Chapter 16
Isiah POV
UMUWI muna ako sa bahay namin. Pero iba ang nadatnan ko. My father bet my mother. Binubugbog nito ang aking ina.
"Help me, Isiah!" Pagmamakaawa nito. Agad na hinawakan ni daddy ang buhok ng ina ko kuno. Tinitigan ko lang ito ng matiim.
"Akala mo, di ko malalaman na nagpapanggap ka, 'yon ang akala mo. Don't underestimate us!"galit na saad ni daddy. "You, use my wife, face. Gaga ka kasi. Pokpok ka pa," sabi ni daddy sabay balibag sa ina namin na impostor.
"Ang ingay mo naman dad," naka cross-arm na sambit ng aking kapatid na nakapasok na pala sa bahay namin. Di ko alam na umuwi na pala ito. Tinignan lang niya ang impostor na nasa harap namin.
Lumapit ito at nag squat. "Poor you. Hindi mo kilala ang binangga mo. Ipagdasal mo lang na buhay pa ang mommy namin. If hindi. Ako ang papatay sa iyo!" Tumayo na ang kapatid ko
May galit sa mga mata nito.
"Dad. Pakibilisan na lang, magpapahinga muna ako. And just make sure na walang bakas. Baka tayo pa ang balikan," sambit nito. Saka Umakyat ito sa itaas. Tinignan ko ang babae. Umiiyak ito at puno ng pasa ang buong mukha. Binugbog kasi ni daddy nang binugbog. Akala siguro nila na di namin malalaman ang lahat.
"Akyat na ako dad." Paalam ko kay daddy. Akmang aakyat na sana ako ng nilingon kung muli ang babae. Dinala ito ni daddy sa basement. I'm sure, he will rape that woman. Or ipapagahasa nito sa mga tauhan nito. Poor her. Di kasi alam kung sino ang binabangga nila.
Amber POV
NAGISING ako sa isang di pamilyar na kwarto. Agad kung iginala ang aking paningin ng may mahagip ako.
"Tita!" gulat kong sambit. Di ako makapaniwala na nandito ang ina ni Isiah.
"How are you Amber," nakangiti nitong sambit sa akin.
"I'm okay. You? How are you Tita, di ba nila kayo sinasaktan dito? All this time. Nandito ka lang pala," umiiyak kong sabi. Di ko napigilan ang sarili ko, nito kasing mga nakaraang araw masyado akong emosyonal.
Ngumiti ito. "I'm okay, Amber, hija. Wala naman silang ginagawang masama sa akin, dahil kailangan pa nila ako. By the way, how's Isiah? Si Chiennie at Margaux. Kumusta sila," tanong nito sa akin. May ngiti sa labi nito, at bakas din sa mukha nito ang pangungulila sa pamilya nito.
"They're okay Tita, at alam ko ililigtas nila ako at isasama kita. Di kita pwedeng iwan dito," sabi ko dito.
"Sana nga mailigtas ka nila agad, sa lalong-madaling panahon, kahit wag mo akong isama hija. Malaman ko lang na okay silang tatlo ay panatag na ang loob ko, pwede na akong mamaalam," malungkot na sabi nito sa akin.
"Don't say that, Tita, mabubuhay ka ng matagal. Makakasama mo pa sila."
Bumukas ang pintuan at agad na hinila si Tita Danica, ng mga taong di ko kilala.
"Saan n'yo siya dadalhin? Tita!" tawag ko sa ina ni Isiah.
"Don't worry, about me, Amber. Hindi namin nila ako sasaktan," sabi ni Tita Danica sa akin. Agad akong nabahala sa kaligtasan ni Tita.
"Ang ingay mo naman, nakakarindi ang tinig mo, masyadong matilis." Nilingon ko ang nasa pinto. Kinuyom ko ang aking kamao.
"Napakasama n'yo talaga. Ano ba ang kasalanan namin sa inyo at ganun na lang ninyo kaming gustong pabagsakin!" galit kong turan dito. Wala akong mabanaag na dahilan para basagsakin ang organisasyon namin, lalo na ang organisasyon nila Isiah.
"Marami. Di ko nga lang mabilang." Nanlilisik ang mga mata nito.
"Kawawa ka naman. Ginagamit ka lang nila na para bang laruan," natatawa kong saad.
"Shut up!" sigaw nito sa akin. "Just shut up." Tinignan niya ako na nanlilisik mga mata. "Gusto kitang patayin, alam mo ba iyon."
"Di go. Gawin mo! I'm not scared to you! Hindi ako takot mamatay!" balik kong sigaw sa kanya.
"Kung di ka lang namin kailangan talaga. Matagal ka ng patay!" Tumayo ito. Iniwan ako sa loob ng kwarto.
Agad kung iginala ang paningin ko sa kwarto na ito. Wala akong pwedeng madaanan, once na makatakas ako. Ang tanging daan lang ay ang pintuan. Agad ko itong nilapitan at binusisi.
I check the lock. Masyadong matibay ang pagkakalagay. Iniwan ko ito at lumapit sa mga bintana. Masyadong mataas ay mga grills. Di agad ako makakadaan. Nakacross arms ako tapos ay nilagay ko sa baywang ko ang kamay ko.
Tinignan ko ang relo ko. Naka-off kasi kanina ang tracker kaya pasimple ko itong ini on kanina, habang nag-uusap kami ni Samantha. Yes, Samantha the bitch is here, isa siya sa mga dumukot sa akin.
Isiah POV
MAGPAHANGGANG ngayon ay di pa rin namin na lolocate si Amber, masyado ng maraming oras ang nasayang.
"Nalocate na po namin si Ma'am, Sir." Balita nang isa sa mga tauhan namin.
"Good! Saang location?" tanong ko. Agad akong lumapit sa monitor.
"Sa boundaries ng Maigo at Bacolod. Sa isang abandonadong bahay." Tumango-tango ako.
Agad akong lumabas nang kwartong iyon at agad na pinuntahan ang mga tauhan ko. Di na ako nag aksaya ng oras, madali kung pinuntahan ang mga tauhan ko. Naabutan ko silang naghahanda.
"Get ready. We will rescue Nathalie Amber De Luca, na locate na siya." Balita ko sa kanila. Agad si-pagkilos. Isa isa silang lumabas sa kwarto na ito para maghanda.
"Nalocated na daw si Amber?" tanong ni Chiennie.
"Oo!"
"Talaga," masaya nitong sambit. "That's good!" lumuluha nitong sambit sa akin.
"Maghahanda lang ako." Paalam ko dito.
Iniwan ko na si Chiennie doon, para maghanda. I need to save Amber. Baka mahuli ako at wala na akong maabutan doon.
Nauna akong lumabas kanilang lahat at agad na sumakay sa sasakyan ko. Agad kung binabaybay ang daan papunta sa lokasyon kung saan nila itinago si Amber. Ilang oras lang ay nakarating ako sa lugar. Puro puno ang nakikita ko. Tama ba ang lokasyon na pinuntahan ko. Agad na nakarating ang mga tauhan ko na may dalang laptop.
"Tama ba ito?" tanong ko dito.
"Yes, Sir. Nasa loob po nang kakahuyan na iyan ang lokasyon ni Ma'am Amber." Paliwanag nito sa akin. Abala ito sa laptop na dala nito.
Tumango-tango ako. "Okay, thank you!" Sumakay ito pabalik sa sasakyan.
"Move!" utos ko sa mga tauhan ko nang makarating na namin ang lugar. Pumasok na kami sa kakahuyan. Umabot kami ng isang oras bago namin narating ang abandonadong bahay. Puno ito ng armadong bantay na alam kung marami pa.
Maghintay ka lang Amber. I'm gonna save you.
Amber POV
Hinihila ako ni Niccolo sa kung saan, abandonadong bahay ang kinalalagyan namin ngayon, di ko alam kung saang part ng mindanao ito.
"Ano ba Niccolo. Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya. "Saan mo ba ako dadalhin."
"Sa lugar na di ka mahahanap ni Isiah! O ng kung sino." Nagulat ako ng nakarinig ako ng putok ng baril.
"Sir Niccolo, napasok po tayo!"
"Tangina. Magsikalat kayo!" Nilingon ako ni Niccolo. "Ikaw naman, sasama ka sa akin," sambit nito sabay hila ulit sa akin.
"Pakawalan mo ako, Niccolo." Bawi ko sa kamay ko na hawak niya. Pero masyado siyang malakas. Pag hinihila ko kamay ko, mas lalo lang nitong hinihigpitan.
"Aaayyyy!" Napatili at napatakip ako sa tainga ng sunod-sunod ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.
"Gago ka talaga Isiah! Ako ang papatay, sa iyo," nagngingitngit nitong saad. Nanatili ang mga kamay ko sa aking tainga.
Pero ng marining kung nandito si Isiah ay nabunutan ako ng tinik. Ligtas na ako. "Nandito si Isiah!" nagagalak kong saad.
"Oo at ako ang papatay sa kanya!" Madiin niyang sambit. Sabay hila sa akin.
"Niccolo!" sigaw ng isang tinig. Mula iyong sa aming likuran.
Humarap kami at nakita ko si Isiah. Nakatutok ang baril nito sa amin ni Niccolo.
"Isiah!" Ngumisi ito. "Long time no see." Ngising demonyo nito.
"Yeah! Long time no see. Give Amber to me," seryoso niyang saad.
"Ano ako gago? Hindi ako uto-uto." Nakangisi pa rin ito. Nagpupumiglas ako sa hawak ni Niccolo.
"Let me go, Niccolo," saad ko dito.
"Hindi. Akin ka lang, Amber. Akin!" sigaw nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "Nababaliw ka na. Kahit kailan ay di ako naging iyo!" sigaw ko nito.
"Akin ka, Amber. Kung di lang dumating si Isiah sa buhay mo. Ako sana ang papakasalan mo."
"Nahihibang ka na. Toddler pa lang ako kilala ko na si Isiah. Wala ka pa noon sa buhay namin. Umalis lang sila Isiah. Nangibang-bansa lang sila!" sigaw ko dito. Dahil na rin siguro abala kaming dalawa ni Niccolo sa bangayan ay di nito namalayan na nakalapit na pala si Isiah.
"Dami mong sat-sat," saad nito kay Niccolo sabay suntok at tadyak sa tiyan nito. Napahiga at napaigik si Niccolo.
"Halika na Amber." Gagap nito sa kamay ko, sabay hila sa akin. Tumakbo kami palabas.
"Wait, Isiah. Ang mommy mo." Pigil ko sa kanya.
"Don't worry. Nakuha na siya nila Liam. Ligtas na ang ina ko. Kaya halika na ng makaalis na tayo," saad nito sa akin.
Nagmamadali kaming lumabas, para makatakas. Nang makarating na kami sa sasakyan ni Isiah ay may biglang sumigaw.
"Isiah." Tumawa ito na parang demonyo. Sabay naming nilingon ni Isiah ang sumigaw.
Nanlaki ang mga mata ko ng si Niccolo iyon at nakasakay sa isang kotse. "Halika na, Amber," sabi nito sa akin. Kaya, dali-dali akong sumakay. Gayon din si Isiah. Binuhay nito ang makita at agad na pinahaharorot.
Napasigaw at napatakip ako ng tainga ng magpaputok si Niccolo na nakasunod sa amin. Mas binilisan ni Isiah ng pagpapatakbo ng sasakyan nito para di kami maabutan ni Niccolo.
"Isiah! Katapusan na ba natin?" umiiyak kong tanong sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko. Nginitian niya ako. "Kung ito na ang katapusan nating dalawa. Masaya akong mamatay, dahil kasama kita," sabi nito sa akin. Hinalikan nito ang aking kamay.
Napangiti ko, di maawat ang mga luha ko. Tama ka, Isiah. Kung katapusan na nga natin ito. Masaya din akong mamatay. Dahil hanggang sa huli ay tayo ang magkasama. Nagulat ako ng may biglang bumangga sa aming sinasakyan.
"Mas mabuti pang mamatay ka Amber. Kesa mapunta ka sa puntang-ina na iyan. Nang sa ganun ay walang makinabang sa iyo," sabi nito sabay tawa.
Nagdotdotan ang dalawang sasakyan, sasakyan ni Niccolo at Isiah. Hanggang sa nawalang ng control si Isiah sa manibela at bigla nalang kaming bumaliktad. Agad akong niyakap ni Isiah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro