Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

CHAPTER 25

Leigh's POV

"Makakauwi na din ako sa wakas!" masayang sabi ko. Ang tagal ko din nanatili sa ospital. Namiss ko na ang kwarto bahay at ang luto ni Mama.

"Lamok lang pala magpapabagsak sayo," komento ni Jacey. Siya ang sumundo sa akin sa ospital

"Ayoko na magpakagat sa lamok ulit. Kamusta na nga pala sila Kei? Bakit hindi ko sila nakikita? Hindi man lang nila ako dinalaw sa ospital. Pagmumukha niyo lang ni Alas yung nakikita ko palagi."

Sumeryoso siya bigla. Parang may malalim siyang iniisip pero wala naman siya isip. Bakit pa siya nag-iisip?

"Nag-away ba kayo?" panghuhula ko.

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?"

"Malay ko. Baka may nakita kayong magandang babae tapos pinag-aagawan niyo. Nambabae ka siguro habang nasa ospital ako," biro ko. Tinignan ko pa siya ng masama para magmukhang pinagdududahan ko siya.

"Grabe ka naman sa akin. Ikaw lang gusto ko."

"Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman ko na may iba kang babae, babaliin ko yung mga buto mo."

"Balik ka nanaman sa dati," nakangiting sabi niya. Natahimik ako bigla dahil hindi ko na alam sasabihin ko.

"Bilisan mo na diyan. Nagugutom na ako," sabi ko na lang.

Pagkadating namin sa bahay bumungad sa akin ang maraming pagkain.

"Tagal niyo. Kanina pa namin kayo hinihintay," sabi ni Mama.

"Daming naman pagkain. May birthday ba?" tanong ko.

"Para sayo yan. Kumain na kayo," sagot ni Mama. Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Naghugas muna ako ng kamay at saka kumain. Sinabayan ako ni Jacey habang si Mama inayos yung mga dala namin galing sa ospital.

"Papasok ka na ba bukas?" tanong ni Jacey.

"Oo. Sabi ni Dianne may quiz daw kami bukas. Dadaan daw siya dito mamaya para pakopyahin ako ng mga notes niya," sagot ko.

"Sunduin kita dito bukas ng umaga ah."

"Ha? Bakit?"

"Gusto ko lang. Hindi kita makakasabay sa pag-uwi kaya sa pagpasok na lang kita sasabayan."

"Pero mas maaga pasok ko kaysa pasok mo. Ayos lang yun sayo?"

"Oo. Basta susunduin kita. Wag ka aalis agad. Hintayin mo ako."

"Bahala ka. Basta agahan ko. Ayoko ma-late dahil sa kakahintay sayo."

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya. Alam ko may hindi siya sinasabi sa akin. May kinalaman kaya yun kila Sid?

"Saka kapag may kumausap sayo na hindi mo kilala, tumakbo ka agad. Baka kidnapper na yun."

"Bakit naman ako tatakbo? Ano ako bata?"

"Sumunod ka na lang."

"Okay."

"Wag ka pupunta sa lugar na konting tao lalo na kung mag-isa ka lang."

"Kailan ka pa naging tatay ko? May problema ba?" tanong ko. Nagtataka na ako sa pinagsasabi niya.

"Wag na maraming tanong. Sumunod ka na lang!"

"May tinatago ka ba sa akin?"

"Wala! Ano naman itatago ko sayo? Nag-aalala lang ako sayo. Mukha kang bata baka dukutin ka," aniya sabay iwas ng tingin.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nag-aalala ka sa akin o maiinis dahil sa sinabi mong mukha akong bata," tinignan ko siya ng masama.

"Leigh, may padala ka nga pala na dumating galing sa tita mo," sambit ni Mama saka binigay sa akin ang isang plastic.

"Ano ito? Parang Papel?" tanong ko habang binubuksan ang plastic. Bumungad sa akin ang isang puting envelope.

"Sulat," sabi ko. Binuksan ko agad ito upang basahin.  Napatayo ako nang mabasa ang nakalagay.

"Ano nakasulat?" tanong ni Jacey.

"Pumasa ako sa exam!" masayang sabi ko.

"Congrats anak. Sigurado ka na ba na doon ka mag-aaral? Hindi ka namin masasamahan doon?" tanong ni Mama. Nawala bigla ang ngiti ko nang maalala ko na ayaw nga pala ni Jacey na pumunta ako sa Manila. Pagkatingin ko sa kanya seryoso itong nakatingin sa sulat.

"Jacey," tawag ko sa kanya. Nilapag niya sa mesa ang sulat saka tumayo.

"Tapos na po ako kumain. Tita, alis na po ako," paalam niya bigla.

"May pagkain ka pa," sabi ko sa kanya.

"Sayo na lang. Busog na ako," aniya habang hindi nakatingin sa akin.

"Galit ka ba?"

"Bakit naman ako magagalit? Kung gusto mo mag-aral sa Manila, desisyon mo yan. Makakapagpahinga na din ako sa wakas! Ilang araw din ako walang tulog."

Nag-unat muna siya bago magsapatos. Lumabas  siya ng bahay nang hindi ako tinitignan.

"Galit nga siya. Baka hindi na niya ako sunduin bukas," bulong ko. Hinabol ko siya sa labas.

"Bukas ha? Wag mo kakalimutan na sunduin ako. Hihintayin kita," sigaw ko. Hindi ito sumagot. Tuloy lang siya sa paglalakad.

"Sasapakin kita kapag hindi ka pumunta!" dugtong ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi pa rin  niya ako nilingon. Matamlay akong pumasok sa bahay.

"Hindi dapat ako malungkot!" sabi ko sa akin sarili. Bumalik ako sa hapag kainan upang ubusin ang pagkain ko. Kinain ko din yung sa kanya.

"Tapos na ako kumain. Maghuhugas na ako," mabilis kong niligpit ang plato namin.

"Ako na maghuhugas diyan. Magpahinga ka na sa kwarto mo," pigil sa akin ni Mama. Kinuha niya sa akin yung sponge at pinaalis. Napatingin ako sa sulat.

"Ma, kung kayo po papipiliin? Saan niyo po gustong mag-aral ako?" tanong ko.

"Kung saan gusto mo. Susuportahan kita," tugon niya. Kinuha ko ang sulat.

"Sigurado  ako na ganun din si Jacey. Hayaan mo na muna siya makapag-isip. Pag-isipan mo din mabuti kung ano gusto mo," payo ni Mama bago ako umalis.

Pagpasok ko sa kwarto pabagsak ako humiga habang nakatingin pa rin sa sulat. Paulit-ulit ko itong binasa habang nag-iisip ng gagawin.

"Nakapagdesisyon na ako! Sigurado ako na ito ang gusto ko," sambit ko saka umupo. Tinabi ko ang sulat saka kumuha ng damit para maghilamos. Ilang araw din ako nasa ospital. Gusto ko sana maligo pero baka mabinat ako.

"Ito na notes ko," salubong ni Dianne pagkabalik ko ng kwarto.

"Salamat. Uuwi ka na ba agad?" tanong ko.

"Dito na muna ako. Baka may gusto kang ikwento saka may ikukwento din ako."

"Mauna ka na. Ano ikukwento mo?"

Umupo ako sa tabi niya.

"Narinig mo na ba yung balita na may nawawala daw na mga highschool girl. Sabi nila dinukot daw sila. Meron pang usapan na puro daw kasing laki mo yung mga kinukuha nila. Kaya mag-iingat baka ikaw na ang susunod."

Naalala ko bigla yung sinabi ni Jacey kanina. Ayun siguro yung dahilan kaya siya nag-aalala. Naptawa na lang ako dahil doon.

****

Third Person's POV

"Nalalabas na daw ng ospital si Leigh," balita ni Xian kay Sid.

"Paano na yan? Hindi pa natin nakikita kung saan nila tinatago yung mga babaeng dinukot nila," tanong ni Kei.

"May babae nanamang nawawala," sabi naman ni Ryden sabay pakita ng poster ng babaeng pinaghahanap.

"Tingin ko si Leigh talaga ang target nila. Sa lakas ni Leigh sigurado nakuha niya ang atensyon nila," sambit ni Tyron.

Napabuntong hininga si Sid.

"Naisip ko na din yan. Balak nila i-recruit si Leigh para sumali tayo sa grupo nila," tugon ni Sid.

"Kung sa ugali ni Leigh malabong sumali siya doon. Ayaw niya sa mga gangster," komento ni Blue.

Sabay sila napalingon kay Sid nang tumunog ang cellphone nito.

"Sino yan?" tanong ni Tyron.

"Si Sam," sagot ni Sid sabay patay ng cellphone niya.

"Bakit ayaw mo sagutin? Kanina ka pa niya tinatawagan. Wag mo sabihin na naghiwalay kayo," pansin ni Xian.

"Nagdududa na siya sa kinikilos natin. Ayokong madamay siya sa gulo," tugon ni Sid saka muling binulsa ang cellphone.

"Isang paraan na lang ang naiisip ko para tumigil sila. Patutumbahin natin sila lahat. Alam ko na nangako tayo na hindi na ulit babalik sa pagiging gangster. Pero hindi tayo matatahimik kung hindi natin tatapusin ang laban natin sa kanila. Kung hindi kayo payag pwede na kayo umalis," sambit ni Sid.

"Matagal ko na hinihintay na sabihin mo yan," nakangiting sabi ni Ryden.

"Para kay Leigh lalaban ako," sabi naman ni Kei.

"Kahit lumaban ka kay Jacey na siya," pang-aasar ni Xian.

"Sabi na nga ba nandito lang kayo!" sigaw ng isang babae pagkabukas ng pinto ng hideout nila Sid.

"Hailey... ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Sid.

"Tinawagan ako ni Sam. Kakaiba daw kinikilos mo. Akala ko ba hindi na kayo babalik dito? Wag niyo sabihin na bumalik nanaman kayo sa dati?" galit na sabi ni Hailey.

"Mali ang iniisip mo. Sa bahay na tayo mag-usap. Magpapaliwanag ako," sambit ni Sid sabay tulak kay Hailey palabas.

"Kuya, ano ibig sabihin nito?" tanong ni Hailey.

"Tinatapos lang namin ang naiwan namin bago kami tuluyan tumigil," tugon ni Sid.

"Hindi ko maintindihan. Ano yung kailangan niyo tapusin? Dahil ba dito kaya hindi kayo tumatambay sa computer shop? Alam ba ito nila Alas?"

"Wag na wag mo sasabihin sa kanila ang nalaman. Walang alam sila Alas dito. Problema namin ito. Ayoko na madamay kayo dito. Hailey, kahit ano mangyari wala kang pagsasabihan tungkol dito."

"Pero kuya--"

"Hailey!"

"Okay fine. Pero sasabihin mo sa akin palagi ang plano mo. Kapag hindi ka pumayag, sasabihin ko sa kanila lahat ng sikreto niyo."

"Sige payag ako."

"Ano sikreto?" tanong ni Alas. Palihim niyang sinundan si Hailey nang makita niyang umalis ito sa computer shop. Nag-alala siya na baka kung ano mangyari sa dalaga dahil gabi na.

"Ano ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ni Hailey.

"Sinundan kita. Narinig ko usapan niyo simula nung lumabas kayo. Sid, wag mo sana kakalimutan na kaibigan niyo din kami. Kung may problema kayo, sabihin niyo lang sa amin. Gusto ko din naman mabawi sa mga naitulong niyo sa akin," sabi ni Alas bago ito umalis. Naiwan ang dalawa na tulala.

Kinabukasan, maaga pa lang sinundo na agad ni Jacey si Leigh.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro