Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 8.2

12:26 am

Puro ungol lang ang nagagawa ni Thea dahil sa sugat na natamo niya sa bibig. Nais niyang humingi ng tulong pero sumasakit lang ang bibig niya kapag sinusubukan niyang magsalita.

Hindi niya mahagilap ang sariling magulang sa paligid. Natatakot na siya dahil mag-isa lamang siya sa loob at sobrang tahimik pa. Ang bawat segundong lumilipas ay nasasayang at delikado iyon para sa mga kaibigan niyang naiwan sa kabilang mundo.

Sa wakas ay may pumasok sa kaniyang silid. Gumaan ang loob ni Thea at parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa makakahingi na siya ng tulong kaagad. Hindi man niya kilala kung sino ito pero alam niyang pwede niya itong pakiusapan para humingi ng tulong.

Lumapit sa kaniya ang kakapasok na tao at do'n lamang niya nakilala ito nang masakop na ito ng kaniyang paningin. Ang kararating na personalidad pala ay ang lalakeng doktor na may dala-dalang tray na siguro'y naglalaman ng gamot para kay Thea.

"Ang bilis mo namang nagising."  Hindi makapaniwalang saad ng doktor.

Napangiti naman si Thea. Sinusubukan na nitong bigkasin ang nais niyang idulog sa doktor at itatanong niya rin sana kung nasaan ang kaniyang Mama.

Pero hindi niya iyon magawa dahil sa nananakit talaga ang kaniyang lalamunan at leeg. Isa pa ay bigla na lang na kumuha ang doktor ng unan sa tabi niya saka walang imik na inilapat ito sa mukha ni Thea.

Biglang inatake ng kaba si Thea dahil sa alam niyang hindi na ito normal pa para sa isang doktor. Pero huli na ang lahat. Naramdaman na lang niya na biglang dumagan ito animo'y inupuan ang unang nakatakip sa mukha niya na lubos na nagpapahirap sa kaniya upang huminga.

Pinilit niyang magpumiglas, pero para na siyang nalumpo dahil sa mga baling natamo. Isa pa ay masyadong malakas ang doktor kung kaya't wala nang magagawa pa si Thea.

Kinakapos na ito ng hininga at bawat sandaling lumilipas ay ang pagkalagas ng kaniyang pag-asa. Sumisikip na ang dibdib nito at ang ulo niya'y nananakit na.

Ilang saglit pa ay biglang kumalas ang doktor. Umalis ito sa pagkakadagan sa babae at inalis ang unan.

Doon tumambad ang mukha ni Thea na labis ang pamumula. Tumitirik na rin ang mga nitong titig na titig sa kisame, at sobrang bigat ng paghinga niya na inuubo na rin animo'y muntik na itong malunod.

Hindi pa umaayos ang pakiramdam ni Thea nang lumapit ang doktor sa kaniya't hinarap siya ng nakakaloko. Hinawakan nito ang kaniyang magkabilang balikat at pwersahang hinila paupo. Binitawan nito ang kaniyang balikat at hinawakan ang kaniyang leeg at panga.

"Paalam, Thea." Sabi nito na kaboses ni Cassey saka bumwelo't malakas na pinihit sa kaliwa ang mukha nito hanggang sa humarap ito sa likod.

Kumawala ang tunog ng butong nabali mula sa leeg ni Thea bago ito binitawan ng doktor iniwanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro