Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

CHAPTER 24

Jacey's POV

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Leigh nang magising ito.

"Dinadalaw ka. Nagugutom ka na ba? May hinanda si Tita na lugaw. Gusto mo ipagkuha kita?" tanong ko.

"Hindi na," aniya sabay tangkang tayo sa higaan niya pero nahulog lang ito sa sahig.

"Saan ka pupunta?" tanong ko habang tinutulungan siya makatayo.

"Sa banyo. Nasusu--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang masuka ito. At ang masama pa dito nasukahan niya ang damit niya at damit ko.

"Kumuha kayo ng pamunas! Dali!" natarantang sabi ko kila Kei. Agad naman nila ako tinulungan. Kumuha na din sila ng sukahan ni Leigh.

Nagpunta ako sa banyo para labhan yung nasukahan kong damit.

"May problema tayo," sabi sa akin ni Xian.

"Ano?"

"Paano yung damit ni Leigh? Hindi natin pwede pababayaan na ganun lang yun."

"Oo nga no?" sambit ko. Hindi naman namin siya pwede bihisan dahil lahat kaming lalaki.

Bumalik na ako sa kwarto at naabutan ko si Leigh na nakaupo pa rin sa sahig habang nakasandal sa kama. Suot niya pa rin yung damit niya na nasukahan niya. Sila Sid, nakatingin lang sa kanya.

"Leigh, kaya mo ba magbihis mag-isa?" tanong ko.

Tinignan niya ako ng masama.

"Ano akala mo sa akin mahina? Kaya ko sarili ko," aniya sabay tayo pero nakailang hakbang pa lang ito nang matumba ito. Mabuti na lang nasalo ko siya agad.

"Nahihilo ako," aniya habang nakahawak sa ulo.

"Bakit hindi mo na lang siya bihisan?" suhestiyon ni Tyron.

"Hindi pwede," sagot ko agad.

"Kung ganun ako na lang magbibihis sa kanya," sabi naman ni Xian.

"Mas lalong hindi pwede," sagot ko sabay tingin ng masama sa kanya.

"Hahaha. Joke lang. Namumula ka. Nahawaan ka na ba ni Leigh?" pang-aasar niya.

"Kaya ko sarili ko. Lumabas na kayo, magbibihis ako," sabi bigla ni Leigh sabay tayo ulit at tulak sa akin ng mahina.

"Sigurado ka?" tanong ko pero tinignan niya lang ako ng masama.

"Hayaan na natin siya. Tara na. Tawagin mo na lang kami kapag tapos ka na," sabi naman ni Sid sabay hila sa akin palabas.

"Ayos lang ba na iwanan natin si Leigh?" tanong ni Kei.

"Siyempre hindi. Pero hindi natin siya pwede panuorin habang nagbibihis," tugon ni Sid.

Naghintay kami ng 15 minutes bago binalikan si Leigh.

"Leigh, tapos ka na ba magbihis? Papasok na kami," katok ko sa kanya. Walang sumagot kaya naman binuksan ko na ang pinto.

"Nakabihis nga siya. Kaso lang, baliktad damit niya," komento ni Ryden habang nakatingin kay Leigh na kasalukuyang natutulog sa sahig.

"Ang importante nakabihis siya," sabi ko. Binuhat ko na siya para ibalik sa higaan niya.

"Meow!"

"Nandito ka pala Lei," sabi ko sa pusa ni Alas sabay hawak sa ulo nito.

Pagdating ni tita, sinabi agad namin sa kanya yung nangyari.

"Pasensya na sa abala. Teka! Ipagkukuha kita ng damit," aniya sabay punta sa kwarto nila.

"Suotin mo na muna itong damit ng papa ni Leigh," sabi niya sa akin.

"Salamat po," tugon ko.

"Tita, uwi na po kami," paalam nila Xian.

"Sige. Mag-iingat kayo. Salamat sa pagbabantay sa anak ko habang wala ako."

"Walang anuman. Jacey, maiwan ka na namin," sabi ni Blue.

Yes! Pagkakataon ko na ito para masolo si Leigh.

"Jacey, pakidala ito kay Leigh. Pagkatapos niya kumain painumin mo ng gamot. Magluluto lang ako ng hapunan," utos sa akin ni tita sabay abot ng lugaw at gamot na ipapainom ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Leigh, naabutan ko siyang nakatulala sa kisame.

"Kain ka na daw sabi ni tita para makainom ka na ng gamot," sabi ko sa kanya. Agad naman itong bumangon at kinuha yung lugaw. Naninibago nga ako dahil ang tahimik niya ngayon.

"Ang init," komento niya pagkatapos niya mapaso sa lugaw. Ininit yata ni tita kanina yung lugaw kaya mainit ito.

"Dahan-dahan kasi," sambit ko.

Sinunod naman niya ako pero nasobrahan yata sa bagal dahil matagal bago niya maubos.

"Ito gamot mo," abot ko sa kanya nang gamot niya at tubig. Agad niya ito ininom at binigay sa akin ang walang laman na baso.

"Salamat," aniya sabay higa ulit. Pagkalabas ko nasalubong ko si Alas.

"Wala na yung iba?" tanong niya sa akin.

"Umuwi na sila," sagot ko saka nagpunta sa kusina para dalhin yung pinagkainan ni Leigh. Siya naman dumiretso sa kwarto ni Leigh. Bitbit niya yung pusa niya.

"Lagay mo na lang diyan. Ako na maghuhugas mamaya," sabi sa akin ni Tita nang makita ako. Sinunod ko naman siya at agad na bumalik sa kwarto ni Leigh.

Naabutan ko si Alas na nagbabalat ng orange habang si Leigh nakatingin lang sa kanya.

"Ayos lang ba sayo na kunin ko na si Lei? Naisip ko na doon na lang siya sa computer shop, kasama ko. Wala na din naman ako sa bahay, ayos na siguro kahit ako mag-alaga." sabi ni Alas.

"Ayos lang," tugon ni Leigh habang titig na titig ito kay Alas.

"Ehem. Alas, wala ka bang gagawin?" singit ko dahil sa selos. Kahit na alam ko na hindi interesado si Alas kay Leigh, hindi ko mapigilang magselos sa kanya. Bakit kasi ganun siya makitingin kay Alas? Mas gwapo naman ako sa kanya.

"Wala naman," sagot niya. Tinignan ko siya ng matalim para makuha niya ang ibig kong sabihin.

"Oo nga pala. May assignment pa ako. Kainin mo ito para lumakas ka," bawi niya sa sinabi niya sabay abot ng binalatan niyang orange kay Leigh. Hinawakan  pa niya ito sa ulo bago kinuha yung pusa niya at nagpaalam. Sinamahan ko siya hanggang pinto ng kwarto ni Leigh.

"Ngayon ka lang nalaman na seloso ka pala," pang-aasar niya sa akin nang makalabas siya.

"Bakit ba kasi ganun siya makatingin sayo? Hindi naman siya ganun kanina kila Kei," inis na sabi ko.

"Mas gwapo kasi ako sa inyo."

"Asa! Mas gwapo ako sayo. Umuwi ka na nga," pagtataboy ko sa kanya.

Pagtingin ko kay Leigh nakatingin lang ito sa may orange na binigay sa kanya habang yung isang kamay niya nakahawak sa ulo niya.

"Ang sweet niya," bulong niya na lalo kong ikinainis. Hindi ko tuloy alam kung namumula siya dahil sa sakit niya o dahil kay Alas.

"Akin na nga yan," agaw ko sa orange saka ito kinain.

"Bakit mo yan kinain? Akin yan," inis na sabi niya na parang maluha-luha pa siya.

"Ipagbabalat na lang kita ng bago," sabi ko saka kumuha ng orange at pinagbalat siya.

"Ayoko na kumain niyan. Sayo  na lang," aniya sabay higa at natulog.

Kung wala lang siya sakit kanina ko pa siya inaway dahil sa inis.  Pero nawala bigla yung inis ko nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Sa sobrang cute niya hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala sa kanya. Nagulat na lang ako nang hilain niya yung kwelyo ko at hinalikan. Nakapikit lang ito kaya hindi ako sigurado kung gising ba ito o nanaginip lang. Pero kahit ano pa sa dalawa, masaya ako sa ginawa niya.

Pagkabitaw  niya sa akin, tinalikuran niya ako at hindi na muling gumalaw. Nakangiti lang ito habang nakapikit.

"Magpagaling ka agad," sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya at umupo sa gilid. Pinanood ko lang siyang natutulog at kinuhaan ko na din siya ng picture para may remembrance. Pang-asar ko din sa kanya kapag  magaling na siya.

"Kakain na daw," tawag sa akin ng kapatid ni Leigh. Agad ako tumayo at sumunod sa kanya papuntang kusina.

Pagkatapos ko maghapunan, umuwi na din ako sa bahay. Gusto ko nga sana magdamag siyang bantayan pero may pasok pa ako bukas. Saka nahihiya din ako sabihin kila tita na gusto ko bantayan si Leigh.

*****

Third Person's POV

"Ma, ang kati," reklamo ni Leigh sabay kamot sa leeg.

"Wag mo kamutin," sabi ng mama niya sabay kuha ng thermometer upang tignan muli kung lagnat nito.

"Ang sakit ng ulo ko. Nasusuka ako," sabi ni Leigh. Agad na inabot ng mama niya ang nakahandang sukaan nito.

"Mas mataas lagnat mo ngayon. Patingin ka na sa doctor. Tawagin ko lang Papa mo," sambit ng Mama niya. Nanatili pa rin itong kalmado kahit na nag-aalala na ito sa kalagayan ni Leigh.

Agad siya dinala sa ospital kahit na alas-tres pa lang ng madaling araw.

"Baka degue na po ang sakit ng anak niyo. Kailangan po matignan ang dugo niya," sabi ng doctor sa kanila matapos macheck si Leigh.

"Sige po. Salamat doc," tugon ng mama ni Leigh. Agad na inasikaso si Leigh upang matignan ang kalagayan nito.

Samantala, nasa school na si Jacey nang makatanggap ito ng text mula sa kapatid ni Leigh.

"Ano nangyari sayo? Bakit ganyan mukha mo?" pansin ni Ryden kay Jacey.

"Nag-aalala yan kay Leigh. Sinugod daw sa ospital si Leigh," sabi sa kanya ni Xian.

"Ano daw sakit niya?" tanong ni Sid na kasabay ni Ryden na dumating.

"Dengue," tugon ni Xian.

"Mamatay na lahat ng lamok sa mundo. Sino sila para kagatin si Leigh," litanya ni Jacey. Tinapik siya sa balikat ni Blue.

"Wag ka mag-aalala. Gagaling din si Leigh. Saka mas mabuti na din na nasa ospital siya kaysa makuha siya ng humahanap sa kanya. May usap-usapan na may dumudukot daw sa mga highschool students na babae na may height na 5ft pababa," sabi nito upang pagaanin ang pakiramdam ni Leigh.

"May ganun?" gulat na tanong ni Xian.

"Saan mo narinig yan?" tanong naman ni Sid.

"Kita ko sa facebook," tugon nito sabay pakita ng post na nabibigay ng pabala na mag-iingat ang mga babae na may height na 5ft pababa.

"Kailangan natin maging alerto. Mas maganda siguro kung wag na muna natin puntahan si Leigh. Hindi natin  alam kung may nakasunod na ba sa atin o wala," suhestiyon ni Tyron.

"Akala ko ba kakausapin niyo yung nagpapahanap kay Leigh?" tanong ni Jacey.

"Kinausap na namin pero hindi sila nakinig  kaya binugbog na lang namin," sagot ni Sid.

"Ano?! Paano kung balikan nila kayo? O kaya si Leigh?" nag-aalalang sabi ni Jacey.

"Relax ka lang. Kami na bahala sa kanila. Pero mas mabuting layuan mo muna kami at asikasuhin mo si Leigh. Hindi ka naman namin pinagbabawal na puntahan siya," nakangiting sabi ni Sid.

"Hindi maganda kutob ko sa ngiti niyo. Ano pinaplano niyo?"

"Basta! Sundin mo na lang ang sinabi ko. Kami na bahala sa kanila."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro