6 - Ngiti
''Okay lang ako. Ingat-ingat sa susunod.'' wika ni Max sa lalaking kaharap.
Kung kanina ay puno ng pag-aalala ang mukha nito, ngayon ay malapad na ang ngiti niya habang nakatunghay kay Max.
''Ahem!'' pananadyang tikhim ni Budz na nakatayo sa tabi ni Max. Nahalata niyang matamang nakatingin ang lalaki sa partner niya at alam niya ang mga tinging ganun.
''Sorry, I can't help it. You're too beautiful to be a police woman.'' wika nito.
''Porque ba maganda hindi kapani-paniwalang isang babaeng pulis?'' sagot ni Budz sa sinabi ng lalaking kaharap.
Hindi maganda ang pakiramdam niya sa ngiting ipinukol ng lalaki sa kaibigan at kasama sa trabaho.
''I don't mean to pry. I'm just amazed. By the way, I'm Alano Ezguerra.'' sabi nito sabay lahad ng kaliwang kamay sa harap ni Max.
Naaalibadbaran man sa ipinakitang kayabangan ng lalaki ay tinanggap na rin ni Max ang nakalahad na kamay ng kaharap.
''SP02 Maximina Alvarez.'' tugon ni Max na bumitiw agad sa kamay ng kaharap.
''SP02 Budz Romulo.'' saad naman ni Budz na halatang hindi gusto ang awra ng kaharap.
''Nice meeting you both. Lalo na ikaw Officer Alvarez. It's a pleasure to meet you. I'll tell Dad na tama ang pagkakatayo niya ng kumpanya dito dahil tahimik at payapa ang lugar dahil may mga katulad niyong tapat sa tungkulin na pagpapatupad ng batas.''
''So anak ka ng may-ari ng kompanyang ito?'' si Budz
''As far as I know, oo. One and only son.'' pagmamalaki nitong wika.
''So alam mong may empleyado kayong nawawala, Mr. Ezguerra?'' tanong ni Budz na halatang may gustong patunayan.
''I heard that news recently. I was sorry for the victim.'' wika nito na hindi ramdam ang malasakit sa empleyado.
''Victim? Paano mo nasabing biktima siya? Wala pang kumpirmasyon kung ano ang dahilan ng pagkawala niya di ba?" may himig pagdududa ang boses ni Budz nang ibato niya ang tanong na iyon sa lalaking kaharap na ngayon ay unti-unting napawi ang ngiti sa labi dahil sa narinig.
Parang naghagilap pa nang isasagot si Mr. Ezguerra nang makita ang mapang-akusang tingin ni lalakig pulis.
"W-what I mean is. . .she's missing as what you have said and what I have heard from some of our employees. I presume it's not an ordinary get away lalo na't wala daw balita ang ina niya sa kaniyang whereabouts." bawing paliwanag nito sa mga binitawang salita.
"I hope your company will ensure your employees safety in and out of your company premise. Lalo pa't madalang ang sasakyang dumadaan dito." wika ni Max na
"That will surely be handled, Miss Alvarez. Makakarating 'yan sa Daddy ko."
"Officer Alvarez, Mr. Ezguerra. Mauuna na kami. Maraming salamat." pagtatama ni Max bago magpaalam sa kaharap.
"You're always welcome, Officer." tugon nito na hinatid ng tingin ang papalayong pulis bago tuluyang pumasok sa loob ng building na pag-aari ng ama.
.......
Sa kalagitnaan ng katahimikan ay isang impit na sigaw ang pumukaw sa diwa ni Anna. Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog matapos siyang turukan ni Bev ng kung anong gamot noong huli silang mag-usap at walang tigil siyang umiyak habang nakikiusap na tulungan siyang makawala sa pagkakakulong sa lugar na 'yon.
Ramdam man niyang nahihirapan din si Beverly sa sitwasyon nila ay alam niyang wala itong magawa dahil sa isang matinding rason na kinakatakutan nito.
"Bakit ka sumusunod sa mga gusto niya, Bev?" tanong ni Anna habang tinutulungan siya ng dalaga na magbihis ng pantulog pagkagaling nila sa hapunan kung saan nakasama niya ang ibang mga babaeng bihag din ng Maestro.
"Ayaw ko man Anna ay wala akong magagawa. Bukod sa bihag niya tayo dito ay kilala niya ang pamilya ko. Sinabi niyang papatayin niya ang buong pamilya ko kapag sinuway ko ang utos at gusto niya. Ayokong madamay ang pamilya ko Anna." umiiyak na wika ni Beverly na naghatid ng takot kay Anna.
"Iyong sinabi niyang ihanda ako, anong ibig niyang sabihin, Bev?" takot man sa maaring isagot ni Beverly pero gusto ni Anna na malaman ang susunod na kahihinatnan ng pagiging bihag niya sa lugar na 'yon.
"Ikaw ang bago niyang magiging babae, Anna." puno ng habag ang mga mata ni Beverly habang nakatunghay kay Anna.
"Babae? Ibig bang sabihin, g-gagahasain niya ako?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Anna.
"Hindi Anna. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo pero may gamot siyang tinuturok sa amin. Hindi niya kami pinipwersa. Kusa naming ibinigay ang sarili namin sa kaniya nang hindi namin nakokontrol ang sarili." kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Beverly habang inilalahad ang mga naranasan sa mga kamay ng Maestro.
"P-paanong. . . hindi! Ayoko, Bev! Ayokong mangyari 'yon sa'kin. Tulungan mo ko na makawala dito. Parang awa mo na, tulungan mo 'ko." hilam sa luhang pagmamakaawa ni Anna sa dalaga habang mahigpit na hinawakan ang mga kamay nito.
Mababasa sa mukha ni Beverly ang awa para sa kaharap pero naroon din ang takot sa maaring mangyari kapag nahuli sila tumakas. Takot para sa kanilang sarili at takot para sa kaniyang sariling pamilya.
"Gustuhin ko man Anna pero pareho tayo ng sitwasyon. Lahat tayo dito ay walang magagawa. Hindi nation hawak ang mga buhay natin dito. Hawak ni Maestro kahit ang pagpikit ng mga mata natin."
"Natatakot ako Bev. Natatakot ako." wika ni Anna habang dinaluhan ng yakap ni Beverly para maibsan man lang ang takot na nararamdaman nito.
"Pinagdaanan ko na lahat 'yan Anna at patuloy pa ring pinagdadaanan ngayon. Wala tayong magagawa sa ngayon. Nandito tayo bilang bihag pero wag ka mawalan ng pag-asa. Manalig ka lang na may Diyos at may magliligtas sa atin mula sa impyernong lugar na 'to."
"Pero kailan? Kung wasak na wasak na tayo? Kung pinagsawaan na niya tayo? Paano kung wala siyang planong pakawalan tayo? Ikaw? Kailan ka pa ba dito? Paano ako? Hanggang kailan niya ako ikukulong dito at 'yong ibang mga babae? Hanggang kailan tayo magiging alipin sa kaniyang kasamaan, Bev?" sunod-sunod na tanong ni Anna kay Beverly na patuloy na lumuluha.
Niyugyog ni Anna ang balikat na parang ginigising ng dalaga ang kamalayan ng kausap. Ramdam na ni Beverly ang pag-alsa ng samu't sarig emosyon ni Anna na halatang ayaw nang papigil.
Maya-maya ay tumakbo ito papunta sa Pinto at tinangkang buksan iyon ngunit hindi niya iyon mabuksan.
"Palabasin niyo kami dito! Parang awa niyo na. Pakawalan niyo kami dito. Gusto ko nang umuwi sa'min." sigaw ni Anna habang buong pwersang pinagpupokpok ang pintuan.
"Huwag mong gawin 'yan Anna. Pareho tayong malilintikan kay Maestro." pigil ni Beverly sa kaniya pero itinulak lang niya si Beverly dahilan para mapasubsob ito sa sahig.
Mabilis na tinungo ni Beverly ang isang cabinet at kinuha ang bagay na kailangan niyang gamitin para mapahinahon si Anna.
Abala Pa rin si Anna sa pagsisisigaw at pagpokpok ng Pinto kaya naging madali para kay Beverly na iturok sa kaniya ang gamot na pampahinahon.
"Patawad, Anna. Ito ang makabubuti para sa atin. . . sa ngayon." wika ni Beverly habang inaalalayan si Anna na dahan-dahang nanlumo.
"T-tulungan . . . m-mo. . .ko. . ." usal ni Anna kasabay ng pagpatak ng luha niya bago tuluyang mawalan ng ulirat.
Iyon ang huling naalala ni Anna sa mga nangyari.
Sino kaya 'yon? Diyos ko, huwag naman sanang si Beverly 'yon.
Puno nang takot at pangamba ang puso ni Anna sa mga nalaman mula kay Beverly. Hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon siya hahantong.
Natatakot siya para sa sarili pero mas natatakot siya para sa naiwan niyang ina. Paano kung tulad ni Beverly ay kilala din ng Maestro ang nanay niya? Paano kung sa panahong manlaban siya sa kagustuhan nito ay ang kaniyang ina ang pagbalingan nito?
Napaluha si Anna sa isiping iyon. Tama si Beverly, hindi nila hawak ang buhay nila ngayon habang nandito sila. Nasa mga kamay ng Maestro ang kapalaran nila na pwedeng pati mga mahal nila sa buhay ay nasa bingit din ng panganib.
Isang pamilyar na ingay ng kadena ang umani ng atensiyon ni Anna. Sigurado siyang galing 'yon sa likod ng pintuan ng silid na kinalalagyan niya.
Bumundol ang kaba sa dibdib niya dahilan upang ipikit niya ng mariin ang mga mata at nagkunwaring natutulog.
Narinig ni Anna ang paglangitngit ng pintuan na hudyat ng pagbukas nito kasunod ang mahinang paglapat nito ulit. Ilang mabagal na hakbang ang mas nagpatindi ng nararamdamang kaba ng dalaga.
Diyos ko, iadya mo po ako sa kapahamakan.
Napaigtad si Anna nang lumapat ang mainit na palad sa kaniyang pisngi kasabay ang mabining paghaplos nito.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaking puno ng pagsambang nakatunghay kay Anna.
👀👀👀👀👀
Pinagpawisan ako sa update na 'to.. Sa wakas nairaos din.
Abangan ang susunod na mangyayari kay Anna sa mga kamay ng Maestro.
Magkakaroon na kaya ng linaw ang kasong hawak nila Max at Budz?
Sino si Alano Ezguerra at nao ang magiging papel niya sa kwentong ito?
Ang gwapo ni Matt Bomer sa pic na yan kaya siya na si Alano Ezguerra guys.
Sana subaybayan niyo at huwag kaligtaang iboto at ishare.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Ate B
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro