Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

CHAPTER 26

Leigh's POV

Nakatingin lang ako sa likod ni Jacey habang naglalakad kami. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin ako kinakausap ng maayos. Nakasunod lang ako sa kanya dahil ang bilis niya maglakad.

"Ako dapat mauna, hindi ikaw.  Ako ang binabantayan mo diba?" reklamo ko sa kanya. Tumigil siya paglalakad at hinintay akong malampasan siya. Siya naman ngayon ang sa likod ko. Nailang tuloy ako bigla dahil ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"Sabay na nga lang tayo," inis sabi ko sabay tabi sa kanya. Kumapit ako sa braso niya para siguradong kasabay ko siya.

Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa school.

"Pasok na ako sa loob," matamlay na sabi ko. Kung ganun siya, sana hindi niya na lang ako sinundo.

"Leigh, may praktis tayo ng basketball mamayang pagkatapos ng klase. Malapit na ang laban," sabi ng ka-teammate ko.

"Okay," sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Ayos ka lang?? Kanina ka pa parang walang gana. May sakit ka pa rin ba?" pansin sa akin ni Dianne.

"Ayos lang ako," matamlay na sagot ko. Hindi na siya muli nagtanong at kumain na lang. Naramdaman niya siguro na ayoko mauna pag-usapan yung problema ko.

Napabuntong hininga ako saka tinabi ang pagkain ko. Wala ako gana kumain ngayon.

"Mauna na ako sa room," paalam ko kay Dianne bago siya iwanan kasama ang iba pa naming kaibigan.

"Miss, tawag ka ng lalaking yun," sabi sa akin ng isang babae pagkatapos ako kalabitin. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod na tinuro niya.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko din alam. Basta pinatawag ka lang niya sa akin," tugon nito.

"Sige. Salamat," pagpalasalamat ko.

Lumapit ako sa lalaking nakatalikod.

"Pinapatawag mo daw ako? Ano kailangan mo?" tanong ko.

"May gusto sana ako sabihin sayo Leigh," aniya habang nakayuko.

"Sino ka? Bakit mo ko kilala?"

"Pwede ba wag tayo mag-usap dito? Doon tayo sa loob," turo niya sa storage ng gym.

"Okay. Basta bilisan mo lang makipag-usap," pagsang-ayon ko agad dahil gusto ko na talaga bumalik sa classroom.

Nauna na ako maglakad sa kanya. Gusto ko na matapos ito agad. Pagpasok ko sa storage biglang akong may naramdaman na parang kuryente sa batok ko at nawalan ng malay.

Pagkagising ko nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na building. Iaangat ko na sana ang kamay ko ngunit hindi ko ito maigalaw dahil nakatali ito. Napansin ko na may tape ang bibig ko at nakatali din ang dalawa kong paa.

'Nasaan ako? Ano ginagawa ko dito? Nasa school lang ako kanina. Paano ako napunta dito?' sa isip ko habang sinusubukan makatakas pero masyado mahigpit ang pagkakatali sa akin.

"Hmmmpp! Hmmmmpp! Hmmpp!" sigaw ko. Biglang bukas ang pinto na ikinatigil ko. May pumasok na isang lalaking long hair at may sigarilyo ito sa bibig.

"Kamukha mo nga itong nasa picture," aniya sabay tingin sa picture na hawak niya.

"Ano kailangan niyo sa akin?" tanong ko pero 'Hmmmmp' lang ang maririnig sa sinabi ko dahil sa tape na nasa bibig ko.

"Kilala mo ba si Sid?" tanong niya sa akin.

'Bakit kilala niya si Sid? Ano kailangan niya? Dinukot ba nila ako dahil kay Sid?'

Umiling ako bilang tugon. Kahit ano mangyari hindi ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Baka ako gawin niya kila Sid.

"Hindi? Pero may picture ka kasama nila. Ikaw itong babae diba?" tanong niya sabay pakita ng picture namin nila Jacey. Stolen shot ito na kinuhaan sa manila. Muli akong umiling.

"Sigurado ka? Pwede ko tignan ang mga gamit mo para makasigurado. Kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka, patay ka sa akin."

Nanlaki ang mata ko nang kuhain niya ang bag ko at nilabas lahat ng laman nito. Pero wala naman siya makikita doon kaya medyo nawala ang kaba ko.

"Wala dito ang cellphone mo at wallet," aniya pagkatapos niya tignan ang gamit ko. Lumapit siya sa akin saka ako tinulak pahiga. Habang hawak niya ang isang balikat ko kinapa niya ang palda ko.

Nang maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko, agad ko siya binigyan ng headbutt dahil sa galit.

Napamura ito sabay hawak sa ulo niya. Tinignan ko naman siya ng masama. Gusto ko siya sigawan na 'manyak' pero dahil may tape ang bibig ko, masamang tingin na lang ang binigay ko.

"Wag kikilos kung ayaw mo patayin kita," pananakot niya sa akin sabay tutok ng baril sa akin. Namutla ako bigla dahil ngayon lang sa akin nangyari iyon. Hindi na ako nakagalaw dahil sa takot at hinayaan na lang siyang kunin ang cellphone ko at wallet sa bulsa.

"Kasama mo ang isa sa mga kaibigan ni Sid. Imposibleng hindi mo siya kilala," aniya sabay pakita ng picture namin ni Jacey na nakalagay sa wallet ko. Hindi naman niya napakialaman ang cellphone ko dahil may password ito.

*****

Jacey's POV

"Dianne, ano ginagawa mo dito?" tanong ko kay Dianne nang makita ko siya sa may gate ng schook namin.

"Alam mo ba kung nasaan si Leigh? Nawala na lang siya bigla pagkatapos namin maglunch. Sinusubukan ko siya tawagan pero nakaoff cellphone niya," tanong niya sa akin.

"Totoo ba yang sinasabi mo? Nawawala si Leigh?" sabay kami napalingon kay Blue nang magtanong ito bigla. Ngayon ko na lang ulit siya ulit nakita makalipas ang ilang araw na pag-iwas nila sa akin.

"May alam ka ba?" tanong ko agad sa kanya. Alam ko na may tinatago sila sa aming dalawa ni Alas.

"Hindi kaya dinukot din siya tulad sa ibang highschool student na nawawala?" tugon niya.

"Hahanapin ko siya. Umuwi ka na muna. Balitaan na lang kita," sabi ko kay Dianne saka umalis para hanapin si Leigh.

"Jacey, sandali!" habol sa akin ni Blue. Huminto ako sa paglalakad para muling kausapin siya.

"Kapag nalaman ko na may kinalaman kayo sa pagkawala ni Leigh. Hindi ko kayo mapapatawad," sambit ko bago tuluyang umalis.

Sinubukan ko tawagan si Leigh at katulad ng sinabi ni Dianne, nakapatay ang cellphone nito.

"Mukhang wala akong magagawa kundi magpatulong sa kanya," bulong ko saka tinawagan ang pinsan ni Leigh. Marami siyang kilalang gangster dito kaya mas mapapadali ang paghahanap ko sa tulong nila.

"Ano kailangan mo?" tanong niya pagkasagot ng tawag ko.

"Kailangan ko ng tulong mo," diretsong sabi ko.

"Tulong saan?" tanong niya.

"Sino pinakamalakas na gangster dito?" tanong ko.

"Siyempre yung grupo ko dati," aniya sabay tawa.

"Hindi diyan. Dito sabi ko," inis na sagot ko.

"Hindi ba nasabi sayo? Yung grupo ko noon ang pinakamalakas sa buong bansa. Kalat ang member nila kahit saan. Marami silang contact kahit saan ka magpunta. Hindi sila pangkaraniwang grupo dahil mga kriminal sila. Noong malaman ko yun umalis ako sa grupo nila bago ba nila ako maimpluwensyahan," paliwanag niya.

"Saan hideout nila dito?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Bakit mo tinatanong? Wag mo sabihin balak mo sila labanan. Ako na nagsasabi sayo. Malakas sila lalo na yung sampung leader at boss nila."

"Wala ako pakialam kung ilan pa sila. Dinukot nila si Leigh."

"Hawak nila si Leigh?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Sandali! Wag ka muna kikilos. Tatawagan ko yung mga kakilala ko na member doon. Balitaan na lang kita," aniya saka ako binabaan.

"Wag kikilos? Hindi ko kayang maupo na lang dito at maghintay," inis na sabi ko kahit na wala na yung kausap ko.

At dahil hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Nakipag-away na lang ako sa mga kilala kong gangster para kumuha ng impormasyon. Tuwing  natatalo ko sila, tinatanong ko sila pero walang nakakaalam kung saan hideout ng mga dumukot kay Leigh. Alam lang nila ang grupo na nasa likod ng pagdukot sa mga babae.

Madilim na pero wala pa rin akong ideya kung nasaan si Leigh. Tinawagan ko si Dianne at nakiusap  na sabihin kila tita na nag-sleepover si Leigh sa kanila para hindi sila mag-aalala. Umuwi na muna ako ng bahay para makapag-isip.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nang makita ko si Paul ang tumatawag, agad ko itong sinagot.

"Hello," sagot ko dito.

"Sa may dating factory ng Trixon Company nila dinadala ang mga dinudukot nila. Pinagod pa ako ng mga ito bago sumagot. Kinailangan ko pa sila patumbahin," aniya habang hinihingal. May narinig pa akong sumigaw sa tabi niya. Alam ko na nakipag-away siya para lang kumuha ng impormasyon.

"Salamat," sagot ko.

"Pupunta ka ba mag-isa? Kung sayo magpatulong ka doon sa mga kaibigan mo na kasama mong pumunta dito. Sila  lamang ang grupo na kaya tumapat sa grupo na yun," paalala niya sa akin.

"Hindi ko kailangan ng tulong nila. Mas napapahamak lang si Leigh kapag kasama sila. Bakit kilala mo sila Sid?"

"Hindi mo ba alam? Gangster din ang grupo nila. Sikat sila dahil sila lamang ang nakatalo sa boss ko noon. Dahil doon nagkainterest na isali sila  sa grupo. Pero tumanggi si Sid. Sasali lang daw sila kapag natalo sila."

"Hindi sila naging member ng grupong yun. Ibig sabihin hindi pa rin sila natatalo?"

"Oo. Hanggang sa tumigil na sa sila pakikipaglaban. Baka nagbagong buhay na din katulad ko."

"Kaya pala madaming naghahamon na away sa amin kahit sabihin namin na hindi kami gangster."

"Huhulaan ko. Nakipagkaibigan ka sa kanila na hindi mo alam ang nakaraan nila?"

"Oo. Kung alam ko lang hindi ko na sana hinayaan si Leigh na mapalapit sa kanila."

"Wag ka mag-aalala. Wala pa diyan ang boss nila kaya hindi pa nila magagalaw si Leigh. Hindi kikilos ang mga yun hanggang walang utos mula sa lion."

"Lion?"

"Lion ang tawag sa boss nila."

Pagkatapos niya sabihin yun, nagpaalam na siya. Pagkapatay niya ng tawag tinawagan ko si Alas para humingi ng tulong. Pinag-iisipan ko pa kung sasabihan ko sila Sid.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro