Chapter 18
AFTER 9 months, Amber gave birth through CS. Di kaya ni Amber na e.normal si baby. Nasa NICU ang bata. Nandito kaming lahat ngayon. Di pa kasi natatapos ang operation ni Amber. She still in coma. Ganun din si Isiah. Hanggang kailan sila matutulog.
"Nailipat na daw sa ICU si Amber." Balita ni Margaux sa amin. Agad naman naming pinuntahan si Amber sa ICU. Kung saan din nakaratay si Isiah.
Napa buntong-hininga ako. "Wake up, please." Mahina kung saad. Kinuha ko ang kamay nito at ginagap. Nanghihina ako dahil sa nakikita ko. "Gumising ka na. Siyam na buwan na. Isiah! Bakit ang tagal mong magising!" umiiyak kong saad dito.
"Hhhmmm!" Nakarinig ako ng isang ungol. Kaya agad kung nilingon si Amber.
"hmmm!" Tumayo ako agad at pinuntahan ang higaan ni Amber.
"Amber!" sambit ko dito. Iminulat nito ang mga mata nito ng unti-unti Napatakip ako sa aking bibig. "Oh my God. Amber. Your awake. Just wait here. I call your doctor." Tarantang saad ko dito.
Doon naman pumasok si Carla. "What the hell is happening?!" gulat nitong saad sa akin.
"I will call the doctor. Amber is awake." Masaya kong bati dito.
"Really?" Di makapaniwalang saad nito. Kaya agad itong nakatingin sa kama ni amber. Nakatingin ito sa aming dalawa. "Oh my God." Kaya agad akong lumabas. "Nurse. Gising na ang isang pasyente sa ICU." Paalam ko sa kanila.
"Sige po Ma'am, pupuntahan namin." nakangiting saad ng nurse sa akin. Kaya agad na pinuntahan ng nurse at doktor si Amber. I'm so much happy. Kasi gising na ang kaibigan ko.
Si Isiah na lang. Sana ay magising na din ang kapatid ko. Nang makapasok ako sa ICU ay wala na ang mga aparato ni Amber. Tinignan na din ito ng mga doktor. Agad akong pumasok sa kwarto. Wala pa ang magulang ni Amber. Papunta pa lang sila dito. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng ICU. Nakita ko siya na nakatingin kay Amber at masama ang tingin na ibinigay nito sa kaibigan ko.
"Afraid, Sam?" sabi ko dito.
Nawala ang tingin nito kay Amber at nalipat sa akin."Why would i? Di lang ako makapaniwala na buhay siya at si Isiah ay hindi!" galit nitong saad.
"You know what. Stop blaming her!" Asik ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng masama. "Kapatid ka ba talaga ni Isiah? Bakit parang kinakampihan mo siya? She is the one who did this. Kung di dahil sa kanya. Di maaksidente si Isiah, di ma cocomatos ang fianceé ko." Tinaasan ko ito ng kilay.
"You know what. I pity you. Kaya di ako galit kay Amber, 'cause I know the truth. Alam ko kung sino ang may kasalanan. Kaya humanda sa akin ang babaeng iyon. Kasi unti-untiin ko siya," sabi ko na may galit sa aking mga mata. Natahimik ito at parang nabigla sa aking sinabi.
"Chien. Can I talk to you!" Niligon ko si Trevor. Lumabas ako na nagpupuyos sa galit.
"Alam mo ba kung nasaan si Jane?" tanong nito sa akin.
Nginisihan ko ito. "Kung alam ko, di ko sasabihin sa iyo. You are a jerk. Gago ka kasi eh!" galit kong saad dito. Ang galit na nararamdaman ko ay kay Trevor ko inilabas. "Itinulak mo palayo, tas ngayon hahanapin mo? Gago ka ba?"
"Kaya nga hinahanap ko siya. Itatama ko ng mali ko," nagmamakaawa niyang saad.
"It's too late. Trevor. She's gone now. She left for good," madiin kong saad. Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ng may makalimutan akong sabihin. "Kung hahanapin mo siya. Just the piece of advice. Stop what you doing. Hindi mo siya mahahanap. Mark my words." Tuluyan na akong umalis sa harapan niya.
NAGISING akong nasa isang puting kwarto. Noong una ay di ito mag sink in sa akin. Pero kalaunan ay nasa ospital pala ako.
"How's your feeling, hija?" tanong sa akin ng doktor.
"I feel exhausted doc!" mahina kong saad.
"That's normal, gayong 9 months kang tulog." Balita nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
"9 months?" di makapaniwala kong saad.
"Yes, actually, and you give birth, too." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"It's true, Amber. You have a baby." Nilingon ko si Chiennie. Kakapasok lang nito, galing sa labas.
"How? Are you sure," maluha-luha kong saad.
"How are you Amber?" tanong nito sa akin.
"I'm fine." Nilingon ko ang nasa paligid. "Si Isiah?" tanong ko dito. Nilingon ko ang tinignan niya. Napatakip ako ng bibig.
DI AKO makapaniwala sa nakikita ko. Nasa isang panaginip pa rin ba ako? Kung ganon, gisingin n'yo ako, please.
"Gaya mo, he's been 9 months in a coma. Akala namin matagal ka pang magigising eh." Tumayo ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Dahil narin seguro sa tagal kung pagkakahiga.
Agad akong inalalayan ni chiennie. Para makalapit kay Isiah. "Isiah! Babe!" maluha-luha kong saad.
"What are you doing?" tanong ng isang pamilyar na tinig.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita. "You!" gulat kong saad.
"What's happening Amber?"
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Galit ko itong tinignan.
"Syempre. Nandito ang fiance ko. Kaya nandito din ako."
Napatawa ako. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?" sigaw ko dito.
"Anong nangyayari amber?" tanong sa akin ni Chiennie.
"Isa siya kasabwat ni Niccolo, Chien. Sila ng mommy mo. Wait. Nailigtas nyo ba si tita?" Nilingon ko si chiennie. Tinignan niya ako na may gulat sa mukha.
"Mom is fine. Ano bang pinagsasabi mo. Amber. You need to rest!" Hila nito sa akin.
"See, chien? Hibang na yang kaibigan mo. Paano ako maging kasabwat ng niccolo na sinasabi nyo. Di ko nga kilala yon!" Tinignan ko si Samantha.
"Ang galing mong mag imbento." Susugurin ko sana siya ng pigilan ako ni Chiennie.
"Enough, Amber. She just waste your time." Hinila na ako sa kama ni chiennie. Nakahiga na ako ng humahagos na lumapit sa amin si marc.
"Chien. Ang baby nawawala." Bigla akong bumangon.
"What do you mean!" saad ni Chien.
"Nawawala sa nursery ang bata. Ewan ko kung nasaan ito!"
"Chien, hindi pwedeng mawala ang baby ko." Histerikal kung saad.
Samantha POV
Sige lang, magwala kapa amber. Sa akin pa rin ang huling halakhak. Ako pa rin ang magwawagi. Ako pa rin ang panalo.
Di lang si isiah ang kukunin ko sa iyo. Pati ang anak nyo.
Sinagot ko ang tawag ng isa sa mga tauhan ko, nang lumabas ako kanina.
Sabi niya, nakuha na niya ang baby. How poor you are Amber. Kawawa ka naman.
Uunti-untiin kita. Galit kong saad. Kahit na gusto ko siyang patayin gamit ang mga kamay ko ay di pwede. Baka ako ang madihado.
Amber POV
Kaya hihintayin ko nalang ang pagkakataon ko. May pagkakataon pa naman. Marami pang pagkakataon.Umiiyak akong nakatingin kay Isiah. It's been months since I woke up.
Mabuti na lang talaga ay agad na nahanap ang baby ko. It's been 1 month since that day happen, akala ko ikamamatay ko ang araw na iyon. Akala ko di ko na makikita at mahahawakan ang anak ko.
"Why? Why do we face these kinds of trials, Isiah? You've been in a coma for 10 months. Please wake up with love."
Isang linggo lang akong nanatili sa ospital at nakalabas na din ako. Pero parati pa rin ako dito sa ospital, para bantayan si isiah. Lalo nat nandito si samantha.
Chien, told me everything. We need to stick to our first plan. Kailangan na magmukhang wala kaming alam sa lahat. Kaya tumahimik nalang ako.
Di na ako nagsalita pa, kahit gustong-gusto ko ng sampalin si samantha.
"Nandito ka na naman? Dapat di ka na dapat pumunta dito. Isiah is okay now. Kaya pwede ba umalis kana." Pagtataboy nito sa akin.
Araw-Araw ganito ang tagpo namin. Araw-araw ay nagbabangayan kaming dalawa.
"Ayaw ko nga. Di ko iiwan si Isiah, sa katulad mo. Isa kang mamatay tao!" sigaw ko dito.
"Why do you have proof? That I killed somebody!"
"No need for a proof. Pagmumukha mo pa lang, guilty kana!" She just gave me a smirk.
"Nababaliw ka na."
"Itigil n'yo nga yan. Araw-araw na lang ay nagbabangayan kayo. Di maganda sa kalusugan iyan ni Isiah!" Saway sa amin ni Chiennie.
Kaya agad akong tumahimik.
"Aahhhmmmm."
"Isiah!" sabay naming sambit ni Samantha. Unti-unti ay bumuka ang mga mata ni Isiah.
"Your awake. Love," masaya kong saad. Agad nitong iginala ang kanyang paningin.
Nanatili ang tingin nito sa akin. May pangugulila sa mga mata nito. Agad kung ginagap ang mga mata nito.
"I'm here, love!"
Kumunot ang noo nito. "Sino ka!" Nabigla ako. Di agad ng sink-in sa isip ko ang lahat.
"Chiennie. Sino sila!" Maskin si chiennie ay di agad nakapagsalita.
"Chiennie." Tawag dito ni isiah.
"Excuse me. Susuriin ko lang si Mr. Stuart."
Binigyan ko ng daan ang doktor. Sinuri ng maayos nito si Isiah. I'm happy if he didn't remember me. He's awake now.
I'm off to go. Handa na akong umalis. Para maghilom ang lahat ng sakit na naranasan ko. Agad akong umalis.
Sinundan pala ako ni Chiennie. "Where are you going?"
"Ngayon ang flight ko di ba?" malungkot kong saad.
"Akala ko ba di ka tutuloy!" Nabigla ito.
"I need to, Chien. Nagpapasalamat pa rin ako kasi nagising si Isiah. Bago ako umalis. I see him awake and okay," sabi ko dito.
"Bumalik ka ha!" maluha-luha nitong sabi.
"Oo naman. Sa pagbabalik ko. Im a better person." Ngiti ko dito. Kahit na labag sa loob kung umalis ay kailangan.
I need to heal myself. Iiwan ko muna ang baby ko sa magulang ko. Isiah is awake now. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko at buoin.
Mapapanatag na ako sa pag alis ko. Tinalikuran ko na siya. Agad akong dumiretso sa airport.
Sasakay ako sa private airplane namin. Umakyat na ako sa airplane namin.
Nakita kung tulala ang kakambal ko. "Kung ayaw mong umalis. It's okay. Kaya ko naman ang sarili ko," ngiti kong sabi dito.
Nilingon niya ako. Nginitian. Hinawakan nito ang kamay ko. "I'll go with you. I need this. You need this," sabi nito sa akin.
Ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Masaya ako, kasi kasama ko ang kakambal ko. We need this time together.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito. Tinignan ko ang labas ng eroplano. Nasa himpapawid na kami.
Alam ko, mali ang ginawa kung pagtakas. Pero kailangan. I need to run away for everything. I need to skip. I need to find myself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro