CHAPTER 5
CHAPTER 5
Leigh's POV
"Ano ginagawa mo dito? Ang aga pa," tanong ko kay Jacey. Sabado ngayon kaya masaya ako na walang pasok dahil makakapagpahinga ako. Ngunit ginising ako ng lalaking ito. Ang aga aga pa.
"Magbihis ka. Pinapasundo ka nila Sid sa akin," aniya sabay hila sa akin dahil ayoko pang bumangon.
"Mamayang 10 minutes."
"Ngayon na. Baka maging 1 hour pa yung 10 minutes mo."
"Gusto mo mabatukan?" pananakot ko sa kanya.
"Sabi ko nga. 10 minutes lang ha? Kapag yan lumampas ng 10 minutes, ikaw babatukan ko," aniya sabay bitaw sa akin at umupo.
"Bakit ba nila ako pinapasundo? Anong meron?" bumangon na ako dahil wala na din antok ko.
"Gusto ka daw nila mas makilala."
"Hmm. Hindi na din masama. Ligawan ko kaya yung isa sa kanila? Tutal binasted mo ko," biro ko.
"Baliw! Tomboy ka talaga. Kababae mo tao manliligaw ka? Saka hindi ka naman seryoso sa akin eh."
"Sira! Seryoso ako doon," inis na sabi ko.
"Kahit na. Bakit ka manliligaw? Babae ka! Lalaki dapat ang manligaw."
"Porket babae hindi na pwede manligaw? Bakit? Lalake lang ba pwede manligaw? Lahat pantay-pantay."
"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan. Gawin mo yung gusto mo. Punta ka na lang sa computer shop. Nandoon lang kami," aniya sabay tayo at iniwan ako. Ano nangyari doon? Galit ba siya? May sinabi ako masama? Toto naman yung sinasabi ko. Bahala nga siya. Sinusundo niya daw ako tapos iiwanan niya lang ako.
Naligo na lang ako para mawala init ng ulo ko. Kainis naman kasi. Gawing biro pa naman yung panliligaw ko. Hindi ko talaga maintindihan minsan yun. Madalas naman niya mabasa yung nasa isip ko pero yung gusto ko siya hindi niya maramdaman.
"Ma! Punta lang po ako computer shop," paalam ko.
Pagdating ko doon sarado pa yung computer shop dahil 8 yun nagbubukas. 7 pa lang kasi. Nakatayo lang ako sa labas habang natitig sa pintuan na sliding door.
"Bakit ayaw mo pa pumasok?"
"Aypusa!" sambit ko dahil sa gulat. Paglingon ko sa likod ko bumungad sa akin si Kei.
"Ikaw kaya bagay maging pusa. Pareho kayong cute," aniya sabay pisil sa pisngi ko bago ako lampasan. Binuksan niya yung sliding door. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil first time na may ibang lalaking gumawa nun.
"Pasok ka na. Kanina ka pa namin hinihintay," aniya kaya natauhan ako. Sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Unakyat kami sa second floor kung saan sila naghihintay.
"Hello Lei! Dito ka dali!" tawag sa akin Hailey. Buti na lang hindi ako nag-iisang babae dito. Tumabi ko sa kanya.
"Ehem. Lei, Lei na lang itawag namin sayo ha? Okay lang ba?" tanong ni Blue.
"Ayos lang," tugon ko.
"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Xian.
"Wala."
"Wala? Edi pwede manligaw?"
"Ayan liligawan mo? Kawawa ka diyan dude kapag naging girlfriend mo yan. Gagawin ka niyang punching bag. Sadista yang babaeng yan. Batok pa lang niya malakas na," sabat ni Jacey.
"Papansin ka. Ikaw ba yung kausap? Pasalamat ka malayo ka sa akin. Kundi napektusan na kita," sambit ko.
"Sabi ko sa inyo eh. Sadista talaga siya."
"Bwisit ka! Hindi ako sadista," tumayo ako para sapakin siya pero tinakbuhan ako ng loko.
"Hindi daw pero gusto ako sapakin."
"Bakla ka talaga. Wag ka tumakbo!"
Paikot-ikot kami dalawa dahil takbo siya ng takbo at ako naman itong habol ng habol.
"Tomboy ka naman!"
"Ako tomboy? Kapag ako nagkaboyfriend, who you ka sa akin."
"Walang papatol sayo," pang-aasar niya sa akin kaya lalo ako nainis. Tinanggal ko ang sapatos ko saka binato sa kanya pero nakaiwas siya.
"Tama na yan! Para kayong aso't pusa. Magkaibigan ba talaga kayo?" awat sa amin ni Xian.
"Oo naman. Hindi ba obvious?" sabay na sagot namin ni Jacey.
"Okay. Sabay pa talaga kayo ha?"
"Ngayon ko lang nakita si Jacey na ganyan," komento ni Blue.
"Bakit? Ano ba pagkakakilala niyo sa kanya?" tanong ko.
"Hindi siya ganyan sa babae. Sayo lang," tugon ni Blue.
"Hindi naman kasi babae yan. Tomboy yan," singit ni Jacey.
"Bakla ka naman," sagot ko.
"Tomboy!"
"Bakla!"
"Tomboy!"
"Bakla!"
"Sadista!"
"Hindi ako sadista!"
"Edi Amasona na lang."
"Tama na yan. Nag-umpisa nanaman kayo," awat sa amin ni Xian. Mukhang naiinis na sila dahil sa kaingayan namin. Nanahimik na lang ako at bumalik sa inuupuan ko. Pagod na din ako makipag-away kay Jacey.
"Let's go!" sabi ni Sid sabay tayo. Hindi naman ako kumilos dahil hindi ko alam kung kasama ako.
"Tara Lei. Sama ka sa amin," hila sa akin ni Kei. Inakbayan niya ako nang makatayo ako kaya sabay kaming naglakad. Ginawa niya patungan yung ng kamay yung balikat ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Ituturo namin sayo yung mga lugar na dapat mo iwasan kapag mag-isa ka," paliwanag ni Kei.
"Bakit naman kailangan ko iwasan?"
"Malalaman mo mamaya."
Tumigil kami bigla sa paglalakad dahil may humarang bigla sa amin.
"Ano ginagawa niyo sa teritoryo namin?" tanong ng isang lalaki.
"Una, ang teritoryo nila Piccolo," bulong sa akin ni Kei.
"Teritoryo? Wala naman pangalan nila para maging sa kanila i--," biglang tinakpan ni Kei ang bibig ka.
"Ang lakas ng boses mo," bulong niya. Napansin ko na nakatingin na sila sa aming dalawa.
"Sino yang batang kasama niyo? Pagsabihan niyo yan. Pumapatol ako kahit bata pa yan," mayabang na sabi ni Piccolo.
Inalis ko ang kamay ni Kei.
"Ako bata? Baka gusto mo--" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Jacey yung bibig ko.
"Amasona ka talaga. Manahimik ka na lang," pigil niya sa akin pero ayoko magpaawat dahil tinawag niya akong bata. Ayoko sa lahat yung tinatawag akong bata, pandak, maliit basta related sa height, umiinit ulo ko.
"Bitawan mo ko. Tatamaan sa akin yan Piccolo na yan!"
"Siya yata yung usap-usapan na babaeng tumalo kila Franco," sabi ng kasama ni Piccolo.
"Mukhang lalo yata tayo mapaaway nito," bulong ni Ryden.
"Wag nga kayo mapapaniwala sa kanila. Itong batang ito? Matatalo si Franco?" turo sa akin ni Piccolo. Sa sobrang inis ko hinawakan ko kamay niya at kinagat.
"Aray! Bwisit kang bata ka!" sigaw niya. Hahampasin sana niya ako nang pigilan ni Jacey yung kamay niya. Hinila naman ako nila Kei palayo Piccolo.
"Pasensya na. Ayaw na ayaw kasi ng alaga namin na tinatawag siyang bata," sambit ni Jacey bago bitawan si Piccolo.
"Tingin niyo palalampasin ko yung ginawa niya? Ibibigay niyo sa akin ang batang yan! Tuturuan ko lang ng tamang asal."
"Baka ikaw turuan ko. Hindi ako natatakot sayo! Bitawan niyo ko!" sigaw ko saka nagpumiglas ng buong pwersa at ayun napabitaw lahat ng pumipigil sa akin.
"Lei, stop!" sigaw ni Sid pero hindi ko siya pinansin.
"Kanino motor ito?" tanong ko nang mapansin ko yung motor sa tabi namin.
"Sa akin, bakit?" sagot ni Piccolo kaya napangiti ako. Lumapit ako doon.
"Ano gagawin mo sa motor ko?"
Binuhat ko yung motor at lahat sila gulat na gulat.
"WTH! TAO KA BA? SHIT! IBABA MO YANG MOTOR KO. MAS MAHAL PA YAN SA BUHAY MO," sigaw ni Piccolo.
"Teritoryo niyo ito?? Sino niloko niyo? Hindi niyo ito pag-aari. Pwede kahit sino dito. Kaya bumalik na kayo sa pinanggalingan niyo!" sambit ko saka binato sa kanila yung motor at siyempre ayaw nila mabagsakan kaya umiwas sila.
"OHHH!" sambit ni Xian. Rinig na rinig siya dahil natahimik lahat.
"Umalis na tayo dito," sabi sa akin ni Jacey sabay hila at takbo. Nakita ko naman na tumakbo din yung mga kasama namin.
"Hahahahaha. Nakita niyo ba yung itsura nila? Grabe! Iba ka talaga Lei," tumatawang sabi ni Blue.
"Paano mo nagawa yun? Tao ka ba talaga?" tanong ni Xian.
"Tao ako. Ano tingin niyo sa akin? Halimaw?" sagot ko.
"Bakit ang lakas mo? Ano sikreto mo?" tanong naman ni Kei.
"Wala. Pinanganak na akong ganito."
"Cool."
"Hindi kaya mas lalo tayong mapaaway dahil sa babaeng yan? Tignan niyo ginawa niya kanina," komento ni Alas.
"Para namang gusto ko kayong makasama. Kayo ka itong nakiusap sa akin."
"Sila lang yun. Ayokong makasama ka."
"Ayoko din naman makasama ka. Wala ako tiwala sayo. Baka mamaya nakawan mo lang ako."
"Hindi ako magnanakaw."
"Hindi? Eh ano tawag doon sa ginawa mo sa palengke. Pati matandang tindero, ninakawan mo."
"Wala kang alam. Hindi mo kilala," aniya saka umalis.
"Lolo niya yung tindero sa palengke. Hindi siya binibigyan ng allowance dahil masama ang tingin nila kay Alas. Pero ang totoo mabait talaga yan. Siya nga pinakamasipag sa amin," paliwanag ni Xian.
"Nagawa lang niya nakawan yung lolo niya dahil kailangan niya ng pera pambayad sa project," pagkukwento ni Blue. Nakonsensya tuloy ako bigla. Malay ko bang ganun? Pero masama pa rin magnakaw kaya mali din siya. Yun nga lang napasobra yata yung sinabi ko.
"Sundan mo siya. Magsorry ka sa kanya," sabi bigla ni Jacey.
"Huh?"
"Nakokonsensya ka diba? Sundan mo siya."
"Ayos lang ba?" tanong ko kila Xian.
"Sige lang. Sundan mo na," tugon ni Sid kaya tumakbo na ako para sundan si Alas.
Nakita ko siyang nagkatingin sa isang kuting na nasa kahon.
"Iniwan ka ba nila dito?" tanong niya sa kuting.
"Meow! Meow! Meow!"
Binuhat niya yung kuting.
"Sorry. Gusto sana kita kunin pero bawal kita iuwi sa amin."
"Ako na lang kukuha sa kanya," sambit ko.
"Bakit ka nandito? Nasaan sila Sid?" tanong ni Alas saka binaba yung kuting
"Sinundan kita. Sorry sa nasabi ko," umupo ako sa tabi niya at hinawakan sa ulo yung pusa.
"Ayos lang. Sanay na ako na masabihan ng masama."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro