Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

CHAPTER 29

Leigh's POV

Nag-umpisang magkagulo ang mga nakabantay sa akin pero dahil tinatamad ako pinanood ko lang silang nagtatakbuhan.  Alam kong nasa labas na sila Sid kaya sila nakakagulo. Kahit hindi ko nakikita alam ko na kinalalabasan.

"Bakit hindi ka makisali sa kanila?" tanong ko sa kaibigan ni kuya Paul.

"Ayoko makigulo sa kanila. Mas gusto ko na dito. Ikaw? Kailan mo balak kumilos? Parating na boss namin."

"Kapag dumating na boss niyo. Gusto ko makilala yung tinatawag niyong Lion."

"Bilang kaibigan ni Paul. Sasabihan na kita. Mag-iingat ka sa boss namin. Ayaw niya na nalalamangan siya ng babae. Lalo na sa mga babaeng umaagaw ng mga gusto niya."

"Salamat sa paalala."

"Kung ako sayo aalis na ako habang nakakagulo."

"Ayaw ko marinig yan mula sa kalaban."

"Oo nga pala. Kasamahan ako ng mga dumukot sayo."

Napabuntong hininga na lang ito. Halatang ayaw niya ang nangyayari.

"Nandito na siya Boss!" sigaw ng isang lalaki. May nakita akong grupo ng mga lalaki na nakaformal suit.  Huminto sila sa harapan namin.

"Ikaw ba yung boss nila Sid?" tanong ng lalaki sa gitna nila. Pagkarinig ko ng boses niya napagtanto kong bigla na bakla ang tinatawag nilang Lion.

"Oo?" patanong na sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba panindigan ang pagiging boss kahit hindi naman totoo ang lahat. Tinaasan niya ako ng isang kilay habang nakatitig sa akin.

Akala ko magtitigan na lang kami pero nagulat na lang ako nang sinampal niya ako. Nag-init bigla ang ulo ko.

"Ang lakas naman ng loob mo na sabihing  boss ka nila? Sa liit mong yan sino maniniwala sayo? Paanong magiging boss nila Sid ang isang highschool student na katulad mo?" sambit niya. Hinampas ko ang
mesang nasa pagitan namin saka tumayo at galit siyang tinignan.

"Ano naman ngayon?  Problema mo na yun kung ayaw mo maniwala. Inggit ka lang dahil mas pinili nila ako sayo," sagot ko sa kanya.

"Anong sabi mo?! Hindi mo ba ako kilala? Isang senyas ko lang pwede kang mamatay," pananakot niya sa akin.

"Hindi mo ba ako kilala? Kaya ko basagin ang pangit mong mukha."

Nanlaki ang mata nila dahil sa sinabi ko habang si Lion kulang na lang umusok ang ilong dahil sa galit.

"I'll kill you!" sigaw niya bigla sabay sugod sa akin.
Mabuti na lang maliit ako, konting yuko ko lang naiwasan ko ang suntok niya. Bago pa niya mabawi ang kamay niya hinawakan ko na agad ito saka siya sinipa at pinilipit ang kamay niya.

"Ahhhh! Ano tinutunganga niyo diyan! Tulungan niyo ko!" sigaw niya. Natauhan ang mga kasamaha niya at sabay-sabay nila ako sinugod.  Binitawan ko agad ang boss nila at kinuha ang upuan sa tabi ko sabay hampas sa taong nasa harap ko bago tumakbo.

"Boss, okay ka lang?" rinig ko pang tanong ng isa sa kanila.

"Mukha ba akong okay? Habulin niyo siya! Wag niyo hahayaan makatakas! Kapag nahuli ko lang siya sasabunutan ko siya hanggang makalbo!" gigil na gigil na sabi ni Lion. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pangit niyang mukha dahil sa galit.

Pinagsusuntok at pinagsisipa ko ang mga humaharang sa ako.

Bang! Napatakip ako ng tenga dahil sa putok ng baril. Pagtingin ko sa gilid ko may marka sa sahig kung saan tumama ang bala. Napalunok ako ng laway at nag-umpisa na ako matakot. Baril na ang kalaban ko! Pwede ako
mamatay kung matatamaan ako.

"Wag ka kikilos kung ayaw mo mamatay!" sigaw ng isa sa kanila.

"Kumilos man ako o hindi papatayin niyo din ako,"
matapang na sabi ko kahit natatakot ako. Tumakbo ako agad bago pa ako mabaril. Rinig ko ang sunod na sunod nilang pabaril. Palipat-lipat ako ng direkson para kahit paano mahirapan sila na matamaan ako. May pagkakataion na kamuntik na ako mataaan sa paa.
Mabuti na lang naihakbang ko ito agad. Nadaplisan din ako sa hita pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Konti na lang makakalabas na ako. Pakiramdam ko ang layo ng tinakbo ko kahit ang lapit lang ng labasan.

"Harangan niyo siya! Harangan niyo siya!" 

May tatlong humarang sa akin pero sa halip na tumigil ako sa pagtakbo, sinugod ko sila. Hinanda ko ang kamao ko para suntukin ang isa sa kanila. Tumalsik ito sa labas. Hinila ko ang kwelyo ng katabi ko at hinagis ito palabas habang natakbo. Tumama ito sa sinuntok ko at pareho silang natumba. Binilisan ko pa lalo ang takbo ko saka pumatong sa kanila bago tumalon. Habang masa ere ako hinanap ko sila. Nakita ko sila na abala sa pakikipaglaban. Pagkababa ko agad ako tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan sila.

"Tumabi kayo diyan! Tabi!" inis na sabi ko sa mga nakaharang. Pinagsusuntok at pinagsisipa ko sila. Minsan binubuhat ko sila at hinahagis sa likod.

"Leigh," gulat na sabi ni Kei nang makita ako. Hingal na hingal ako dahil sa dami ng kilos na ginawa ko. Sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ba pinagkakagawa ko.

"Siyet! Tabi!" aniya sabay hila sa akin at tinago ako sa likod niya. Doon ko lang napansin na may nagtangkang umatake sa akin.

Bago pa ako makakilos may humila ulit sa akin. Pagtingin ko sa taong yun bumungad sa akin ang pagmumukha ni Jacey. Seryoso niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Inikot pa niya ako para tignan likod ko.

"Nasa sasakyan si Hailey. Hintayin mo na lang kami doon," sabi niya sa akin sabay tulak.

"Tutulungan ko kayo," kontra ko. Hindi ako makakapayag na maupo na lang sa sasakyan.

"Kaya na namin ito. Nakalimutan mo na ba kung sino ako??"

Ningitian ako ni Jacey. Alam ko kung ako ibig niyang sabihin doon.

"The strongest man," tugon ko.

Hindi lang halata pero malakas siya. Hinding-hindi ko yun makakalimutan dahil siya ang kauna-unahang nakatalo sa akin. Mukha lang siya mahina dahil hindi niya ako pinapatulan at hinahayaan lang niya ako na sapakin siya. Kahit ganun alam namin pareho na mas malakas siya sa akin dahil sa aming dalawa mas alam niyang gamitin ang lakas niya. Samantalang ako basta na lang nakikipaglaban.

"Good! Pumunta ka na sa sasakyan at bantayan si Hailey. Nandoon din si Alas."

Sinunod ko na lang siya dahil wala din naman ako energy para makipagtalo. Habang papunta ako sa sasakyan, hindi ko din maiwasan mapalaban. Lahat ng sumusugod sa akin pinapatulog ko.

"Yow!" bati sa akin ni Xian. Hinila niya ang isa sa mga umatake sa akin saka ito pinagsusuntok.

Sumandal ako sa sasakyan at tahimik na pinanood sila. Mas gusto ko dito kaysa maghintay sa loob. Habang tumatagal paunti ng paunti ang kalaban.

"Hey! Ano pinakain mo kay Jacey? Bakit lumakas yata siya bigla?" tanong bigla ni Xian. Natigilan sila bigla nang makita ang sunod-sunod na pagkabagsak ng mga kalaban sa pwesto nila Jacey.

"Hindi niyo alam?" gulat na tanong ko. Akala ko alam nila yung tinatagong lakas niya kaya naging  magbabarkada sila.

"Ang alin?" sabay na tanong nila. Hindi ko sila agad sinagot. Iniisip ko kung sasagutin ko ba sila o hindi. Ayoko aminin sa kanila yung totoo.

"Malakas siya," sagot ko.

"Gaano kalakas?" tanong no Ryden. Napabuntong hininga na lang ako at saka nilingon si Jacey. Mas kita na namin sila ngayon dahil halos lahat napatumba na nila. Kitang-kita ko din na ang gulat na mukha nilang lahat. Si Jacey na lang ang kumikilos.

"Parehas kami pero mas alam niya gamitin yung lakas niya kumpara sa akin."

Napakunot ang noo ko nang
makita ko ang pagmumukha ni Lion. Titig na titig siya kay Jacey. Kulang na lang magkaroon ng hugis puso sa mata niya. Sarap tusukin. Tinignan ko ito ng masama kahit na alam ko na hindi niya ako mapapansin. Pabalik-  balik ang tingin ko kay Jacey at kay Lion.

"Leigh!" sigaw bigla ni Alas at hila sa akin.

Isang tunog ng baril ang napatahimik sa amin. Pagtingin ko sa sinasandalan ko may sira na ito. Kung hindi ako hinila ni Alas baka napatay na ako. Napamura sila Xian. Dahil sa nangyari napatingin sila sa amin.

"Takbo! Papatayin nila tayo!" sigaw ni Blue.  Binitawan ako ni Alas upang puntahan si
Hailey. Nagsitakbuhan kami patunggo kila Jacey. Paglalabas ni Hailey sa sasakyan, sumunod sila agad sa amin.

Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod ang putok ng baril. Mabuti  nalang may baril sila Sid at pinagbabaril din yung mga kalaban.

"What the hell! Madumi ka talaga makipaglaban!" inis na sabi ni Xian kay Lion.

"Kung hindi din naman kayo maging kakampi, mas mabuting mamatay na lang kayo. Ano? Siya pa rin ba pipiliin niyo?" tanong ni Lion. Tinignan niya ako ng matalim.

"Kahit mamatay kami, hindi kami sasali sa inyo. Wag ka na umasa na magbabago isip namin," sagot ni Sid. Tumawa ng malakas si Lion na akala mo wala na bukas. Sa inis ko sinuntok ko ang mukha niya.

"Leigh!" sigaw ni Jacey sabay hila sa akin bago ako makaatake ulit.

"Bitawan mo ko! Kanina pa ako naiinis sa pagmumukha ng baklang yan! Hoy baklang lion! Hindi ako natatakot sayo kahit magpadala ka ba ng maraming gunman," inis na sabi ko. Sinubukan sipain si Lion pero binuhat ako ni Jacey at saka inalayo.

"Hahaha! Baklang Lion!" tawa bigla ni Xian.

"Boss na namin ang nagsabi. Kung siya hindi natatakot, lalo naman kami." sambit ni Sid.

"Saka hindi kami interesado sa bakla," dugtong ni Tyron.

"Yeah! Mas gusto kong maging boss ang cute na si Leigh kaysa sayo," pagsang-ayon naman ni Kei. Tumango naman sila Ryden bilan pagsang-ayon sa sinabi nila Sid.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro