CHAPTER 1
CHAPTER 1
Leigh's POV
"Patay kayo ngayon!" sambit ko sabay pindot ng keyboard at mouse. Para paatakihin si Mirana.
'Yes!' tinanggal ko ang suot kong headphones dahil tapos na ang laban at panalo kami.
"Nasaan ang grupo ni Sid?" sabi ng isang lalaki sa babaeng bantay ng computer shop.
"Hindi ko alam. Hindi ko sila kilala," sagot nito. Biglang hinila ng lalaki ang kwelyo nito.
"Wag mo ko pinagloloko. Alam kong dito sila palaging tumatambay," sabi nito.
"Please lang. Umalis na kayo. Wala dito ang hinahanap niyo," sagot ng babae. Biglang sinampal ng lalaki yung babae dahilan para mapatayo ako.
"Hoy bakla!" sigaw ko.
"Bakla? Ako ba tinatawag mo?" tanong nito.
"Oo ikaw. Bakla lang ang nanakit ng babae. Sinabi na niya wala dito ang hinahanap niyo," sagot ko. Bigla silang tumawa kahit wala naman nakakatawa sa sinabi ko.
"Bata, umuwi ka na lang sa bahay niyo. Hindi ka dapat nangingialam sa mga matatanda," aniya na lalong kinainis ko. Nagtatawanan sila na akala mo wala ng bukas. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sugurin sila.
Tumakbo ako palapit sa kanya at saka tumalon para sipain siya mukha. Nanlaki ang mga mata ng mga kasama niya.
"Bata pala ha? Ito bagay sayo! Wag na wag mo kong tatawaging bata dahil 18 years old na ako." sabi ko saka pinagtatadyakan sa tiyan. Tinignan ko ang mga kasama niya.
"At kayo! Kung ayaw niyo matulad sa mukhang unggoy na ito, umalis na kayo," sabi ko sa kanila. Binuhat ko yung lalaking pinatumba ko na lalong ikinagulat nila.
"Dalhin niyo na siya!" hinagis ko sa kanila ito na agad naman nilang sinalo.
"Ano pa hinihintay niyo?! Layas! Wag na kayong babalik dito!" sigaw ko dahil mukhang ayaw pa nilang umalis. Dali-di silang tumakbo paalis.
"What?" tanong ko sa mga nagcocomputer dahil nakatingin sila sa akin. Agad naman sila umiwas ng tingin.
"Nakakatakot siya," rinig kong bulong ng isa kanila. Nilingon ko yung babae.
"Ayos ka lang?" tanong ko pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, hinawakan niya ang kamay ko habang nakangiti. Kulang na lang kumislap yung mga mata niya.
"Ang galing mo! Salamat! Kung wala ka baka hindi lang sampal ang nakuha ko."
"Walang anuman. Sige alis na ako," paalam ko sabay hila ng kamay ko.
Palabas na sana ako nang biglang may pumasok na nagtatangkarang lalaki. Hindi lahat matangkad pero dalawa sa kanila sobrang tangkad kaya napatingala talaga ako.
"Hailey! Ayos ka lang? Narinig ko na galing daw dito yung grupo ni Majinbu," sabi ng isang lalaki. Medyo hawig ito sa babae kaya hula ko magkapatid sila.
"Ayos lang ako kuya. Tinulungan ako ni Ate girl," tugon niya sabay tingin sa akin. Tumingin sa akin yung lalaki at yung tatlo pa niyang kasama.
"Itong batang ito tumulong sayo?" tanong nung isang matangkad sabay hawak sa ulo ko.
Sa inis ko tinangal ko yung kamay niya hinigpitan ang pagkahawak.
"Sinong bata?" inis na tanong ko.
"Awww! Masakit!" aniya habang sinusubukan alisin ang kamay ko. Sinipa ko siya sa paa saka ko siya binitawan at umalis.
"Ano nangyari sayo? Bakit ka nakasimangot? Alam ko na! Natalo ka sa dota no?" tanong ni Jacey sa akin.
"Hindi. Kainis. Bakit ba nila ako tinatawag na bata? Mukha ba talaga akong elementary?" inis sabi ko. Napansin kong nagpipigil ng tawa si Jacey kaya binatukan ko siya.
"Aray! Sakit mo talaga mangbatok. Parang matatanggal ulo ko," reklamo niya pero sanay na naman niya mabatukan dahil lagi niya ako iniinis.
"Umuwi ka na nga sa inyo. Lalo mo lang sinisira araw ko," pagtataboy ko sa kanya.
"Sungit. Meron ka siguro ngayon no?"
Tinignan ko lang siya masama at umakto na babatukan ko siya.
"Joke lang. Sige alis na ako. May sasabihin sana ako kaso bukas na lang. Bye," paalam niya at nagmadaling umalis.
"Lei, nandito ka na pala. Halika samahan mo ko mamalengke," sabi ni mama sa akin. Alam ko naman na gagawin niya lang ako tagabuhat dahil pinanganak akong malakas.
Bata pa lang ako may bambihirang lakas na akong taglay. Yung lakas ko hindi normal. Kaya kong iangat ang sasakyan gamit ang isang kamay.
Sumunod na lang ako kay Mama at hinayaan siyang bumili ng ulam. Bawat bili niya binibigay niya agad sa akin. Hindi naman ako umaangal dahil hindi naman ako nabibigatan kahit na may bibit akong limang kilong bigas at isang platik na grocery. Bukod pa sa baboy, isda at gulay.
"Ang lakas talaga ng anak mo mare kahit maliit. Walang kahirap-hirap niya nabuhuhat yung pinamili mo," sabi ni Aling Susan kay mama.
"Oo nga eh. Buti na lang nagmana siya sa lolo niya. Pabili nga ako ng isang kilong talong," nakangiting sabi ni Mama.
Napahikab ako dahil sa sobrang bored ko. Gusto ko na umuwi para matulog.
"Magnanakaw!" sigaw ng isang matandang lalaki habang hinahabol ang isang binata na may hawak na kahon na tingin ko may lamang pera.
Nang dadaan na siya sa tabi ko, hinampas ko sa kanya yung plastic ng grocery na hawak ko. Wala naman doon mababasag o masisira kaya ayos lang na ihampas ko sa kanya. Napaupo na lang siya sahig nang matamaan ko siya. Nagsilaglagan pa yung laman ng kahon dahil nabitawan niya ito.
"Walanghiya kang magnanakaw ka! Pinaghirapan ko yan tapos kukunin mo lang. Hindi ka man lang naawa sa akin na matanda na," sabi ng matandang lalaki nang maabutan siya nito. Pinagsisipa siya nito at pinagsusuntok.
"Ma, hawakan mo muna ito."
Inabot ko kay mama yung mga bibit nito. Kamuntik nga siya matumba nang bitawan ko. Mabuti na lang nahawakan siya nung lalaking katabi niya.
"Jusko! Ang bigat naman nito. Bilisan mo," sambit ni mama.
Kinuha ko yung kahon at isa-isang pinulot yung mga nahulog na pera.
"Hoy akin na yan! Kita yan ni manong," sigaw ko sa lalaking ibubulsa sa na yung isang libo. Alam ko kay manong yun dahil nakita ko yun nung nahulog.
"Sayang," bulong nito sabay laglag ng pera sa loob ng kahon.
Tinulungan ako ng iba na nandoon kaya laking pasalamat ko.
"Manong tama na yan. Ito na po kita niyo. Hindi ko po alam kung sakto yan pero nandyan lahat ng napulot namin," pigil ko kay manong dahil kawawa naman yung lalako na bugbog sarado na.
"Salamat iha," aniya saka kinuha yung kahon.
"Oras na magnakaw ka ulit, ipapakulong na kita hayop ka. Wag kang magpapakita sa akin," sabi pa niya sa lalaki. Sinipa pa niya ito bago umalis.
Tumayo na yung lalaki at ang sama ng tingin sa akin.
"Pakilamera," aniya saka ako binangga ng balikat niya at nilampasan. Gwapo sana siya kaso ang sama ng ugali.
Kinuha ko na lang kay Mama yung mga pinamili dahil mukhang hirap na siya pagbubuhat.
"May bibilhin ka pa ba Ma?" tanong ko.
"Wala na. Umuwi na tayo."
Nauna na siyang maglakad sa akin habang ako nasa likod niya.
"Grabe talaga mga kabataan ngayon. Wala ng respeto sa mga matatanda. Wag kang tumulad sa kanya Leigh. Naku! Papalayasin kita kapag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan. Yung mga gangster-gangster na yan?! Wag ka sasali. Pati yung fraternity ba yun? Basta wag kang sasali sa ganun, baka kung ano pa mangyari sayo," litanya ni mama.
"Opo," sagot ko.
Mahal ko ang buhay ko para sumali sa mga ganun. Saka wala naman ako mapapala doon. Mas gusto na yung ganito na walang masyadong gulo kahit na napapaaway ako minsan.
*****
Jacey's POV
"Yow! Ano nangyari? Bakit may biglaang meeting?" tanong ko.
"Late ka na. Nasaan si Alas?" tugon ni Blue pero red naman yung buhok.
"Hindi ko alam," sagot ko sabay upo.
"Akala namin magkasama kayo dahil pareho kayong wala."
Ako nga pala si Jacey. Ang pinakagwapo sa aming magkakaibigan. Nasa computer shop kami ngayon nila Hailey dahil may importante daw sila sasabihin. Siguro tungkol yun sa hinanahanap naming babae na pwedeng maging leader namin. May kumakalat kasi na balita sa mga gangster na babae daw leader namin. At dahil pare-pareho naming ayaw madamay ang mga babaeng malapit sa amin, naghahanap kami ng babae na magpapanggap na leader. Hindi naman talaga kami kaso napaaway kami sa grupo ng gangster kaya ito kami ngayon sikat sa mga gangster. Madaming naghahamon sa amin na madalas namin takasan o taguan kaso nahahanap pa rin kami. Pati itong tambayan namin nalaman nila.
"Ohh! Badtrip ka yata ngayon?" tanong ni Tyron kay Alas.
"May pakilamera kasi kanina palengke. Nakuha ko na sana yung pera ni lolo kung hindi lang siya humarang," inis na pagkukwento nito.
"Hindi ka nanaman binigyan ng baon ng tatay mo?" tanong ko. Nagnanakaw lang naman kasi siya sa lolo niya kapag ayaw siya bigyan ng pera. Kung saan-saan daw kasi ginagamit ni Alas yung baon niya.
"Oo. Sinumbong kasi ako ng kapatid ko. Nagcutting daw ako kahapon. Kaya lang naman kami gumala dahil walang prof," paliwanag niya. Sa aming magkakaibigan si Alas yung madalas walang pera. Wala na siya nanay. Kasama na lang niya yung tatay, lolo at nakakabatang kapatid na lalaki. Jeep driver yung tatay niya habang nagtitinda naman sa palengke yung lolo niya.
"Nandito naman kami. Pwede naman kami mag-ambagan para may pera ka," sabi ni Blue. Ganyan kasi kaming magbabarkada, nagtutulungan palagi.
"Wag na. Ang dami ko ng utang sa inyo. Ano nga pala pag-uusapan natin?"
"May nakita na kaming pwedeng magpanggap na leader natin," umpisa ni Sid.
"Talaga? Sino naman yung malas na babae?" tanong ko.
"Hindi pa namin kilala. Pero malakas siya kahit maliit siya," pagkukwento ni Tyron. Bigla ko tuloy naisip si Leigh dahil ganun din siya.
"Natanong niyo na ba siya?" tanong ni Alas.
"Hindi pa. Pero babalik naman siguro yun dito. Abangan na lang natin para kausapin," tugon ni Sid.
"Ang tanong papayag ba siya?" komento ko. Walang matinong babae na papayag maging leader. Tapos ihaharap lang siya sa mga gangster.
"Takutin natin kapag hindi pumayag," biro ni Xian.
"Baka sapakin ka nun tulad ng ginawa niya kanina kila Majinbu," pananakot ni Hailey.
"Bakit? Ano nangyari kanina?" tanong ko.
"Pumunta kanina dito sila Majinbu. Hinahanap tayo."
"Kalat na talaga na dito tayo natambay. Iwasan kaya natin pumunta dito? Hanap na lang tayo ng ibang tambayan," suhestiyon ni Ryder.
"Sige. Doon tayo kila Jacey," sagot ni Alas.
"Bakit naman sa amin? Wag doon," reklamo ko.
"Bahay mo na lang hindi namin napupuntahan. Doon na muna tayo tumambay," sagot ni Alas.
"Oo nga tol. Sa inyo muna tayo," pagsang-ayon ni Xian.
"Bahala kayo. Hindi ko ituturo bahay ko sa inyo," sagot ko sa kanila. Hindi naman nila alam bahay ko.
"Madali lang malaman yun. Kapag nakapunta kami doon kahit hindi mo sinasabi kung saan, doon na tambayan? Ano? Deal?" paghahamon ni Xian.
"Sige deal. Goodluck sa inyo. Alis na ako," tumayo na ako para umuwi. Napansin ko pa na sinusundan nila ako kaya tinakbuhan ko sila. Dumiretso ako sa bahay ni Leigh para doon muna tumambay. Akala nila maiisahan nila ako? Mautak kaya ako.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro