya sa lupa.

"F*ck!" sigaw niya nang magulungan siya ng bato bago pa siya makatayo. Natigilan si Leigh nang malampasan na niya ito. Natapakan pa nga niya ito.

"Sorry," sambit ni Leigh. Napansin na tuloy kami ng kalaban.

"Ano ginagawa mo bata?" tanong ng isa sa kalaban na nakakita kay Leigh.

"Naglalaro?" sagot ni Leigh habang kinakamot yung ulo. Yung isang kamay niya nakahawak pa rin sa bato. Ginawa niyang sandalan kaya nung gumulong yung bato kamuntik na siya matumba. Buti na lang nahawakan ko siya sa bewang.

"Mag-iingat ka naman," sermon ko sa kanya. Alam na kasing malakas siya. Sinadalan pa niya yung bato.

"Malay ko bang gugulong pa rin yung bato kahit isang kamay lang gamit ko," aniya kaya napailing na lang ako.

"Ohh!" sambit ko dahil gumulong pabalik sa amin. Agad ko binuhat si Leigh saka gumilid. Yung buhat na nakahawak lang ako sa bewang niya tapos inangat ko siya.

"Bato ko yan! Walang agawan" sigaw ni Leigh nung ibaba ko siya. Inalis niya yung kamay ko at tumakbo doon sa bato para itulak din.

Dalawa na silang tumutulak sa bato. Sino kaya mananalo sa kanila? Nung una hindi nagalaw yung bato pero sa huli nagawang itulak ni Leigh yung bato. Hindi ko tuloy maiwasan mapahanga sa kanya. Akalain niyo yun? Sa liit niyang yun nagawa niya matalo sa tulakan yung may malaking katawan.

Kita ko ang amazement sa mukha ng kalaban pero hindi nagtagal tinulungan din nila yung kasama nila sa pagtulak ng bato. Tatlo laban  sa isa ang labanan. Hindi yun alam ni Leigh dahil hindi niya kita pero tulak pa rin siya ng tulak.

Huminga siya ng malalim sabay tulak sa bato. Napaatras yung tatlo nung gumulong yung bato. Aba! Takot lang nila magulungan.

"Ano ba ginagawa niyo? Wag niyo sabihin na mas malakas  pa sa inyo yung bata?!" sigaw ng boss nila.

"Malakas talaga siya boss," sagot ng isa sa kanila. Kaya lumapit na yung boss nila.

"Tabi nga diyan. Mga wala kayong silbi!" sigaw nito sabay tulak sa bato. Nagawa niya maitulak ang bato pero dahil lang yun sa nagpapahinga si Leigh. Halata naman na hinayaan niya lang maitulak yun. Bumitaw si Leigh sa bato saka umatras at hinayaang gumulong yung bato.

Nanlaki yung mata nung  kasamahan nila dahil palapit nanaman sa kanya yung bato. Hinawakan niya sa paa si Leigh.

"Alam kong malakas ka. Please ayoko ng magulungan," pakiusap niya kay Leigh.

"Wag mo ko hawakan. Paano ko maitutulak yung bato?" sagot sa kanya ni Leigh kaya napabitaw yung lalaki. Pinigilan niya yung bato na gumulong at nang tumigil ito saka niya tinulak.

"What the hell! Tulungan niyo ko," sigaw ng boss nila kaya sampu na silang nagtulong-tulong. Yung isa kasi nakahiga habang yung isa naman nanonood lang kay Leigh.

"Kaya mo pa? Sampu na kalaban mo?" tanong ko kay Leigh.

"Sampu? Kaya pala ang hirap na itulak. Ayoko na. Ang daya!" reklamo niya sabay sipa doon sa bato. Hindi ko alam kung gaano kalakas pagkakasipa niya, basta na lang nagcrack yung bato at nung inalis niya yung paa niya ayun nagkapira-piraso yung bato. Dahil sa nasaksihan ko naisip ko na ang swerte pala. Sa daming beses na pangbubugbog sa akin ni Leigh, hindi nagkadurog-durog yung buto ko. Kawawang bato.

Isang katahimikan yung nangyari sa pagitan namin at ng kalaban. Napanganga kasi sila dahil sa ginawa ni Leigh.

"Sino ka? Paano mo nagawa yun?" tanong ng isa kanila. Pumulot ng bato si Leigh at saka pinaglaruan.

"Ako ba yung tinatanong mo?" tanong ni Leigh. Bago pa makasagot yung kausap niya sumingit na ako.

"Boss naman. Diba sinabi na namin na sa gilid ka lang?"

"Oo nga Boss. Napagod ka pa tuloy," sabi naman ni Ryden.

"Siya Boss niyo? Hindi si Sid?" tanong ng isa sa kanila.

"Never ako naging Boss. Hindi niyo ba alam yung balita na babae ang Boss namin?" sagot ni Sid.

"Sh*t! Kala ko usap-usapan lang yun dahil walang patunay," sabi ng Boss nila.

"Ngayon alam niyo na dahil nasa harap niyo na ang patunay. Ano? Itutuloy pa ba natin yung laban? Naiinip na ako," bored na tanong ni Sid.

"Panalo na kayo," tugon ng Boss nila. Lumapit siya bigla kay Leigh at hinawakan sa kamay.

"Ako nga pala si George. Kung sakaling maisipan mong iwan yung mga kasama mo, welcome ka sa grupo namin," aniya sabay halik sa kamay ni Leigh. Biglang nag-init ulo ko at sinapak yung boss nila.

"Hinding-hindi siya sasali sa inyo," inis na sabi ko. May pahalik-halik pang nalalaman, akala mo gwapo.

"Pre, kalma lang. Tapos na ang laban," sabi sa akin ni Xian sabay hila palayo. Nakita ko naman na hinila na din nila si Leigh paalis kaya hindi na ako umangal.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro