Day 8.7
12:50
Dahan-dahang hinugot ng babae ang kaniyang mga daliri na nakabaon sa leeg ni Kate. Tuwang-tuwa naman ito dahil sa inuubo ng dugo si Kate na umiiyak.
Sa puntong nahugot na niya ng tuluyan ang mga daliri ay bumagsak si Kate sa sahig na mahihirapan sa paghinga at nanginginig, palatandaan na ilang saglit pa ay babawian na ito ng buhay.
Mag-isang nakatayo sa mahabang pasilyo ang babae na tuwang-tuwa sa nakikita nitong bahid ng mga dugo sa daliri, aliw na aliw siya sa kung paano gumapang ang malapot na dugo sa nangingitim niyang mga kamay.
Dala ng bugso ng kaniyang pagkagalak ay inilapit niya sa kaniyang ilong ang daliri at pikit-matang inamoy ang dugo. At saka dinala ito sa kaniyang bibig at tinikman ang dugo.
Matapos masaid ang lahat ng dugo sa kamay ay ibinaon niya ang sariling kuko sa noo. Nang mapalagay siya ay dahan-dahan niyang pinunit ang laman niya. Hindi alintana sa kaniya ang mga dugong dumadaloy, bagkus ipinagpatuloy lang niya ito.
Ilang saglit pa ay naging marahas na sa kaniya ang pagpunit ng laman na para bang nakakapit sa kaniya. Isang hilaan lang ay nagawa niyang mahila ang malaking porsyon ng laman at doon tumambad ang totoong siya— siya na itinago ang sariling mukha sa pamamagitan ng pagsuot ng ibang laman.
Hubo't hubad na nilisan ni Cassey ang lugar at iniwanan si Kate.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro