CHAPTER 21
CHAPTER 21
Jacey's POV
"Boss, ingat po kayo. Ito po number ko. Kung may kailangan kayo tawagan niyo lang kami," sabi ng boss ng nakalaban namin. Parang kanina lang galit na galit sila sa amin, ngayon ito sila naging sunod-sunuran. Si Leigh na daw ang bagong boss nila pagkatapos namin sila matalo. Aalis na daw sila dati nilang grupo.
"Salamat. Magpakabait kayo. Wag na ulit kayo gagamit ng drugs," aniya sa mga ito.
"Yes Boss!" sabay na sabi nila.
"Tama na yan. Sumakay ka na," singit ko sabay tulak kay Leigh papasok ng sasakyan.
"Hindi kaya tayo mapahamak dahil sa mga yun?" tanong ni Alas nang makasakay kami.
"Ayan din iniisip ko. Baka kapag umalis sila doon sa grupong na under sila mapahamak tayo. Hindi pa naman natin alam kung anong klaseng tao yung pinakaboss nila," sabi naman ni Ryden. Iniisip ko din yan. Baka mapahamak lang si Leigh sa kanila. Siya pa naman ang tinuturing boss.
"Hindi naman tayo Manila nakatira kaya wag niyo na isipin yun. Maliban na lang sila mismo pumunta sa atin para lang makita tayo," sabi naman ni Xian na kalmado lang.
"Paano kung pumasa si Leigh? Tapos doon na siya Manila mag-aaral?" tanong naman ni Kei. Walang sumagot sa tanong niya. Mukhang napaisip sila. Tinignan ko si Leigh na tahimik lang sa tabi ko. Nakatingin siya sa bintana habang nakasuot ng earphone. Naririnig niya kaya yung usapan?
"Pipigilan ko siya na mag-aral doon," sambit ko. Ayoko nga na pumunta siya doon sa delikadong lugar. Bakit ba kasi kami laging nasasalio sa mga gangster na yan? Hindi naman kami gangster. Simpleng mag-aaral lang kami. Tapos nadamay pa si Leigh. Kung hindi sina siya ginawang boss kunwari nila Sid edi sana safe siya. Pinagsisihan ko na talaga pumayag ako sa ganun.
"Wag kayo mag-aalala sa akin. Kaya ko sarili ko," aniya sabay lingon sa amin. Naririnig nga niya kami?
"Pero Leigh kahit malakas ka, babae ka pa rin. Darating ang araw na makakakita ka din ng makakatapat sayo. Malay mo may tao din pala na kasing lakas mo o higit na mas malakas sayo," sabi sa kanya ni Sid. Sinabi niya din yan kay Sam nung una namin siya makilala. Akala ni Sam noon siya na pinakamalakas pero nung nakaharap niya si Sid, nalaman niya na mas may malakas pala sa kanya.
"Oo na. Lagi niyo naman sinasabi yan na babae ako. Alam ko babae ako pero wag nga kayo OA diyan. Wala pa naman nangyayari. Kalma lang kayo," tugon niya.
"Basta makinig ka na lang sa amin. Wag na matigas ang ulo," sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na kahit ano sabihin namin sa kanya yung gusto niya pa rin yung gagawin niya.
"Haaay! Traffic nanaman," pang-iiba niya ng usapan.
Binatukan ko nga siya dahil ayaw makinig.
"Aba! Namamatok ka na ah! Gusto mo sapakin kita diyan?" sabi niya sa akin.
"Makinig ka kasi."
"Nakikinig naman ako eh. Sipain kita diyan eh."
"Kung nakikinig ka, sige nga sagutin mo ko."
"Ano ba tanong mo? Wala ka naman tinatanong, ano isasagot ko sa--"
"Pwede ba kita maging girlfriend?" tanong ko. Natigilan siya saglit at tumawa.
"Seryoso ako. Wag ka tumawa. Oo o hindi?" tanong ko.
"Makatulog nga muna. Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo sa pupuntahan natin," sagot niya saka sumandal sa upuan at pumikit.
"Mamaya ka na matulog. Sagutin mo muna ako."
"Wag ka magulo."
"Leigh naman! Dali na!"
"Pagnakauwi na tayo. Sasagutin ko tanong mo," aniya habang nakapikit. May pabitin pang nalalaman. Doon din naman ang punta. Hindi ko na lang sia kinulit. Hinayaan ko na siya matulog.
******
Leigh's POV
Pinilit ko makatulog sa sasakyan pero hindi ako nakatulog sa kakaisip sa tanong ni Jacey. Sasagutin ko na ba siya? Parang ang bilis naman pero sabi nila wala daw sa tagal ng panliligaw yun. Sa tagal daw ng pagsasama yun tinitignan.
"Leigh, nandito na tayo sa bahay niyo. Ano na? Sabi mo sasagutin mo tanong ko kapag nakauwi na tayo?" tanong ni Jacey. Kanina pa mga siya tanong ng tanong simula nung nakababa kami sa sasakyan.
"Oo na sinasagot na kita," tugon ko. Ayoko na patagalin pa dahil doon din naman ang bagsak. Baka mamaya mapunta pa siya sa iba.
"Napipilitan ka lang yata."
"Ayaw mo? Ikaw na nga sinasagot. Bahala ka," inis na sabi ko.
"Ito naman ang init ng ulo. Hahaha. Tayo na ah?! Wala ng bawian yan. Sige pasok ka na sa loob para makatulog ka na. Alam ko naman hindi ka nakatulog ka kanina. Bye," paalam niya bigla sabay alis. Binuksan ko na ang gate dahil gusto ko na magpahinga.
"Teka Leigh. May nakalimutan ako," rinig kong sabi ni Jacey. Bumalik pala ang bakla
"Ano naka--" pagkaharap ko sa kanya bigla niya ako hinalikan.
"Ayun nakalimutan ko. Sige bye," sabi niya sabay alis ulit.
"Leigh, ano pa ginagawa mo diyan? Hindi ka pa ba papasok? Kanina ka pa nakatayo diyan," rinig kong sabi ni Mama. Bigla ako natauhan. Natulala na pala ako. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal. Si Jacey naman kasi ang hilig mangbigla.
Pumasok na lang ako sa loob at dumiretso sa kwarto para matulog. Hindi ko na nga nagawang magbihis dahil sa gusto ko na mahiga.
Kinabukasan, pumasok na ako sa school. Kamuntik na nga ako mahuli sa klase dahil hindi ako agad nagising. Hindi na lang ako naligo para makahabol ako. Pero naghilamos naman ako at nagspray na lang ng pabango.
"Leigh, kamusta exam?" tanong sa akin ni Dianne pagkapasok ko ng classroom.
"Ayos lang," tugon ko saka umupo.
"Congrats nga pala," bati niya bigla sa akin.
"Congrats saan?" nagtatakang tanong ko.
"Kayo na ni Jacey. Pumunta lang kayo ng Manila pagbalik niyo kayo na," nakangiting tugon niya.
"Paano mo nalaman na kami na?"
"Paano ko hindi malalaman? Nagpost sa fb si Jacey. Hindi mo pa ba nakikita yun?"
"Hindi pa ako nagbubukas simula nung nakauwi kami," tugon ko. Natulog kasi ko agad tapos ginising ako ni Mama para maghapunan. Tapos gumawa ako ng assignment na binigay sa kanila nung wala ako.
"Nandyan na si Ma'am. Tignan mo na lang mamaya," aniya sabay balik sa upuan niya bago pumasok teacher namin.
Ano nanaman kaya pinakagagawa sa Facebook ni Jacey? Baka kung ano nanaman pinagpopost nun tungkol sa akin. Dinaig pa niya ako sa pagpopost ah.
Pagkaalis ng teacher namin binuksan ko na agad yung facebook ko. May naka-tag siya sa aking picture pero hindi ko makita dahil nakafree data lang ako. Mamaya ko na lang titignan sa bahay.
Maghapon nasa isip ko yung nasa fb. Anong picture kaya yun? Gusto ko na makita. Baka mamaya picture ko yun tapos pangit ako doon. Bubugbugin ko si Jacey kapag tama kutob ko.
"You may go now. Goodbye," sabi ng teacher namin. Nag-ayos na ako ng gamit saka sinuot yung bag at hinintay si Dianne.
"Bili tayong isaw," hila ko kay Dianne. May nakita kasi akong nagtitinda ng pritong isaw.
"Manong lima po," bili ko.
"Ang sarap niyan ah. Libre mo naman ako," sabay kami napalingon sa likod nang may magsalita.
"Xian, ano gingawa mo dito?" tanong ko.
"Wala. Napadaan lang. Libre mo maman ako."
"Mas may pera ka sa akin. Bakit ako yung manlilibre? Kami na lang ilibre mo."
"Wala akong pera."
"Wala din ako."
"Pahingi na lang ako ng isa."
Binigyan ko na lang siya dahil kawawa naman.
"Hindi ka ba pumasok?" tanong ko. Hindi kasi siya nakauniform.
"Pumasok ako. Maaga lang uwian namin dahil walang prof."
"Saan punta mo?"
"Computer Shop."
"Kila Sid?"
"Oo."
"Sino nga pala nagbabantay ng computer shop kapag may pasok sila Sid?"
"Yung kapitbahay nila."
"Ah! Sama ako sayo. May titignan din ako sa facebook."
"Leigh, dito na ako. Bye!" paalam ni Dianne bago humiwalay sa amin.
"Sige. Ingat ka," paalam ko.
"Patay tayo diyan. Buti na lang wala na yung kaibigan mo," sambit ni Xian. Pagkatingin ko sa tinitignan niya, patay nga kami. Mukhang mapapaaway nanaman kami.
"Bakit ba kapag kasama ko kayo, lagi na lang ako napapaaway?"
"Kasi gwapo kami. Tago tayo habang hindi pa nila tayo nakikita."
Hinila niya ako papasok sa isang cafe para doon magtago. Pagkapasok namin dumiretso siya agad sa counter.
"Anong gusto mo Leigh? Libre kita," sabi niya sa akin.
"Kung ano sayo," tugon ko. Akala ko ba wala siyang pera? Bakit nanlibre siya bigla?
"Dalawang milktea," rinig ko na order niya.
"Hanap na ako ng mauupuan," sabi ko sa kanya. At dahil doon na lang malapit sa may pinto yung bakante, doon na ako naupo. Medyo alanganin nga yung pwesto namin dahil glass wall yung katabi namin. Pwede kami makita ng tinataguan namin. Nakatambay pa naman sila sa labas.
Pinatong ko na lang sa mesa yung bag ko para matakpan ako.
"Nandyan pa sila," sabi ni Xian sabay bigay ng milktea ko.
"Salamat. Parang may inaabangan sila," pansin ko.
"May hawak silang picture. Baka may hinahanap," tugon ni Xian.
Habang uminom kami ng milktea, sinisilip namin yung mga gangster na tinataguan namin.
"Excuse me. Miss, kilala mo ba yung nasa labas? Para kasing kamukha mo yung hinahanap nila," sabi ng isang babae sa akin. Parehas kami ng uniform kaya sigurado schoolmate kami.
"No. Hindi ko sila kilala," tugon ko.
"Ah sige."
Pagkaalis nung nagtanong sa akin, nagkatinginan kami ni Xian. Parehas siguro kami ng iniisip.
"Madalas ka na dumaan dito?" tanong niya.
"Oo."
"Tatawagan ko na lang si Ryden para sunduin tayo. Ikaw nga siguro hinahanap nila."
Pumayag na ako dahil ayoko ng gulo ngayon.
"Nakadata ka ba? Nakita mo ba yung post ni Jacey kagabi?" tanong ko.
"Alin? Yung picture mo na nakacollage?" patanong na sagot niya.
"Nakita mo nga? Patingin ako. Hindi ko pa nakikita," sabi ko sa kanya.
"Teka," aniya sabay pindot sa cellphone niya.
"Ang cute mo sa picture," sambit niya bago pinakita sa akin. Bumungad sa akin yung mga picture ko sa cellphone na nakacollage. Loko yun ah. Paano siya nagkaroon ng copy ng picture ko?
Sa sobrang inis ko. Nagcomment ako sa post. Nawala sa isip ko na hindi ko pala facebook yun.
"BAKIT MO PINOST MGA PICTURE KO? LAGOT KA SA AKIN MAMAYA," komento ko. Sinadya ko lakihan yung mga letter para ramdam niya yung inis ko. Humanda talaga siya sa akin mamaya. Makaalis lang ako dito, susugurin ko siya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro