Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Nilamon si Anna ng mga nakatutunaw na titig galing sa kulay abong mga mata hanggang sa tuluyang dumampi ang labi nito sa labi niya.

Napapikit ang dalaga sa banayad na paglapat ng malambot na labi ng lalaking matagal na niyang minimithi. Naramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa manipis at mapupula niyang mga labi na wala pang nakaangkin na kahit na sino. Kakaibang sensasyon ang idinulot ng halik na iyon sa kanyang katawan dahilan sa unti-unting pagtayo ang pinong balahibo sa kayang batok pababa sa kanyang katawan.

Para siyang idinuduyan sa alapaap nang maramdaman ang tila pinong pagkagat ng lalaki sa labi niya habang sapo ng isang kamay nito ang likod ng kanyang ulo. Medyo nakatulong ang malamlam na ilaw na nagmumula sa isang lampost sa eskinitang kanilang kinatatayuan upang ikubli ang pamumula ng kanyang mukha.

Napasinghap siya nang maramdaman niya ang unti-unti nitong pagsipsip sa pang-ibaba niyang labi dahilan upang mapaawang ito. Nagwagi ang lalaki na maipasok ang dila nito sa kanyang bibig at parang nagdiriwang ng matunton ang mahinhing dila ng dalaga.

Napapikit na siya ng tuluyan habang ninanamnam ang bawat pagsipsip at pagkagat ng lalaki sa kanyang mga labi. Isang nakakalasing na sensasyon ang lumukob sa katawan ni Anna na hindi pa niya naramdaman kahit kailan. Hinayaan niyang tuluyang malunod ang sariling katinuan sa sensasyong iyon hanggang sa dumilim na ang kanyang buong paligid.

. . .

Ilang beses niyang pinilit imulat ang kanyang mga mata. Isang hindi pamilyar na kwarto ang unti-unting bumungad sa kanyang nanlalabong paningin sa gitna ng solidong katahimikan. Unang naramdaman niya ang sobrang panunuyo ng kayang lalamunan kasunod ang pananakit ng kanyang ulo.

Hindi niya maramdaman ang kanyang katawan mula balikat pababa sa kanyang mga paa pero naigagalaw niya ang kanyang mga mata habang iniikot ang paningin sa buong kwarto. Kulay dilaw na liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nakadikit sa dingding ang siyang naging tanglaw sa lugar na iyon. Pilit niyang ibinangon ang kanyang ulo sa pag-aakalang susunod ang kanyang katawan ngunit nabigo siya. Hindi niya maigalaw kahit daliri niya sa kamay.

Sumilay ang pangamba sa kanyang mukha nang makita ang nakagapos niyang mga kamay at paa habang nakahiga sa isang higaang hindi niya maramdaman sa likod niya.

"Diyos ko! N-nasaan ako? A-anong nangyayari?" tanong na hanggang sa isip lang niya masabi dahil hindi niya maibuka ang kanyang bibig.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata na puno ng takot at pangamba sa reyalisasyong namuo sa kanyang isipan.

"Ang . . . h-halik niya!" tahimik niyang usal habang naglandasan ang luha sa kayang mga pisngi.

Nabaling ang atensiyon ni Anna nang makarinig siya ng kaluskos mula sa labas ng pinto ng silid na kinaroroonan niya. Tila may nagtanggal ng parang kadena mula sa kung saan. Naging mas matalas ang pandinig ni Anna kahit wala pa rin siyang maigalaw na ibang parte ng kanyang katawan. Kahit iyon lang ay ipinagpasalamat niya sa pagkakataong iyon.

Nakita niyang may pumihit sa seradura ng pinto saka marahang itinulak iyon. Lumakas ang tambol ng dibdib ni Anna dahil sa magkahalong kaba at takot.

"Lord, tulungan nyo Po ako. Huwag niyo Po akong pababayaan." dasal ni Anna sa isip niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pigura ng isang lalaki . Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Nakasuot ng itim na pantalon at puting polo habang nakatupi ang manggas nito hanggang siko. Isang pares ng gomang sapatos na itim ang suot nito sa paa. Halatang maputi ito at medyo mahaba na ang alon-alon nitong buhok. Ngunit hindi niya makita ang buong mukha ng lalaking nakatayo sa kasasara lamang na pinto.

"Naka-maskara!" iyon ang mensaheng hatid ng kanyang utak batay sa nakikita ng mga mata niya na naging tanging karamay sa kasalukyan.

Isang kulay ginto na maskara ang nakatabing sa kanyang mga mata hanggang kalahati ng kanyang mukha. Magkalapat ang kanyang mga labi at wala siyang makuha na deskripsiyon ng kanyang mukha maliban nalang sa mapula-pulang labi at matangos nitong ilong.

"S-sino ka? Anong ka-kailangan mo sa'kin?" sunod-sunod na tanong ni Anna. Mga tanong na tulad niya ay nakakulong at nakagapos lang sa loob ng utak niya.

Patuloy sa pagdaloy ng luha niya habang halos mawasak ang dibdib niya dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Dito na ba ang huling hantungan ko Diyos ko? Mamamatay na ba ako sa kamay ng taong 'to?"

Alam niyang hindi siya ipapa-ransom dahil mahirap lang sila. Kumakayod siya para sa pamilya niya dahil patay na ang tatay niya tatlong taon na ang nakakaraan.

"Gising na pala ang bago kong prinsesa." narinig niyang wika ng lalaki kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Dahan-dahan itong  naglakad papalapit sa kinahihigaan ng dalaga.

Umupo ito sa gilid ng kanyang kinahihigaan at marahang hinimas ang mga pisngi niyang basang-basa na sa luha. Gusto niyang pumiksi pero hindi niya magawa. Nanlalabo man ang paningin niya ay nababanaag niya ang saya at galak sa mga mata ng lalaking kaharap niya.

Kulay abo!" hiyaw ng utak niya.

Isang pares ng kulay abong mga mata ang nakatitig sa kanya ngayon na puno nang pagsamba.

    💣💣💣💣💣💣💣

Nasali ko na itong prologue na 'to sa isang Prologue making contest and nag second place siya. Salamat sa lahat ng nagcomment at nagbigay ng puna about this.

Ngayon, hihingi ulit ako ng insights niyo about this prologue before I publish the first chapter.

Mas bet niyo bang babae ang bida o mas maiging lalaki?

Hope you can share your thoughts.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro