Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

CHAPTER 15

Leigh's POV

"Leigh, tumawag tita mo sa Manila. Tinatanong kung gusto mo daw ba doon magcollege. Pwede ka daw kumuha ng scholarship doon," sabi ni Mama sa akin na sinundan pa ako sa kwarto. Kakadating ko lang kasi sa galing trabaho.

"Sige po. Susubukan ko magtake ng exam doon," tugon ko. Wala naman masama kung sumubok ako saka sayang din yun. Gusto ko din kaya makapunta sa Manila.

"Sige. Sasabihin ko na sa Tita mo para matext niya yung mga requirements," aniya sabay alis ng kwarto ko.

Tinuloy ko na yung pagbibihis saka lumabas ng kwarto.

"Ma, anong ulam?" tanong ko. Dumiretso agad ako sa kusina dahil nagugutom na ako.

"Adobong manok. Umupo ka na diyan. Ipagsasandok kita," tugon ni Mama.

Habang hinihintay ko yung pagkain ko, tinignan ko muna fb ko at bumungad sa akin yung bagong profile picture ni Jacey. Picture namin dalawa yun pero ang pangit ko sa picture. Natutulog kasi ako habang nakasandal kay Jacey. Walanghiya! Kinuhaan niya pala ako ng picture habang natutulog sa bus.

"Oh? Ano nanaman yan? Bakit salubong nanaman kilay mo? Mamaya na yang cellphone. Kumain ka na," sabi ni Mama sa akin.

Nagreact muna ako ng angry sa profile picture ni Jacey bago kumain. Humanda siya sa akin mamaya. Susugurin ko siya sa bahay nila.

"JACEY!" sigaw ko nang makita ko siya na papasok sa gate nila at ang loko biglang tumakbo.

"May sasabihin ako!" sigaw ko ulit habang hinahabol siya.

Tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi man lang ako lumingon sa akin or sumagot. Alam ba niya gagawin ko? Bakit tinatakbuhan niya ako?

Bigla siya tumigil sa pagtakbo kung saan may grupo ng kalalakihan ang nasa harapan namin. Kahit ako napahinto din nung tumigil siya. Para silang may hinahanap.

"Ayun si Jacey!" turo ng isa sa kanila. Sabay-sabay sila napalingon kay Jacey.

Biglang tumakbo si Jacey palapit sa akin at nang madaanan niya ako, hinila niya ako kaya napatakbo na din ako.

"Takbo! Bilisan mo," aniya sa akin.

"Bakit ka nila hinahabol?" tanong ko.

"Kaaway namin yan nila Sid. Sila daw pinakamalakas na gangster dito," aniya habang natakbo.

May humarang bigla sa harapan namin at sa gilid kaya wala na kami nagawa kundi tumigil. Sobrang dami nila. Mahigit sa 50 yata sila.

"Leigh, tawagan ko sila Sid. Papuntahin mo dito dali," sabi niya sa akin. Kinapa ko cellphone ko sa bulsa ko pero wala ito dito. Iniwan ko nga pala ito sa kwarto ko kanina.

"Hindi ko dala cellphone ko," sabi sa kanya.

"Ito gamitin mo. Tawagan mo sila lahat," aniya sabay abot ng cellphone niya.

Pagbukas ko nito, kamuntik ko na mabitawan yung cellphone niya sa gulat. Paano pa naman kasi yung mukha ko habang natutulog yung bumungad sa akin? Ginawa niyang wallpaper.

"Dalian mo na. Bakit nakatulala ka pa di--" natigilan siya bigla nang mapansin niya yung tinitignan ko. Bigla niya inagaw sa akin yung cellphone niya.

"Ako na tatawag sa kanila. Ikaw na muna bahala sa kanila," aniya sabay tulak sa akin doon sa pasugod. At dahil hindi pa ako nakamomove-on sa nakita ko, hindi na ako nakakontra sa kanya. Sinalo ko yung kamao nung susuntok sana sa akin.

Nanlaki ang mata nito. May sumuntok pa sa kabilang gilid ko na sinalo ko din ang kamao niya. Saka ko sinipa ang pasugod na nasa pagitan nila. Akala nila maiisahan nila ako. Sabay ko pinilipit ang mga kamay na hawak ko bago sila binitawan at nakipag-away.

Pagkatingin ko kay Jacey, nakikipaglaban na din siya. Tapos na siguro niya tawagan sila Sid. Mga sampu pa lang napapatumba namin pero pareho na kami hinihingal. Malakas nga sila. Nakakailang suntol at sipa na kami sa iba, nakakatayo pa sila.

"Nasaan na sila Sid? Pagod na ako," reklamo ko nang nagdikit ang likod namin.

"Parating na yung mga yun," tugon niya. Bigla ako nakarinig ng tunog ng motor.

Lahat kami napatingin sa taas kung saan yung motor. Agad kami napaatras nung pabagsak na ito sa lupa. Umikot pa ito sa aming dalawa ni Jacey kay napalayo yung  mga kalaban namin.

"Yow!" bati sa amin ni Ryden nang itaas niya yung parang salamin doon sa helmet. Yung pumoprotekta sa mukha.

"Nasaan yung iba?" tanong ni Jacey. Lumingon si Ryden sa likod at doon nakita namin ang apat na motor na palapit. Dalawa sa kanila may angkas. Nagsitabihan ang mga nakapalibot sa amin dahil takot masagasaan.

"Malas mo talaga Jacey. Sa dami ng pwede mong makaharap, yung pinakainiiwasan pa natin. Dinamay mo pa si Leigh," sambit ni Kei.

"Tulungan niyo na lang kami," tugon ni Jacey. Lumingon sila sa kalaban.

"Masyado sila marami. Ryden, alam mo na gagawin. Leigh, sakay!" utos ni Sid.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Tatakas tayo," bulong sa akin ni Ryden. Binuhat niya ako at sinakay sa motor ni Sid saka sinuotan ng helmet. Malakas pala itong si Ryden? Parang bumuhat lang siya ng bata nung sinakay niya ako. Walang kahirap-hirap niya ginawa yun. Pinatong lang niya ako basta sa motor.

"Tatakas sila! Pigilan niyo!" sigaw ng isang lalaki. Pansin ko kanina pa siya utos ng utos. Siya siguro leader.

Nilingon ko si Jacey. May helmet na siya at pasakay naman siya sa motor ni Kei.

"Kumapit ka mabuti," paalala ni Sid bago paandarin yung motor. Wala pa nga ako sa sarili nung umandar kaya napayakap na lang ako bigla.

Si Ryden naman paikot-ikot sa amin kaya walang nagawa yung mga kalaban kundi tumabi dahil babanggain sila ni Ryden. Nung makalaalis na kami sa gitna, doon lang sumabay sa amin si Ryden. Nagthumbs up si Sid sa kanya habang nagmamaneho.

"May paganito pa kayo nalalaman, tatakas lang din pala tayo. Akala ko mapapalaban na eh," komento ni Blue nang makarating kami sa tapat ng bahay. Dito kasi sila dumiretso sa tulong na din ni Kei. Siya kasi yung sinundan nila.

"Pasok ka na sa loob," utos sa akin ni Sid.

"Salamat," sabi ko sa kanya saka ko binalik yung helmet. Bago ako pumasok, tinignan ko muna si Jacey. Bigla siya umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko talaga siya maitindihan minsan.

******

Jacey's POV

Ano gagawin ko? Nakita ni Leigh yung wallpaper ko? Hindi pa nga ako umaamin. Kailangan ko siya makausap ngayon. Nagpalit ako ng damit dahil kagagaling ko lang ng school kanina.

"Jacey! Mabuti naabutan kita" tawag sa akin ni Dianne sabay hila sa akin nang makalabas ako ng gate.

"Bakit?" tanong ko.

"Mahirap ba entrance exam sa pinapasukan mong school?" tanong niya.

"Hindi naman. Doon ka ba mag-aaral?" tugon ko.

"Oo. May reviewer ka ba diyan?"

"Wala. Try ko manghiram kila Sid baka meron sila."

"Talaga? Salamat!" nakangiting sabi niya  Mabait din naman minsan si Dianne, nakakatakot lang magalit.

"Si Leigh ba doon din?" tanong ko.

"Hindi ko alam sa kanya."

"Wala ba siyang sinasabi?"

"Wala eh. Pero mukhang nag-aasikaso na siya dahil nagrequest na siya ng good moral at grade." tugon nito.

"Sige. Tatanungin ko na lang siya."

"Sige. Alis na ako. Salamat," paalam niya bago umalis. Nagpunta na ako kila Leigh para makausap siya.

"Wala pa si Leigh. Baka nag-aasikaso pa ng requirements niya sa school na papasukan niya sa Manila. Balak niya magcollege doon," sabi sa akin ng Mama ni Leigh.

"Doon na po siya mag-aaral next year?" gulat na tanong ko.

"Oo. Wala ba siyang sinabi sayo?"

"Wala po. Sige po, salamat."

Nagpunta na lang ako kila Sid at naabutan ko sila na naglalaro ng dota kasama si Leigh. Kanina ko pa siya hinahanap  nandito lang pala siya.

"Kanina pa ba si Leigh dito?" tanong ko kay Hailey.

"Oo. Pagkagaling niya yata sa school dumiretso siya dito. Nakausap ko nga siya kanina bago dumating sila kuya. Sa Manila na daw siya mag-aaral next year," tugon nito.

"Sinabi niya yun sayo. Sa akin hindi. Doon ko pa nalaman sa Mama niya kanina," inis na sabi ko.

"Ano na gagawin mo?"

"Huh?"

"Hindi mo ba siya pipigilan?" bulong niya sa akin.

"Gusto pero hindi ko alam kung paano," tugon ko.

"Try mo umamin. Baka magbago isip kapag naging kayo," suhestiyon niya.

"Tingin mo may pag-asa ako?"

"Ano bang tanong yan? Diba nagsabi siya sayo na gusto ka niya? Ibig sabihin malaki ang chance na meron ka."

"Hindi ko nga alam kung seryoso siya doon. Saka baka mamaya hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sa akin."

"Ewan ko sayo. Hindi mo yan malalaman kung hindi mo susubukan," aniya sabay balik sa upuan niya.

"Yes! Panalo tayo," sigaw ni Leigh saka nakipag-apiran kina Sid, Xian, Blue, Kei at Alas.

"Jacey, nandito ka pala. Tara sali ka sa amin," pansin sa akin ni Xian.

"Kayo na lang. Alis na ako," tugon ko dahil  wala ako sa mood maglaro. Lumabas na ako sa computer shop.

"Jacey! Hoy Jacey!" tawag sa akin ni Leigh pero hindi ko pinansin hanggang sa maramdaman ko na lang yung paghampas niya sa braso ko.

"Aray naman! Bakit ba?" inis na sabi ko.

"Galit ka? Bakit ang sungit mo? Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ko pinapansin," aniya pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko na lang yung lakad ko.

"Hoy! Ano problema mo?" tanong niya kaya tumgil ako sa paglalakad.

"Aww!" aniya nang tumama siya sa likod ko.

"Aalis ka?" tanong ko sabay harap sa kanya.

"Huh?"

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na sa Manila ka magkokolehiyo?"

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong niya.

"Sinabi sa akin ng Mama mo. Kung hindi ko pa siya nakausap, hindi ko malalaman. Mas nauna mo pang sabihin kay Hailey kaysa sa akin," galit  na sabi ko.

"Sasabihin ko din naman sayo. Naunahan lang ako ni Ma--hoy! Wag ka muna umalis. Nagsasalita pa ako! Jacey!" tawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Hindi din niya ako hinahabol. Siguro  wala talaga siya pakialam sa akin kaya hindi niya sinabi.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro