Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3 - Prinsesa

Katahimikan ang bumungad kay Anna pagkabukas ng pinto na iyon. Halos triple ng kwartong pinaglagyan sa kaniya ang laki ng silid na pinasukan nila. Malamlam ang liwanag na nagmumula sa mga maliliit na ilaw na nakalagay sa apat na sulok ng kwartong 'yon na inalalayan ng liwanag galing sa mga nakasinding kandila na nasa isang mahabang mesa.

May mga babaeng nakaupo na sa mga silyang nakapalibot sa mahabang mesa na puno ng iba't-ibang pagkain. Tulad niya ay nakagayak din ang mga ito pero lahat ay nakayuko at hindi man lang nag-angat ng mukha para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto.

Alam ni Anna na hindi 'yon normal dahil umalingawngaw sa buong silid ang paglangitngit ng pintuan ng itulak iyon pabukas ni Beverly.

Mas lalong nabalot sa takot at pangamba ang mukha ni Anna ng mapadako ang paningin niya sa lalaking may gintong maskara na nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa. Napako siya sa kinatatayuan niya at naramdaman ang dahan-dahang paghila ni Bev sa kaniya para pumasok.

Tinitigan siya ni Bev na kahit gusto nitong ikubli ang takot sa isang pilit na ngiti ay naaaninag pa rin iyon ni Anna. Gustong-gusto na niyang tumakbo at umalis sa lugar na iyon para makawala sa takot na bumalot sa buo niyang pagkatao  ngunit hindi niya alam kung posible ba ang kaniyang gusto.

"H'wag natin siyang paghintayin Anna." pabulong na wika ni Bev kay Anna na para bang iyon ay napakahalagang paalala para sa kaniya na kapapasok pa lang sa silid na iyon.

Dahan-dahang humakbang si Beverly habang ramdam niya ang mahigpit na kapit ni Anna sa braso niya. Puno man ng pag-aalinlangan ay humakbang si Anna, hakbang tungo sa simula ng kalbaryong pagdadaanan niya.

Napapikit nang mariin si Beverly sa isiping may isang babae na namang magdurusa dahil sa walang-pusong lalaki na ngayon ay kampanteng nakaupo habang nakatitig sa bawat hakbang nila.

Nakikita ni Beverly ang sarili sa bawat babaeng nakaupo sa mesang iyon. Ramdam niya ang takot at pangamba na gumagapos sa bawat puso nila. At tulad niya, kalayaan din ang gustong-gustong makamit ng mga babaeng ito na hanggang sa dasal nalang nila nasasabi.

"Salubungin niyo ng palakpakan ang aking bagong prinsesa." mga salitang unang sumalubong sa pandinig ni Anna nang makailang hakbang na sila ni Beverly.

Mga salitang nagpalamig ng buong katawan niya kasunod ang makapanindig balahibong palakpakan ng mga babaeng naroon.

Isa-isa niyang nakita ang mga mukha nila habang palapit siya ng palapit sa mesa kung saan nakahain ang maraming pagkain na animo'y may isang handaan.

Tig-aapat na upuan sa bawat gilid ng mesa habang isang upuan sa magkabilang dulo na kumumpleto sa pang-sampuang mesa.

Iginiya siya ni Beverly sa nag-iisang upuan sa dulo ng mesa katapat ng inuupuan ng lalaking nakamaskara. Pinaupo siya ni Beverly na dahan-dahan niyang sinunod pero hindi niya magawang bumitiw sa pagkakakapit sa braso nito habang tinitigan niya itong may pagsusumamo na huwag siyang iwanan sa upuang 'yon.

"Ano pang ginagawa mo d'yan?" may diin sa tanong na 'yon mula sa lalaki na nagpatayo ng balahibo ni Anna sabay nang paghablot ni Beverly sa kaniyang braso mula sa pagkakahawak ni Anna. Dali-dali itong umalis sa tabi niya at inokupa ang isa sa bakanteng upuan sa gawing kanan ni Anna.

Nahintakutan si Anna sa reaksiyon ni Beverly dahil sa simpleng tanong na 'yon ng lalaki. Nahinuha niyang parang kontrolado silang lahat ng lalaking ito.

"Pati ba ako magiging katulad nila? Last supper ko na ba 'to Lord?" tahimik na tanong ni Anna habang napakapit ang dalawang kamay sa gilid ng kaniyang damit. Doon niya ibinuhos ang kaba at takot na bumalot sa kaniya.

"Ikinagagalak ko ang iyong pagdalo sa aking bangkete, mahal kong prinsesa." wika ng lalaki habang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"S-sino ka? A-anong g-ginagawa ko rito?" lakas loob na tanong ni Anna.

Tila nagmamadali ang kaniyang isipan na iproseso ang mga nangyayari kahit na mabagal ang ikot ng kaniyang mundo sa kasalukuyan dahil sa tensiyong nararamdaman.

"May oras ka pa para itanong ang lahat ng gusto mong itanong pero . . . hindi ito ang tamang oras para diyan." makahulugang sagot nito habang titig na titig sa mga mata ni Anna.

Ramdam ni Anna ang nanlilisik nitong mga mata sa kabila ng mahinahon nitong pagsasalita.

"Simulan niyo nang kumain." may awtoridad sa boses nito at nagsimulang gumalaw ang mga babaeng kasama nila sa hapag kainan.

Hindi maramdaman ni Anna ang pagkatakam sa mga pagkaing nakahain pero narinig niyang nag-aalburuto ang kaniyang tiyan.

Iniwasan niyang mapatingin sa dako ng lalaking nakaupo sa tapat niya at hinayaang ibaling ang tingin sa ngayon ay kumakain nang si Beverly.

"Kumain ka. Kailangan mo 'yan." mahina at kalmado niyang wika na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Nagsimulang gumalaw ang mga kamay ni Anna para damputin ang kutsara't tinidor na nakalagay sa magkabilang gilid ng plato. Nagsalin siya ng pagkain sa plato niya at nagsimulang kumain. Doon niya naramdaman ang gutom na na natabunan ng takot at pangamba niya kanina.

Tama si Beverly, kailangan niyang kumain at magpalakas para sa gagawin niyang pagtakas sa lugar na iyon. Kailangang maging normal at kalmado ang kaniyang utak para mas makapag-isip siyang maayos. Hindi man niya alam ang mamgyayari sa kaniya dito sa lugar na 'to pero kailangan niyang tatagan ang sarili hanggang dumating ang pagkakataong makatakas siya - sila sa lugar na 'to.

"Gan'yan nga, kumain kang mabuti para may lakas ka sa mga susunod na araw, mahal kong prinsesa." napatda siya ng marinig ang sinabi ng lalaking nakamaskara pero hindi niya pinansin iyon. Ayaw niyang mag-angat ng mukha dahil ayaw niyang lamunin siya ng takot kapag nakita ang nanlilisik nitong mga mata at mala-demonyong ngisi.

"Makinig kayong lahat!" umalingawngaw ang boses nito sa buong silid dahilan upang mapadako ang tingin ng lahat sa kaniya.

"Simula ngayon ay hindi na makakasalo sa atin si Chelsea. . . hindi na. . . kailanman."

Rumihistro ang lungkot at takot sa mga mukha ng mga babaeng nandoon at halos maiyak ang ilan. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

"Patay na 'yong sinasabi niyang Chelsea, Anna." sigaw ng utak ko at halos mabingi ako sa katotohanang iyon.

Tiningnan ko ang reaksiyon ni Beverly at pilit niyang ikinukubli ang takot sa kaniyang mukha saka pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain sa kaniyang bibig.

"Naintindihan niyo bang lahat?" pasigaw nitong sa amin habang isa-isa niyang tinitigan ang mga babaeng nakaupo hanggang mapadako sa aking kinauupuan.

Natuliro na naman ang utak ko nang makasalubong ko ang nangangalit niyang titig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko maliban sa marahang pagtango.

"Opo, Maestro!" sabay-sabay na sagot nilang lahat kasama si Beverly.

"Magsisilbing aral iyan sa inyong lahat na nagpaplanong sumuway sa'kin." dagdag niya na may diin sa huling dalawang salita.

Nagpatuloy sa pagkain ang lahat habang nasulyapan ko ang tahimik na pagsinghot ng babaeng nakaupo sa kaliwa ko. Pilit niyang itinago ang pagluha siguro ay dahil na rin sa takot na namayani sa kaniyang sarili at sa ibang mga nandoon.

"Beverly, ihanda mo ang prinsesa ko. Alam mo na ang dapat mong gawin."

Halos tumigil ang mundo ni Anna nang marinig ang winika ng Maestro patungkol sa kaniya.

"Opo, Maestro." maikling sagot ni Beverly saka idinako ang tingin sa akin.

Hindi na nagawang sumubo ng pagkain ni Anna dahil sa samo't saring emosyon na bumalot sa kaniya. Takot, kaba, pangamba at panghihina ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Napapikit siya ng mariin habang iniisip ang posibleng mangyari sa kaniya. Ang magahasa at malapastangan ng lalaking ito at maaring mamatay sa mga kamay niya.

         💣💣💣💣💣💣💣💣💣

Aray! Ihahanda na si Prinsesa Anna.

Para naman kaya saan?

Anong magyayari kay Anna sa lugar na iyon?

Bakit siya tinawag na prinsesa ni Maestro?

Magiging mala-prinsesa kaya ang buhay niya soon o magiging impyerno?

Makakatakas pa kaya si Anna at ang ibang mga babae sa lugar na iyon?

Ang tanong, saan sila naroroon at sino ba talaga si Maestro?

Sana subaybayan niyo ang kwentong ginawa ko mga ka tropa.

Your vote is highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro