Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 4.3


6:30 pm

Gaya ng pinangako ng mag-ina ay bumalik at dumalo sina Maria at Ruby sa ikalimang gabi ng lamay ni Cassey. Dumiretso silang dalawa kay Evelyn na nasa loob ng bahay upang kausapin ito at kumustahin.

"Ruby! Salamat naman at dumating kayo." Salubong ni Evelyn nang makita ang mag-ina.

"Oo naman, sasamahan talaga kita rito." Sagot naman ni Ruby.

"Tita, nandoon pa ba ang mga gamit ni Cassey sa kwarto niya?" Biglang tanong ni Maria kay Evelyn.

"Oo naroon pa, bakit?"

"Kung okay lang po sa inyo, pwede ko bang hingiin 'yong photo album naming magkakaibigan na itinago niya? 'Yon na lang po kasi ang natitirang bagay na meron kami, gusto ko pong ako na lang ang magtatago no'n at mag-iingat."

Hindi maitatangging naluluha si Maria nang ipahayag nito ang kaniyang nais, pero pinilit lamang niya na h'wag pumatak ang luhang nagbabadiya.

"A-ah gano'n ba? Sige, puntahan mo 'yong kwarto niya. Ikaw na lang ang maghanap kasi hindi naman ako kabisado ro'n." Ani nito at nginitian ang kaibigan ng anak niyang namayapa.

"Salamat po!" Masiglang wika ni Maria at agad na tinungo ang kwarto ni Cassey.

Pagpasok ni Maria sa kwarto ni Cassey ay sinalubong siya ng katahimikan. Ang dating kwarto na puno ng sigla ay wala na; ang kwartong puno ng tawanan noon ay napalitan na ng nakakabinging katahimikan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro