Day 8.3
12:29 am
Saksi sina Vernon kung paano nalusaw at naging abo si Thea bago ito pumasok sa bibig ng katawan niyang nakahimlay. Nang tuluyang nakapasok ito ay nalusaw na rin ang katawan ni Thea at nawala, palatandaan na sa kabilang mundo ay nagising na si Thea.
Tanging ang tatlong magkakaibigan na lang ang naiwan sa silid na pinagtataguan. Tahimik lamang sila, maliban kay Maria na dumadaing sa sakit. Lubos na nagpapasalamat si Vernon at Kate dahil sa hindi magtatagal ay mahihingian na sila ni Thea ng saklolo at maliligtas na rin sila laban kay Cassey na isa na ngayong halimaw.
"Hindi pwedeng tumunganga lang tayo rito Vernon, malubha ang karamdaman ni Maria." Nag-aalalang sabi ni Kate nang mapansing mas lumalala ang kalagayan ni Maria.
"Pero saan naman tayo pupunta? Ano naman ang gagawin natin?" Tanong ni
"H-hindi ko alam." Pagsuko ni Kate nang mapagtantong wala sila sa mundong tinitirhan nila.
Wala silang kalaban-laban rito.
"P-pero pwede nating hanapin ang ating katawan dito nang sa gayo'n ay magising tayo at makakatakas kay Cassey."
"Hindi tayo pwedeng lumabas. Hihintayin na lang na—"
Naputol ang pagsasalita ni Vernon at napalitan ng sigawan nilang dalawa ni Kyla nang biglang nabutas ang pintuan at tumagos doon ang isang palakol. Sobrang lakas ng pagkakataga nito na malaki-laki rin ang nabiyak nito sa pintuan.
Nang hugutin ang palakol paalis ay sumilip ang naninilaw na mga mata ni Cassey na titig na titig sa kanila. "Paparating na ako," Aniya saka muli nitong pinagtataga ang pintuang gawa sa kahoy.
Sa takot ay kaagad na nilapitan ni Vernon si Maria na nakahimlay sa sahig. Mag-isa niya itong inalalayan at binuhat para sa protektahan at salbahin, 'pagkat si Kate naman ay tulalang-tulala na't umiiyak na sa kinatatayuan.
Pero, bigla na lang natahimik at ang paligid at natigil na rin ang pagtataga sa pintuan. Naiwan sina Kate at Vernon sa loob ng silid na takang-taka sa nangyari. Masugid nilang tinignan ang siwang sa ibaba, gilid, at butas sa gitna upang alamin kung wala na ba talaga si Cassey.
At wala na nga.
Karga-karga pa rin ni Vernon si Maria na dumadaing pa rin sa mga natamo nito. Nakuha naman nito ang atensyon ng lalake, kung kaya't pagtuonan niya ito ng pansin. Pero nang ilapat niya ang kaniyang paningin sa babae ay para siyang nakaramdam ng pagsabog sa loob ng sistema. Ang katawan niya'y nanigas at nawalan na siya ng boses para magsalita nang makitang ang karga-karga niyang babae ay si Cassey pala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro