CHAPTER 33
CHAPTER 33
Leigh's POV
"Leigh, mamimiss kita. Ingat ka doon. Message mo ko palagi," paalam ni Dianne sa akin. Ngayon na ang alis ko papuntang Manila.
"Ikaw din. Mag-iingat ka dito," tugon ko habang natingin sa paligid.
"Hinihintay mo si Jacey? Hindi pa rin ba kayo nagbabati after ng graduation party?"
"Hindi naman kami nag-away. Hinatid pa nga niya ako pauwi pero pagkatapos nun hindi ko na siya nakausap."
"Text mo."
"Hindi nasagot," inis na sabi ko. Alam naman niya na ngayon ang alis ko tapos hindi siya magpapakita. Ano nanaman kaya pinakakagawa ng baklang iyon?
"Paalis na ang bus. Sumakay ka na," sabi na mama sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at sumunod. Habang papaakyat ako palingon-lingon pa rin ako sa paligid. Baka sakaling humabol si Jacey. Alam ko masakit ang umasa na dadating siya pero hindi ko maiwasang maghintay. Dadating kaya siya? Eh sila Kei? Hindi ba sila magpapaalam sa akin? Umupo ako sa bakanteng upuan na nakita ko.
"Bye!" paalam ni Dianne pagkasilip ko sa may bintana. Ningitian ko siya at saka kumaway.
"Bye Dianne!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Medyo nagulat pa ako dahil malapit sa tenga ko yung bibig niya.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jacey. Bakit siya nasa bus?
"Bakit bawal? Pupunta din ako Manila," sagot niya sabay upo sa tabi ko.
"Bakit?"
"Trip ko eh. Kasama ko din pala sila Kei," aniya sabay tingin sa likod.
"Yo! Kanina pa kami dito sa loob. Ang tagal mo sumakay," sabi sa akin ni Xian. Nakaupo siya sa likod namin.
"Akala ko nga hindi na siya sasakay," sabi naman ni Blue na nasa tabi niya.
"Pati kayo? Wag niyo sabihin na trip niyo lang ding pumunta sa Manila."
Ningitian lang nila ako. Kinutuban ako bigla. Sigurado ako may binabalak sila kaya sila nandito. Kailangan ko maging alerto. Kapag kasama ko pa naman sila laging may gulo.
"Umupo ka na. Aandar na yung bus," hila sa akin ni Jacey dahil nakatayo pa rin ako. Umayos na lang ako ng upo at nagdududang tinignan si Jacey.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Ano binabalak niyo?"
"Wala. Trip lang namin na samahan ka sa Manila."
"Ayun lang ba talaga?"
Hindi siya sumagot at binigyan niya lang ako makahulugang ngiti. Yung ngiti na halatang may ibig sabihin.
"Aww!" reklamo niya nang kurutin ko ang pisngi niya. Nakakaloka kasi ang ngiti niya. Gusto ko sana siya sapakin kaso nasa sasakyan kami. Baka kung ano isipin ng makakakita.
"Tatamaan ka sa akin kapag nalaman ko na may masama kayong binabalak," pagbabanta ko sa kanya.
"Sobrang sama ba ang tingin mo sa amin. Kahit may binabalak kami, walang masama doon."
"Edi tama ako? May binabalak nga kayo?"
Tinawanan niya lang ako at umiwas ng tingin.
"Jacey!" hila ko sa kwelyo niya. Sabi na nga ba may binabalak sila.
"Leigh, wag dito! Pina--" pagharap niya sa akin nagkataon na nagdikit ang mga labi namin. Sa gulat ko napabitaw ako bigla sa kanya.
Lalayo na sana ako pero hinila naman niya ang kamay ko at muling hinalikan.
"Nakuhaan mo?" rinig kong tanong ni Xian. Pagtingin ko sa kanila, nakasilip sila sa amin.
"Oo. Ipapakita ko ito kay Dianne," sagot ni Blue.
"Burahin mo yan," nahihiyang sabi ko. Sa dami ng pwedeng kuhaan, yun pa.
Iniwas niya agad ang phone niya at umayos ng pagkakaupo.
"Wag ka mag-aalala bibigyan ko kayo ng kopya," pang-aasar pa niya.
"Hindi ko kailangan ng kopya. Burahin mo," pilit ko siya inabot at saktong biglang nagpreno ang sasakyan. Kamuntik na ako matumba. Mabuti na lang nahila ako agad ni Jacey.
"Nasa bus pa tayo. Mamaya na yan," aniya habang nakahawak sa bewang ko. Umayos na lang ako ng upo at hindi nagsalita dahil tama naman siya.
"Send mo sa akin yung picture," utos niya kay Blue.
"Okay," sagot agad ni Blue.
Tinignan ko ng masama si Jacey. Isa pa ito eh. Sarap nilang pag-untugin ngayon.
"Ang cute mo dito Leigh. Namumula ka pa," natatawang sabi niya sabay pakita sa akin ng picture.
"Dapat ba ako matuwa?"
"Oo naman. Remembrance ito ng biyahe natin patunggong Manila."
Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon pa lang sumasakit na ulo ko sa kanila. Paano pa kaya kung nasa Manila na kami? Idagdag pa na hindi ko alam kung ano gagawin nila doon.
Hindi naman siguro sila magtatagal doon? Wala naman silang dalang maraming gamit katulad ko.
**********
Jacey's POV
"Saan pa tayo pupunta?" tanong ni Leigh. Pagkadating namin sa Manila, kami ang nasunod sa kung saan kami pupunta.
"Sa graduation gift namin sayo," sagot ko.
Sigurado masusurpresa siya sa regalo namin sa kanya. Pinaghandaan talaga namin ang araw na ito.
"Nandito na tayo. Para sayo," binigay ni Sid ang isang susi. Nakatayo kami sa harap ng isang building na may 3nd floor.
"Para saan ito?" tanong niya.
"Buksan mo," sagot ko sabay turo sa sliding door na may nakadikit na mga poster.
"Surprise!" sigaw nila Hailey at Sam na nauna sa loob.
"Computer shop? Wag niyo sabihin na ito regalo niyo?"
"Hindi. Pero nandito regalo namin sayo. Mamaya na namin ipapaliwanag. Tara sa taas," sagot ni Sid.
Hinila nila Sam si Leigh paakyat ng hagdan. Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan.
"Ito susi," abot ni Kei sa susi ng pintuan. Agad naman ito binuksan ni Leigh at bumungad sa amin ang isang sala at kusina. Makikita na bago pa ang gamit.
"Parang yung computer shop niyo lang pero mas malaki ito," komento ni Leigh. Bukod sa kusina at sala may dalawang kwarto din at siyempre hindi mawawala ang banyo.
"Pinasara na namin yung doon sa atin at nagpatayo kami ng bago dito. Pero may shares na sila Blue dito kaya mas malaki ito," paliwanag ni Sid.
"Bakit mo pinasara? Saka bakit kayo nagpatayo dito?"
"Malalaman mo pag-akyat natin," nakangiting sabi ko. Ako naman ang humila sa kanya. Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Puro kwarto na pagdating sa 3rd floor. Binigay ko sa kanya ang susi at agad naman niya binuksan ang pinto.
"Kwarto ko?" tanong niya na mukhang nagulat pa siya.
"Regalo namin yan sayo. Mas malapit ito sa school natin kaysa sa bahay nila Paul."
"School natin?"
"Dito na din kami mag-aaral kasama mo," masayang sabi ni Hailey.
"Lahat kayo?"
"Oo. Wag ka mag-alala pinayagan naman kami ng mga parents namin. Alam din ito ng mama mo," paliwanag ni Xian.
Tinignan ako ni Leigh.
"Wala ka ba ipapaliwanag?"
Napakamot ako sa ulo.
"Noong sinabi mo na dito ka na mag-aral, naisip ko na sundan ka kaya lumipat ako sa school mo," paliwanag ko. Kaya kami naging busy noon dahil inayos namin ito. Hindi ko alam kung bakit pati sila Sid sumama, basta ako dahil kay Leigh kaya ako lumipat.
"Kaya pala kayo palagi busy noon, dahil dito."
Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi. Ang seryoso kasi ng mukha niya habang pinagmamasdan ang kwarto niya.
"Salamat," sambit niya saka ngumiti.
"Waaahhh! Ang cute mo talaga. Excited na ako na makasama ka dito. Mas marami na tayong oras na magkasama," yakap bigla sa kanya ni Sam.
"Buti pinayagan ka ng daddy mo na sumama dito? Alam ba niya na kasama mo si Sid dito?"
"Oo naman. Nangako ako sa kanya na mag-aral ako ng mabuti at hindi gagawa ng gulo. Pumayag siya pero kapag nalaman niya na hindi ako tumupad, pauuwiin niya ako agad."
"Yung iba?"
"Sinabi ko na gusto ko tumayo sa sarili kong paa. At ayun agad pumayag si mom," paliwanag ni Xian.
"Matagal na ako lumayas sa amin kaya hindi ko kailangan magpaalam sa kanila," sabi namin ni Alas.
"Sinabi ko na magtatayo tayo ng business dito at ayun sinuportahan nila ako agad," sambit naman ni Kei.
"Ganun din sa akin," maiksing sagot ni Sid.
"Matagal na ako nagsolo kaya walang problema kahit saan ako magpunta basta nag-aaral ako ng mabuti," paliwanag ni Tyron.
"Suportado ako ng magulang kahit saan ako magpunta basta makatapos ako. Ayos na sa kanila," sabi naman ni Blue.
"Ganun din sa akin," sabi din ni Ryden.
"Ikaw Jacey? Ano sinabi mo kay tita?" tanong sa akin ni Leigh.
"Sinabi ko na gusto kita makasama. Ayun pumayag sila agad pero kinailangan ko muna pumasa sa entrance exam," seryosong sabi ko. Basta pagdating kay Leigh suportado ako nila Mama. Pakiramdam ko nga minsan na mas tinuturing pa nila si Leigh na anak kaysa sa akin.
"Lahat ba kayo papasok sa university na papasukan ko?" tanong niya muli sa amin. Tinanguan namin siya bilang tugon. Napabuntong hininga siya bigla.
"Bakit parang hindi ka masaya na makakasama kami sa school?" tanong ko.
"Masaya ako pero kinakabahan ako sa mangyayari. Tuwing nakakasama ko kayo lagi ako napapaaway sa gangster. Sana maging payapa ang pag-aaral ko," tugon niya.
"Hindi maiiwasan yun. Kalat ngayon na natalo natin sila Lion kaya sigurado kinatatakutan nila tayo. Pero meron din maghahamon sa atin dahil tinagurian tayong strongest gang," sambit ni Sid na parang wala lang sa kanya.
"Ayan ang sinasabi ko!" inis na sabi ni Leigh. Walang umimik sa amin. Totoo naman ang sinasabi nila pero hindi iyon dahil kila Sid. Noong nag-aasikaso kami dito napag-alaman namin na si Leigh ang sikat dito na tinatawag nilang queen of gangster. Mas sikat pa siya kaysa kila Sid. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba iyon sa kanya o hindi.
"Leigh, ikaw ang sikat dito. Hindi kami," diretsong sabi sa kanya ni Sid.
"Bakit ako hindi naman ako gangster?"
"Dahil tumatak ka sa isip nila. Malalaman mo din kapag binuksan natin yung computer shop."
Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Bahala na si Sid magsabi sa kanya. Kapag ako nagsabi sigurado sapak aabutin ko kay Leigh.
Itutuloy ...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro