Chapter 7
Isiah POV
PAGPASOK NA pagkapasok ni Cynthia ay agad nitong ibinigay sa akin ang isang folder.
"Ito na yong pinapagawa n'yo sa akin Sir." sabi nito sabay abot sa akin ng folder. Tinignan ko isa-isa ang laman ng folder.
"Ito na ba lahat?" tanong ko dito.
"Hindi pa Sir. Pero ginagawa ko na ang lahat para makuha lahat." tumango-tango ako.
Isa-isa kong tinignan ang nasa papel. Mga bank account at iba pa. Sa isang papel naman ay ang mga transaksyon nito. Kumunot ang noo ko ng kasali sa transaksyon nito ang aking kompanya. So, siya ang magnanakaw ng mga billones na nawawala sa kompanya ko. Bakit ngayon ko lang ito nakita o nalaman? Hindi ko talaga akalain na siya ang gumawa ng lahat ng ito. She has a beautiful and innocent face. Umiling-iling na lang ako.
"Thank you, Cynthia." seryoso kong sambit sa kanya. "You can go, now!" taboy ko sa kanya. Pero nasa harapan ko pa ito, na para bang nagdadalawang-isip na lumabas ito.
"What is it, Cynthia?!" tanong ko sa kanya. Di kasi ito mapakali.
"Kasi Sir. Si Ma'am Amber ang sama ng tingin sa akin kanina. Mukhang gusto akong patayin!" nag-alaalang sambit nito. May takot sa mukha nito, na baka patayin siya ni Amber. Umiling-iling na lang ako.
Ang selosa talaga ng babaeng iyon. "Hayaan muna. Ihahatid na lang kita sa may lobby! Baka sundan ka pa, at sugurin ka." Umiling-iling at tatawa-tawa kong sambit dito.
Abby POV
NANG matapos kong tawagan kanina ang Cynthia na iyon ay agad akong nagpaka-busy. Busy ako sa kakautangkay ng mga papeles ng may magsalita sa aking harapan.
"Nandyan ba si Mr. Stuart?!" nag-angat ako ng tingin. Nagulat ito. "Ma'am Amber." bulong nito.
Kumunot ang noo ko. "Do I know you?" tanong ko dito. Alam kung di ako si Abby Cullen. Hindi ko alam kay Niccolo kung bakit di niya masabi-sabi sa akin na hindi ako si Abby Cullen.
"I'm Cynthia Sanchez, Ma'am. Minsan na po tayong nagkita." Sambit nito. Kumunot ang noo ko. Padabog kong pinindot ang intercom, kaya napapitlag ito.
"Cynthia is here. SIR." madiin kong sambit.
"Papasukin mo na ng matapos na kami!" Langyang lalaking ito. Talagang sa opisina pa talaga.
Punyeta naman talaga oh! Nanlilisik ko itong tinignan. Natakot naman ang babae.
"Pumasok ka na daw." Wala kong ganang sambit. Tumungo lang ito. Sinundan ko ito ng tingin. Nakakainis na lalaking iyon. Talagang sa opisina pa. Shit! Napahawak ako sa aking ulo. Bakit ba ako nagkakaganito. In the matter of fact. Wala namang kami.
Nakakainis ka self. Nagseselos ka, pero wala kang karapatan. FYI, di ako nagseselos. Baliw na nga siguro ako. Kinakausap ko na ang sarili ko.
Inabala ko na lang ang sarili ko. Dahil kung iisipin ko ang dalawang taong nasa loob ng opisina na iyo. Baka mabaliw ako. Nag-angat ako ng tingin ng lumabas na sila. Nag-aayos ng damit ang babae at di diretsong makatingin sa akin at wala na sa ayos ang necktie ng magaling kong amo, inirapan ko talaga silang dalawa.
"Cancel all my appointment. Ihahatid ko lang si Ms. Sanchez."
Inirapan ko ito. "Oo na." Umalis na ito sa harapan ko at iginaya pa ang babae. Sinundan ko sila ng tingin. Talagang nakahawak pa ito sa baywang ahh.
Nakakainis ka Isiah, matapos ang lahat ng nangyari sa atin, ganito ang gagawin mo? Pwes, gagantihan kita pag nakakita ako ng pagkakataon.
Isiah POV
"SIR. Bakit di kayo kilala ni Ma'am Amber? Maskin ako!" tanong ni Cynthia.
"Mahabang storya. Kaya wag mo ng alamin." sambit ko. Natahimik naman ang babae.
Matapos kung makuha lahat ng pinagawa ko sa kanya ay lumabas na kami. Dinaanan ko muna si Abby para sa pag cancel ng mga appointment ko. Dahil wala na din akong ganang magtrabaho.
Pumunta na kaming dalawa ni Cynthia sa elevator at inalalayan ko ito papuntang elevator. Tahimik lang ang babae ng makarating kami sa lobby. Di na ako bumalik sa opisina at diretso na lang ako sa hide-out. May nadakip kasi sila Liam na aaligid-aligid sa kompanya ko. Baka nagmamanman. Agad akong pumunta sa hide-out. Nang makarating na ako ay agad akong nag parking at lumabas.
Pumasok na ako sa loob ng building. Akala nila ay simpleng kompanya lang ito. But, it's a no. Sumakay ako ng elevator and I press down. Nang bumaba na ito ay nakapamulsa ako. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay isang pasilyo ang bumungad sa akin. Agad akong naglakad at tinungo ang interrogation room.
"Sino ang nagpadala, saiyo?!" tanong ni Ivan sa lalaki. Di ito umimik. Nanatili itong tahimik at nakayuko.
"Kanina pa ba yan tinatanong?!" tanong ko kay Lander. Sila kasi ang nadatnan ko dito.
"Oo, ayaw sumagot. Baka mainip yan si Ivan at mapatay niya ang lalaking iyan."
"Pahirapan n'yo pa." utos ko sa kanila. Agad akong tumalikod at nagtungo sa opisina. Nang pumasok ako ay bumungad agad sa akin ang isang babae.
"Who are you?!"
Nilingon niya ako. Agad itong ngumiti, nang humarap na ito sa akin.
"Isiah!" tawag nito sa akin. Lalapit na sana ito ng pigilan ko ito. Itinaas ko ng aking kanang kamay.
Kumunot ang noo ko. "Do I know you?!"
"May amnesia ka ba? Nagkita pa nga tayo kanina sa bahay n'yo!" Inisang hakbang ko ang pagitan namin ay hinigit ko ang braso niya.
"Nahihibang ka ba? Kahit kailan ay di na ako umuwi sa amin, simula ng bumalik iyang magaling kong ina." madiin kong sambit dito at mas lalo kung diniinan ang pagkakawak sa braso nito.
"Aray, Isiah!" sigaw nito. "Nasasaktan ako." Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.
"Stop this, woman. I didn't even know you!" galit at malamig kong sabi. Bumukas ang pintuan.
"Jade. Stop that!" nilingon ko si mom. Yes, my mom is here and brings this woman, I don't know.
"What are you doing here mom!" Agad kong tanong. Ano na naman kaya ang plano ng dalawang ito ay bigla itong pumunta dito.
"Bitawan mo si Samantha." sabi nito sa akin. Agad kung binitawan si whatever-her name is.
"Kilala nyo sya?!" tanong ko. Kumunot ang noo ko.
"Yes, she's with me." ngiti nitong sabi sa akin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Pero wala akong maramdaman na kahit ano.
Agad kung inilayo si mom mula sa akin. "Mom, you know, my rules." galit kong sambit. Nabahala ang mukha ng aking ina. "Di ba sabi ko, walang makakatong-tong dito ng di ko kilala o di ko alam?" galit kong sambit.
"Yon nga ang sinasabi ko kanina pa, kay mommy. But she is so stubborn. Hinayaan niyang makapasok ang babaeng yan!" Sambit ng kapatid ko. Nakapasok na pala ito ng di ko alam.
"Kilala mo siya, Chien?!" tanong ko sa kapatid ko.
"Hindi, kanina ko lang siya nakita, sa bahay kasi yan tumutuloy." sabi ng kapatid ko, sabay upo sa sofa ng opisina ko.
Kumunot ang noo ko. "Are you out of your mind mom?" Baling ko sa aking ina. "Really mommy? Pinatira mo sa bahay namin ang babaeng iyan? Nagpapatawa ka ba?"
Agad itong namutla. "Why? Kailangan ko pa bang mag paalam sa inyo? Pamamahay ko rin naman iyon." sabi nito.
"The last time I check. Hindi mo pamamahay iyon. Pamamahay iyon ng ama ko. Nang umalis ka, wala ka ng karapatan sa buhay namin." ngumiti ito at di pinansin ang sinasabi ko. He approach me with a sweet smile.
"Kilalanin mo si Sam, Isiah!" lapit nito sa akin at humawak sa aking braso with a sweet smile. "She is a good woman. She is also from a wealthy family." nakangiting sambit ni mommy sa akin.
"I don't care. Amber is enough for me." madiin kong sambit dito. Tinignan ko ito ng malamig.
"Then, where is Amber now? She is better than Amber hijo. Maybe Amber is dead. Isiah!" malumanay nito sabi sa akin.
Napapikit na lang ako. "You don't know, anything mom. You don't know, anything. So, get out and bring this woman with you." Nagngingitngit kong sambit. Tumalikod na ako ay uupo na sana sa swivel chair ko ng magsalita ito.
"How sure you are, that De Luca will choose you after what happen to their daughter." Kumunot ang noo ko.
"You know, what mom. Just shut up, and leave." sigaw ko dito. Nawala na ang amor ko sa ina ko ng iwan niya kaming magkakapatid. Simula ng iwan niya kami ng walang pasabi at bumalik na para bang walang nangyari.
She leaves us behind and then, she comes back like nothing happened. Pero ako di ako nakakalimut. Malaki ang galit ko sa kanya. Mom is nothing to me now. She is a ordinary woman, she is not my mom.
Papalabas na sana sila ng magsalita ang babaeng kasama nito. "Tita, can I stay! Please."
"Of course, you can stay!" malambing nitong sambit. Para bang wala kami sa loob ng silid na iyon.
"Ok, I'll stay."
"Anong stay? Sino may sabing, may magpapaiwan? LEAVE!" sigaw ko sa kanila.
Nagulat ito sa pag sigaw ko. "But, Isiah!" tutol nito sa sinabi ko.
"Are you deaf? I said leave." sigaw ko dito.
"Just leave. Hindi mo alam, kung ano ang kayang gawin ng aking kapatid. If his getting impatient. He will torture you. You don't know anything." may pang-uuyam na sambit ng kapatid ko.
Umalis si mommy at ang babaeng kasama niya, talagang inuubos ng pasensya ko ng ina kong iyon. Napahilot na lang ako sa aking sentido. "Ano ang plano ng ina natin, Chien? What is she thinking, at talagang dinala pa ang babaeng iyon. Kahit alam niyang bawal iyon at labag sa rules natin."
"I don't know, Isiah. The last time, she did it. She leave us." seryosong sambit ng aking kapatid.
"How she is? Is she okay in your office?" tanong nito sa akin. Nanlambot bigla ang aking ekspresyon.
"She's fine. Same as always." ngiti kong sambit dito. Alam ko kung gaano ka importante si Amber sa kanya. Sa kanilang tatlo ni Carla at Ruby.
Ngumiti ito. "Good. That's good." sabi nito. "Aalis na ako. Sinundan ko lang si mommy." tumango-tango ako. Nang umalis si Chiennie sa opisina ko ay agad kong tinawagan si Ramon.
"Sir!" sagot nito sa tawag ko.
"Any update?" tanong ko sa kanya.
"Yes, Sir."
"Okay, magkita tayo sa opisina ko bukas." sabi ko sa kanya. Di ko na inantay ang pag sagot nito, binaba ko na ang phone ko. Dahil nawalan na akong ganang tumambay sa hide-out namin ay agad akong tumayo at aalis na sana ng may mapansin ako.
Kumunot ang noo ko, nilapitan ko ito. Ngumisi ako. Umiling-iling. What is it this time, mom? Ano na naman ang plano mo at ng mga alipores mo. Talagang pati sa kompanya na pinaghirapan ni daddy at balak mong pabagsakin. Kumuyom ang kamao ko, kaya nadurog ang camera na nasa kamay ko.
Surveillance camera ito. Di kayo magtatagumpay. Umalis na ako sa opisina ko sa aming hide out at pumunta na ng opisina
Isiah's Mom POV
SINUSUNDAN KO ng tingin si Isiah. Akala niya siguro maiisahan niya ako. I smile creepy.
"That's so creepy, Tita." sabi ng babaeng nasa tabi ko. Di ko ito nilingon. I just focus to my SON.
"Galingan mo ang pag arte, hija. That man is a fool. Like his dad." ngumisi ito.
"Of course tita. I'm an actress remember." Nilingon ko ito. Pinaalis kuna ang kotse ko sa harapan ng isang SPA. 'Yon ay talagang SPA iyon. But, no it's not a SPA. Hide-out nila Isiah ang SPA na iyon.
Isiah POV
NANG makarating ako sa kompanya ko kinabukasan ay agad akong pumasok sa loob. Sumakay ako ng elevator and I press the top floor. Nang makarating ako ay bumungad sa akin ang aking secretary na abala sa ginagawa pero nakabusangot ang mukha.
"Ambe---I mean Abby. If Ramon Devilla arrives. Let him in." sabi ko.
"Okay!" Plat niyang sabi sa akin. Kumunot ang noo ko. Di ko na lang siya pinansin. Pumasok na ako sa opisina ko, umupo na ako sa swivel chair at hinihintay si Ramon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro