Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 8.5

12:39 am

Sa takot ni Kate nang makitang pinatay ni Cassey si Vernon ay kung saan-saang direksyon na lang ito tumakbo. Ang sa kaniya lamang ay ang makalayo kay Cassey at mailigtas ang sariling buhay. Gusto rin niyang hanapin ang katawan para makaalis na siya sa mundong ito pero hindi niya alam kung nasaan iyon.

"Tulong!"

Napatigil si Kate nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Tulong!"

Habang nakatayo sa gitna ng mahabang pasilyo ay kung saan-saan na lang ito napapatingin habang hinahanap ang pinagmumulan ng saklolo.

"T-tulong!"

"S-si Thea!" Bulalas niya nang mapagtanto niyang si Thea iyong narinig niya. "Thea!" Sigaw niya.

Akmang tatakbo ulit si Kate upang hanapin si Thea, ngunit napatigil siya't napaatras nang biglang lumitaw ito mula sa kaliwang pasilyo na iilang metro rin ang layo sa kaniya.

Sobrang dami ng linya ng hiwa't malalalim na sugat sa katawan niya. Ang damit niya'y gutay-gutay na at iilang piraso na lang ang nakatakip sa kaniya. Naliligo na ito ng sariling dugo.

"T-tulungan m-mo 'ko, Kate." Pagmamakaawa niya habang paika-ikang naglalakad patungo sa kaniya.

Nagtataka man sa kung paano nakabalik si Thea at sa kung anong nangyari ay walang pag-aalinlangang sumugod si Kate para tulungan siya.

Pero hindi pa nga siya nakakalapit kay Thea nang mapatigil siya't napaatras dahil sa nakita.

Biglang lumitaw ang malaking asong itim na kasing laki ng kalabaw. Sobrang haba at tulis ng mga ngipin nito na kayang tirisin ang kung anong bagay. Pulang-pula ang mga mata niya na para bang naglalagablab sa galit. At kahindik-hindik ang mukha nito ay sumsisigaw ng kamatayan.

"T-Thea, s-sa l-ikod m-mo." Umuutal na saad ni Kate.

Mukhang nakuha naman ni Thea ang nais niyang sabihin.  Biglan ring umatungal ng malakas ang aso na ikinalingon niya. Nanigas sa kinatatayuan si Thea at naiyak sa nakita.

Kung kanina ay natakasan niya iyong aso, ngayon ay natitiyak niyang hindi na. Kanina ay kinalmot siya nito, ngunit ngayon ay hindi na niya alam pa kung anong gagawin nito.

"Takbo!" Sigaw ni Thea kay Kate.

Parang nahimasmasan naman si Kate dahil sa sigaw ni Thea. Kung kaya't sa takot ay kumaripas ito ng takbo na hindi na lumilingon pa.

Sa kabilang dako naman ay sinubukang tumakbo rin ni Thea, pero mas nangibabaw ang panghihina niya dahil sa sugat na natamo. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mapalingon upang sipatin ang halimaw na aso. Huli na nang masaksihan niya itong sumugod sa kaniya. Hindi na siya nakaiwas pa sa malaking bibig nitong umatake sa kaniyang braso.

At nakagat nga siya nito.

Halos mawalan ng ulirat si Thea nang makita niya kung paano tiniris ng nagtataasang mga ngipin ng aso ang kaniyang braso. Isang kagat lamang ay nabiyak nito ang kaniyang braso't nahiwalay sa katawan niya.

Hinawi siya ng malaking nguso ng aso at nabatbat siya sa pader sa sobrang lakas nito. Bumagsak siya na sapo-sapo ang naiwang parte ng naputol niyang braso na walang tigil sa pagbulwak ng dugo. Nakahiga lang siya sa sahig na basang-basa ng malapot niyang dugo.

Gustuhin man niyang bumangon ay hindi niya magawa. Ang panoorin kung paano nginuya ng aso ang braso niya ang kaniyang tanging nagagawa. Umiiyak din siya na nananalangin na sana'y matapos na ito; tinatawag ang Panginoon upang humingi ng tulong at kapatawaran.

Pero huli na ang lahat.

Natapos na ang aso sa paglapa ng braso niya at nilunok na ito. Siya na ang pinagtuonan ng pansin ng aso at unti-unti itong lumalapit sa kaniya. Isang kurap lang ay umatake kaagad ang aso at kinagat ang kaniyang sikmura sabay hila nito.

Nahati ang katawan ni Thea at nagkalat na ang kaniyang laman-loob na nagkalasog-lasog.   Namalayan na lang niya na unti-unti nang nanlalabo ang kaniyang paningin habang sinimulang lapain ng aso ang kaniyang katawan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro