CHAPTER 23
CHAPTER 23
Leigh's POV
Madaling pa lang nagpaalam na ako kay Sam na uuwi. Nakakahiya nga dahil ginising ko pa siya. Nung una ayaw niya dahil madilim pa pero hindi ako pumayag dahil may pasok pa ako at wala naman akong dalang extrang uniform.
"Salamat wala na sila," nakahinga ng maluwag nang makitang wala ng nakaabang sa labas ng bahay.
Paano kaya kung bumalik sila? Hindi nanaman ako makakauwi agad. Baka magtaka sila Mama. Mamaya ko na nga lang iisipin.
Nagpahinga lang ako ng isang oras sa kwarto bago ako maghanda sa pagpasok. Maaga ako ngayon papasok para kung sakaling hanapin nanaman ako ng mga gangster na yun, nasa loob na ako ng school.
"Leigh, nakauwi ka na pala. Papasok ka na? Ang aga mo yata?" tanong ni Mama na bagong gising.
"Hindi po namin natapos yung project kaya ngayong umaga namin tatapusin. Alis na po ako," pagdadahilan ko.
"Hindi ka ba mag-aalmusal?"
"Sa school na po ako kakain."
Habang naglalakad ako sa kalsada, medyo nakaramdam ako ng takot. Ang tahimik kasi tapos naisip paano kaya kung nagtatago lang yung mga humahanap sa akin tapos bigla ako saksakin.
"LEIGH!"
Biglang may humawak sa balikat ko at dahil sa pag-iisip ko ng masama napasigaw na ako sa takot.
"WAAAHH!" sigaw sabay hampas ng bag ko sa taong humawak sa akin.
"Aray! Aray! Leigh ako ito," aniya at doon ko lang napagtanto na si Jacey pala yung humawak sa akin.
"Ano ka ba? Tinakot mo ko. Akala ko holdaper ka," inis na sabi ko. Ayoko sabihin na napakamalan ko siyang gangster.
"May kinatakutan ka din pala?" pang-aasar niya.
"Bakit ka ba nandito?"
"Tinawagan ako ni Sam. Umuwi ka daw kaya nagpunta agad ako dito. Kanina pa kaya ako nasunod sayo. Ano ba iniisip mo? Hindi mo man lang ako napansin?"
"Wala. Hindi lang talaga kita naramdaman,"
"Leigh, kilala kita. Sabihin mo lang sa akin kung natatakot ka na. Ako na bahala kumausap kila Sid para patigilan ka na pagiging boss namin."
"Hindi naman ako natatakot," mahinang sabi ko.
Bakit ngayon pa kasi nangyari iyon? Kaninang umaga, sinubukan kong buhatin yung mga box na may lamang prutas at gulay doon sa gilid ng pinto para itabi. Dala yata ni papa kagabi. Hindi ko man lang nabuhat ng sabay yung tatlong box. Inisa-isa ko pa tapos nabigatan ako ng sobra. Humina na ba ako? Bakit? Paano?
"May sakit ka ba?" tanong niya bigla.
"Ha?" pagkaangat ko ng ulo bigla niya ako hinawakan sa noo.
"Mainit ka. Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalang tanong niya.
"Oo," tugon ko.
"Sige nga kung ayos ka. Itulak mo nga yung sasakyan," paghahamon niya.
"Parang yan lang eh," sabi ko. Gagawin ko na sana yung sinasabi niya kaso biglang tumunog yung sasakyan pagkahawak. Napatakbo tuloy kami bigla.
"Kamuntik na tayo doon ah. Baka mamaya mapakamalan tayo magnanakaw," sabi ni Jacey.
"Ikaw kasi eh," hinihinghal na sabi habang nakagawak sa tuhod ko at nakayuko.
Nang iangat ko ulo ko, bigla ako nahilo at natumba.
"Leigh! Wag mo ko iwan. Hindi ka pa wede mamatay," rinig kong sigaw ni Jacey. Kahit nahihilo ako binatukan ko siya.
"Wag ka nga OA. Nahilo lang ako," sabi ko sa kanya.
"Wag ka na pumasok. Magpahinga ka na lang sa inyo," aniya sabay hila sa akin pero ayoko tumayo.
"Nahihilo ako... mamaya na," sabi ko sa kanya
"Umangkas ka na lang sa likod ko. Bubuhatin kita. Baka may mapadaan pa na gangster dito."
Tumalikod siya sa akin saka hinila ang kamay ko sa balikat niya.
"Mabigat ako."
"Basta sumakay ka na lang. Wag ka na madaldal."
Hinila niya ang kamay ko para mapalapit ako sa likod niya. Kumapit na lang para tapos na ang usapan. Gusto ko na din matulog.
Pagkagising ko nasa kwarto na ako at inaasikaso ni mama.
******
Jacey's POV
Isang tawag ang gumising sa akin.
"Hello, sino ito?" inis na sagot ko. Hindi ko binasa yung pangalan. Basta ko na lang sinagot.
"Sungit. Galit lang? Pasalamat ka tinawagan kita kundi hindi mo malalaman na umuwi na si Leigh," inis na sabi ni Sam. Napabangon ako bigla nang marinig ko ang pangalan ni Leigh.
"Ikaw pala yan Sam. Umuwi na si Leigh? Anong oras siya umalis?"
"Kaninang three ng madaling araw."
Pagtingin ko sa orasan ko 3:25 na.
"Sige, salamat. Bye," paalam ko sa kanya.
"Bye," aniya sabay patay na tawag. Bumangon na ako at nagtoothbrush saka naghilamos.
Pagkatapos nagbihis na ako para puntahan si Leigh. Gusto ko makasigurado na nakauwi siya ng ligtas. Tumambay ako sa tapat nila hanggang sa marinig ko na bumukas ang pinto. Agad ako nagtago.
"Papasok na siya? Ang aga naman," sambit ko nang makita ko si Leigh palabas.
Sinundan ko siya at mukhang wala sa sarili. Hindi man lang niya ako napansin. Humina na ha pakiramdam niya?
"LEIGH!" tawag ko sa kanya sabay hawak sa balikat ko. Napasigaw siya bigla at pinaghahampas ako. May kinatatakutan din pala siya. Akala niya daw holdaper ako.
Habang kausap ko siya may napansin ako sa kanya. Numumutla siya tapos parang wala siya kabuhay. Hindi kasi nakasigaw ngayon. Idagdag pa na hindi gaano kalakasan yung yung hampas niya. Tinanong ko siya kung may sakit siya at kung ayos lang daw siya. Ayos lang naman daw siya pero ito siya ngayon angkas-angkas ko.
"Sabi na nga ba may sakit ka. Tapos gusto mo pa pumasok. Buti na lang sinundan kita," sabi ko.
"Kaya pala nanghihina ako ngayon," matamlay na sabi niya. Ilang saglit pa narinig ko siyang humihilik.
"Good Morning po Tita," bati ko sa Mama ni Leigh.
"Jacey, ano nangyari? Bakit buhat mo si Leigh?"
"Nasalubong ko po siya kanina. Pakitingin po siya, mukhang nilalagnat,"
"Sandali! Pakihiga na lang siya sa kwarto niya. Susunod ako."
Pagkababa ko kay Leigh, pumasok si Tita. May hawak itong thermometer.
"Naku! Ang taas ng lagnat niya. Ano ba pinagkakagawa ng batang ito at biglang nilagnat," sambit ni tita pagkatapos makita na sobrang taas ng lagnat ni Leigh.
"Salamat, inuwi mo siya dito. Alam mo naman yan, papasok pa rin yan kahit na may nararamdaman na," pagpapasalamat sa akin ni tita.
"Walang anuman po," tugon ko.
"Nag-almusal ka na ba? Tara sa kusina. Sumabay ka na sa tito mo kumain."
"Sige po."
Sumunod ako sa kanya palabas. Ayoko pa naman umuwi. Kung pwede nga lang ako na mag-alaga kay Leigh kaso may pasok ako mamaya.
*****
"Ano?! May sakit si Leigh?" sambit ni Kei pagkatapos ko sa kanila sabihin na may sakit si Leigh.
"Oo. Nilalagnat siya," tugon ko.
"Dalawin natin siya mamaya," suhestiyon ni Blue.
"Hindi ba yun delikado? Baka may nakaabang nanaman sa tapat nila," tanong ni Ryden.
"Kung nandoon siya, edi labanan natin sila. Ewan ko na lang kung bumalik pa sila," sabi ni Kei.
"No. Hindi natin sila lalabanan. Kakausapin natin sila," kontra ni Sid.
"Kakausapin? Sigurado ka? Makikipag-usap ba sila ng maayos?" tanong ni Xian.
"Kung hindi, pipilitin natin sila na makipag-usap."
Nagkatinginan kami ni Alas. Minsan talaga kapag nag-uusap sila pakiramdam ko may iba pa ibig-sabihin yung sinasabi nila. Minsan nga hindi ako makasingit sa kanila. Sila kasi matagal na magkakaibigan. Kami lang ni Alas yung bago sa tropa nila. Sabi sa akin ni Alas noon may tinatago daw sila sa amin. Sigurado daw siya doon. Kung ano yun? Hindi namin alam.
"Natahimik ka yata bigla?" tanong ni Xian sa akin.
"May iniisip lang ako," sabi ko.
"Si Leigh ba yan? Wag ka mag-aalala, gagaling din yun."
"Sira! Alam ko gagaling yun. Si Leigh pa ba? May iba ako iniisip."
Nanlaki bigla mata niya.
"Wag mo sabihin na ibang babae yan? Sabi na nga ba. Babaero ka. Kawawa naman si Leigh," pang-aasar niya.
"Ikaw lang babaero dito. Wag mo ko idamay. Una na ako," tugon ko. Tumayo na ako para bumalik sa room. Wala ako mapapala kung mananatili ako kasama nila.
"Jacey," habol sa akin ni Alas.
"Bakit?" tanong ko.
"Mamaya, pagkagaling ko sa trabaho dadalawin ko si Leigh. Mauna na kayo," aniya sabay alis. Akala ko naman may iba siyang sasabihin. Yun lang pala.
"Hindi ko pala masosolo si Leigh mamaya," sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng klase, sabay-sabay kami nagpunta kila Leigh. Gaya ng inaasahan may mga nakaabang malapit sa bahay nila Leigh. Kung hindi namin sila kilala, mapapakamalan namin silang tambay.
Hinawakan ako bigla sa balikat ni Sid.
"Mauna ka na sa loob," utos niya sa akin.
"Okay," pagsang-ayon ko kahit na gusto ko masaksihan kung ano gagawin nila.
Ang ginawa ko na lang sumilip ako sa loob ng gate nila Leigh. Nakita ko si Sid na nakikipag-usap. Mukhang nainis yung kausap niya, bigla itong sumuntok pero sinalo lang ni Sid yung kamao niya.
"Ano sinisilip mo diyan? Bakit hindi ka pumasok? Akala ko kung sino yung bumukas ng gate, ikaw lang pala."
"Kamusta na po si Leigh?" tanong ko sabay lakad papasok bago pa makisilip si tita.
"Mataas pa rin lagnat niya. Kapag hindi pa bumaba mamaya, dadalhin na namin siya sa ospital," pagkukwento niya.
"Wag naman po sana siya umabot sa ospital. Sana gumaling na siya," tugon ko.
"Sana nga. Pwede ba ikaw muna magbantay sa kanya? Mamalengke lang ako saglit. Hindi ko kasi siya maiwanan na mag-isa."
"Wala po problema. Pupunta din daw dito mamaya yung mga kaibigan namin kaya wag po kayo mag-alala. Marami kami magbabantay sa kanya."
"Salamat naman iho. Mabuti na lang nandito ka para alagaan si Leigh. Maiwan na muna kita. May lugaw akong niluto. Kumuha ka doon kung gusto ko. Saka kapag nagising si Leigh, pakainin mo na din siya ng lugaw. Kanina pa yun walang gana," paalam ni tita bago umalis.
"Sige po," sinamahan ko siya palaba kung saan nasalubong namin sila Sid.
"Good Afternoon po tita," bati nila sa Mama ni Leigh.
"Mga kaibigan ba kayo ni Leigh? Tuloy kayo. Mamalengke lang ako saglit."
"Opo tita. Ingat po kayo," tugon ni Kei habang nakangiti.
Pagkaalis ng Mama ni Leigh nagsipasukan na sila. Pansin ko nga wala na yung mga gangster kanina. Ano kaya sinabi nila doon para mapaalis?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro