9
Makailang ulit na pinanood ni Jasmine ang Tiktok video na dumaan sa FYP niya. Clip iyon ni Taehyung na nakasuot ng South Korean military uniform. Bago na rin ang gupit nito. Crew cut. Bagay iyon sa lalaki.
Sa bawat pag-ulit ni Jasmine sa video ay lalong nadaragdagan ang bigat na nadarama niya sa dibdib. Gusto niyang umiyak pero pinipigil niya.
Kung hindi lang sana malayo ang military camp e baka natingnan pa niya ang binata sa huling pagkakataon. Kaso wala eh. Nahihiya na rin kasi siyang umabsent. Kailangan niyang magpa-good shot sa trabaho ngayon.
Taehyung is her first. Wala siyang pagsisisi roon. Kung magkakaroon ulit sila ng pagkakataong ulitin ang nangyari ng gabing iyon ay hindi siya magdadalawang-isip na ipagkatiwalang muli ang sarili sa lalaki.
Gusto niya si Taehyung. Gustong-gusto. Pakiwari nga niya ay papunta na iyon sa pagmamahal, eh.
What happened that one fateful night between her and Taehyung made her feelings for him grew more.
Jasmine tried to control it, but it seems like her heart has its own mind. Hanggang dumating sa puntong hinayaan na lang niya ang sarili na magpatangay sa sariling damdamin.
•••
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Balik na ulit sa normal na ginagawa si Jasmine.
Iginigupo niya ang sarili sa pag-o-overtime. Hangga't maaari ay naghahanap siya ng pagkakaabalahan. Kahit nga sa pag-uwi ay nagbababad siya sa libro. Kapag wala kasi siyang ginagawa ay hindi niya maiwasang isipin si Taehyung.
Sometimes, she would go to the roof of the old apartment. Doon lang siya tatambay para umiyak nang umiyak. Nami-miss na niya kasi ang binata lalo pa kapag naaalala niya ang mga pinagsamahan nila roon. 'Yung mga panahong nagshe-share sila ng mga bagay sa isa't isa kahit hindi pa sila magkakilala. 'Yung mga panahong hindi man sila mag-usap habang pinagmamasdan ang city lights ay okay lang. 'Yung mga panahong iinom lang sila ng tig-isang bote ng soju habang ngumunguya ng Korean barbeque. Miss na miss na niya ang mga iyon.
Kung may kapangyarihan lang sana siyang ibalik ang panahon e ginawa na niya makasama lang muli ang lalaki.
Isang buwan pa ang lumipas mula nang ma-enlist ang BTS sa military. Medyo napoproseso na rin ni Jasmine ang lahat. Tanggap na niya ang paghihiwalay nila ng landas ni Taehyung.
•••
Nakapila sina Myra at Jasmine sa clinic. Annual physical exam nila ngayon. This is to ensure that the factory workers are still physically fit to work. Sagot naman ng kompanya nila ang gastos.
Every employee got a card indicating they are physically fit to work– except Jasmine.
"Ina-anxiety naman ako. Baka may cancer na pala ako na hindi ko lang alam," ani ng dalaga. Papunta sila ni Myra sa clinic ngayon.
"Ito naman, masyadong overthinker. Itanong mo na lang sa doktor."
Hindi mabilang na paghugot ng hininga ang ginawa ni Jasmine bago siya tuluyang pumasok sa loob.
Ilang minuto pa, lumabas ang dalaga na may brown envelope na tangan. Putlang-putla ang mukha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro