Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 9

3:33 am

Tahimik lang ang lahat habang nagdadalamhati sa pagkawala ni Cassey. Lahat sila'y tulala't nakatingin sa kabaong nito habang inaalala ang kaniya-kaniyang memorya kasama ang yumaong babae.

Pero, ang katahimikan ay ginambala nang biglang gumalaw ang kabaong. Napasigaw ang iilan at napatayo dahil sa takot at pagtataka sa kung paano iyon nangyari.

"P-papano 'yon gumalaw?!"

"Diyos ko po!"

"Ang kabaong ni Cassey!"

Akmang lalapit na sana ang ina ni Cassey nang bigla na naman itong gumalaw, napatigil siya't masusing inobserbahan ang paligid upang alamin kung anong nangyayari.

At sa pagkakataong gumalaw ulit ang kabaong ay nahagip nito ang isang kandilang nakapatong sa isang mahabang bakal na may disenyo.

Bumagsak ito at dumikit sa nakalagak na mahaba at manipis na kurtina. Bago pa man nakakilos ang iba upang apulahin ito ay nilamon na ng apoy ang tela at kumalat ito hanggang sa marating ang kisame.

"Lahat labas!"

"Sunog!"

"Anak!"

"Tara na!"

"Tulong!"

Nagkagulo ang lahat at baliw na baliw na gustong lumabas ng bahay nina Cassey.

Pero sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang na sumara ang pintuan bago pa man makalapit sila nito. Na-locked ito bigla at kahit anong gawin nila sa loob ay hindi nila magawang buksan.

Ang nasa labas naman ay nagkagulo rin dahil sa bilis ng pangyayari. Gusto nilamg sumaklolo pero hindi nila magawa dahil sa ang bintana ay may bakal na nakaharang at ang pintuan naman ay hindi nila nabubuksan o nasisira man lang.

Sa loob, kitang-kita nila kung paano gumapang ang apoy patungo sa kani-kanilang katawan. Puro sigawan lang ang maririnig dahil sa pagdurusa nila sa malupit na apoy na unti-unting lumalamon sa kanila.

Hanggang sa narating ng apoy ang mga tangke ng LPG sa kusina ng bahay. Uminit ito nang uminit dahil sa apoy na nakapalibot nito.

Ilang saglit pa ay bigla na lang na nagkaroon ng malaking pagsabog na kumitil sa buhay ng lahat ng nasa loob at pati na rin ang nasa labas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro