Chapter 21
Nakaburol ngayon ang mommy ko dito sa mansion namin. Ito kasi ang gusto ni daddy. After 3 days of burial ay i-papa cremate namin ang labi ni mommy. Para makasama namin siya.
"Mom, I'm gonna miss you," lumuluha kong sambit.
"Mommy, Mommy La is gone?" Inosenteng tanong ng aking anak.
"Oo anak. She's with god now. Isa na siyang angel." Ngiti ko dito.
"Ganun po ba. Sayang I want to play pa naman sa kanya bukas. But, she's gone now." Hinaplos ko ang buhok nito.
Umalis din ito sa tabi ko, dahil may pupuntahan ito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Di ko nakikita si Zachry. Even Ash.
Tumayo ako. Pumunta ako sa may sala. Nagkakagulo silang lahat. Agad akong lumapit.
"What happened?" tanong ko sa isa sa katulong namin.
"Nakidnap si Ash." Balita nito sa akin.
"What. Anong pang ginagawa nyo dito. Si Zachry nasaan?"
"Kasama si Zachry, Amber." Para akong nasabugan ng bomba sa aking narinig. Di agad nag sink in sa aking isipan ang lahat.
"Hindi, hindi. Do something. Not my baby. Please," histerikal kong sabi kay Isiah. Di Ko matanggap na nakidnap ang anak ko.
Biglang bumalik sa akin ang lahat. Noong naaksidente ako. Noong nakidnap ako, hanggang sa umalis ako.
"Please, do something," umiiyak kong sabi.
"Ssshhh! It's okay, Maililigtas natin si Zachry. Pati si Ash. Magiging okay din ang lahat. Just calm down." Yakap nito sa akin.
Pumiglas ako. "How can I calm down? My son is kidnap. Ngayon sabihin mo. Paano akong kakalma!" sigaw ko dito.
"Sisiguraduhin ko na maililigatas ang dalawang bata. Tinatrack na ng mga tauhan ko ang lokasyon nila. Soon. Maililigtas na natin sila."
"Who did this?" tanong ko. May inabot na papel sa akin si Carla.
'I'm gonna get my daughter. Di nyo ako mapipigilan.--Sam.
Nalukumos ko ang papel sa aking kamay. "Hayop ka Sam. Kinuha mo na lang sana ang anak mo. Di mo na sana dinamay pa ang anak ko!" galit kong sambit.
"Sir. Nahanap na po namin ang lokasyon nila." Balita sa amin ng isa sa mga tauhan ni Isiah.
"Dito ka lang, ililigatas ko ang mga anak natin. Ibabalik ko sila nang ligtas sa iyo."
"No, sasama ako. Isiah! Please."
"Hindi. Dito ka lang," sabi nito sabay alis sa harapan ko.
"Dito na lang tayo, Amber. Sigurado akong gagawin lahat ni Isiah. Mailigtas lang ang anak n'yo." Di ko mapigilan ang lumuha.
My baby. Sana ay ligtas ka. Wait for your dad. Ililigatas ka niya.
Inihanda ko na ang lahat ng gagamitin ko. Baril, swiss knife. Nilagyan kong bala ang lahat ng baril na hawak ko. Naghihintay na sa akin ang mga kasamahan ko. Paglabas ko sa hideout ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharorot ito, papunta sa lokasyon kung nasaan si Ash at Zachry.
Nakarating ako sa isang abandonadong gusali.
"Ano ang plano natin sa dalawang bata."
"Ewan ko kay boss. Baliw na ata yon!" Umiiling nitong saad sa kasamahan nito.
"Sabagay, matagal nang baliw si boss. Mas lumala nga lang ngayon. Akalain mo. Ginagahasa ang patay," tumatawa nilang sambit.
'Di si Sam ang kumuha sa mga bata.'
"Eh kasi naman. Itong si Ma'am Sam. Ayaw makisama. Kaya ayon. Napuruhan tuloy ni boss. Baka nga naghihingalo na iyon ngayon."
'Sino ang kumidnap sa mga bata. Kung ganun?'
Agad akong pumasok nang di nila nalalaman. Alam ko namang nakasunod sa akin ang mga tauhan ko.
"Hoy!" sigaw mula sa aming kalaban.
Agad kaming nagpalitan nang putok ng baril. Di ko na mabilang kung ilan ang nabaril ko. Marami-rami din kasi ang nasa panig ng kalaban. Agad akong pumunta sa ikalawang palapag ng gusali.
May naririnig akong iyak. "Pwede ba tumahimik ka na? Di ka nakakatulong. I'm sure dad will rescue us."
"Levi!" sigaw ko.
"Dad!" balik nitong sigaw sa akin.
"Not so fast, Isiah!" Agad akong humarap, nanlaki ang mga mata ko.
"Niccolo. Paanong--."
"Paano ako nakatakas? Syempre, pinatakas ako. Ang bobo mo naman," nakangisi nitong saad. "Sayang nga lang patay na si Sam."
"Napakahayop mo talaga!" sigaw ko dito.
"Matagal na Isiah. Matagal na akong hayop. Demonyo na nga ako. Pero mas masaya kung kumpleto kayo."
"Ano, bitawan n'yo ako!" sugaw nang bagong dating.
"Amber." Tawag ko dito.
"Isiah!" Tatakbo sana ito papunta sa akin ng hilahin ito ni niccolo.
"Dito ka muna love. Excited ka naman masyado na makarating agad sa lover mo." Nanlaki ang mga mata nito ng makilala kung sino ang katabi niya.
"Niccolo!"
"The one in only."
"Napakahayop mo. Demonyo ka talaga."
Binigyan lang nito ng ngisi si Amber. "I'm an animal, I am a demon. What else? Ano pa ang tawag mo sa akin?" Nakita ko sila Liam. Nasa kanila na ang mga bata. Isang tango lang ang aking isinagot sa kanila.
"Ibaba mo na ang baril mo, Niccolo." Tinutukan ito ng baril ni Marc.
Nginisihan lang siya nito. Agad itong umikot at tumakbo. Binaril ito ni Marc at tiyak na natamaan niya ito.
"Isiah!" Takbo papunta sa akin ni Amber.
"Shh. You're safe now."
"Ang mga bata."
"Ligtas na sila." Assurance ko sa kanya. Masyado nang stress si Amber.
"Sumama ka kay Marc." Kunot ang noo nito.
"Paano ka?!"
"I'm okey. Hahabulin ko lang si Niccolo," sabi ko dito. Binalingan ko si Marc. "Isama mo si Amber. Paalis dito. Kailangan na makalayo na kayo dito. Kailangan na ligtas sila. Pati kayo," sabi ko kay Marc.
"But, how about you? Isiah!" sigaw ni Amber. "Please. Sumama ka na lang sa amin. Marami pang pagkakataon. Mahuhuli at mahuhuli din natin si Niccolo." Lapit sa akin ni Amber. "Kaya halika na."
"Sige na Marc." Buntong-hininga kong sambit.
"Isiah… please. Don't do this. Baka mapahamak ka lang. Paano na ang mga bata. Paano na ako," umiiyak na pagmamakaawa ni Amber. Nagpupumiglas ito sa hawak ni Marc.
Tumalikod na ako. "Isiah… please!" sigaw muli ni Amber. Pero di ko na ito pinakinggan. Naging bingi ako, di ko na siya nilingon. Kailangan na matapos na ito. Kailangan ko nang tapusin ang Niccolo na iyon. Masyado na siyang perwisyo.
Hinanap ko si Niccolo. Pero kahit anong hanap ko ay di.ko siya mahanap. Pipihit na sana ako sa dinaanan ko kanina ng may humarang.
"Looking for me?" nakangisi nitong tanong.
Hawak nito ang babaeng di ko kilala. "Tapusin na natin ito, Niccolo!" malamig at seryoso kong sabi dito.
"Oh! But I'm not finished yet. Masyado pang maaga. Gusto ko pang mag laro. Gusto ko pang makita kung paano kayo gumapang sa putikan," tumatawa nitong saad.
"Baliw ka, Niccolo!" sigaw ko dito.
"Oh yes, maybe or maybe not. But I'm still functioning. I can kill you right now. But, I never do it. Kasi gusto ko pang maglaro." Ngisi nito. "So, adios. Amigo. Hanggang sa pagkikitang muli natin!" Paalam nito sa akin. Kasama nito ang babaeng di ko kilala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro