Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

"Maiwan muna kita. May palapit!" nakangisi nitong sabi sa akin.

Nanunudyo ang mga mata nito. Namula bigla ang pisngi ko. He still had an effect on me.

Tumayo si Ruby at iniwan ako. Palapit naman si Isiah sa gawi ko. Inisang lagok nito ang brandy na nasa baso nito. Habang ako ay sumimsim sa wine glass ko. Umupo ito sa tabi ko. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"How are you," sabay pa naming sabi. It's so awkward. Nakakahiya talaga.

"You first." Ngiti ko dito. Nanatili ang titig ito sa akin.

"Why may dumi ba sa mukha ko?" nakangiti kong saad.

"You'll still be the same, Amber I already know. As always, so beautiful." Umiwas ako ng tingin. Namula ang mukha ko. Nag-init kasi ito bigla.

"Thank you," Halos bulong kong sabi. Nag angat ako ng tingin. "Ikaw din naman. You'll always handsome. Gaya ka pa rin ng dati," saad ko dito.

Tumingin ito sa kawalan. "What happened to us Amber?" Nilingon ako nito. "Why did this happen to us? Bakit tayo nagkaganito." Di agad ako nakasagot.

Napayuko ako. "Hindi ko rin alam, Isiah. Ang alam ko lang ay kailangan kong umalis. Magpakalayo muna. It's too much. Di ako makahinga, dahil sa nangyari sa atin," sabi ko.

 Napa buntong-hininga ito. "Di mo naman kailangan na lumayo." Ginagap nito ang kamay ko. "Kaya naman kitang protektahan," sabi nito sa akin. Nginitian ko ito.

"I know, you're gonna protect me. But I need to heal myself. I need to heal. Para pag dating ng araw. I'm a better person."

Umiling ito. "Just be yourself, tanggap naman kita. Sana ay di ka umalis. Sana ay hinayaan mo ako na samahan kita."

Napa buntong-hininga ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. "You'll always in my heart, Isiah, di ka naman nawala sa puso ko." Ngiti ko dito.

"Bakit parang pakiramdam ko ay nagpapaalam ka." Kunot-noo nitong sabi sa akin.

Tumingala ako, tinignan ko ang langit. "I know na hindi pa pwede. Isia, marami pa tayong dapat asikasuhin. Tsaka na natin isipin ang sarili natin. Once na matapos na lahat nang ito," sabi ko dito.

Agad itong umiwas ng tingin. "Bakit kailangan na ako ang palagi mong isasakpisyo. Amber?" May galit sa boses nito. Tumayo ito. Nagsalita ako.

"Isiah. I hope you'll understand me. I need this. I need to settle mom first. Bago tayo!" Paliwanag ko dito.

"Pwede mo naman pagsabayin." Tinignan niya ako na may galit sa mata. Napa buntong-hininga ito. "Puntahan mo na lang ako, paghanda ka na. Pag ako na ang priority mo," sabi nito, iniwan niya ako sa kinauupuan ko na nakatitig sa kawalan.

Di ko akalain na ganun kadali para kay Isiah na iwanan ako. Akala ko he'll understand me. Mom needs me. I thought sasamahan niya ako dito sa laban na ito. Pero mukhang nagkamali ata ako. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nanatili ako sa pool area. Bago umakyat sa kwarto ko. I need to rest. May jetlag pa kasi ako.

Nakahiga na ako ng pumasok si mommy. "Baby Amber." I just roll my eyes. She always call me baby. Kahit na noong dumadalaw ito sa akin sa New Zealand.

Umupo ako sa kama tumabi ito sa akin. "I'm glad, your home. Baby!"

"Mom, stop calling me baby please." Nakakahiya. Kahit saan kasi magpunta. Baby pa rin ang tawag nito sa akin.

Nginitian ko ito. "Your still my baby! Kayo ng mga kapatid mo."

Hinawakan ko ang kamay nito. "Thank you mom. Your always in our side. Kahit na nahihirapan ka na," maluha-luha kong sabi dito. My mom is sick. May sakit ito sa puso. Di lang iyon. May diabetes din ito.

She is good to be true. She'll always in our side. Kahit na nahihirapan din ito. Ang sakit nito sa puso ay di na maaring operahan, dahil sa komplekasyon may diabetes din ito na huli na nang malaman namin. Lumala ang diabetes ng mommy ko.

Kaya kahit ayaw ko pang umuwi ay kailangan. Ngayon kami kailangan ng ina nami. I hope Jane will follow as soon as possible. Sana ay maaga itong makauwi. Bago mawala ang mommy namin. Inihanda na namin ang aming mga sarili. Anytime, maaaring mawala si mommy sa amin. Lalo na't di na tumatanggap ng gamot ang katawan nito. Kaya inuuwi na nila daddy si mommy sa bahay. She needs to rest.

"I love you, kayong lahat ay love ko…" madamdamin nitong sabi sa akin. "Kahit saan ako magpunta ay mananatili kayo sa puso ko. Mahal na mahal ko kayo, Amber," lumuluha nitong sambit. Yakap yakap niya ako.

Humiwalay ako sa kanya. "Stop crying mom. Makakasama iyan sa iyo. And I love you, too. Mahal na mahal ko din ikaw." Di ko mapigilan ang umiyak. Dahil alam ko kaunting oras na lang ang nalalabi sa ina ko.

Tumayo ito. "Matulog ka na. Magpahinga kang mabuti," mahina nitong sabi.

Lumabas na ito sa silid ko. Nanatili pa rin akong nakaupo sa kama ko. Napa buntong-hininga ako. Para bang di ko matanggap na mawawala sa amin si mommy. Matagal na panahon ang sinayang ko. Sana ay inagahan ko ng uwi.


Kinabukasan ay nagising ako sa mga sigaw. Agad akong tumayo at lumabas.

"What happen, yaya?" tanong ko sa katulong namin.

"Si Ma'am Rhea po. Isinugod sa ospital."

"What!" Dali dali akong bumaba. Naabutan ko si Kuya Andrew doon.

"What happened, Kuya?" tanong ko sa kapatid ko.

"Si mommy. Isinugod sa ospital." Pagbabalita nito sa akin. 

"Kagabi, okay pa siya!" taranta kong sabi. "Sasama ako kuya. Magbibihis lang ko." Dali-dali akong umakyat sa itaas at nagbihis. Bumaba na ako at agad kaming umalis ni kuya, papuntang ospital. Nang nakarating kami sa ospital ay nagkagulo ang nasa emergency room.

"Althea, what happened?" Agad kong tanong sa bunso namin.

"Natumba lang si mommy kanina. Ate, di ko alam kung ano ang nangyayari. Pero sabi ng mga maid ay may kausap daw si mommy sa telepono, sanhi ng pagkakatumba niya." Napakuyom ako ng kamay.

Mukhang nagsisimula na naman sila. "Hanapin mo kuya ang may gawa nito. Alam kung isa sa mga kalaban natin ang may gawa nito. Baka kasamahan nila Niccolo," mangiyak-ngiyak kong sambit sa kapatid ko.

"Isa lang ang alam ko. They want mom die. Ang di ko lang alam ay bakit?" Nakakuyom ang kamao ko.

Tumunog ang cellphone ni Kuya Andrew. Kumunot ano noo nito. Agad nitong sinagot ang tawag nito.

"What? Paano nangyari iyon!" sigaw ng kapatid ko. Galit na galit ito.

"What happened Kuya?" tanong ko kay Kuya Andrew. Ibinaba na nito ang telepono.

"Tumawag si Isiah!" kumabog ang puso ko. "Si Sam… Nakatakas." Napatakip ako sa aking bibig. Agad kung hinawakan ang aking noo."Paano nangyari iyon. Kuya? I thought mahigpit ang pagbabantay kay Sam o kang Niccolo," sambit ko dito.

 "Aalamin pa namin iyan!"

Napakuyom ako ng kamao. "Pagbabayaran nila ang ginawa nila," sabi ko. "Ang mga bata kuya?" tanong ko.

"Safe sila. May mga invisible bodyguard sila. Kaya, don't worry too much. Relax."

 "How kuya? Paano ako magrerelax kung alam ko anytime, may kukuha sa mga bata."

"Isiah is there. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa mga bata."

"Mommy!" sigaw mula sa E.R. Agad kaming napalingon sa loob.

"Hindi maaari," lumuluha kong utas.

"Mommy n'yo?" tanong ng daddy namin na kadarating lang.

Lumingon ako sa E.R. Agad kaming pumasok. Nakita kung nirerevive nila si mommy. Nasa isang tabi naman si Althea. Umiiyak din ito kagaya ko.

Umiling ang doctor. "Don't stop, doc. Save my mother."

Umiling muli ang doctor. "I'm sorry. Time is dead: 10 am." Lumuluha ako. Iyak lang ako ng iyak.

"Mommy!" sigaw ko. "Mommy, wake up. Please, wake up! Mommy!" muli kong sigaw.

Napakuyom ako. "I promise mommy. They will pay. Pagbabayarin ko sila mommy. Pangako ko iyan sa iyo," umiiyak kong sabi.

"Tama na, Amber. Stop crying." Pag-aalo sa akin ni Kuya 

"Magbabayad sila," umiiyak kong pangako sa harapan ng bangkay ni mommy.

Nandito pa rin kami sa ospital. Inihahanda na nila ang labi ni mommy. Di pa rin maawat-awat ang luha ko.

"Amber!"

Tinignan ko ang bagong dating. Mas lalo lang akong umiyak. "Chien," umiiyak kong tawag dito.

Agad niya akong niyakap. "Sssshhh! Stop crying na. Di makakabuti sa kalusugan mo iyan," bulong nito sa akin. "Ginagawa na namin ang lahat, para mahanap ang salarin."

Nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Tanging mga hikbi ko lang ang naririnig ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro