Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 5.8

6:04 pm

Pagsapit ng alas sais ay nagtungo lahat ng kaklase ni Maria sa bahay nito. Hindi muna sila dumalo sa lamay ni Cassey at sinabi sa kaniya-kaniyang magulang na may gagawin lang silang proyekto na ipapasa kinabukasan.

Nagtulong-tulong sila sa paghahanda ng gagawin; may gumuhit at kinopya ang nakuha nilang larawan sa internet na disenyo ng totoong Ouija Board, may naghahanda ng ayos ng mga kandilang itinirik sa sahig, at may nag-aayos sa kwarto ni Maria na itinatabi ang mga kagamitan upang magbigay ng malaking espasyo sa gitna.

"Tapos na." Anunsyo ni Vernon matapos maisulat ang huling letra sa ginawa nitong Ouija board.

"Magsimula na tayo." Anyaya ni Maria.

Umupo silang pabilog sa gitna ng kwarto ni Maria. Sa gitna ng bilog, sa harap nilang lahat ay naroon ang board na napapalibutan ng mga kandilang puti.

Sa puntong napatay na ni Kate ang ilaw ay sinindihan na kaagad ni Thea ang mga kandilang puti. Agad na nagliwanag ang paligid at naaaninag na nila ang mukha ng bawat isa.

Nanatili lamang sila sa kani-kanilang mga pwesto. Hindi maitatangging kinakabahan ang bawat sa kung anong mangyayari, pero nananalig sila sa Diyos na sana'y walang mangyayaring masama sa kanila.

Tahimik. Ni isa'y walang sumubok na magsalita. Ang mga mata nila'y nagkakasalubong at parang nag-uusap na lang sa mga titig.

Isang tango mula kay Maria ang naging hudyat para sa lahat. Kinuha nito ang baso sa tabi at itinaob bago ipinatong sa ibabaw ng Ouija Board.

Dalawang daliri ang idinantay ni Maria sa ibabaw ng baso. Nasundan naman ito ng daliri ni Vernon na pumwesto sa gilid ng baso katabi ng sa kaniya. Nagdadalawang-isip man ay sumunod na lang din ang iba at inilapat ang kani-kanilang daliri sa paligid nito hanggang sa hawak-hawak na nila ito lahat.

Napapikit sila ng kani-kanilang mga mata at dinama ang paligid.

"Cassey?" Panimulang tawag ni Maria, "Cassey, naririnig mo ba kami?" Tanong nito at mas pinapakiramdaman pa ang paligid.

Isang malakas na bugso ng malamig na hangin ang umihip sa loob ng kwarto ni Maria kahit na saradong-sarado ito. Bahagyang natangay ang iilang mga hibla ng mga buhok nila na nagdulot din sa pagtaas ng kanilang mga balahibo sa batok.

Dahil sa hanging umihip ay namatay ang iilang kandila, ang kaninang maliwanag na kwarto ay naging malamlam na.

Kalaunan ay parang nawala't lumisan ang malamig na hangin sa loob ng silid. Ngunit hindi alam ng iba na naroon pala iyon sa likod ni Maria, binabalot siya nito na nagpapanginig sa laman niya.

"Cassey, na-nandiyan k-ka ba?" Kinakabahang tanong Maria.

X E N O N ' S   N O T E

Hi! Mayroon pong itinatag na group ang admins ko sa Facebook para sa mga readers ko :) Ito ay ang
Xenon Reapers.
Search n'yo lang po sa FB at magrequest na sumali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro