Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

CHAPTER 28

Leigh's POV

"Nagugutom na ako. Wala ba kayong balak pakainin ako?" reklamo ko sa mga nagbabantay sa akin. Kanina pa sila nag-iinuman habang ako nandito sa gilid nakatali.

"Tahimik!" saway sa akin ng isa kanila.

"Ano ba kailangan niyo sa akin? Mahirap lang kami kaya kung pera habol niyo wag na kayo umasa."

"Sinabi ng manahimik ka!"

Natahimik ako bigla dahil sa gulat ko sa pagsigaw niya. Bakit ba sungit ng lalaking ito? Nagtatanong lang naman ako.

"Pagamitin kaya natin siya? Baka manahimik yan sa sarap," tawa ng isa sa kanila.

"Mamaya. Ubusin muna natin itong iniinom natin," nakangising sagot ni Mr. Sungit.

Ano ipapagamit nila sa akin? Bakit ako masasarapan doon? Pagkain lang ang alam kong masarap. Nagugutom na talaga ako. Kapag ako nainis kakagatin ko sila isa-isa. Kung nandito siguro si Jacey siya nanaman pinag-initan ko dahil sa gutom.

"Hoy!" tawag ko sa kanila. Tinignan ako ng masama ni Mr. Sungit pero hindi ko ito pinansin.

"Naiihi ako," sambit ko. Hindi naman sa may binabalak ako tumakas. Kanina pa kasi talaga ako nagpipigil ng ihi.

"Umihi ka diyan kung gusto mo. Hindi ka namin pakakawalan," sagot ng isa sa kanila at tumawa pa ang loko na lalong nagpainit ng ulo ko. Oras na nakatakas ako dito bugbog sarado sila sa akin.

Tinignan ko ang kadenang pinulupot nila sa akin na may lock pa. Kanina kasi nakatakas ako dahil tali lang ang gamit nila kaya ito kadena na ang itinali nila sa akin. Kung alam ko lang makakaganito. Hindi ko na sinubukang tulungan yung ibang dinukot nila. Bakit ba kasi ang bait ko masyado? Minsan talaga pahamak din sa buhay ang pagiging mabait. Kaya siguro mauunang mamatay ang mababait.

"Wag niyo ko sisihin kapag umihi talaga ako dito," inis na sabi ko sa kanila.

"Samahan mo nga yan sa cr," utos ni Mr. Sungit sa katabi niya.

"Kung lalaki ipapasama niyo sa akin, mas gusto ko pang umihi dito. Yung babae ang ipasama niyo," tutol ko agad bago pa ito magkatayo.

"Bakit natatakot ka bang may gawin kami sayo?" pang-aasar nito sa akin.

"Ako matatakot? Wag ka nga magpatawa. Baka gusto mo basagin ko yang pagmumukha mo."

Tinignan ko siya ng masama. Pero hindi siya apektado kaya nakaisip ako ng ibang paraan. Ningisian ko siya.

"Baka kayo ang natatakot sa akin kaya kadena ginamit niyo? Tsk. Tsk. Isang gangster natatakot sa highschool student na hindi man lang umabot sa 5ft ang height. Kapag nalaman ng iba ano kaya gagawin nila?"

Nawala bigla ang ngisi niya at siya naman ang tumingin ng masama sa akin.

"Ano? Papupuntahin niyo ba ako sa cr o hindi?" tanong ko sa kaniya. Pasalamat nga sila mabait ako ngayon. Kung tutuusin kaya ko sirain iting kadena nila.

"Lagyan niyo nga ng tape ang bibig niyan. Ang ingay," utos lang nito. Palapit na sana sa akin ang isa nila pero sinamaan ko ito ng tingin.

Bigla ito natigilan at namutla. Napansin niya ang masamang aura ko. Buong lakas ako nagpumiglas hanggang sa hindi na nakayanan ng bagal na masira. Sorry sila dahil hindi man lang nila kinadena ang paa ko. Sa upuan lang nila ako kinadena kaya nang masira ko yung kadena na nakapulupot sa kamay at katawan ko nakawala ako agad.

"Alam niyo bang masamang ginagalit ang mababait? Tingin niyo ba kaya ako pigilan ng kadena niyo?" tanong ko sa kanila habang pinapatunog ang kamay. Nanlaki ang mata nila na kulang na lang lumabas ito. Idagdag pa na namutla sila na parang naubusan ng dugo.

Matagal-tagal na din noong huling nagalit ako ng ganito. Last time ba buong lakas ko ginamit ko nagkabali-bali ang buto ng kaaway ko. At elementary ako noong nangyari yun.

Hinanda ko ang kamao ko at nag-umpisang sumugod sa kanila pero bago pa ako makalapit sa kanila nagsitakbuhan sila palabas. Ay siyempre hinabol ko sila pero mabilis nilang naisara ang pinto.

"Hoy buksan niyo ito! Labanan niyo ko ng harapan! Para kayong hindi lalaki! HOYYYY" sigaw ko nang hindi ko mabuksan yung pinto. Nilock yata nila.

Umatras ako hinanda ang paa ko para sipain ang pinto. Bumagsak ito agad at sumalubong sa akin ang napakaraming gangsters na may bitbit na kung ano-ano.

"Hindi ako tatakas. Gusto ko lang magpunta ng cr. Ituro niyo sa akin. Babae lang ang sasama," utos ko sa kanila. Walang sumagot kaya pinulot ko yung pintuang nasira.

"Ituturo niyo ba sa akin o ibabato ko sa inyo ito?" tanong ko at tangkang ihahagis ang hawak ko.

"Sasamahan kita," sagot ng isang babae.

"Maglakad ka na. Susundan kita," utos ko. Mabuti na lang masunurin siya kundi tatamaan sila lahat sa akin.

Paglabas namin ng banyo sumalubong sa akin ang isang lalaki na pamilyar ang mukha. Unti-unting nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"L-leigh?" utal na tanong niya. Nagkasalubong ang kilay ko habang iniisip kung bakit alam niya ang pangalan ko. Ganun na ba ako kasikat para makilala ng iba?

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba yung pinsan ni Paul na palagi niyang sinundo noon?" tanong niya ulit.

"Ah! Naalala na kita! Ikaw yung kaibigan ni kuya Paul noon," sambit ko. Namutla siya bigla.

"Siyet! Lagot na," bulong niya sabay harap sa mga kasamahan niya na nakahanda sa pagsugod sa akin.

"Wag ka mag-aalala. Wala ako sa mood na makipaglaban," sabi ko sa kanya. Base sa reaksyon niya alam na niya ang kaya kong gawin. Kaya close ako kay kuya Paul dahil parehas kami pinanganak na malakas.

Bumalik na ako sa kwarto kung saan nila ako kinulong. Umupo lang ako doon at hindi na sila pinansin. Bahala sila sa buhay nila.

"Parating na sila Sid!" sigaw ng isa sa kanila.

Napangiti ako ng marinig ko yun dahil hindi na kailangan kumilos para makaalis dito. Inaasahan ko na darating sila para tulungan ako. Kasalanan naman nila kung bakit ako nandito ngayon.

"Parating na din daw sila boss," sabi naman ng kaibigan ni kuya Paul pagkatapos tignan ang cellphone niya. Hindi ko na matandaan pangalan niya. At wala din ako balak alalahanin.

*******

Third Person's POV

"Whooo! Pinagpawisan ako doon ah," sambit ni Xian pagkatapos nilang tulungan si Ryden.

"Hindi ko akalain na nakapagrecruit sila ng ganito karami," sabi ni Blue habang pinagmamasdan ang mga pinatumba niya.

"Mga weak sila kaya mas pinili nilang maging sunod-sunuran kay Lion kaysa laban ito," tugon ni Ryden.

"Ilan pa kaya makakaharap na natin sa hideout nila? Sana maabutan pa natin silang nakatayo," nakangiting sabi ni Xian.

Nagkayayaan na silang sumunod kila Sid bago pa sila mahuli sa laban. Ayaw nila palampasin ang huling laban nila bilang gangster.

Samantala, tuloy lang sila Sid sa pakikipagbarilan habang tumatakbo ang sasakyan nila.

"Bakit parang hindi sila nauubos?" pansin ni Jacey.

"Ganyan talaga sila karami. Buong bansa may grupo si Lion. Kung ako tatanungin hindi na sila gangster," tugon ni Kei.

"Nagpapanggap lang silang gangster para marami silang marecruit na kabataan. Mas madali kasi impluwensyahan ang mga bata kaysa matatanda. Idagdag pa na mas magkakaroon sila ng maraming experienced sa illegal na gawain. Para expert na sila pagtanda,"  paliwanag ni Tyron habang pinapalitan ang baril  gamit niya.

"Ano ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Jacey. Bumalik sa pakikipagbarilan si Tyron. Hindi nito sinagot ang tanong ni Jacey.

"Isang malaking sindikato ang nasa likod ng grupo nila," sagot ni Kei nang mapansing walang balak sumagot si Tyron.

"Sindikato?! Bilisan natin! Baka kung patayin nila si Leigh," tarantang sagot ni Jacey pagtapos marinig ang sagot ni Kei. Ang daming pumasok sa isip na pwedeng mangyari kay Leigh.

"Kalma ka lang! Si Lion naman ang kalaban natin. Hindi ang tatay niya," kalmadong sabi ni Kei kahit na nag-aalala din siya sa sitwasyon ni Leigh.

"Hindi ba tayo mas mapapahamak kung papabagsakin natin si Lion? Kapag nalaman ito ng tatay niya, baka  balikan tayo," sambit ni Jacey. Natigilan bigla si Tyron at napalingon kay Jacey.

"May punto ka. Hindi ko na naisip na may posibilidad na mangyari yun," sambit nito. Natahimik sila bigla at parehong napaisip.

"Saka na natin problemahin yun! Kapag naligtas natin si Leigh," sambit ni Kei. Ayaw niya muna isipin ang masamang posibilidad na kahahantungan nila.

Huminto ang sasakyan nila Sid kaya napahinto na din sila. Pagtingin nila sa labas, natanaw nila ang hideout ng kalaban. Bumaba na sila ng sasakyan.

"Ang dami namaman nila," nakasimangot na sabi ni Jacey pagkatapos magsilabasan ng makakalaban nila sa lumang factory.

"Sid, long time no see. Handa ka na ba matalo?" nakangising sabi ng isa sa kanila.

"Wag puro salita. Umpisahan na natin ang laban," tugon ni Sid habang pinapatunog ang kamay.

Nang sumugod na ang mga kalaban, nag-umpisa na din silang gumalaw.

"Malakas siya. Malaki pinagbago nila simula noong huli na natin sila nakalaban," komento ni Tyron pagkapatapos nito makipagsuntukan.

"Pinaghandaan talaga nila ang araw na ito," sabi ni Kei.


"Nagawa niyo pa talaga mag-usap ah. Hindi niyo ba nakikita? Madami kami at apat lang kayo," pagyayabang ng malaking lalaki sa harap ni Kei.

"Dude, wala sa dami yan. Nasa lakas yan," sabi ni Kei sabay sipa sa lalaki. Napaatras ito dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya.

Gulat na gulat si Jacey sa nakita niya dahil hindi niya akalain na may tinatago pang lakas si Kei. 

Habang abala ang lahat  sa pakipaglaban, dumating ang grupo ni Lion. Hindi ito napansin nila Jacey dahil tutok na tutok sila sa ginagawa nila. Pumasok ito sa lumang factory upang puntahan si Leigh.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro