CHAPTER 3
CHAPTER 3
Leigh's POV
"Anong meron? Bakit ang daming tao sa gate? May artista ba?" tanong ni Dianne, isa sa kaibigan ko at kaklase ko din.
Palabas na sana kami ng gate nang bumungad sa amin ang mga nagkukumpulang istudyante.
"Hindi ko din alam. Paano tayo nito dadaan?" tugon ko. Bakit ba hindi sila pagbawalan ng guard. Hindi ba nila alam na nakaharang sila sa mga taong gusto ng umuwi.
"Edi paalisin mo sila," nakangiting sagot niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako saka tumuloy sa paglalakad.
"Ang gagwapo nila. Sino kaya hinihintay nila?"
"Babae daw. Swerte nung babae. Girlfriend siguro ng isa sa kanila?"
"Kung sino man yung swerteng babae, kakaibiganin ko para mapalapit din ako sa kanila."
Grabe. Porket gwapo, ganyan na sila? Akala naman nila papansinin sila ng mga yan. At kung papansin man sila, baka sa kama na sila dalhin.
"Excuse me. Pwedeng makidaan?" sabi ko sa isa kanila pero hindi ako nito pinansin kaya medyo nainis ako.
Kinalabit ko yung katabi niyang babaeng para patabihin.
"Pwedeng makidaan?" tanong ko nang lingunin niya ako.
"Girl alam na namin yang style na yan. Kunwari dadaan ka pero ang totoo gusto mo lang din makita yung mga gwapong lalaki. Palibhasa maliit ka kaya hindi mo kita," aniya sabay irap sa akin.
"Aba! Si--hmmp," sambit ko. Handa na sana ako sabunutan siya nang bigla akong hilain ni Dianne sabay takip sa bibig ko.
"Kalma lang Leigh. Ayokong mapunta sa atin yung atensyon nila. Sigurado gulo yun," pigil niya sa akin kaya pinilit ko ang sarili ko kumalma. Inalis ko ang kamay niya para makapagsalita ako.
"Okay na. May naisip akong paraan para tumabi sila," sambit ko kaya binitawan na niya ako.
"Ano?"
"Tatakbo tayo. Maghanda ka," sabi ko. Tinanggal ko yung saka kinuha yung lace. Pinaikot-ikot ko ito ng mabilis sabay hawak kay Dianne.
"Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo. Isa... dalawa...tatlo... takbo!!" sigaw ko saka tumakbo habang pinapaikot yung id lace ko.
"TABI! TUMABI KAYO KUNG AYAW NIYO MATAMAAN!! TABI!" sigaw ko kaya napalingon sila sa amin. Nang mapansin nila yung pinapaikot ko, mas mabilis pa sila sa kabayo kung nakaiwas. Nagtulakan pa sila dahil sa taranta.
Nalampasan na namin sila pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nakita ko pa nga yung pinagkaguguluhan nila pero hindi ko na ito pinansin.
"Sandali!"
Natigilan ako nang may humawak sa id lace ko. Tumingin ako sa likod ko dahil nandoon yung pumigil.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko siya tinignan bago ko mapagtanto kung sino siya. Doon ko na din tuluyan nakilala yung sinasabi nilanf gwapo sa gate.
"Kayo nanaman?!" sigaw ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ng lalaking pumigil sa akin.
"Sino sila? Kilala mo?" bulong sa akin ni Dianne.
"Ewan. Hindi ko sila kilala," sagot ko.
"Hindi pa pala kami nagpapakilala. Ako nga pala si Xian, sila naman yung mga kaibigan ko. Walo talaga kami pero nagtatago yung isa kaya pito lang kaming ngayon. Hoy magpakilala kayo."
"Hi girls! I'm Blue," sabi nung red yung buhok. Tinignan ko yung katabi niya nang sikuin niya ito.
"Tyron," sambit nito sabay ayos ng salamin.
"Ryden," sunod na sabi ng may kulay gray na buhok.
"Keifer, pero tawagin mo na lang akong 'Kei'," nakangiting sabi ng may brown ba buhok. Napalingon ako doon sa magnanakaw sa palengke dahil siya ang nasa tabi ni Kei.
"Siya naman si Alas," dugtong ni Kei nang mapansin niyang walang balak magpakilala yung kaibigan niya.
"Okay," tugon ko sabay tingin sa lalaking nakipag-usap sa akin nung isang araw.
"I'm Sid," aniya sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay naman ako sa kanya dahil baka mapahiya siya kung hindi. Dami pa naman naming audience.
"Bakit niyo ko hinihintay?" tanong ko.
"Ayaw mo ba talaga? Hindi na ba magbabago isip mo?" tanong ni Xian. Palapit ng palapit siya sa akin kaya napaatras ako bigla.
"Hindi na magbabago isip ko," tugon ko habang umaatras.
"Bakit ba ayaw mo?"
"Teka! Wag ka nga lumapit masyado," inis na sabi ko hanggang sa may nabangga yung likod ko. May kamay na umakbay sa akin mula sa likod ko kaya tumingala ako. Bumungad sa akin ang pamumukha ni Jacey.
"Ano ginagawa mo kay Leigh?" tanong niya kay Xian
"Nandito na pala yung pangwalo. Leigh, siya nga pala yung isa pa sa amin. Magkakilala kayo diba? Kita namin sa picture na magkasama kayo," sabi ni Xian. Naalala ko yung wallet ko kahapon kung saan may picture naming magkakaibigan. Nandoon nga si Jacey dahil sumasama din siya sa amin lakad magbabarkada.
Inalis ko yung kamay ni Jacey saka humarap sa kanya.
"Gangster ka din?" tanong ko dahil hindi halatang kasama siya sa kanila.
"Hindi kami gangster. Kaaway namin sila kaya wag mo kaming itulad sa kanila," inis na sabi ni Xian.
"Mga barkada ko sila sa university na pinapasukan ko. Ikaw pala yung sinasabi nila. Kung alam ko lang sana tinago din kita," tugon ni Jacey.
"Hindi mo ko kailangan itago, kaya ko sila harapin," sambit ko.
"Basta! Umuwi na kayo ni Dianne. Ako na makikipag-usap sa kanila. Hindi ka naman payag diba?"
Umikot siya papunta sa likod ko sabay tulak sa akin pero yung mahina lang. Kahit hindi niya direktang sinabi na ayaw niya akong madamay sa gulong napasok nila, naramdaman ko yun.
"Tara na Dianne," sigaw ko. Kaya umalis na kami.
"Ano yung pinag-uusapan niyo?" tanong ni Dianne.
"Wala lang yun," sagot ko sabay lingon sa likod. Hindi ko na sila masyado kita dahil malayo na yung nalakad namin.
Biglang kumapit sa akin Dianne kaya napabalik ako ng tingin sa kanya. Ngumuso siya sa harapan namin kaya tinignan ko kung anong meron. May grupo ng mga lalaki na mukhang tambay sa kanto. Naninigarilyo pa yung iba sa kanila.
"Kilala mo ba sila Sid?" tanong ng lalaking may bandaid sa kaliwang pisngi. Naninigarilyo ito habang nakatingin sa amin.
"Hindi," sagot ko sabay hawak kay Dianne. Sa dami nila sigurado mahihirapan ako na labanan sila. Mas mabuting umiwas kaya hinila ko si Dianne papunta sa ibang direksyon ngunit pinalibutan nila kami.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Kung hindi mo sila kilala bakit kausap mo sila kanina? Ikaw ba yung kumakalat na leader nila?" tanong nito.
"Ako leader? Mukha ba akong gangster?" tanong ko kaya tinitigan nila ako.
"Boss, masyado siya maliit para maging leader nila. Baka kapatid lang siya ng isa sa kanila," sabi ng kasama nito. Palalampasin ko muna yung panlalait niya sa akin dahil ayoko makagulo.
"Pero may bali-balita ma isang maliit na babae daw yung nagpatumba kay Franco nung sumugod sila sa tambayan nila Sid," sabi ng isa pa sa kanila.
Okay Leigh kalma lang. Kahit na dalawang beses na nila akong tinatawag na maliit.
"Ikaw ba yung tumalo kay Franco?" tanong ng boss nila.
"Sino si Franco?" tanong ko.
"Isa sa sumugod sa tinatambayan nilang computer shop."
"Ah! Si Majinbu," sambit ko dahil ayun ang naalala kong pangalan.
"Majinbu? Sila Sid lang ang tumatawag ng Majinbu kay Franco."
"Ah! Narinig ko lang sa kanila yun."
"Tama nga kami. Ikaw yung tumalo sa kanya."
"Ah! Eh..." dumikit ako lalo kay Dianne.
"Bibigyan kita ng daan para makatakas ka. Tumakbo ka agad. Humingi ka ng tulong," bulong ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako.
"Nandyan na sila Sid!" sigaw ko sabay turo sa likod ng kausap ko. Napatingin sila doon. Hinila ko si Dianne saka sinuntok ang isa sa kanila para magkaroon ng daanan. Umupo ako at saka ko ito pinaikot yung paa ko para matalisod sila.
"Takbo na!" sambit ko kay Dianne. Mabilis naman ito tumakbo kaya alam kong maasahan ko siya sa ganito.
"Yung isang babae, tumatakas!" sigaw ng isa kanila. Nakita ko na humabol yung isa kaya agad binato sa direksyon niya yung bag ko saka ito hinabol para pigilan. Niyakap ko siya sa likuran saka siya binuhat at hinagis patungo sa kasamahan niya na palapit sa akin.
"Ako harapin niyo," paghahamon ko sa kanila. Kita ko ang gulat sa mukha nila dahil sa ginawa ko.
"Ano pa tinutunganga niyo? Sugurin niyo siya!" sigaw ng boss nila kaya nagsitakbuhan sila sa akin. Sinalo ko ang dalawang kamao na patungo sa akin. Sabay kong pinilipit ang mga kamay nila. Napasigaw sila sakit kaya binitawan ko na at sinipa yung nasa gitna nila palapit sa amin.
Pagkasipa ko bumaliktad ako yung kamay ko yung nasa semento. Pinaikot ko yung paa ko para hindi sila makalapit. Tumayo na ako at isa-isa silang sinugod. Sinisigurado ko na hindi na sila makakatayo bawat suntok at sipa.
"Sh*t! Tao ba ang isang ito? Para akong hinampas ng bakal," reklamo ng isa sa kanila habang nakahawak sa tiyan na sinipa ko.
'Kalahati na ang napabagsak ko. Pagod na ako. Nasaan na ba si Dianne?' sa isip ko. Tinaas ko ang kamay ko para patigilin yung susugod sa akin.
"Time first! Pahinga muna ako saglit. Ang dami niyo," sambit ko kahit alam kong hindi sila titigil. Ngumisi lang sila saka tumakbo palapit sa akin kaya napatakbo na lang din ako.
*****
Third Person's POV
"Hindi ako papayag na si Leigh yung gagawin niyong boss. Madadamay lang siya," kontra ni Jacey sa mga kaibigan niya.
"Bakit? Girlfriend mo ba siya?" tanong ni Xian.
"Hindi. Pero kaibigan ko si Leigh."
"Kaibigan mo din naman kami. At ang magkakaibigan nagtutulungan."
"Baka hindi lang kaibigan tingin niya kay Leigh," singit ni Blue.
"Kaibigan ko lang talaga siya. Ayoko lang magalit yung mama niya kapag sinali natin siya."
"Isali man natin siya o hindi damay na siya. Pagkatapos ng ginawa niya kay Majinbu, sigurado sikat na din siya sa mga gangster," komento ni Tyron dahil ganun ang nangyari sa kanila.
"Hindi naman siguro," kontra ni Jacey.
"Jacey!" sigaw ni Dianne habang hinihingal dahil sa kakatakbo.
"Bakit bumalik ka? Nasaan si Leigh?" tanong niya sa kaibigan ni Leigh.
"May humarang sa amin na mga lalaki. Tinanong nila kung kilala niya kayo," tugon nito. Nagkaroon na sila agad ng idea kung ano nangyari.
"Nasaan sila?" tanong ni Jacey.
"Diretso lang kayo. Makikita niyo sila agad."
Agad tumakbo sila Sid sa pangunguna ni Jacey.
'Leigh naman. Bakit ka ba pumasok sa gulo na ito,' sa isip ni Jacey habang tumatakbo. Natanaw nila si Leigh na tumakbo bigla. Patunggo ito sa direksyon nila kaya binilisan nila ang takbo.
"Jacey," sambit ni Leigh nang masalubong niya ang binata. Nilampasan siya nito at sinugod ang mga humahabol sa kanya. Malayo pa lang ito lumundag ito para sipain yung nasa harapan niya. Sinuntok niya pa ang katabi nito. Tinulungan naman siya nila Sid.
Natulala na lang si Leigh dahil sa nasaksihan. Ngayon lang niya nakitang makipag-away ang kaibigan niya. Parang galit pa ang itsura nito. Wala pa limang minuto nabagsak na nila yung kalaban.
"Ikaw ba may gawa nun sa kanila?" tanong ni Kei kay Leigh nang mapansin yung mga natalo ng dalaga. Tumango na lang ang dalaga.
"Samahan na kita sa inyo," singit ni Jacey sabay hila kay Leigh. Pinulot na din nito ang bag ng dalaga na pinangbato nito kanina.
'Ano nangyari dito? Bakit ang seryoso niya masyado?' sa isip ng dalaga. Hinayaan na lang niya na hilain siya dahil alam niya wala ito sa mood.
Itutuloy...
Nilagyan ko ng name nila yung cover para alam niyo kung sino sila doon. ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro