
End
3:45 am
Naiwang buo at malinis ang kabaong ni Cassey sa gitna ng umaapoy na bahay habang napapalibutan ng mga bangkay ng nasunog na mga taong nakulong.
Panay sa paggalaw ang kabaong sa kung saan-saang direksyon animo'y may tumutulak nito at may pilit kumakawala.
Hanggang sa bigla itong bumukas.
At do'n iniluwa't bumangon si Cassey na may malaking ngiti sa labi. Napatingin ito sa kisameng nabutas at pinagmasdan ang maitim na kalangitan.
Hahanapin niya ang lalakeng nagpatibok ng kaniyang puso.
▪ ▪ ▪
Biglang lumindol.
Yumanig ang lupa at nagdulot ito ng pagguho at pagkahati ng lupain sa sementeryo. Marami ang napinsala at iilan sa mga mala-bahay na itinayo roon para sa mga libing ay bumigay.
May isang parte ng lupa sa loob ng sementeryo ang gumuho kalaunan at doon tumambad ang katawan ni Thomas na inaagnas na. Lumilitaw na ang mga buto nito at sobrang nipis na ng mga laman niyang kinakain ng mga uod.
Ang mga uod na nakabalot sa katawan niya'y bigla na lang na natunaw at ito'y nagsama-sama. Naging laman o karne ito na lumukob sa buong katawan niyang nagkabutas-butas na.
Ilang saglit pa'y naging maayos din ito. Nang magbalik-anyo muli ang kaniyang katawan ay biglang dumilat ang lalake at bumangon sa kinahihigaang kabaong.
Napatingin ito sa kalangitang walang bituin at matamis na napangiti.
Hahanapin niya ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro