Day 6.7
6:13 am
Nagdaan ang mga oras at sumikat na rin ang araw. Nalagpasan ni Maria ang gabi na walang kababalaghan sa loob ng guest room.
Ngunit wala siyang tulog, ni segundo o minuto ay hindi siya nakapagpahinga dahil sa tuwing ipinipikit niya ang kaniyang mga mata ay naaalala niya si Cassey at ang sinapit ni Kyla.
Nang bumangon siya ay kaagad niyang binuksan ang ginawa nilang group chat at tinignan kung ano ang pinagsasabi ni Cassey. Buti na lang at wala na itong ibang mensahe pa.
Binuksan niya ang isa pang group chat at doon iminungkahi ang kaniyang plano sa mga kaibigan. Gusto niyang pumunta sila mamaya sa simbahan upang humingi ng tulong. Tutal may kotse naman sina Maria, iyon na lang ang gagamitin nilang sasakyan para puntahan ang pari.
Dahil sa natatakot din ang iba na magaya kay Kyla ay walang pag-aalinlangan silang pumayag sa plano ni Maria. Ang nasa isip nila ay ang kaligtasan ng sarili at wala silang ibang hangad kung hindi ang kapayapaan para kay Cassey.
Sana matapos na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro