Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11

Jacey's POV

"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan ah? Ano iniisip mo?" tanong ni Blue sa akin.

"Si Leigh kasi. Ayaw sabihin kung sino yung kasama niya nung isang araw," sagot ko.

"Baka boyfriend niya yun."

"Walang boyfriend si Leigh."

"Edi manliligaw."

"Tol, kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka na lang. Lalo mo lang ginugulo isip ko."

"Bakit ba kasi gusto mo malaman kung sino yun? Hindi ka naman boyfriend ni Leigh. Wag mo sabihin na may gusto ka sa kanya?"

"Ano ba sinasabi mo diyan. Nag-aalala lang ako kay Leigh. Baka mamaya masamang tao pala yun," sagot ko.

"Ah! Akala ko nagseselos ka eh," aniya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Blue nung tumayo ako.

"CR, bakit? sama ka?" sagot ko.

"Sungit. Nagtatanong lang."

Hindi ko na siya pinansin at pumasok sa CR.

"Yo! Nandito na ang pinakagwapo sa buong mundo," rinig kong sabi ni Xian. Siya pinakamaingay sa amin.

"Lol. Hindi ka nanaman nakainom ng gamot mo, nagde-delusion ka nanaman," pang-aasar ni Blue.

"Hindi ko kailangan nun. Hoy Kei! Musta date niyo ni Leigh?"

"Oh Sh*t! Ang daldal mo talaga," rinig kong tugon ni Kei. Agad ako lumabas at naabutan ko si Kei na tinatakpan ang bibig ni Xian. Nanlaki ang mata ni Xian nang makita ako.

"Ano sabi mo kanina?" tanong ko kay Xian. Inalis niya ang kamay ni Kei.

"Nandito ka pala Jacey. Hahaha. Alin doon? Yung gwapo ako?" tugon niya.

"Hindi yun. Yung tanong mo kay Kei."

"Ah! Yun ba! Wala lang yun. Hahahaha!" tawa niya sabay hampas pa sa akin. Tinignan ko si Kei.

"May gagawin pa pala ako. Una na ako," paalam niya bigla pero bago pa siya makatakbo nahawakan ko na siya sa balikat.

"Saan ka pupunta? Mag-uusap pa tayo. Nung isang araw ko pa iniisip kung sino yung lalaking kasama ni Leigh doon sa sinasabi niyang birthday party. Ikaw lang pala yun," sambit ko sabay hawak ng mahigpit sa balikat niya.

"Aray! Aray!" aniya sabay alis ng kamay ko at layo sa akin.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

"Bakit ka ba nagagalit? Sinamahan lang naman niya ako birthday party ng pinsan ko. Saka may kapalit naman yun. Nagpalibre ka nga din ng balot eh," paliwanag niya.

"Baka kasi gusto niya si Leigh. Nagseselos yan dude," singit ni Xian.

"Tinanong ko na siya kanina. Hindi daw siya nagseselos. Nag-aalala lang daw siya kay Leigh," sabi naman ni Blue.

"Hindi daw. Kung makahawak nga siya balikat ko parang gusto na niya drugin buto ko," reklamo ni Kei. Sabay ngisi sa akin.

"Umamin ka na kasi na may gusto kay Leigh," pangkukumbinsi sa akin ni Kei. Akala naman nila may aaminin ako. Mang-aasar lang sila.

"Wala ako gusto kay Leigh. Wala. Wala. Wala," tugon ko.

"Leigh, napadaan ka?" rinig kong tanong ni Sid kaya agad ako napalingon sa kausap niya.

"Sinusundo ko si Alas," tugon niya.

"Sabi ko dadaanan na lang kita sa inyo. Kunin ko lang bag ko," sabi ni Alas sabay tayo at pasok sa isang kwarto. Dito na kasi siya ngayon nakatira. Pinalayas na kasi nung pagkauwi niya sa kanila pagkatapos siya bugbogin ng lolo niya noon. Hindi na siya umangal dahil ayun naman din ang balak niya.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko. Pansin ko kasi na semi formal ang suot nila.

"Paki mo? Wala ka naman gusto sa akin diba?"

"Parang nagtatanong lang."

"Tigilan mo yung pagtatanong mo kung saan ako pupunta o pumunta. Tutal wala ka naman gusto sa akin, wag mo ko pakialaman kung lalabas man ako kasama ng iba."

"Hindi naman kita pinapakialam. Nagtatanong lang ako."

"Edi wag ka magtanong!" sigaw niya.

"Alis na kami," paalam ni Alas sa amin sabay hila kay Leigh pababa.

"Hindi daw gusto pero yung mukhang nagseselos," pagpaparinig ni Blue.

"Wala ka naman pala gusto kay Leigh, okay lang siguro kung ligawan ko siya?" tanong ni Kei. Tinignan ko lang siya ng masama saka umalis para patagong sundan sila Leigh.

******

Leigh's POV

Kainis yung lalaking yun. Pagsigawan daw ba na wala siyang gusto sa akin.

"Baka hindi tayo matanggap nito," sabi bigla ni Alas kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Yung mukha mo. Nakakatakot. Para kang mananapak bigla."

"Kainis kasi si Jacey. Dapat pala sinapak ko siya kanina para mawala yung inis ko."

Biglang tumigil sa paglalakad si Alas at lumingon sa likod.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Parang may sumusunod sa atin," aniya kaya nakitingin din ako sa likod. Wala naman ako nakitang kakaiba.

"Wala naman ah!"

"Hayaan muna. Baka imagination ko lang."

Naglakad na siya ulit kaya sumunod na lang ako sa kanya. Sumakay kami ng jeep dahil malayo-layo yung pupuntahan namin. Sabi kasi nila Sid, kilala dito si Alas. Kaya naisip ko na doon kami sa walang nakakakilala sa kanya.

Pagkasakay namin, pansin ko na pinagtitinginan siya ng mga babae na kasabay namin sa jeep. Hindi na bago sa akin yung ganyan dahil ganito  din kapag kasama ko si Jacey.

"Bakit gusto mo magtrabaho?" tanong bigla ni Alas.

"May gusto kasi ako bilhin sa pasko kaya kailangan ko ng trabaho para magkaipon," tugon ko.

"Sino kaya yung kasama niya? Girlfriend niya kaya?" rinig kong bulong ng babae sa harap ko.

"Parang bata pa. Baka kapatid niya," sagot naman ng kasama nito.

Tinignan ko sila ng masama at ayun tumigil.

"Para po!" sigaw ni Alas. Napatingin tuloy ako sa labas  dahil hindi ko alam kung saan na kami.

"Dito na tayo  baba diba?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang tugon buti na lang nasabi ko sa kanya yung direskyon kanina. Nauna na siya bumaba at nung pababa na akoh hinawakan niya ako sa sa kamay para alalayan.

Pumasok na kami sa isang fast food chain na sinasabi ng kaklase ko. Balak kasi namin mag-apply bilang service crew.

"Kayo ba yung mag-aaply?" tanong sa amin ng manager.

"Yes! Sir," sagot ko.

"Sumunod kayo sa akin," sabi niya sa amin. Umakyat kami ng second floor dahil puno ng costumer ang ibaba.

"Upo kayo. May dala ba kayong resume?" aniya sabay turo sa isang bakanteng upuan.

Pagkaupo namin, agad namin nilabas yung dala naming resume. Binasa niya ito.

"17 ka na?" tanong sa akin ng makita yung resume ko.

"Opo," sagot ko.

"Mukha ka lang 14. Kaya mo ba yung mga gawain dito?" tanong nito.

"Yes Sir. Hindi lang halata pero malakas ako. Kaya ko bumuhat ng mabigat," sabi ko.

"Kaya mo bumuhat ng mabigat? Sige nga patingin," panghahamon niya.

"Sa labas po tayo Sir," sagot ko kaya lumabas kami. Lumapit ako sa isang sasakyan na nakaparada doon at inangat yung harapan. Nagbilang ako ng sampu bago ko ito dahan-dahan binaba.

"Ano Sir? Naniniwala na po kayo?" nakangiting sabi ko. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat.

"Tanggap na kayo. Fill-up  an niyo na lang yung form. May isang linggo kayo para ayun lahat ng requirment. Start na kayo sa sabado. Anong oras kayo pwede?" tugon nito.

"Sir, 7pm to 10 pm po. May pasok pa po kasi kami," sagot ko. Pumayag naman siya. Binigyan niya kami ng form at list ng requirements.  Pagkatapos namin magfill-up umalis na din kami.

"Ganun lang yun? Bakit ikaw lang tinanong?" tanong ni Alas pagkalabas namin.

"Baka nagulat sa ginawa ko kaya nakalimutan ka ng tanungin," sagot ko. Natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Gusto mo kumain? Libre kita," tanong niya.

"Wag na! Next time mo na lang ako ilibre  kapag nakasahod na tayo."

"Salamat sayo," sabi niya sabay gulo ng buhok ko at nauna ng maglakad.

"Magpapasalamat ka na nga lang, ginulo pa buhok ko."

Hinabol ko siya dahil mabilis siyang maglakad. Sumakay na kami ng jeep pauwi.

"Wait lang! Sasakay ako!" sigaw ng isang lalaki bago umandar yung jeep. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jacey. Tumabi siya sa akin.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sinundan ko kayo. Mag-aaply lang pala kayo, hindi mo pa sinabi sa akin kanina," tugon niya.

"Sabi na nga ba may sumusunod sa atin," sambit ni Alas. Ako naman nanahimik dahil naalala ko na dapat iwasan ko na si Jacey.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Jacey nang makababa kami pero tuloy lang ako sa paglalakad.

"Sila Jacey! Ano pa hinihintay niyo? Sugurin niyo," sabi ng hindi ko kilalang lalaki.

"Ayan nanaman sila," sabi ni Jacey sabay harang sa harapan ko.

"Sino sila?" tanong ko kay Alas.

"Isa sa mga grupo na gusto matalo kami pero  mahina naman. Diyan ka na lang. Kaya na namin sila," tugon niya bago tulungan si Jacey sa pakikipaglaban.

Bigla ako nakarinig na pito  at doon nakakita  ako ng pulis na palapit.

"Patay! Umalis na tayo dito," sabi ni Jacey sabay hila sa akin at takbo. Nakita ko si Alas na sumunod sa amin habang yung iba nagkanya-kanyang takbo din.

Pumasok kami sa isang masikip na eskinita at nang makalabas kami doon, agad kami nagtago sa gilid ng sasakyan na sinabayan pa namin sa pagtakbo para hindi kami makita nung umandar.

"Kamuntik na tayo doon," hingal na hingal na sabi ni Jacey pero wala doon ang atensyon ko. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Tara sa bahay niyo," sabi niya sa akin sabay lakad. Hindi ko alam kung sadya yung pagkahawak niya sa kamay ko o nakalimutan niya lang ako bitawan.

"Sama ako," sambit ni Alas sabay gitna sa amin at akbay. Doon lang ako binitawan ni Jacey at walang imik na naglakad.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro