Day 5.7
5:14 pm
Pahirapan para kay Maria ang kumbinsihin ang kaniyang mga kaklase na sumali sa kaniyang plano. Gaya ng reaksyon ni Vernon ay takot na takot din sila at wala talagang balak na sumugal para kausapin si Cassey.
May ayaw dahil isa iyong kahibangan.
May takot dahil sa ayaw nilang mamatay.
Pero mapilit at masugid na kinausap ni Maria ang mga kaibigan at ginamit lahat ng makakaya upang hikayatin ito. Tumulong na rin si Vernon at sinabing hindi problema kung si Cassey ang kakausapin 'pagkat kilala na nila itong mabait—hindi sila sasaktan.
Hanggang sa pumayag na si Thea. Hindi rin nagtagal at sumunod at pumayag na rin ang iba pa nilang kaklase kahit na may pagdududa ito sa maaaring mangyayari.
Mamayang gabi ay isasagawa nila ang ang plano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro