CHAPTER 2
CHAPTER 2
Leigh's POV
"Anong boring," sambit ko. Nandito ako ngayon sa kwarto binabantayan si Jacey. Ginawa na niyang tambayan yung bahay namin simula last week. Aalis lang siya kapag 10pm na kaya dito na din siya naghahapunan.
Kung hindi ko lang siya crush, kanina ko pa siya pinalayas sa bahay. Try ko nga magtapat sa kanya? Tapos ako na din mangliligaw sa kanya.
"J, may sasabihin ako sayo," sambit ko sabay sipa sa kanya. Tutok na tutok kasi siya sa cellphone niya habang nakahiga sa sahig. Naglatag pa siya doon ng mahihigaan.
"Ano?" tanong niya.
"Mamaya ka na magcellphone. Importante itong sasabihin ko."
Tumigil naman siya sa ginagawa niya saka lumingon sa akin.
"Ano ba yun?"
"Gusto kita. Pwedeng manligaw?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi," sagot niya agad sabay tingin sa cellphone. Langhiya! Hindi man lang pinag-isipan yung tanong ko? Binusted agad ako. Lalaki ba talaga ito?
Sa sobrang inis ko kinuha ko yung unan sa tabi ko saka hinampas sa kanya.
"Aww! Ano nanaman nagawa ko?" tanong niya. Malakas kasi yung pagkakahampas ko sa kanya.
"Umuwi ka na nga sa inyo. Ayoko makita pagmumukha mo," inis na sabi ko sabay hampas ulit sa kanya pero tumayo siya agad para iwasan iyon.
"Bakit ka ba nagagalit?" tanong niya kaya lalo akong nainis. Pagkatapos ko magtapat sa kanya parang walang sa kanya.
"Umalis ka na kung ayaw mo tamaan sa akin. Bakla ka! Alis!" pagtataboy ko sa kanya sabay bato ng unan na hawak ko at habol sa kanya para bugbugin.
"Oo na. Aalis na! Tomboy ka talaga," aniya sabay takbo palabas bago ko pa masuntok.
"Oh? Inaway mo nanaman si Jacey?" tanong ng kapatid ko pero hindi ko siya sinagot. Bumalik na lang ako sa kwarto para magbihis. Maglalaro na lang ako ng dota sa computer shop.
Nagpunta ako sa computer shop kung saan ako huling naglaro. Sarado na kasi yung dating pinaglalaruan ko kaya dito na ako napunta.
Pansin ko nga na karamihan ng nagpupunta dito, babae o kaya bata. Bihira lang yung lalaki.
"Pa-open ng 2 hours sa pc 20," sabi ko sa bantay.
"Ikaw yung babae noon diba?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko naman siya saka nagbayad bago umupo sa. Pinili ko yung dulo para wala masyadong distraction kapag naglalaro ako. Sinuot ko yung headphone saka nag-umpisang maglaro.
Nakatutok lang ako sa nilalaro ko hanggang sa matapos ako. Napansin kong may 15 minutes pa ako kaya nagbukas muna ako ng facebook.
"Leigh pala ang pangalan mo," sambit nang nasa likod ko. At dahil sa gulat ko napindot ko yung close.
"Ano kailangan niyo?" tanong ko sa mga lalaki na nakapaligid sa akin. Sila din yung lalaki noong huling punta ko dito. Pansin ko na nadagdagan sila. Nagkasalubong ang mga mata namin ng isa sa kanila.
"Ikaw!" sabay na sabi namin. Ano ginagawa ni kuyang magnanakaw dito? Balak niya din ba ito nakawan.
"Magkakilala kayo?" tanong ng isa sa kanila.
"Siya yung babaeng pakilamera sa palengke," tugon nito.
"Hindi ako pakilamera. Tinulungan ko lang yung matandang ninakawan mo. Magnanakaw!" sigaw ko sa kanya sabay irap. Binalik ko yung tingin ko sa computer para i-log out yung facebook ko. Uuwi na lang ako.
Pakatayo ko biglang humarang yung isa sa dadaanan ko. Tinignan ko siya ng masama saka naghanap ng ibang madaanan pero hinarangan namah ako ng kasama niya.
"Tabi! Uuwi na ako," inis na sabi ko. Itutulak ko na sana yung nasa harapan ko nang hawakan bigla ng isa kanila ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.
"Pwede ka ba namin makausap saglit?" tanong niya.
"Ano ba kailangan niyo?"
"Doon tayo sa taas."
"Dito na. Ano ba sasabihin niyo?"
Nag-usap sila sa pamamagitan ng tinginan. Para bang nagtuturuan sila kung sino magsasabi.
"Ako na nga," sabi nung humawak sa akin. Tinignan niya ako ng seryoso. "Pwede ka bang...."
"Pwede bang?" tanong ko dahil tumigil siya.
"Pwede ka bang magpanggap na leader namin?"
"Huh? Leader saan?"
"Sa grupo namin."
Tinignan ko sila isa-isa. Gwapo sana sila kaso mukha silang gangster. Kung tama ang hula ko, sila yung hinahanap nung grupong nakaaway ko.
"Ayoko," tugon ko saka siya tinulak sa gilid para makadaan ako.
"Teka! Makinig ka mu--" habol sa akin ng isa sa kanila na gray na buhok.
"A-YO-KO. Kahit ano sabihin niyo hindi ako papayag," putol ko sa kanya saka tumakbo palabas pero tumigil din ako dahil naalala ko na nasa gilid ng computer yung wallet ko.
"Ano ba yan Leigh?! Bakit mo kinalimutan yung wallet mo? Haaaisst! Ano na gagawin ko?" sabi ko sa sarili ko habang palakad-lakad. Hindi ko alam kung babalik ba ako o hindi.
"Leigh!" tawag sa akin ni Hailey. Siya yung bantay sa computer shop. Napansin ko na hawak niya wallet ko.
"Nakalimutan mo wallet mo. Pagpasensyahan mo na sila kuya. Kailangan kasi talaga nila ng leader na babae," aniya habang inaabot ang wallet ko.
"Leader saan?" tanong ko.
"Hindi mo alam?"
"Hindi. Umayaw lang ako agad."
"Kailangan kasi nila ng leader ng grupo dahil kalat sa mga gang na babae ang leader nila. Pero hindi sila gangster. Napaaway lang sila ng isang beses tapos ayun na palagi na silang hinahamon ng kung sino-sinong gangster. Isa yata sa pinakamalakas na gang yung nakaaway nila tapos natalo pa nila kaya instant sikat sila sa gang," pagkukwento niya.
"Ah! Pwede naman sila maghanap na iba? Sa gwapo nila kahit sinong babae papayag. Maliban lang sa akin."
"Yung malakas na babae kasi ang hanap nila. Kung yung kukunin nila yung mga malalanding babae na sinasabi mo, kawawa lang yung babae."
"Edi sabihin nila sa mga gangster na wala silang leader na babae."
"Ginawa na nila yan pero ayaw nila maniwala. Kaya sila desperado na makahanap ng leader dahil nadadamay na ako at yung girlfriend ng iba sa kanila. Lahat kasi na nakikita nilang malapit na babae, iniisip nila na yun yung leader."
"Ah! Pasensya na wala ako maitutulong. Bilin kasi sa akin ni Mama, wag daw ako makikisali sa ganun. Sorry. Alis na ako. Salamat sa pagbalik ng wallet ko," paalam saka nagmadaling umalis.
*******
Jacey's POV
"Ano nangyari doon? Bigla na lang nagsungit. Siya na nga nangtitrip na liligawan ako. Siya pa itong nainis. Mga babae nga naman," sambit ko habang naglalakad. Dumiretso na lang ako sa bahay ng Tita ko.
Tinignan ko yung cellphone ko nang tumunog ito. Tinatawagan nanaman ako ni Xian. Hindi kasi ako nagpapakita sa kanila simula nung sabihin nilang tatambay sila sa bahay.
Kita na kaya nila yung babaeng sinasabi nila? Sana hindi kasing sungit ni Leigh. Saka hindi nanapak.
Pagkadating ko sa bahay nila Tita natulog ako. Pagkagising ko may 100 missed call ako galing doon sa pito kong barkada. Tadtad din ako ng text nila.
======
Xian: Hoy! Nasaan ka? Kanina ka pa namin tinagtawagan.
Nasa computer shop daw yung babae.
Ryder: Nasaan ka? Hindi ka ba pupunta sa computer shop?
Alas: Saan ka na daw? Hinahanap ka ni Sed.
Nakausap na namin yung babae.
Keifer: Pumunta ka ngayon dito sa computer shop. May pag-uusapan daw tayo.
Blue: Bro, saan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito.
Kapag hindi ka nagpakita, lagot ka bukas sa school.
Tyron: May itatanong kami sayo. Pumunta ka ngayon dito.
Sid: Humanda ka sa akin bukas.
======
Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi ni Sid at pananakot Blue. Parang ayoko na tuloy pumasok bukas. Sigurado hindi ko na sila matataguan tulad noong nakaarang linggo.
"Tita, uwi na po ako."
Pagkalabas ko, tumingin-tingin ako sa paligid. Baka mamaya may nakaabang na pala sa akin. Tumuloy na ako sa paglalakad nang masigurado kong wala.
"Isa ka sa grupo ni Sid diba?" harang sa akin ng tauhan ni majinbu.
"Huh? Sinong Sid? Hindi ko yun kilala. Sino kayo?" tanong ko sa kanila. Kunwari hindi ko kilala ko si Sid para iwas sa gulo.
"Wag mo kami pinaglalaki. Ikaw yung Jacey diba."
"Ano ba sinasabi mo? Hindi Jacey pangalan ko. Ben ang pangalan ko. Wala akong kilalang Sid. Haayy! Gwapo siguro yung Jacey kaya akala niyo ako yun."
Tinignan niya ako ng mabuti. Mabuti na lang madilim kaya hindi ako masyado kita.
"Hindi ba talaga ikaw yun?"
"Hindi. Alis na ako mga tol," paalam ko sa kanila habang nakangiti. Tinapik ko pa sila sa mga balikat bago naglakad. Buti na lang tanga sila.
"Buti nandito ka na. Magbihis ka na. Kakain na tayo," sabi sa akin ni Mama kaya dumiretso na ako sa kwarto para magpalit. Binilisan ko na dahil gutom na din ako.
"Saan ka galing? May pumunta dito na kaibigan mo. Hinahanap ka," sabi ni Mama. Kinabahan ako bigla. Baka mamaya sila Sid yun.
"Sino po?"
"Hindi nagpakilala. Umalis din kasi sila agad nung sinabi kong wala."
"Ano po itsura?"
"Gwapo sila. Yung isa may salamin."
Napalunok na lang ako sa sinabi ni Mama. Si Tyron yata yung tinutukoy niyang may salamin. Natagpuan na ba nila bahay ko? Paano?
Hindi na ako nagtanong. Ayaw ko din malaman na tama ako. Baka hindi ako makatulog mamaya. Inubos ko na yung kinakain ko saka nanood sa sala. Pero wala bang labing limang minuto, pumunta na ako sa kwarto ko.
Binuksan ko yung facebook ko at ayun may chat din sila sa akin. Nakita kong online si Leigh kaya nagmessage ako sa kanya.
======
Me: Lei
Leigh: Ano nanaman?
Me: Sungit. Meron ka siguro ngayon.
√Seen
======
Seen nanaman niya ako. Lagi na lang ganyan. Kundi ko lang talaga siya kaibigan.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro