Day 8.9
1:09 am
"Heto na lahat," sabi niya nang makapasok sa yungib na umaapoy at nagbabaga.
Nilapitan niya ang lalakeng nakatalikod sa kaniya na may hawak na matulis na sibat. Abala ito sa pagsasaksak at pagpapahirap sa isang lalakeng nakatali.
"Nandito na ako," pagkuha niya sa pansin nito.
Tumigil naman ang lalake sa pagpapahirap no'ng makakasalang nilalang at ito'y iniwanan muna saglit. Napangiti siya nang makitang muli ang babae lalo pa't dala-dala nito ang pakay niya.
Nilapitan ni Cassey ito at inabot niya sa lalake ang limang bote na may kaniya-kaniyang laman na mga puting usok.
"Magaling Cassey, hindi mo talaga ako pinapalya." Papuri sa kaniya nito nang makuha lahat ng bote.
"Kung para sa sarili ko't kasiyahan, gagawin ko ang lahat Lucifer." Aniya at tipid na ngumiti.
"Bayad ka na; ang kaluluwa mo, kay Kate, at kay Maria ay para sa naunang hiling mo no'ng buhay ka pa. Ito namang natirang tatlo pa ay para sa panibagong hiling mo." Pahayag ni Lucifer habang isa-isang tinignan ang mga bote, "Ngayon ay kailangan mong bayaran ang para sa huling hiling mo."
"Masusunod, nang sa gayo'n ay matapos na tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro